Saturday, September 3, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Days of August 2022 (Strategic Placing)

Loveless Story


August 29, 2022...

[Manga]

yung isa ka sa mga Yonko..
nasa ilang bilyong Beli ang bounty mo..
pero ginugulpi ka lang at ikinukulong pa ng Navigator ninyo..
Yonko talaga ang level ni Nami..
may kakaibang Haoshoku Haki siya...

is feeling , ang lupit ng toyo ng isang babae...

---o0o---


August 30, 2022...

nasa punto ako ng walang kuwentang buhay ko kung kailan puros kahihiyan na lang ang dala-dala ko..
hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa mga tao kung bakit lahat na lang ng pasukin kong pagkakakitaan eh nauuwi lang sa mga pandaraya o sa pagkalugi..
hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kung bakit wala pa akong pondo para sa pagpapalibing ko...

is feeling , sobrang nakakapagod na mabuhay bilang isang basura...

-----o0o-----


[V-League]


AVC Rank 6


August 28, 2022...

Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women 2022

maganda ang naging performance ng Creamline laban sa Thailand kagabi..
at tinupad naman nila ang hiling ko na makuhanan nila ng 1 set ang Strongest in South East Asia..
nagawa nilang dumikit sa Thailand for 3 sets..
at hindi lang iyon, dahil madami sa mga naging puntos nila eh nagawa nila mismo laban kay Chatchu-on Moksri...

pero anong nangyari..?
less than 24 hours after ng match nila kagabi..
eh tinalo naman nila ang Australia sa isang 5-setter na laban..
dahil dun eh may pagkakataon na ang bayan na makasungkit ng 5th or 6th place sa AVC..
bagay na matagal nang hindi nagagawa ng national team...

currently nasa 120 ang rank ng bayan sa FIVB, for women's volleyball senior division..
tinalo nila ang Rank 74 na Iran..
tinalo nila ang Rank 21 na South Korea..
tinalo nila ang Rank 58 na Australia..
at nakipagdikitan at nakuhanan nga nila ng 1 set ang Rank 14 na Thailand...

is  feeling , at least naipakita na ngayon ng Creamline kung ano talaga ang mas kailangan ng isang National Team na para sa bayan na ito...

---o0o---


August 29, 2022...

Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women 2022

battle for 5th place..
Creamline versus Chinese Taipei, ang FIVB Rank 64..
ipinakita ng team na kaya nilang makipagdikitan madalas hanggang 20 points, at in fact ay na-extend pa nga nila yung Set 1..
medyo madami lang nga silang errors today...

kaso mas lumalakas maglaro ang Chinese Taipei sa tuwing nasa 20th point na nga sila..
dahil dun ay nagtapos lang sa 6th place ang bansa sa recent na AVC..
pero iyon ang pinakamataas na rank na nakuha nila sa loob ng nakalipas na maraming taon...

impressive ang performance ng Creamline..
hindi nila tinatrato yung mga kalaban nila bilang pang-international ang level..
basta ini-execute lang nila yung mga plays nila gaya ng ginagawa nila sa local matches nila..
maganda ang ipinakita ng halos lahat sa kanila..
pero 2 siguro sa pinakamagaganda ang naging performance ay sina Atienza, dahil dumepensa siya laban sa mga national team players ng matataas ang FIVB ranking..
at si Domingo dahil naging effective siya na Middle Blocker sa international stage, to think na mas lalakas yung laro niya habang ang kalaban ay mga international players...

is  feeling , samahan ang totoong kailangan para sa isang reliable na national team...

-----o0o-----


August 27, 2022...

[Trade]

yung kahit may issue sa bankruptcy..
eh nagawa pa rin ng VGX na mag-pump na ulit, kaagad..
at partida pa na ni hindi pa nga niya naaabot yung magandang point before i-pump...

174% na recovery sa kabila ng paulit-ulit na pagbagsak ng Bitcoin..
nasa USD 542 na sana ako nun..
pero wala..
puros kamalasan lang ang dala-dala ko sa lahat ng pinapasukan ko ng pondo... 🙁

is feeling , nilikha lang ako para kumbinsihin na wakasan ang buhay ko...


>
[Trade]

at kapansin-pansin nga na nalipat yung anomaly na dala-dala ng Reverse Midas ko sa GMT..
una, paulit-ulit nang bumabagsak ang Bitcoin..
kung dati, naranasan ko sa OGN na mahila pababa by 1,000 at 700 levels..
this time eh nakakapagtaka na 180 levels lang ang kanyang ibinagsak..
samantalang ang GMT eh nahila by 700 levels..
isang malaking put*ng inang patunay na ako ang nagdadala ng kamalasan sa lahat... 🙁

noong nag-invest ako dati sa OGN, biglang nag-alisan ang mga investor..
at ngayon naman na nasa GMT na ako, eh ganun din ang nangyari..
ang taas na ng trading volume niya, pero dahil lang sa nagbebenta na yung mga dating investor... 🙁

hindi titigil ang FATE hangga't hindi nila ako nakukumbinsi na tapusin ang buhay ko..
gusto nilang ma-emphasize na hinding-hindi sila papayag na makakita ako ng pag-asa laban sa buhay..
ni hindi ko na alam kung kanino pa ako hihiling ng kabutihan..
dahil hindi ko na alam kung ano ba 'tong napakalakas na entity na umaatake sa gatiting na existence ko...

is feeling , sobrang nakakapagod na masaksihan ang buhay na nilikha lang para magpakamatay...

