Friday, October 27, 2023

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of October 2023 (Stealth Service)

Loveless Story


October 22, 2023

[Strange Dream]

si Attendant Ry..
sa isang classroom setting..
hindi ko nga in-expect na magiging classmate ko ang character niya...

may kung anong event daw sa school..
madami din akong hindi kilalang character na may interaction sa akin..
madalas daw na kasama ni Attendant Ry ang kanyang ina..
at madami ang pahiwatig na umiiwas na siya sa mga lalaki...

habang nasa isang room..
nang hindi naman ako umaasa ng kahit na anong interaction kay Attendant Ry..
nagulat na lang ako na bigla niya akong kinausap, habang busy siya na nakatungo at nagsusulat ng kung ano..
tinawag niya ang aking pangalan, sabay sabi na hindi na daw siya makakasama, na parang may tinutukoy siya na activity..
kaya naman ituloy na lang daw namin iyon ng isa sa mga kaibigan ko sa totoong buhay..
sinubukan ko daw linawin sa kanya kung ano ang kanyang tinutukoy..
pero hindi na daw siya sumagot..
paalis na din talaga ako noong bigla niya akong kinausap, kaya naman tumuloy na ako nang wala akong nakuhang sagot mula sa kanya...

sa isang bahay..
nakapansin daw ako ng update sa social media account ni Attendant Ry..
kaya naman isa-isa ko daw ch-in-eck ang mga larawan na i-p-in-ost niya...

is feeling , nag-e-edit na ang utak ko ng character profile...


>
[Online Marketing]

biglang may bumili ng mga hindi pa napipiratang projects ko mula sa 3rd store..
new customer..
Espanyol..
hindi din siya gumamit ng discount code..
sapat naman yung kita para mai-release sa next schedule..
ayun nga lang, humaba pa pala ngayon hanggang 90 days ang return policy... 🙁

huwag naman sanang mag-request ng refund..
at huwag naman sanang mauwi ulit sa piracy...

is feeling , kahit na ano, puwera piracy...

---o0o---


October 24, 2023...

okay..
so it turned out na nagsisinungaling sa akin yung babaeng nakikipag-chat sa akin...

may lumabas kasing picture ng bagong attendant ngayong araw..
at may kaparehas dun ng picture na dati niyang ipinakilala bilang siya daw..
so maalin lang 'yon sa 2 posibilidad..
una, na picture ng kaibigan niya yung ipinakita niya sa akin, at hindi naman talaga siya..
ikalawa, na siya nga iyon, at na hindi totoo na wala siyang kinalaman sa industriya at na gusto niya na isa lang na lalaki ang kanyang makakaparehas...

tapos ngayong gabi..
bigla na lang siyang nag-message sa akin na kesyo may malaki daw siyang problema..
hindi naman niya sinabi kung ano..
pero paulit-ulit siyang nag-sorry, at sinabihan na lang ako na mag-iingat daw ako palagi...

anyway, hindi naman big deal para sa akin..
pero ibig din sabihin na hindi ko nga siya dapat na pagkatiwalaan...

is feeling , ano kayang pinaplano niya laban sa akin..? o tinangka niya lang talaga na makahanap ng isang provider...??

---o0o---


October 25, 2023...

noong isang araw, nagbukas si Attendant Ry nung isang messaging app niya after more than a month of inactivity..
nag-reveal na din siya ngayong araw ng online status niya..
tapos, after more than 2 weeks ay nagbukas din siya kanina ng kanyang account doon sa community...

so ayun..
hindi pa pala siya retired..
wala lang yung pangalan niya sa disclosed list ng accounts..
pero part pa din siya nung grupo..
at nag-duty nga siya today...

is 💘 feeling , nandun pa siya...

---o0o---


October 26, 2023...

[Medical Condition]

nasa 2 years at 2 months na lang ang natitira para sa akin dito sa mundo..
pero mukhang makikisawsaw pa ang Hypertension para lalong pabigatin ang buhay ko.. 🙁
ngayon lang ako naka-experience ng matagalan na high blood, simula pa yata kahapon..
at ni wala pa ako sa 40's sa tayong ito...

150/100 na BP..
140/100 kahit uminom na ng gamot..
sabi ng biological mother ko, asawa daw ang kailangan ko..
para may outlet ako...

so mukhang ito na ang naka-assign sa akin..
ka-combo ang stress na dala ng lahat ng mga kamalasan ko sa buhay... 🙁

is 💀 feeling , bawal ang matiwasay na pamumuhay.. dapat miserable...


