Loveless Story
October 8, 2023...
mukhang nagbura na at nag-deactivate ng mga social media account niya si Attendant Ry...
Sunday din ngayon, so off niya...
gusto kong mabawi na kaagad lahat ng pera ko..
para matulungan ko siya kahit papaano na makaraket..
sa pamamagitan ng Dream Date..
hindi siya tatagal kung totoong may banta na laban sa kanyang privacy...
is feeling , Lottery.. kahit ngayong gabi lang.. ibalik mo na lahat ng mga nawala sa akin...
---o0o---
October 9, 2023...
according sa nasagap kong balita..
mukhang bagsak na ang prostitution den ng Cerberus..
well, hindi ko sigurado kung bahagi pa din ba nung sindikato yung demonyong Tabachoy..
pero Karma na nila na wala na silang kompanya ngayon..
ang kabayaran sa pagtarantado nila sa akin..
una, nawalan sila ng karapatan na gamitin yung pangalan ng kanilang grupo..
at ngayon nga eh hindi na nila kayang mag-operate pa...
is feeling , sobra-sobrang kamalasan ang natatanggap ko, kulang na kulang ang Karma para sa mga nang-api sa akin...
>
nakatanggap ako ng ads mula sa management nina Attendant Ry kanina..
wala doon ang pangalan o larawan niya..
although, wala din naman sa listahan yung 1 pa niyang kagrupo doon...
nag-retire na kaya siya nang dahil sa pressure...??
is 💔 feeling , yung stalker na 'yon, winasak na niya ang lahat para sa akin...
---o0o---
October 10, 2023...
nag-online na ulit yung account ni Attendant Ry kagabi..
padalawang beses na yung nangyari..
na walang group task ang kanilang management, pero naa-activate nga yung account niya...
tapos 1 week na din ulit na offline yung isa niyang messaging app...
is 💔 feeling , wala na yata siyang tapang para magtrabaho pa...
---o0o---
October 11, 2023...
tapos na sa pagpapa-level up nung alternate account ko..
kailangan ko lang naman ng 10 voting powers..
makakabawas na ako sa mga gawain ko simula bukas...
is feeling , titingnan kung anong magiging impact...
>
so may babae akong nakilala sa loob ng community..
pero hindi siya involved sa industriya..
imposible, kasi gusto niya na stick to one lang..
nakakatawa lang na nagsimula yung conversations namin sa random na pagha-hi months ago..
nag-reply ako, pero sobrang late na siyang nakasagot sa reply ko para sa kanya...
nasa late 20's na siya..
single, pero galing na sa ilang relationships, at hindi na virgin..
pumasok na din siya dati sa live-in setup..
may itsura naman siya, pero naka-braces, nasa Category B base sa mga ginamit niyang pictures...
isang babae na nagkikimkim ng kanyang kalungkutan..
naghahanap ng pagmamahal at ng magbibigay sa kanya ng importansya..
lokong bata..
inalok ba naman ako na edi kami na lang daw muna..
aalagaan daw niya ako, pero bilang kapalit ay aalagaan ko din siya..
akala niya siguro na madami akong pera...
is 💌 feeling , sana nga ganung kadali lang iyon...
---o0o---
October 12, 2023...
nag-reactivate si Attendant Ry ng lahat..
sabi ko naman sa kanya, patagalin niya dapat ang pag-deactivate..
mga 1 taon..
pero mas magiging safe sana siya kung magsisimula na lang siya sa wala..
walang familiar na mga pangalan..
walang familiar na mga numero...
is feeling , walang malinaw na update...
---o0o---
October 13, 2023...
[Manga]
One Punch Man
yung tumulong si Saitama na pakawalan yung Dragon na threat daw laban sa sangkatauhan..
misyon na daan-daang taon nang sinusubukang kumpletuhin ng mga naniniwala doon sa Dragon..
pero para lang tuluyan nang wakasan ni Saitama ang ano mang banta sa hinaharap...
is feeling , loko-loko.. sigurista...
---o0o---
October 14, 2023...
yung mataas na klase ng depression ay nag-uugat sa perpektong level ng kamalasan..
yung fact na kahit anong gawin mo sa buhay ay hindi kailan man magiging tama... 🙁
is 💀 feeling , isa lang ang ending ng lahat...
-----o0o-----
October 7, 2023...
[Trade]
medyo nag-pump ang OAX kaninang tanghali..
USD 13 din na sablay iyon para sa akin..
tapos gaya ng madalas mangyari sa kanya lately, bumabagsak din siya kaagad pabalik sa pinanggalingan niyang level...
is feeling , USD 0.165.. pausap na.. sawang-sawa na ako sa kamalasan ko...
