Loveless Story
September 30, 2023...
ngayon lang sumagi sa isip ko..
tauhan nga pala ngayon yung p*ta nung babaeng nagbinyag sa akin..
ibig sabihin, posibleng ipakita nung p*ta yung picture kung saan magkasama kami dun sa babaeng iyon..
kaya baka makilala ako nun..
pero sana naman ay hindi na niya ako natatandaan...
is feeling , gumugulo lang ang sitwasyon dahil sa sobrang tagal magbayad ng p*ta na iyon...
>
sabi kagabi ng management, duty na daw si Attendant Ry ngayong araw..
so mukhang nakauwi na sila kahapon..
pero hindi naman siya pumasok today...
grabe ang pera nila ngayon..
hindi pa pala nagtatapos doon sa bakasyon nila..
may bago pa siyang smartphone...
is 💔 feeling , bakit sobrang yayaman ng ibang tao..? bakit ako, hinding-hindi ko mabawi ang mga pera ko...??
---o0o---
October 2, 2023...
after 30 days..
bumalik na si Attendant Ry sa duty..
at least according sa lineup nila ngayong araw..
pero wala pa siyang entry para sa latest na pictorial nila...
is feeling , ano bang ginagawa niya...?
---o0o---
October 3, 2023...
nasa lineup si Attendant Ry kahapon kahit lagpas na sa 5:00 PM..
tapos wala na siya sa lineup ngayong araw..
pero nag-online siya kanina..
mukhang siya iyon, dahil wala namang naging batch activity ang management nila para sa araw na ito...
ano na naman kayang nakita nun sa kanyang account...??
nga pala..
may mga account na nagpaparamdam sa kanya sa isa niyang social media account..
posible kayang mga kliyente ang mga iyon...??
is feeling , mahihirapan talaga siyang makabalik lalo na kung hacker na ang nakahanap sa kanya...
---o0o---
October 4, 2023...
hapon na pala nakasama sa lineup si Attendant Ry kahapon..
mukhang gabi na ang duty niya ngayon..
paano siya tumatakas sa boyfriend niya...??
pero 1 week nang offline yung isa niyang messaging app..
then bumalik na din siya sa stealth mode...
is feeling , mukhang natatakot na naman siya...
---o0o---
October 5, 2023...
hindi siya nag-duty kahapon..
nasa stealth mode na din ulit lahat ng accounts niya...
is feeling , ano na naman kaya ang pinagdadaanan niya...??
---o0o---
October 6, 2023...
hindi ulit nag-duty si Attendant Ry kahapon..
nga pala, hanggang ngayon, wala pa ding inilalabas na bagong pictures niya..
hindi na din sila nagpapakita ng mga review about her, kahit pa nagdu-duty siya...
at nasa lineup na nga ulit siya ngayong araw..
matapos niyang ilagay sa stealth mode lahat ng social media accounts niya...
is feeling , mabigat-bigat din ang pinagdadaanan niya...
-----o0o-----
September 30, 2023...
[Trade]
sa 3rd pump ng OAX kagabi, nasa USD 10 yung hindi ko na-maximize..
at pagdating ng 11:30 PM, nangyari na nga yung buong araw kong hinihintay..
biglang pumalo nang mataas ang OAX noong wala na ako sa kanila..
at nasa USD 31 ang napakawalan ko dahil dun... 🙁
sablay din ako sa FIDA noong madaling araw..
USD 0.15 ang buying point ko, pero hanggang USD 0.152 lang ang ibinaba..
USD 11 sana yung naabutan ko pagkagising ko... 🙁
is feeling , bakit ayaw na ayaw mag-pump nang malaki kapag nasa loob ako...??
>
[Trade]
ayaw talaga..
paulit-ulit na lang..
hindi sisipa pataas ang palitan hangga't nasa kanila ako..
laging short para sa recovery, tapos lagi ding bababa..
pero kapag nagpalugi na ako ng benta, saka mala-himala na tumataas nang husto ang palitan...
is feeling , put*ng ina.. kailangang mamatay ang nilalang na nakabantay palagi sa lahat ng kilos ko...
---o0o---
October 1, 2023...
[Trade]
October na..
pero hindi pa din talaga ako nakakabawi..
more than 2 and 1/2 months na yung latest kong pagkalugi..
na pwede naman palang mabawi noon..
pero hinding-hindi nga mabawi habang nasa loob ako ng trade..
USD 38 pa ang layo ko mula sa dati kong level... 🙁
USD 14 yung napakawalan ko sa unang pump ng FIDA today...
problema pa ngayon na ayaw na namang bumaba ng market dahil alam nila na nasa labas ako ng trade at nag-aabang ng mababang entry point... 🙁
is feeling , kailangang mamatay ang nilalang na nagbabantay sa akin kung gusto ko na may mabago sa mga nangyayari sa akin.. pero paano...??
