Saturday, August 27, 2022

Back to School Disorder

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is 💀 feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 777...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
pero may mga kahalo dito na from 2021 pa...

update (134 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pabor na gawing optional ang pagsusuot ng face mask, kung kailan pa talaga tumataas na ulit ang mga kaso ng COVID-19
  • ang hindi pag-address sa banta ng misinformation laban sa bayan at sa kasaysayan
  • yung pag-veto sa bill na nagbibigay sana ng tax exemption para sa honoraria ng mga naging poll workers, samantalang may mga piling tao na madaming atraso sa hindi pagbabayad ng buwis
  • yung lagpas 1 buwan ang kanilang preparasyon, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kumpleto ang kanilang mga department heads
  • yung kagustuhan na magtalaga ng galing sa Judiciary branch sa ahensiya na nangangasiwa sa mga government-owned or controlled corporations (GOCCs), bagay na labag sa Constitution
  • yung itinalaga kaagad bilang Chairman ng COMELEC yung dati niyang abogado
  • yung personal na doktor daw ang itinalaga sa FDA
  • yung wala daw siyang inatake, dahil ang mga social media farm employees ang gumagawa nun para sa kanila
  • yung verbal na manipulation sa inflation value
  • yung naging ganap na yung vape bill by default
  • yung ayaw nang sumali sa International Criminal Court (ICC) dahil iniimbestigahan ng mga iyon ang mga irregularities sa war on drugs

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Cotabato City, yung mga anak ng Barangay Chairman at Tanod na nahuli dahil sa ilegal na droga
  • yung anak ng isang Mayor sa Negros Occidental na kasama sa mga nahuli sa isang drug buy-bust operation
  • yung jail guard sa Laguna Provincial Jail na nahuli sa buy-bust operation dahil sa pagbebenta ng shabu
  • sa Caloocan City, yung pulis na nahuli ng PDEA sa kanilang drug buy-bust operation, kung saan may iba pa daw itong mga kasamahan na pulis na nakatakas mula doon sa insidente
  • sa Badian, Cebu, yung pulis at 2 pa na nahuli sa drug buy-bust operation
  • sa Baguio City Public Market, yung katiwalian sa paniningil ng arrival fee
  • sa Pampanga, yung empleyado ng Angeles City hall na nahuli dahil daw sa pag-i-issue ng mga pekeng vaccination card
  • sa Cagayan, yung nakunan daw ng video na pananakit ng 1 lasing na pulis sa 2 construction worker
  • sa Masbate prosecutor's office, yung kaso na isinampa laban sa nasa 21 na pulis dahil sa pagkamatay ng mismo nilang kabaro dahil umano sa hazing
  • sa Nueva Vizcaya, yung pulis na napatay dahil daw sa pamamaril ng kanyang kapwa pulis na natagpuan din namang patay kalaunan

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung may nag-aalok na daw ng tig-Php 1 Million para sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero bilang kapalit ng pag-uurong nila sa mga kaso
  • yung mga madre na nadamay sa kasuhan patungkol sa pagpopondo daw sa mga rebelde