>
today, nagpasama na ulit si Attendant Ry sa lineup ng dati niyang management..
at doon naman siya nawala sa nilipatan niya...

mukhang kailangan niya talaga ng raket lately ah..?
habang busy siya sa pakikipagtaguan sa mga stalkers niya...

is feeling , mahirap ang ginagawa niya.. lalo't sikat siya...

---o0o---


October 27, 2023...

[Medical Condition]

ayun..
so ayaw ngang bumaba ng blood pressure ko..
hindi na matanggal yung over 100... 🙁

bawal na daw akong uminom ng gatas, kahit pa 1 teaspoon lang naman ako per day..
bawal na ang matatabang pagkain..
bawal na ang maaalat na pagkain..
bawal ang stress, na parang imposible naman na mangyari sa buhay ko.. 🙁
1 tasa na lang ang kanin ko every meal..
as usual, walang merienda..
many minutes of walking daily, at least 20 at ideal ang 30 minutes..
at kailangan ko na ring magpatay ng computer around 9:00 PM para makapaghanda na sa pagtulog...

is feeling , para sa One Piece.. wala ng natitira sa buhay ko...


>
wala na akong magagawa..
ito ang gusto ng FATE laban sa akin...

hindi nakaranas ng konting kaginhawaan sa buhay..
hindi mabawi ang mga pinaghirapang assets at pera..
pinutakte ng online piracy..
laging rare ang pagkawasak ng mga gamit..
at imposible na ding matupad ko pa yung Dream Date, dahil bawal na akong mag-take ng supplement dahil sa Hypertension ko... 🙁

sana lang magawa ko pang mairaos ang One Piece..
kasi kung mawawala ako nang hindi ko natatapos ang istorya ng Manga na iyon..
eh lalabas na wala talagang naging kabuluhan ang naging existence ko dito sa mundo... 🙁

is feeling , sana lang kayanin ko pa...

-----o0o-----


[V-League]


PVL All-Filipino Conference II 2023


October 22, 2023...

Game 2 para sa Creamline..
di na din pala nila makakasama si Domingo ngayong conference na ito..
maglalaro na din pala kasi siya bilang Import para sa liga sa ibang bansa..
so minus 2 key players na para sa Creamline... 🙁

3-0, panalo ang Creamline laban sa Cignal sa Batangas..
nakapahinga pa din si Atienza..
mahaba pa din ang pahinga ni Baldo..
at hindi pa din masyadong ma-activate ni Negrito ang Middle attacks ng Creamline..
kaso naging lason sa Cignal ang sarili nilang mga service error kontra sa malakas nilang attacking noong Sets 1 and 2...

is  feeling , para kay Galanza.. at Morado pa rin...

---o0o---


October 26, 2023...

3-0, panalo ang Creamline laban sa Gerflor..
3rd win na nila sa elimination round..
nagawa din nilang mag-experiment ng mga combination gamit ang kanilang full lineup...

is  feeling , para kay Galanza.. at Morado pa din...

-----o0o-----


October 22, 2023...

[Game]

katapusan na nung treasure chest ng mga SLP ngayong araw..
chance sana ulit para makakuha ng 100,000 na SLP..
so nasa Php 8,000 na lang iyon sa current na palitan...

pero wala eh..
ang dami kong panalo kahapon, pero 1 lang yung nakuha ko..
4 naman ngayong araw kahit papaano, bukod pa sa tumaas ang ranking ko..
kaso out of 8 chests eh ni walang nakaabot ng 5 digits o 4 digits man lamang..
siguro around 500 SLP lang lahat-lahat yung nakuha kong reward..
at nasa Php 40 lang iyon sa panahon ngayon... 🙁

is feeling , ayaw na ayaw sa akin ng suwerte.. sa lahat ng bagay...


>
[Trade]

missed opportunity sa FIDA kahapon..
dahil sa taas ng Bitcoin, nag-hesitate ako na pumasok sa FIDA sa USD 0.154, na dati kong entry point..
USD 32 yung napakawalan ko dahil dun.. 🙁
may kita na sana ako after more than 3 months...

dahil matataas pa ang market, eh nag-decide na muna ako na pumasok sa earn mode...

is feeling , crash naman.. hanggang USD 0.14 each...