---o0o---
October 8, 2023...
[Trade]
so umakyat ang OAX ngayong hapon..
at maganda ang magiging chart niya kung ima-maximize lang sana..
naka-reverse din sila kumpara sa takbo ng Bitcoin...
USD 18 sana yung unang pump kung nagamit ko..
USD 18 yung ikalawa..
USD 7 yung short na ikatlo..
USD 7 din yung short na ikaapat..
USD 50 total sana iyon para sa akin...
anyway..
sakto naman yung exit ko gamit yung ikalawang pump..
USD 9 ang na-recover ko dahil dun..
kaso pumasok ulit ako sa USD 0.161..
selling point sa USD 0.163..
kinapos yung akyat para doon sa USD 0.1625 lamang..
at after that ay bumagsak na ulit ang OAX...
is feeling , huwag naman.. umakyat ka ulit sa lagpas USD 0.163...
---o0o---
October 9, 2023...
[Trade]
wala nang sumunod na pump kagabi..
matapos pumalpak yung short exit ko, bumalik na ulit ang OAX sa dati niyang level..
meaning nakakulong na naman ako sa parehong sitwasyon.. 🙁
sa halip na nakagamit ako ng panibagong bottom...
naniwala ako na tataas pa ulit ang OAX dahil sa kanilang trading volume kagabi..
in fact eh yung iniwan ko na nasa USD 7 Million, eh umakyat pa sa USD 11 Million kahit noong wala ng nangyayari na pump..
kaya sobrang nakakapagtaka na pababa lang ang direksyon niya habang dumadagdag yung USD 4 Million na iyon..
na para bang kagagawan ng demonyo... 🙁
nasa delikado na ulit akong level.. 🙁
lagpas USD 0.017 na ang layo ko mula sa entry point ko..
nag-crash pa siya mula sa dati niyang level dahil sa hila ng Bitcoin..
ang masama doon, maliitan lang naman ang dip ng Bitcoin, pero malakihan ang hila sa OAX...
is feeling , wala na.. USD 0.179 na lang ulit ang makakapagligtas sa akin...
---o0o---
October 10, 2023...
[Trade]
bumaba nga ang level ng FIDA below USD 0.16..
kaso nakakulong naman na ako ulit sa pagkalugi para magawa pang makipag-trade sa kanila...
tapos nagpa-pump ang OAX ngayong araw..
USD 20 yung nakawala sa akin sa unang pump..
USD 13 sa ikalawang pump..
at USD 11 sa ikatlong pump..
mali din ulit ako ng ginawa.. 🙁
chance sana yung huling pump para maka-exit ako nang konti lang ang lugi sa USD 0.159..
pero after that naman ay makakapasok sana ako sa below USD 0.15 na entry point..
pero hindi ko na naman inasahan na bubulusok lang ang palitan pabalik sa mababa niyang level... 🙁
is feeling , USD 44 na sayang ngayong araw...
---o0o---
October 11, 2023...
[Trade]
habambuhay na gaguhan na talaga 'to..
yung lalapit lang sa entry point mo, tapos bubulusok din naman pababa para manghinayang ka... 🙁
halos 3 months na..
pero wala pa akong nababawi sa mga napalugi kong pera..
laging alam ng market kung saan direksyon sila pupunta sa tuwing may investment ako... 🙁
gaya ngayong araw..
sa tuwing umaangat ang palitan ng OAX..
eh bigla namang nanghihila nang husto pababa ang Bitcoin...
is feeling , USD 0.163.. put*ng ina, mamatay na kayong lahat na nagpapahirap sa akin...
---o0o---
October 12, 2023...
[Trade]
nag-crash ang Bitcoin pababa sa panibagong level..
pero kahit papaano ay hindi naman malagim ang naging hila niya sa OAX..
kaso paulit-ulit ngang nasisira yung effort ng OAX na umakyat...
medyo umangat ulit ang OAX ngayong hapon..
USD 13 sana iyon para sa akin..
kaso nag-crash din kaagad pabalik sa recent bottom nila...
is feeling , kailangan ko ng USD 0.163 pamayang madaling araw...
---o0o---
October 13, 2023...
[Trade]
maganda na ang level ng FIDA kanina..
pero hindi ko naman magamit dahil nga nakakulong ako sa OAX..
tapos ayun, ang bilis na nakabawi ng FIDA...
is feeling , itinatapon ko lahat ng pagkakataon dahil sa kamalasan ko...
No comments:
Post a Comment