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung hanggang ngayon ay walang makapag-address sa kanila tungkol sa nangyayaring pagpapakalat ng misinformation sa social media
  • yung under lang ang bayan ng samahan ng international community kapag manlilimos ng tulong, pero kapag mga pang-aabuso na ang pag-uusapan eh independent lang ang bayan
  • yung plano na kaagad na umutang ng nasa USD 300 Million daw mula sa World Bank, para daw sa digitalization para sa pangongolekta ng buwis
  • ang banta sa reliable auditing
  • yung may nakapasok ng kaso ng Monkeypox sa loob ng bayan
  • yung may local case na daw ng Monkeypox dito sa bayan
  • yung nasa 21 days pala ang incubation period ng Monkeypox, bago posibleng magpakita ng symptoms ang carrier nito, kaso wala namang ganung katagal na quarantine para sa mga international travelers
  • yung nakapasok na rin sa bayan ang mas nakakahawa pa na Centaurus Omicron variant
  • yung maraming paglabag sa health protocol sa panahon ng balik-eskuwela
  • sa Bacolod City, yung nasa 300,000 na COVID-19 vaccines na na-expire na lang
  • yung nasa Php 5.1 Billion daw na halaga ng mga na-expire at mae-expire ng COVID-19 vaccines, base sa statement ay mukhang private sector ang nagpondo sa mga vaccines na iyon
  • yung ayon sa DOH ay nasa 20.6 Million na dami na ng doses ng COVID-19 vaccines ang either na-expire na o ang hindi naman nagagamit
  • yung pagtataas ng PhilHealth sa bilang ng libreng dialysis session hanggang sa 144 daw, samantalang ang daming balita tungkol sa kanilang mga pagkakautang
  • sa Bukidnon, yung kahon-kahon ng kamatis na itinapon na lang dahil daw hindi maibenta
  • yung nasa Php 400 to 500 na daw ang per kilo ng siling labuyo
  • sa Isabela, ang pagmamahal na din ng bentahan ng siling labuyo at maging ng bawang
  • sa La Trinidad, Benguet, yung pagbaba ng presyuhan ng mga gulay dahil sa oversupply
  • yung pumapalo na sa Php 400 ang per kilo ng sibuyas
  • yung pagtaas ng presyo ng puting sibuyas dahil sa kakulangan sa supply, umaabot na daw sa Php 600 per kilo
  • yung pumapalo na sa Php 100 ang per kilo ng asukal ngayong August 2022
  • yung ilegal daw na paglagda ng Sugar Regulatory Administration sa resolusyon para sa pag-import ng nasa 300,000 metric tons ng asukal
  • yung tangka daw na pag-angkat ng raw sugar, samantalang malapit na daw ang anihan ng tubo dito sa bayan
  • yung nasa Php 6.8 Billion daw ang backlog ng Land Transportation Office pagdating sa mga plaka, na gustong ihingi ng pondo para daw mai-outsource din
  • yung hanggang July 2022 ay may mga bumabiyahe para sa libreng sakay na hindi pa rin nababayaran para sa kanilang serbisyo
  • yung matagal-tagal na ring energy crisis sa Occidental Mindoro
  • yung panukala na suwelduhan ng Php 2,000 ang mga housewife, samantalang may klase na ng ayuda na ang requirement ay ang pagkakaroon ng anak
  • yung delayed daw na assistance na natatanggap ng mga nagrereklamong beneficiaries ng United Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST)
  • sa DSWD, yung sobrang pagdagsa ng mga estudyante at mga magulang para maghabol sa ipinangakong educational assistance
  • yung may mga 4Ps beneficiaries daw na nakiagaw pa mula doon sa ipinamahaging educational assitance ng DSWD, samantalang may version ng 4Ps na ang purpose ay para talaga sa pagpapa-aral sa mga anak
  • yung nasilip ng COA sa DOH pa rin, yung nasa milyun-milyong halaga daw ng mga gamot na either nasira na o malapit nang mag-expire
