Saturday, August 27, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Fourth Week of August 2022 (Passing of Anomaly)

Loveless Story


August 20, 2022...

[Online Marketing]

put*ng ina talaga ang buhay ko... 🙁

hindi pa ma-approve yung release ng project #17 ko..
gaya ng nangyari dati sa 2nd store..
naabutan pa ng bagong patakaran yung inilalabas kong project..
kailangan na namang magpasa ng mga documents..
at parang gusto na rin nilang makialam sa pricing...

kapag nagkataon..
parang ang pagpipilian ko lang ay magbenta nang mahal, pero may mga madi-discourage na buyers at hihirit na lang ng pirated copies..
o ang magbenta nang palugi, at lalong lamunin ng pandisdis na piracy...

is feeling , wala silang ibang plano kundi ang puwersahin akong magpakamatay...


>
nakakasawa na..
mag-asawa...??

eh put*ng ina, wala ngang babae na nagkakagusto sa akin..
mahirap lang ako..
sobrang malas pa..
kaya sinong matinong babae ang magkakagusto sa akin...??

itong pesteng buhay ko, parang katawan ko rin lang..
nabubuhay pa, pero unti-unti nang nabubulok..
wala akong kakayahan na mag-provide para sa iba..
ni wala akong kakayahan na makapag-provide nang sapat para sa sarili ko..
kung didikit ako sa ibang tao, automatic na magiging pabigat lang ako sa kanila..
binuhay lang ako para maging isang basura na tadtad ng mga kamalasan..
walang ibang purpose ang buhay na ito kundi patayin ang sarili niya...

is 💔 feeling , mamatay na kayong lahat na tumatarantado sa akin...

---o0o---


August 23, 2022...

medyo nakipag-usap kay Attendant Ry..
trying to cheer her up...

nauso kasi lately yung suspension..
i'm not sure kung may kinalaman ba iyon sa isang recent na naganap na raid..
dahil dun, hirap ang marami sa communication...

pati account ni Attendant M ay nadamay na rin sa suspension..
although hindi ko na siya kinausap pa, since hindi din naman siya talaga mahilig makipag-usap...

is 💌 feeling , i just wish na parehas silang maging safe parati.. sa kabila ng hirap ng sitwasyon...


>
[Gadget-Related]

inabot ng 7 days sa pagre-review for corrupted files..
may na-detect ngang 1..
at nakakuha na rin naman ako ng replacement file mula sa internet..
ang problema lang eh yung mga files na hindi madaling ma-doublecheck for possible corruption...

sa ngayon, umaabot na sa 8 files ang na-detect kong corrupted matapos ko silang mailipat mula sa hard disk ng dati kong computer...

is feeling , ang sakit talaga sa ulo nang walang portable SSD...

-----o0o-----


August 26, 2022...

[V-League]

Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women 2022

Creamline versus the World..
2 teams na ang nagawa nilang talunin..
Iran at South Korea..
nakaka-proud lang dahil hindi sila ang pinakamatangkad na lineup para sa National Team..
ni hindi nga din sila ang pinakamatangkad maging sa PVL...

pero malaking kalaban ang makakaharap nila sa Quarterfinals..
ang South East Asia's strongest, ang Thailand..
hindi yun magiging madali..
pero kailangan nilang ipakita kung hanggang saan sila aabot...

is  feeling , laban lang.. kahit makaagaw man lamang sila ng 1 set...

-----o0o-----


August 20, 2022...

[Game]

sa 8th day, kagabi..
nalaglag na ako mula sa Top 20,000...

may mga automatic akong talo dahil sa mga depekto sa skills ko..
hanggang ngayong araw eh meron pa din..
sobrang bobo lang ng mga developers..
simula pa noong last season, ang dami ng mga sumbong tungkol sa mga problema..
pero hindi naman nila naaayos...

2 araw nang 15/32 ang win rate ko..
dahilan kung bakit hindi ako makaakyat sa ranking..
pero kanina, nagawa ko nang makakuha ng mga pampalakas na item..
3 na lang ang kailangan ko at kumpleto na...

is feeling , 20 days left...


>
[Trade]

sa sobrang depressed ko..
hindi ko na napansin na may bago palang listing sa Binance..
STG ng Stargate..
at sa huli kong check ay nagawa niyang umangat by 160% sa loob lamang ng 24 hours..
magandang pagkakataon sana para magbawi ng mga nawala kong pera..
pero wala na..
dahil sobrang problemado ko, kahit nagbabasa ako eh hindi na rin lahat pumapasok sa utak ko...

lumipat na din muna ako sa GMT..
naghahabol ng 20% na APY..
at 25% na possible increase...

is feeling , gipit na gipit na ako laban sa mga kamalasan ko...

---o0o---


August 21, 2022...

