Saturday, August 13, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of August 2022 (Outcall Woes & the Hell of Origin)

Loveless Story


August 6, 2022...

bad news...

so nag-check ako sa GoFundMe ng mga crowdfunding na tungkol sa Axie Infinity Pyramid Scam..
at may ilan ngang lumabas..
pero karamihan sa kanila eh wala namang tumutulong...

yung iba eh nanghihingi ng pera para gamiting kapital doon sa laro..
yung iba naman eh humihingi ng saklolo matapos ngang mawalan ng malalaking halaga ng pera dahil sa ginawang daily rewards scam nung mga developers...

is feeling , put*ng ina.. pati sa GoFundMe masama ang reputasyon nung laro...


>
[Online Marketing]

ito ang worst performance ko sa 2nd store..
8 months na na-stuck ang kita ko dahil hinding-hindi ko maabot yung quota doon..
at sa 8 months na 'yon eh 4 months lang talaga yung may pumasok na sales..
hindi ko na lang nga hinintay na maabot pa yung quota, dahil kailangan ko na ng pera...

nakatulong naman yung lagpas Php 50 ngayon na palitan ng dolyar para mukhang lumaki-laki yung value niya..
pero medyo lumaki din ang transfer fee ngayon na umabot na sa 4.75% ng total sales...

bakit ko kailangang pagdaanan lahat ng 'to..??
mga put*ng ina ninyong mga hayop kayo...

is feeling , mabuti pa yung mga istorya na gaya ng Goblin Slayer, may kalayaan.. samantalang kami, nasa adult industry nga, pero ang tingin ng mga payment processor eh mga Kinder ang market namin...


>
nasa magkano na nga ba ako ngayon...?

Php 28,000 - payment receivables (Php 18,000 uncertain)
Php 19,400 - on hand
Php 33,700 - on bank & electronic wallets
USD 796 - on Binance (uncertain)
USD 60 - amount receivables

so lumalabas na nasa Php 53,100 na pala yung sure ko..
kaso kailangang bawasan ng nasa Php 5,000 para sa 24K na 1 gram gold bar..
bale Php 12,000 pa at magagawa ko na ulit subukan yung Dream Date..
kaso, wala naman si Attendant M sa nagdaang buwan..
at hindi pa natatanggal ang mga peklat ng tagihawat sa balat ko...

kung maglalabas ako ng Php 20,000 para sa evaluation nina Andrea Torres at AJ Raval..
magiging nasa Php 32,000 ulit yung deficit ko..
so magiging lagpas kalahati ang kulang..
hindi naman sana magiging problema 'yon kung nagbabayad na sana ng mga utang niya yung p*ta, para tuluyan na kaming maghiwalay ng landas..
pero heto nga, sapat naman sana yung pera ko, pero hirap na hirap ako sa lahat ng ginagawa kong retrieval... 🙁

ano nga bang dapat kong unahin..?
yung Dream Date..?
o ang maiwasan na madaanan ako ng retirement nina Andrea Torres at AJ Raval...??

is 💔 feeling , bakit kailangang mawasak nang ganito lahat ng mga plano ko..? bakit winasak yung finances ko...??

---o0o---


August 8, 2022...

so may kinausap ako sa management..
balik face-to-face class na pala si Attendant M, kaya busy na siya lately...

ibig sabihin..?
graduation niya pala ang kalaban ko sa karera..
it's either mauna akong makapag-propose..
o siya yung mauunang mag-retire...

tapos..
hassle kina AJ Raval at Andrea Torres..
kagulo ang setup..
mas gusto nila yung may threat ng kulong..
masyado ding gahaman sa pera si Andrea Torres..
Php 7,000 to Php 10,000 ang jump kung pipiliin na umiwas sa raid..
t*ng ina, halos 50% increase..
parang holdaper...

is 💔 feeling , mag-pari na lang kaya ako..?? o monk...?

---o0o---


August 10, 2022...

natapos na din sa postwork..
file reorganization muna...

tapos magsusulat na muna siguro ako tungkol sa estilo ng scam na ginawa ng masasamang tao na 'yon..
hindi ko palalagpasin ang diskriminasyon na ginawa nila...

is feeling , bait and withdraw...


>
huwag na muna..
mas mahalaga ang reputasyon kumpara sa adventure time..
hindi sa may halaga ang reputasyon ko..
pero mas mabuti pa rin ang hindi magkaroon ng kinalaman sa mga awtoridad...

si Andrea Torres na rin naman ang nagsabi..
Php 5,000 lang talaga yung sa kanya..
Php 7,000 lahat-lahat..
pero Php 10,000 kung lalayo pa kami..
so ibig sabihin, Php 5,000 yung patong kapalit ng safety at privacy ko..
at sobra-sobra lang talaga iyon..
masakit sa ulo...

is feeling , ihahanda ko na lang yung budget para sa Dream Date.. kung anong lalabis dun, saka ko iisipin kung gusto ko bang tanggapin yung challenge nina Andrea Torres at AJ Raval...