  • yung nasilip ng COA sa PS-DBM, yung nasa Php 1.3 Billion daw na halaga ng mga PPE na hindi naman certified ng FDA
  • yung nasilip ng COA na deficiencies sa naging paggastos ng DepEd, nasa Php 4.5 Billion daw na kaugnay ng distance learning
  • yung nasilip ng COA sa DepEd na naman for 2021, yung pagbili daw ng mga ito ng mamahalin na mga laptop, na luma naman ang mga processor, sa tulong ng PS-DBM, kung saan nasa Php 2.4 Billion daw yung involved na halaga
  • yung nasilip ng COA sa DepEd at PS-DBM, yung zero accomplishment daw ng mga ito sa pagbili ng textbooks at iba pang learning materials para sa DepEd
  • yung nasilip ng COA sa CHED, yung kabiguan daw nito sa pagpapatupad nung Smart Campus Development Program para sa mga state universities and colleges na nagkakahalaga daw ng nasa Php 3 Billion
  • yung nasilip ng COA sa CHED, yung nasa Php 130 Million daw na labis na ibinayad nila para sa 3 colleges
  • yung nasita ng COA sa TESDA, yung halos Php 95 Million daw na halaga ng mga hindi pa naipapamahagi na toolkits
  • yung pagsita ng COA sa BOC dahil sa pinabayaan nito ang nasa 974 na importers na makapagpatuloy sa kanilang mga transactions sa kabila ng paglabag ng mga ito sa mga patakaran at batas
  • yung nasilip ng COA na kuwestiyonable daw na pagbili ng National Dairy Authority (NDA) ng fresh milk noong 2021, nasa Php 100 Million plus ang pinag-uusapan na halaga
  • yung nasilip ng COA sa Department of Tourism for 2021, yung excessive daw na paggastos sa mga hotel at restaurant
  • yung nasilip ng COA sa Department of Human Settlements and Urban Development for 2021, yung kinukuwestiyon nila ang validity ng nasa Php 5 Million plus daw na halaga ng grocery allowance at COVID-19 response assistance para sa kanilang mga personnel
  • yung nasilip ng COA sa free Wi-Fi program ng DICT, may mga hindi daw gumagana o di kaya eh mabagal ang connectivity
  • yung nasilip ng COA sa DICT, yung nasa Php 93 Million daw na halaga ng mga gadgets na nabigo silang ipamahagi
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung nasa Php 1.9 Billion daw na halaga ng mga ayuda na hindi na naipamahagi pa
  • yung mga donasyon daw na pagkain at gamot para sana sa mga naging biktima ng Bagyong Ulysses sa Cagayan Valley, na na-expire at nabulok na lang sa warehouse ng DSWD
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung nasa Php 5.3 Million daw na ipinamigay sa mga dating rebelde, pero kulang naman sa mga dokumento
  • yung nasilip ng COA sa Department of Transportation, yung nasa Php 1.6 Trillion daw na halaga ng mga delayed projects
  • yung nasilip ng COA sa LTO, yung higit daw sa Php 3 Billion na ibinayad na para sa hindi pa naman kumpletong projects
  • yung nasilip ng COA sa DPWH for 2021, yung nasa Php 245 Billion daw na halaga ng libu-libong projects na maalin sa na-delay o hindi na nagawa pa
  • yung nasilip ng COA sa PNP, yung mga hindi pa natatapos na 4 na gusali daw
  • yung nasilip ng COA sa PNP, yung nasa Php 267 Million daw na halaga ng mga donasyong sasakyan na nabigo silang i-record from 2017 to 2020
  • yung nasilip ng COA sa DILG, yung umaabot sa Php 577 Million daw na halaga ng COVID-19 fund na hindi naman nagastos nung ahensiya
  • yung nasilip ng COA sa Human Rights Violations Victims Memorial Commission, dahil sa delay sa pagpapatayo ng Freedom Memorial Museum na para sana sa mga naging biktima noon ng Martial Law
  • yung nasilip ng COA sa Davao City, yung nasa Php 188 Million daw na halaga ng mga property, plant and equipment na inalis sa kanilang books of accounts
