Loveless Story
October 14, 2023...
[Online Marketing]
halos secured na ang mga papasok na konting pera sa November..
may aasahang payout mula sa 2nd store after many months..
naabot na din yung quota sa 1st store..
at sa estimate ko, didikit din naman sa quota yung platform sa simula ng November...
is feeling , nami-miss ko ang 2017 at 2018...
>
bakit ganun..?
biglang naging 1 month nang inactive yung isa pang messaging account ni Attendant Ry..?
samantalang parang 2 weeks pa lang dapat yung 1 week inactive status nun...??
is feeling , hindi accurate...
---o0o---
October 17, 2023...
30 months ng mga utang..
1 year nang hindi naghuhulog.. 🙁
puros travel at outing..
tapos ngayon, wala na ring response ang kapatid niya sa tanong ko...
is feeling , put*ng ina mong demonyong babae ka...
>
ano ba 'yan..?
gusto na akong tawagan sa phone nung ka-chat kong babae sa community..
gusto daw marinig ang boses ko..
possessive na kaagad ang dating niya ah... XD
is feeling , anong plot twist 'to..? hindi kaya psycho killer siya...??
---o0o---
October 18, 2023...
wala na ang pangalan ni Attendant Ry sa lineup ng kanilang management..
pati yung recruit niya yata ay wala na rin kaagad doon..
pero hindi pa naman suspended ang account niya...
mukhang retired na siya... 🙁
is 💔 feeling , katapusan na talaga ng Dream Date ko.. dahil sa lubos na kamalasan na taglay ko...
---o0o---
October 19, 2023...
kagabi na lang nakatapos sa Xerex-mode ko na for last August pa..
dahil sa sobrang daming problema na gumugulo sa isip ko araw-araw, hindi ko tuloy matapos kaagad yung mga dapat kong gawin...
is feeling , lagpas 1 buwan in the making...
>
panahon na ng kampanyahan para sa family nina Attendant Ry...
ngayong wala ng pag-asa ang Dream Date..
ano na ba ang sunod kong pwedeng gawin..?
mukhang wasak na talaga ang lahat..
mukhang mamamatay na lang ako nang hindi nababawi lahat ng mga perang nawala sa akin...
is 💔 feeling , napaka-demonyo ng buhay laban sa akin...
---o0o---
October 20, 2023...
so mali pala ang interpretation ko dati (around 2010 something, panahon ng Blogger ads ng Google) kung bakit may similarities ang Christianity kumpara sa Islam..
hindi Christianity ang nag-base sa Islam..
imposibleng mangyari iyon dahil mas nauna pa pala ang Christianity kumpara sa Islam..
nagkaroon ng mga similarties dahil parehas na nakabase yung 2 religion sa Judaism...
Judiasm ang earliest monotheistic religion na naitala sa kasaysayan ng mundo...
kaya naman nakakapagtakang isipin kung bakit madami ang gustong burahin sila sa mundo..?
una, ang mga Nazi..
ngayon naman, ang mga extremist..
kung totoo ang alamat ng mga Israelita..?
ibig bang sabihin na nasa panig ng mga tinatawag na demonyo ang gustong umubos sa kanilang lahi...??
is feeling , the fact na walang pakialam ang mga extremist sa mga hostage ay patunay na kaso ito ng racism.. na kesyo okay lang na mamatay yung ibang lahi, pero hindi pwedeng mamatay yung ganitong lahi...
-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference II 2023
October 16, 2023...
3-1, panalo ang Creamline laban sa Choco Mucho...
so Morado-less ang Creamline, dahil nag-Import sa liga sa Japan..
pagsubok ito para kay Negrito, na Spiking Setter naman..
wala din si Atienza, galing daw sa injury..
hindi starters sina Baldo at Domingo..
pumalit kaagad kay Caloy ang mainit ang laro na si Pons..
sleeves lang naman ang nawala kay Sato..
2 na din ang Galanza sa team, kaya parehas na tuloy silang may initials..
so bale minus 5 main players para sa Creamline sa kanilang first game...
dinadaan lang nila sa depensa at opensa..
pero walang masyadong combination plays...
is feeling , para kay Galanza.. at kay Morado pa rin...
-----o0o-----
October 15, 2023...
[Trade]
3 months after akong magpalugi nang higit sa USD 80 dahil sa trap ng FATE..
heto at hindi pa rin ako nakakabawi..
laging hirap makapasok sa mas murang level sa tuwing nasa labas ako ng trade..
at laging hindi makabenta nang malaki sa tuwing may investment naman ako... 🙁
ngayong araw, pinatunayan din ng FATE..
na naman..
na palpak talaga ako na nilalang.. 🙁
kung nag-exit sana ako noon sa USD 0.159 ng OAX, na may USD 4 na lugi..
at kung nasakyan ko sana itong 2 bagong pump nila..
edi sana nasa USD 337 na ako ngayon..
naka-recover na sana ng USD 42..
at kumita na sana ng USD 13 mula sa punto noon bago ako nalugi ng USD 80 plus... 🙁
is feeling , pero wala talaga.. isa akong humihinga na purong kamalasan...
>
[Trade]
nag-pump ang OAX kagabi..
USD 22 sana iyon para sa akin...
USD 19 naman yung napakawalan ko sa morning pump nila kanina..
kaso kinapos na naman hanggang sa USD 0.1595 lang..
after nun nag-dip na ulit...
USD 0.163 lang..
pero ayaw nilang hayaan na maabot... 🙁
is feeling , ang dumi-dumi ng kapalaran ko...
---o0o---
October 16, 2023...