>
[Gadget-Related]

bakit ba kasi palpak na UPS ang natapat sa akin...??

wala na..
wala na ngang silbi ang UPS ko..
wala ng backup power, at nagsisilbi na lang na AVR..
napakadalas pa naman ng power interruption at outage sa bayan na 'to... 🙁

mula June 26, 4 na beses nang nagagasgas ang hard disk niya..
konting paltok lang ng kuryente at automatic na namamatay at nagre-reboot..
mukhang gustung-gusto talaga ng FATE na wasakin lahat ng memories ko...

ang basurang buhay na 'to..
nakadisenyo lang talaga para mawasak...

siguro nasa Php 10,000 o lagpas ang kailangan ko para maisalba ang Unit 02 ko..
Php 3,000 o plus para sa ikatlong UPS..
at Php 6,000 plus para sa external o portable SSD...

Lottery..
ano..?
maawa ka na..?
wasak na wasak na ako sa Axie Infinity, sa Binance, sa adult industry..
wala ka ba talagang gagawin..?
kailangan ko ng labis-labis na pera..
yung tipo na hindi na ako manghihinayang na bumili ng bagong UPS at ng external SSD...

ewan..
siguro kapag umabot pa 'to sa 5th crash..
kailangan ko nang gumalaw ng pondo... 🙁

is feeling , hindi ko kailangan na mabuhay nang matagal.. pero gusto kong mabuhay nang kumpleto...

---o0o---


August 12, 2022...

ayun..
so bawal naman pala talaga akong gumamit ng GoFundMe, dahil hindi saklaw ang bayan ng mga teritoryo kung saan sila may serbisyo.. 🙁
makakagamit lang ako nun kung may katulong ako sa abroad...

bakit ko gustong mabawi din yung naging puhunan ko doon sa Axie Infinity Scam..??
bukod pa sa mga nasahod ko na, pati nga yung iba na nalugi na nang husto sa trading...

nag-invest ako doon sa laro, para kumita ng additional na pera..
dahil nga madali akong nalamon ng pandisdis na online piracy sa trabaho ko..
naglaan ako ng oras ko para maglaro nang maglaro..
tiniis ko yung stress na kapalit ng paglalaro..
kaya ang sakit tanggapin na balik investment lang talaga yung mangyayari..
kasi mangangahulugan 'yon na nagsayang lang ako ng oras at pagod..
kung ganun din lang kasi, edi sana ibinuhos ko na lang lahat sa trabaho ko, para madami na akong naimbak na projects..
kaya hindi ko matanggap na ginamit lang nila kami para gawing gatasang baka ng mga mayayaman nila na players...

is feeling , t*ng ina.. naging manlilimos na...

-----o0o-----


[V-League]

August 6, 2022...

PVL Invitational Conference 2022

so sumablay ang PVL sa pagkuha sa Kobe Shinwa..
nadali daw kasi ng COVID-19 yung Japanese team..
sayang, kasi nga Japanese experience sana yun para sa mga local teams na natitira sa Semifinals..
at kilala ang mga Japanese sa speed ball...

bilang solusyon..
National team na lang ng bansa ang ipapalit nila sa Kobe Shinwa..
at currently binubuo yung team ng UAAP Champions from National University...

sa panahon noon nina Robles at Lacsina, at iba pa, before the pandemic..
napatunayan ng mga commercial teams na hindi pa sapat ang dating puwersa ng NU laban sa kanila..
pero ano kayang maipapakita ng enhanced lineup ng UAAP Champions...??

is feeling , National na National talaga.. kaso hindi din naman natuloy...

-----o0o-----


August 7, 2022...

[Game]

bad news na naman... 🙁

dahil sapat na yung naipon ko na ingredients..
minabuti kong i-test ulit yung hypothesis ko kaninang umaga..
unfortunately, lumalabas na mali ako..
mukhang yung mga numero eh doon mismo ina-access mula sa server..
kaya hindi kayang gamitin ang parehas na bilang ng resources sa maraming pagkakataon, para doblehin ang output..
ibig sabihin na hindi ako eligible para doon sa USD 2,500... 🙁

is feeling , kahit USD 100 man lamang...??


>
[Trade]

kitang-kita na naman ang anomaly sa asset kung nasaan ako.. 🙁
halos stable naman ang Bitcoin..
nakagawa rin ng pag-doble ng trading volume ang OGN..
pero walang nagiging pagsipa sa kanyang palitan...

ibig sabihin na hino-hold talaga yung asset ng matinding kamalasan na taglay ko...

is feeling , walang kakayahan na magising sa isang umaga na malaki na ang palitan...

---o0o---


August 8, 2022...