[Trade]

natalo na ako dati ng Php 18,000..
tapos nadagdagan ko pa ng Php 3,000 lately...

kahit mag-invest pa ako sa bagsak na market, eh wala ding mangyayari..
dahil automatic na mas babagsak ang market basta't nagpasok na ako ng pondo..
paulit-ulit na babagsak lahat ng mga assets na hawak ko hangga't hindi ko tinatapos ang sarili ko.. 🙁
dahil 'yon lang ang patakaran para sa basura kong buhay...

dahil dun nasa USD 857 na yung kailangan kong bawiin..
o USD 1,532 sa Php 3.00 na palitan...

ngayong araw, yung POND naman na ulit yung gumawa ng recovery..
38%, at nasa USD 46 sana iyon para sa akin..
nagawa din iyon nung isa pang nasa listahan ko na NKN..
at ngayong hapon eh kumikilos na rin yung RNDR at nakagawa na ng 20% recovery...

is feeling , ako lang naman talaga yung malas...

---o0o---


August 23, 2022...

[Game]

so na-experience kong makaabante by almost 7,000 ranks ngayong araw..
at nasa Wolf division pa rin lang ako nito..
nasa around 16,000 rank, sa tulong na rin ng mga winning streak...

ibig sabihin na mataas na rank sa Bear division ang target para magawang manatili sa Top 20,000..
kailangan na hindi bumaba sa 50% ang win rate ko sa bawat araw...

ang problema..?
mukhang pinupuwersa ng system na ma-limit ang win rate ko sa maximum of 50% lang ng aking Stamina..
either dahil nade-detect niya na kapos nga sa sagad ang Stamina ko..
o dahil wala akong ginagamit na Ronin Runes and Charms...

is feeling , 17 days left...


>
[Trade]

made another mistake sa OGN kanina..
mali kasi ang pasok ko kahapon dahil parehas silang paangat ng Bitcoin..
nasa USD 0.188..
kanina umangat na naman sila, kaso biglang hinila ng Bitcoin noong oras na lalaki na sana ang 24 hour change value..
kung nagbenta sana ako nang palugi sa USD 0.1865..
edi sana nakapasok ako sa mas mababa na USD 0.18 na palitan, para at least napadami ko yung asset ko by 13 pieces...

is feeling , all in na lang.. USD 1 per 8 days ang target sa savings.. at USD 1 din mismo ang target na palitan...

---o0o---


August 24, 2022...

[Game]

sumali na rin ako sa video making contest..
50 AXS..
sana ito na yung maging daan sa pagbangon ko mula sa Axie Infinity Pyramid Scam..
pati na rin sa lahat ng naging pagkalugi ko sa trading nang dahil sa Reverse Midas na taglay ko...

hala, ganun pala ang screen recorder..?
nire-record din pati yung nasasagap ng microphone..
gumamit ng double editor..
ang hirap sa VLC eh, laging may depekto sa output..
mabuti na lang merong mas simpleng solusyon ang Windows...

is feeling , pakiusap.. kailangan kong manalo sa laban na 'to...


>
[Trade]

nagawa na namang mag-pump ng BLZ..
at pumaltok din ang Terra Luna token family...

LUNC, tapusin mo na ang paghihirap ko..
USD 0.05 na palitan...

is feeling , one hit KO...

---o0o---


August 25, 2022...

[Trade]

at sumabog pa nga yung BLZ..
nasa 187% ang iniangat..
nakabalik na sana ako sa USD 546 sa tulong nun...

ito yung mga pangyayari na pwede ko lang masaksihan..
pero hinding-hindi ko pwedeng maranasan... 🙁

is feeling , papatayin ako ng kamalasan na taglay ko...

---o0o---


August 26, 2022...

[Game]

sa 15th day..
nagawa ko nang mapasok ang Bear division..
sa tulong na naman ng mga winning streak..
nadali ako ng maraming talo kahapon, pero kahit papaano eh hindi ako sobrang nahila pababa dahil sa 2 set ng winning streak..
at ngayong araw naman, so far ay maganda ang performance ng team ko, kahit pa may dumaan na bagong patch...

less than 16,000 na ranking..
halos 8,000 na ranks ang naakyat ko mula sa pagbagsak ko kahapon..
nasa Tiger division pa yata ang safe zone...

is feeling , sana manalo talaga ako sa video making contest...


>
[Trade]

nag-pump na naman yung bagong STG token ngayong araw..
nasa 30% din...

ang LUNC naman, umabot sa 55% ang recovery..
from USD 198 eh nasa USD 307 sana ang naiakyat ko kung ganun...

tapos..
bumagsak nga ulit ang market..
kaso, nagkamali yung re-entry ko..
naiwan ko kasi na naka-auto-buy..
USD 0.765, samantalang umabot pa sa USD 0.755 ang pagbaba ng GMT...

is feeling , LUNC, abutin na yung USD 0.05.. habang nangongolekta ako ng dolyares sa GMT...


No comments:

Post a Comment