---o0o---


October 23, 2023...

[Trade]

nag-pump ulit kaagad ang OAX pagdikit nila sa bottom ng trading volume nila..
lagpas USD 10 Million yung pumasok na volume at halos USD 0.03 ang naging pagtaas nun..
USD 53 sana iyon para sa akin.. 🙁
kaya naman wala na ulit ang OAX sa radar ko sa ngayon...

bandang tanghali, nagsimula na ulit kaagad na mag-pump ang OAX..
sa pagkakataon na ito ay wala ulit silang masyadong trading activity sa Binance..
USD 57 naman sana iyon para sa akin...

matapos medyo bumaba ang Bitcoin ngayong hapon..
nag-decide ako na sumugal na sa pagpasok sa FIDA..
kahit pa nasa mataas siyang level kumpara sa 2 huling pasok ko sa kanila..
since nasa mababang trading volume na din naman sila..
kailangan ko lang ng USD 0.184 o kahit USD 0.17 lang...

is feeling , USD 110 na sablay in 2 days...

---o0o---


October 24, 2023...

[Trade]

ang laki ng pump ng Bitcoin ngayong araw..
ilang libong USD din..
nakakatakot mahila kapag biglang bumaba..
ayaw din naman mag-pump ng FIDA..
kaya nag-exit na muna ako nang may USD 9 na recovery...

sayang naman na napalagpas ko yung quick short dip ng OAX, sabay recover..
iniisip ko kasi talaga na pumasok around USD 0.18..
pero hindi ko in-expect na may mangyayari nga na sudden dip from USD 0.19 plus..
USD 26 yung napakawalan ko dahil dun... 🙁

tapos FIDA naman ang umangat simula noong nag-offline ako ngayong hapon..
USD 12 sana iyon para sa akin...

is feeling , USD 6 pa ang layo ko bago ako makabalik sa huli kong naipalugi na value...

---o0o---


October 25, 2023...

[Game]

so may na-Craft ako noong isang araw na Epic Rune na pampadami kaagad ng Energy Fragment, na may special effect pa na AoE heal at AoE damage laban sa kalabang team..
at bahagya ngang lumakas ang team ko dahil dun..
from rank 15,000 plus ay nasa 8,000 plus na ako ngayon..
pasok sa required na top 10,000...

is feeling , titingnan kung hanggang saan aabutin ang hindi tutok na paglalaro...


>
[Trade]

missed opportunity sa mga dip kaninang madaling araw..
tama sana yung buying point na inaabangan ko kahapon sa OAX..
kaso nakakatakot mahila kung sakaling bibigay ang Bitcoin, kaya nag-cancel ako bago ako matulog..
USD 15 yung napakawalan ko sa OAX..
USD 14 naman sa FIDA kahit pa shorter yung pump nila...

ngayon namang hapon..
umangat kaagad ang FIDA matapos na mag-dip ulit..
USD 13 naman ang napakawalan ko sa pagkakataon na iyon...

is feeling , crash naman sa safe point...

---o0o---


October 26, 2023...

[Trade]

nakagawa pa ng late night pump ang FIDA kahapon..
USD 22 sana iyon para sa akin... 🙁

sa OAX naman..
nasa USD 11 yung pinakawalan ko kanina, habang umaasa na magpa-pump ang palitan..
kaso nanghila ang Bitcoin pababa nitong gabi..
napilitan tuloy akong umatras nang USD 3 lang ang na-recover... 🙁

is feeling , USD 3 pa ang layo ko bago makabalik sa huli kong level...

---o0o---


October 27, 2023...

[Trade]

sumablay ako sa pagpasok sa mas mabababang level sana kagabi..
kapos ang naging hila ng dip ng Bitcoin..
mas mahaba yung naging recovery ng FIDA, at nasa USD 13 sana iyon para sa akin...

pumasok na muna ulit ako sa OAX, kasi parang magiging maganda ang chart nila..
medyo umangat nga sila simula nitong hapon..
pero dahil ayaw na namang gumawa ng huge pump, eh nag-exit na muna ako nang USD 11 lang ang nare-recover..
kinapos ng USD 6 kumpara sa naging buong pump niya..
USD 11 naman yung na-miss ko sa 2nd pump...

is feeling , meaning USD 8 pa lang ang kinikita ko after more than 3 months, pero mula lang yun sa pondo ko this year...


No comments:

Post a Comment