  • yung nasilip ng COA sa Office of the Vice President for 2021, yung unnecessary daw na pag-hire ng mga private lawyers at consultants...
  • yung nasilip ng COA sa Office of the President for 2021, yung mahigit sa Php 30 Million na ginamit sa mga repairs, kung saan nasa Php 157,000 plus ay unutilized roof tiles
  • yung nasilip ng COA sa Office of the President for 2021, yung nasa Php 33 Million plus daw mula sa Php 52 Million plus na i-t-in-ransfer sa NTF-ELCAC na unliquidated pa rin sa katapusan ng 2021
  • sa Cagayan de Oro, yung nasunog na imbakan ng mga bala at pampasabog ng militar sa Camp Evangelista
  • yung red-tagging ng Komisyon sa Wikang Filipino laban sa ilang mga libro, kung saan yung iba ay patungkol sa Martial Law
  • sa NTC, yung 2020 pa yung violation na sinasabi nila pero 2022 na ngayon at hindi pa rin nila natatapos yung isyu
  • yung muling pagkatalo ng isang kinikilalang journalist sa kaso, dahil ipinatupad ang bagong patakaran laban sa luma nilang nailathala na balita
  • yung tila mga mayayaman at maimpluwensiya lang ang nakikinabang sa pangkakaso ng cyberlibel
  • sa Negros Occidental, yung 4 daw na engineer at 1 staff ng provincial government na sinuspende at kinasuhan dahil sa paggamit umano ng mga government vehicle para sa inuman lang
  • yung shooting incident sa araw ng graduation sa Ateneo de Manila University, na nangyari kung kailan may umiiral na gun ban, at nanggaling pa sa ibang isla yung suspek
  • yung nasa 30 pulis na kinasuhan sa Ombudsman dahil sa kuwestiyonable daw na pag-aresto noon sa binansagang Tinang 83
  • yung kaso ng hit-and-run laban sa isang tricycle driver sa Quezon City kung saan sasakyan ng pulis ang involved, yung 5 pulis na kinasuhan dahil daw sa tila cover-up na ginagawa nila doon sa imbestigasyon
  • sa San Pedro, Laguna, yung 2 menor de edad na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 7 y/o na babae, na nakakatakas mula sa kanilang CSWD
  • sa COMELEC, yung gustong mag-request ng budget para sa sarili sana nilang gusali sa panahon kung kailan baon na baon na sa utang ang bayan
  • yung hindi totoong bahagi ng Minority yung naging Commission on Appointments Minority Leader
  • yung Senador na umamin na madami siyang hindi naiintindihan sa kanilang mga pagpupulong
  • yung proposal na bigyan ng reelection option ang mga kritikal na katungkulan sa bansa
  • yung planong papalitan ang pangalan ng isang airport na may historical value at meron ding unresolved crime sa loob ng napakahabang panahon
  • yung pagnanakaw ng credit para doon sa airport, samantalang nabuo na pala yung ibang mga bahagi nun bago pa man naghari ang kasamaan sa bayan
  • yung alternatibo daw na solusyon na ibalik na lang ang pangalan ng isang airport sa dati
  • yung nagsasabi na magiging independent daw ang branch nila, pero mabilis na ipinagtanggol ang mga kakulangan sa mga in-address na issue sa SONA
  • yung binigyan ng katungkulan na protektor na ngayon ng mga unpaid estate taxes, samantalang Supreme Court na nga ang nagdesisyon tungkol sa bagay na iyon noon
  • yung muling pagbasura ng Sandiganbayan sa nasa Php 200 Billion na civil forfeiture case
  • yung pelikula para sa historical revision, na namimigay na ng libreng tickets para lang mawasak nila ang kasaysayan sa isip ng mga walang utak
  • yung pagtatakip ng MTRCB para sa pelikula na may layunin ng misinformation at historical revision