[Trade]

ROSE..
SLP..
GRT..
sila naman yung mga gumawa ng recovery ngayong araw...

pare-parehas na nasa USD 37 plus sana na recovery 'yon para sa akin, kung mula sa USD 167..
pero wala eh..
hanggang ngayon, naka-stuck ako below USD 140..
walang dahilan, basta malas lang talaga ako... 🙁

is feeling , hindi ako kailan man magiging tama.. kamatayan lang ang tanging tama para sa basurang buhay na 'to...

---o0o---


August 9, 2022...

[Trade]

1 month na akong naka-stuck sa OGN.. 🙁
ibig sabihin..?
1 buwan na siyang hindi maka-pump dahil sa kamalasan na dinala ko sa kanila...

USD 0.27..
pero talagang mas pinabagsak pa nila yung asset mula doon..
500 levels ang layo ko..
samantalang yung ibang mga assets, basta wala akong pag-aari, eh kaya ang 1 to 2 or more pumps per month...

is feeling , hinding-hindi ako makakabawi, dahil dala-dala ko ang kamalasan...


>
[Trade]

at heto na nga ang mga assets na nakagawa ng recovery ngayong araw... 🙁

RSR..
na naman..
nasa USD 25 sana 'yon para sa akin..
at kung tutuusin, sa 1 buwan na naka-stuck ako sa OGN..
eh nakagawa naman ng 2,400 plus na recovery ang iniwan kong RSR...

REN..
malaki na nasa USD 78 na recovery sana para sa akin...

IDEX..
ang asset na matagal nang gumagawa ng mga pag-pump...

nakakapagod nang makita lahat ng mga kamalasan ko sa bawat araw na dumadaan..
na dala ng kung anong mga maligno ng FATE..
alam na alam nila na masasaktan ako na makita na maglaho lahat ng mga pinaghirapan ko..
at masaya sila na ginagawa ang entertainment nila na ito laban sa akin... 🙁

is feeling , wala na.. wala na akong pag-asa...

---o0o---


August 11, 2022...

[Trade]

MFT naman ang gumawa ng recovery simula kahapon..
USD 127 sana iyon para sa akin..
pero after more than 1 month, eh talagang nakakulong pa rin ako sa OGN...

is feeling , kailan ako makakatakas mula sa loop na ito...??

---o0o---


August 12, 2022...

[TV Series]

worst move ng Ang Probinsiyano..?
yung in-introduce nila yung character ni Mara para lang magtapos na underdeveloped yung plot na related sa kanya...

sobrang brutal ng ginawa ni Cardo sa Alpha team..
lalo na yung kina Major Opeña at Major Basco..
lubos na nakakalungkot, kasi ang tagal na ng grupo nila na lumalaban sa kasamaan, habang sila yung nagigipit..
pero sa bandang huli ay hindi man lamang nila na-enjoy ang paglilinis na ginawa nila para sa bayan..
kaso iyon ang realidad ng buhay..
accurate ang depiction ni Cardo sa kasamaan ng mga terorista at ng mga tiwali sa totoong buhay..
yung torture..
yung pamumutol ng body parts..
yung panggagahasa..
yung pagpatay..
pati yung pagbibihis kalaban sa mga bihag eh napanood ko na sa mga movies...

ang weakness nung plot nila..?
kagaya din sa realidad..
alam ninyong halang ang mga kaluluwa ng kalaban, kaya bakit kayo aasa na may maililigtas kayong mga bihag..?
tukoy ninyo ang lokasyon ng kanilang kampo, kaya bakit hindi na lang bombahin mula sa himpapawid...??

is feeling , accurate...


>
[Game]

wala na..
inalis na ang SLP mula sa V2..
inilipat na sa Origin, pero parang wala na rin namang rewards para sa mahihirap na players...

kailangan muna kasing umabot sa Boar division bago ma-unlock ang pagkita ng SLP..
sa Wolf division naman, kung sakaling kailangan mong humingi ng tulong mula sa isa sa malalakas na libreng Starter Axies..
at base sa experience ko sa mga naunang version ng Origin, eh hindi madali ang makarating sa Wolf...

1 to 2 SLP per win na lang ang pwedeng makuha mula sa mga division na iyon..
kumpara sa dati kong nakukuha na nasa 5 to 6 per match..
mula sa dating at least 150 SLP per day, eh bumaba na siya nang husto para sa akin, na nasa below 15 na lang..
bukod pa nga dun ang pagbaba ng dati kong Energy, na Stamina na ngayon, sa below 20...

t*ng ina..
USD 3 ang fee para sa pag-mint ng NFT na Runes and Charms, na susi para maging malakas..
ni hindi nga ako umaabot sa USD 4 sa kada-15 days na sahod ko..
tapos mas mahal pa ngayon ang fee kesa sa halaga ng mga Axie ko...??

sa ngayon, susubukan ko muna kung hanggang saan aabot ang paglalaro nang walang ginagastos na SLP at USD 3 minting fee..
titingnan kung makakaabot ba ako sa top 20,000 players this time..
kahit na mas pinaliit na nila ang AXS rewards...

is 💀 feeling , gipit na gipit na...


No comments:

Post a Comment