[Game]
nag-retire na sa Merge Boss na palaro ng Lazada..
nakakalibang naman yung laro..
hindi nakaka-stress..
kaso nagiging time-consuming kapag tumataas na ang level..
so kailangan nang mag-quit...
doon na lang ako sa bukirin ng LazLand..
mabilisan lang ang paglalaro..
may Php 60 pa na kapalit yung rice prize...
is feeling , retired...
>
[Trade]
gumawa ng pump ang Bitcoin kaninang tanghali..
halos stable lang buong araw ang OAX..
bagay na delikado in case mag-dip ang Bitcoin sa kanilang pag-akyat...
gabi naman..
mabilis na pumalo ang Bitcoin hanggang USD 30,000..
kaso ganun din kabilis ang naging pagbaba..
nahila tuloy ang OAX... 🙁
is feeling , parang awa nyo na.. kahit USD 0.163 lang...
---o0o---
October 18, 2023...
[Game]
end ng Rare Era sa Season 6..
wala..
laglag sa Top 10,000 eh...
lalo pang lumakas ang mga kalaban pagpasok ng Epic Era...
pero naisagad ko na lahat ng level ng mga libreng Axie ko...
is feeling , mga basurang Axie...
>
[Trade]
wasak na naman ako..
nangyari na naman..
ang epekto ng aking Curse Release... 🙁
so nag-pump nga ang OAX kagabi..
kaso ay kinapos na naman sa selling point ko..
4 na beses na iyon simula noong ma-trap ulit ako sa kanila..
kaya naman nag-decide ako na magpalugi na lang kagabi ng USD 4.. 🙁
at umasa na bababa ulit sa USD 0.14 something ang palitan...
kaso pagkagising ngayong umaga..
laking gulat ko na nasa USD 0.195 na ang OAX..
nakagawa pala sila ng nasa 60% na recovery dahil sa lakas ng naging Curse Release ko..
nasa USD 443 na sana ako ngayon kung nasakyan ko yung buong pump..
o kung hindi man ako nag-auto-sell, eh nasa USD 357 pa din sana yung dinatnan kong kita pagkagising ko... 🙁
ibig din sabihin na kung hindi sana ako nagpalugi..
at kung nasakyan ko lang sana yung 2 major pumps ng OAX hanggang USD 0.21 at USD 0.242..
edi sana ngayon ay naka-recover na ako hanggang USD 631...
is feeling , nananadya talaga ang basura kong kapalaran...
>
[Trade]
so pumasok ako sa FIDA matapos ang panibago kong kabiguan sa OAX..
pero kaagad gumana ang Reverse Midas ko at hinila pababa ang FIDA.. 🙁
USD 0.006 na kaagad ang layo ko mula sa aking entry point..
kaya naman nasa lugi na ulit ang status ko...
ngayon ko din lang napansin na mula sa around 45 Million ay umakyat na kaagad sa nasa 107 Million ang circulating supply nila..
meaning, hindi na magiging kagaya ng dati ang kanilang trend...
FIDA na lang sana ang pag-asa ko sa buhay..
kasi kung magagawa ulit nilang pumalo sa USD 1, eh makaka-recover na ako hanggang USD 1,847..
pero hindi ko na alam kung posible pa ba iyon ngayong higit pa sa doble ang inilaki ng kanilang circulating supply... 🙁
is feeling , lagot na naman.. puros kamalasan...
>
[Trade]
kaagad ngang bumaba ang FIDA pagpasok ko sa kanila kaninang umaga..
tapos nag-recover bandang tanghali..
USD 11 sana kung nasakyan ko yung pag-angat..
pero wala eh..
dahil ako mismo yung dahilan ng pagbagsak nila... 🙁
as usual..
naka-maintain bilang peak ang ano mang malapit sa entry point ko..
para masigurado ng FATE na ikalulugi ko basta nag-decide ako na lumabas sa trade... 🙁
is feeling , walang magagawang tama ang mga taong malas...
---o0o---
October 19, 2023...
[Trade]
nagawa pa ulit umakyat nang mataas ng OAX kagabi..
USD 120 sana 'yon para sa akin kung nasakyan ko lang..
kaso mahirap naman sumagal sa kasing-taas ng USD 0.186 na palitan..
bumaba na lang ulit sila sa dati nilang level ngayong araw...
samantala lalo pang lumayo ang FIDA mula sa entry point ko... 🙁
is feeling , magandang trabaho ang cryptocurrency trading.. pwedeng kumita ng Php 1,000 sa isang araw.. pero napaka-brutal na kalaban ng perpektong kamalasan...
---o0o---
October 20, 2023...
[Trade]
naka-exit na kagabi sa FIDA..
USD 6 lang ang kinita, tapos USD 2 lang kung ikukumpara sa dati kong level...
USD 12 naman ang kinita ko sa morning pump, at tama lang naman yung naging selling point ko..
kaso nahirapan nang makabalik..
nanghila kasi nang nanghila ang Bitcoin pataas..
umakyat na naman hanggang USD 30,000..
bagay na nakagulo din sa OAX, kasi mabilis silang nakalayo paitaas mula sa safe trading level...
is feeling , USD 15 pa ang layo ko bago ako tuluyang kumita.. mula sa level na naipalugi ko noon pang July...
---o0o---
October 21, 2023...
[Trade]
ang laki ng iniangat ng OAX dahil sa hila ng Bitcoin kahapon..
kahit pa wala naman silang masyadong trading volume..
USD 48 din sana iyon para sa akin..
kaso sobrang unusual talaga...
is feeling , Curse Release talaga...
No comments:
Post a Comment