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung celebrities na sinisiraan na ngayon ang history
  • yung direktor at yung pelikula na layunin na wasakin ang kasaysayan
  • yung historical revision na ginagawa ngayon ng mga social media farm employees, kung saan ibang angkan na ang ginagawa nilang mga demonyo sa paningin ng mga panatiko
  • sa social media, yung mga kabilang daw sa majority na tinatamaan at nagre-react, pero ang topic naman ay tungkol sa mga mapanirang online trolls
  • yung mga siraulong mamamayan na nagpapahayag ng suporta para sa assassination na ginawa nung doktor sa Ateneo de Manila University shooting incident
  • yung mind conditioning naman ngayon sa survey na kesyo reliable daw ang automated selection nila
  • yung noontime show na nagpasaway na sa Zamboanga del Norte sa panahon ng mga subvariant ng COVID-19 Omicron
  • sa España, sa Maynila, yung away ng mga kabataan sa kalye, na lumabag na rin sa mga health protocol
  • sa Bulacan at Pampanga, yung mga warehouse na nabuking ng BOC na nagtatago ng libu-libong sako ng asukal
  • sa Caloocan, yung mga nasamsam na smuggled daw na asukal at bigas mula sa isang warehouse
  • sa Silang, Cavite, yung 3 bodega na nakitaan daw ng nasa 350,000 na sako ng mga smuggled na asukal
  • sa Subic, Zambales, yung naharang na cargo vessel mula daw sa Thailand na may dalang nasa 7,000 metric tons ng asukal
  • sa payment center sa mall, yung halos 100% increase nila para sa kanilang service charge for bills payment
  • yung mga jeepney driver na mali ang discount na ibinibigay sa mga senior citizen, na Php 10 ang sinisingil sa halip na Php 9 lang
  • yung madalas na overloading daw ng mga delivery truck na nagiging sanhi ng mas mabilis na pagkasira ng mga kalsada
  • yung banta ng Marburg virus
  • yung panibago na namang banta na dala ng Langya Henipavirus (LayV), na may na-detect na daw sa Imperyo
  • sa Misamis Oriental, yung nasabat ng BOC na nasa Php 18 Million na halaga ng smuggled na mga sibuyas na mula sa Imperyo
  • sa Misamis Oriental, yung nasa Php 36 Million daw na halaga ng mga smuggled na sibuyas na galing na naman sa Imperyo
  • sa Manila Port, yung mga nasabat na smuggled na carrots mula na naman sa Imperyo
  • sa Cavite, yung nabistong bodega kung saan may mga nadiskubre na pekeng mga sigarilyo at maging mga pekeng BIR stamp, kung saan 4 na Imperial citizen ang nahuli
  • sa Parañaque City, yung 4 na Imperial citizen at 1 Taiwanese na nahuli sa buy-bust operation laban sa ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung nasa Php 272 Million daw na halaga ng suspected shabu na nasabat mula sa isang Imperial citizen
  • sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Cavite at Quezon City, yung umaabot sa Php 1.7 Billion na ilegal na droga ang nasabat, kasama na yung Php 272 Million from Quezon City kung saan 2 Imperial citizen ang nahuli
  • sa Malate, Maynila, yung nasa Php 102 Million daw na ilegal na droga na nasabat mula sa 2 Imperial citizen
  • sa Pozorrubio, Pangasinan, yung nasa Php 2.4 Billion daw na halaga ng hinihinalang shabu na nasabat sa buy-bust operation laban sa isang Imperial citizen
  • sa Pasay City, yung naaresto na Imperial citizen dahil sa pagdadala ng baril at hinihinalang shabu, bukod pa sa may kasong rape din daw laban sa kanya
  • sa Maynila, yung naaresto na 4 na Imperial citizen na suspek daw sa kidnap-for-ransom laban sa 3 kapwa nila Imperial citizen
  • sa Porac, Pampanga, yung nahuling 7 Imperial citizen at 2 lokal na mamamayan na mga suspek sa pagdukot sa isang Imperial citizen
  • sa Bacoor City, Cavite, yung 4 na Imperial citizen na nahuli dahil sa pagdukot nila sa kapwa nila Imperial citizen, nahulihan din daw ng mga ilegal na armas yung mga kriminal
  • sa social media, yung mga basurang Imperial citizen na ipinagdiwang ang assassination laban sa matino naman na dating pinuno ng Japan
  • yung marunong na rin ang Imperyo na gumamit ng mga pilotless na mga aerial vehicle
-----o0o-----