---o0o---
October 2, 2023...
[Trade]
USD 8 kaagad ang napakawalan ko sa OAX pagkagising ko kaninang umaga.. 🙁
USD 5 naman doon sa sumunod na short pump...
naiwan na din ako sa pag-angat ng FIDA...
tapos..
mataas pa ang level ng Bitcoin..
nakakatakot tuloy mag-invest dahil baka mahila lang in case na mag-dip...
is feeling , paano 'to..? walang bumabagsak dahil nasa labas ako...
---o0o---
October 3, 2023...
[Trade]
so nag-dip nga ang Bitcoin paulit-ulit kaninang madaling araw..
kaso walang hila sa OAX at FIDA..
halos nanatili lang sa mga level nila yung 2 asset...
tapos, kalokohan din talaga..
noong hindi ako makabili ng OAX, halos hindi bumababa yung price niya..
pero noong nakabili na ako, halos umabot naman kaagad sa USD 0.002 yung naging dip ng palitan niya..
naging ceiling na naman ang entry point ko..
ang lakas talaga ng demonyong taglay ko... 🙁
sumablay din ako sa FIDA..
nasa mataas pa din silang level kanina, kaya hindi ko inasahan na aakyat pa ulit sila..
USD 19 ang napakawalan ko dahil dun... 🙁
at ngayong gabi nga eh umaabot na sa USD 0.004 ang layo ko mula sa aking entry point... 🙁
is feeling , kung ano ka mang nilalang ka.. huwag mo akong wasakin sa nalalabi kong 2 years and 3 months dito sa mundo...
---o0o---
October 4, 2023...
[Game]
yung nakagawa ako ng medyo malakas na Rune..
kaso eh sa last day na ng Off-Season..
sa mga huling minuto pa nga eh...
simula na ng Season 6..
pero wala na..
top 10,000 players na lang ang may papremyo... 🙁
is feeling , basurang scam game...
>
[Trade]
umabot na sa USD 0.009 kaagad ang layo ko mula sa aking entry point..
pero gumawa ng early morning recovery ang OAX, kaso hanggang sa entry point ko lang..
USD 14 sana ang katumbas nun para sa akin.. 🙁
after that eh bumaba din naman kaagad ulit, pabalik sa dati niyang level...
tapos nag-pump ulit ang OAX bandang tanghali..
USD 24 sana iyon kung napakinabangan ko lang nang buo..
USD 9 naman sana kung nagamit ko para mag-exit..
kaso wala eh..
naniwala ako na posible pang tumaas ang palitan..
pero paulit-ulit lang na bumalik sa ibaba ng entry point ko..
USD 6 yung napakawalan ko sa 2nd pump..
USD 8 sa 3rd pump..
at USD 8 sa 4th pump..
USD 45 sana na recovery iyon para sa akin sa araw na ito... 🙁
para naman sa FIDA..
nagawa ulit nilang mag-pump nang malaki kagabi..
USD 40 sana iyon para sa akin..
surprisingly, nawala yung 6 to 7-day pattern nila, at nag-pump nga sila kahit kagagaling lang nila sa ibang pump..
tapos may USD 21 din noong tanghali...
is feeling , put*ng ina.. mag-pump ka hanggang USD 0.19 sa madaling araw...
---o0o---
October 5, 2023...
[Trade]
mali na naman ang desisyon ko sa OAX..
ang dami kong pagkakataon kagabi para maka-exit sa USD 0.173, na may USD 17 sanang kita..
pero umasa ako na posible ulit mangyari yung USD 0.19 na pump dahil magiging maganda ang chart..
USD 21 sana yung pump kung na-maximize..
pero matapos iyon ay bumulusok na kaagad siya pababa hanggang sa USD 0.159..
mula naman doon ay nakagawa pa sila ng USD 10 na recovery...
pero ngayon ay ang layo ko na ulit mula sa aking entry point... 🙁
is feeling , paano kung maging ang kamatayan ay hindi kayang wakasan ang taglay kong kamalasan...??
---o0o---
October 6, 2023...
[Trade]
bandang hapon..
umangat ang Bitcoin..
samantalang nag-crash ang direksyon ng OAX..
kaya delikado kapag bumaba ang Bitcoin at nanghila...
gabi naman..
ayun at pababa na nga kaagad ang direksyon ng Bitcoin..
pero gaya kanina, naka-reverse ang chart ng OAX kumpara sa kanila...
is feeling , kayanin ninyo.. kahit USD 0.165 muna para sa exit ko...
No comments:
Post a Comment