August 20, 2022...

sa DSWD..
yung sobrang pagdagsa ng mga estudyante at mga magulang para maghabol sa ipinangakong educational assistance...

is feeling , sabog na naman ang COVID-19...

---o0o---


August 22, 2022...

yung nasilip ng COA sa Human Rights Violations Victims Memorial Commission (HRVVMC)..
dahil sa delay sa pagpapatayo ng Freedom Memorial Museum na para sana sa mga naging biktima noon ng Martial Law...

is feeling , so bakit nade-delay..? ayaw ba...??


>
yung maraming paglabag sa health protocol sa panahon ng balik-eskuwela...

nakakaawa yung mga batang nagliligalig..
hindi nila alam kung gaano kadelikado ang magpahid ng luha in public, sa panahon ng COVID-19..
at may Monkeypox pa..
mukhang sasabog na naman ang sakuna... 🙁

is feeling , makikita after 2 weeks.. pero siyempre, may minus dahil sa hindi na aggressive na testing...

---o0o---


August 23, 2022...

sa Caloocan..
yung mga nasamsam na smuggled daw na asukal at bigas mula sa isang warehouse...

is feeling , paano tumagos sa borders...??


>
yung may mga 4Ps beneficiaries daw na nakiagaw pa mula doon sa ipinamahaging educational assitance ng DSWD..
samantalang may version ng 4Ps na ang purpose ay para talaga sa pagpapa-aral sa mga anak...

is feeling , mga ganid sa limos...


>
yung may local case na daw ng Monkeypox dito sa bayan..
yung 4th case...

lagot na..
may tumagos na nga sa mga borders... 🙁

is ⚠ feeling , pero ang totoong tanong ay ilan..? at saan-saan sila naroon...??


>
sa Badian, Cebu..
yung pulis at 2 pa na nahuli sa drug buy-bust operation...

is feeling , ang dami nyo...

---o0o---


August 24, 2022...

huwag hayaang makapag-expand at makabalik sa free TV channel yung TV network...

nasa social media ang totoong mga balita..
mga vlogger ang totoong tagapagbalita..
mga miyembro ng sindikato ang totoong mga diyos...

tapos nagtataka sila kung bakit ginugunaw na ang bayan...??

is feeling , kamatayan para sa lahat ng nagwawasak sa bayan...


>
yung hindi totoong bahagi ng Minority yung naging Commission on Appointments Minority Leader...

is feeling , wala siya doon dati...


>
yung may nag-aalok na daw ng tig-Php 1 Million para sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero..
bilang kapalit ng pag-uurong nila sa mga kaso...

is feeling , lagot na.. makapangyarihan, maimpluwensiya, at mayayaman talaga ang nasa likod ng krimen na iyon...

---o0o---


April 25, 2022...

sa Pampanga..
yung empleyado ng Angeles City hall na nahuli dahil daw sa pag-i-issue ng mga pekeng vaccination card...

is feeling , tulong sa pagpapakalat ng virus...


>
sa National Telecommunications Commission (NTC)..
yung 2020 pa yung violation na sinasabi nila..
pero 2022 na ngayon at hindi pa rin nila natatapos yung isyu... 

is feeling , ang bagal...

---o0o---


August 26, 2022...

sa Pasay City..
yung naaresto na Imperial citizen dahil sa pagdadala ng baril at hinihinalang shabu..
bukod doon ay may kasong rape din daw laban sa kanya...

is feeling , lahat na lang ng klase ng krimen...


>
yung nasilip ng COA sa DSWD..
yung nasa Php 5.3 Million daw na ipinamigay sa mga dating rebelde, pero kulang naman sa mga dokumento...

is feeling , ano din nga ba ang patunay na mga rebelde nga ang mga iyon...??


>
sa Negros Occidental..
yung 4 daw na engineer at 1 staff ng provincial government..
na sinuspende at kinasuhan dahil sa paggamit umano ng mga government vehicle para sa inuman lang...

is feeling , happy-happy...


>
sa Nueva Vizcaya..
yung pulis na napatay dahil daw sa pamamaril ng kanyang kapwa pulis..
natagpuan din namang patay yung suspek kalaunan...

is feeling , friendly fire on...

---o0o---


August 27, 2022...

yung madalas na overloading daw ng mga delivery truck..
na nagiging sanhi ng mas mabilis na pagkasira ng mga kalsada...

is feeling , at umamin pa sila na nagbibigay sila ng lagay para lang hindi na sila mahuli pa...


>
sa Silang, Cavite..
yung 3 bodega na nakitaan daw ng nasa 350,000 na sako ng mga smuggled na asukal...

is feeling , ready for overpricing...


No comments:

Post a Comment