---o0o---


August 28, 2022...

[Game]

struggling sa early Bear division..
ang lakas ng pahila ng sistema pababa..
alam naman kaagad kapag may game-fixing...

natalo din ako sa video making contest sa first week..
ang sakit lang..
wala naman kasing kakaiba sa mga napili nilang winning videos...
kapag hindi ako nanalo doon sa contest..
wala talagang pag-asa na maka-recover pa ako...

is feeling , habambuhay na malas...


>
[Trade]

Bitcoin pull na naman..
ayaw nang tumigil sa pagbaba ng Bitcoin.. 🙁
ang anomaly this time..?
nasa 50 levels lang ang ibinaba ng OGN..
samantalang umabot sa 300 levels ang ibinagsak ng GMT..
pero yung ibang mga assets eh halos hindi din naman bumaba..
dahil dun ay nasa 1000 levels na ang layo ko mula sa aking huling entry point...

t*ng ina ang ginagawa nila sa GMT dahil lang nandun yung pera ko..
pinapatunayan talaga nila na nakatutok sila sa akin..
na lagi lang akong bubuntutan ng kamalasan..
na wala akong makikitang pag-asa sa buhay kahit na ano pang gawin ko..
patuloy at paulit-ulit lang nila akong gigipitin..
ang mga demonyong entity na 'yon..
hanggang sa takasan ko na ang buhay ng isang basura...

is feeling , lutung-luto na yung laban ng buhay ko.. game over na.. hinihintay na lang na wakasan ko na ang lahat para ma-enjoy naman ng mga entity...

---o0o---


August 29, 2022...

[Game]

nagpalit ng team sa 18th day..
sa tulong ng isang hiram na Axie..
naghabol ng 3 Energy, kapalit ng kakulangan sa heal..
at ang kawalan din ng mas sulit na anti-Mavis skill...

diversion, preservation, at damage booster mode..
titingnan kung hanggang saan makakarating...

is feeling , 11 days left...


>
[Trade]

bumagsak na naman kaagad ang Bitcoin ngayong araw..
dahil dun eh nasa 1,300 levels na ang layo ko mula sa entry point ko... 🙁

is feeling , gawin na kaya nating zero ang Bitcoin para mas ma-entertain ang mga putang inang entity...

---o0o---


August 30, 2022...

[Trade]

VGX na naman ang nanakit sa akin ngayong araw..
49% ng bagong recovery para sa kanila..
nasa USD 294 na sana ako nun...
sa ilang binabantayan kong cryptocurrency..
karamihan sa kanila eh nagawa na yung pag-pump na inaasahan ko mula sa kanila..
pero anong level ba ng kamalasan ang dala-dala ko..?
dahilan para hinding-hindi ko tamaan yung mga asset na magpa-pump..
at talagang natatapat ako doon sa mga nababaon sa impiyerno...

is feeling , may sa demonyo ang level ng kamalasan ko...

---o0o---


August 31, 2022...

[Trade]

nakagawa na naman ang LUNC ng panibagong 25% na pump...

napalagpas ko din ang nasa 23 pieces sana na pag-angat ng bilang ng GMT na hawak ko...

is feeling , LUNC, sana nga kayanin mo na.. USD 0.05 para matapos na ang pulong...


>
[Game]

nag-submit ng 3rd video entry ngayong araw..
sana naman mapansin na..
sana talaga magpakita man lang ng awa ang management..
sana mapili na ako this week...

maganda ang naging performance ng team ko sa 20th day..
more than doble ng mga talo ko ang nakuha kong mga panalo..
so more than 66% na win rate iyon..
dahil dun ay nagawa kong makapasok for the first time sa Tiger division..
at nasa less 14,000 na ang rank ko..
kaso ganun ang kailangan kong suwerte sa card draw para mas makakuha ako ng safe na spot sa Top 20,000...

sa ngayon nasa 6,000 lang ang allowance ko..
base sa mga experience ko noong nakaraan pwede akong malaglag by 2,000 ranks sa loob lamang ng isang magdamag..
pero oobserbahan ko din kung gaano kabilis ang paggalaw ng ranking para sa Tiger division...

is feeling , masyado pang mahaba yung 9 days na natitira...

---o0o---


September 1, 2022...

[Game]

sa 21st day, tumigil na ako sa paglaban..
kumuha lang ako ng 1 match kanina..
nanalo naman kahit na may disadvantage, at naka-recover ako ng 1,600 ranks..
kaya naman ngayon halos nasa 13,000 na ako sa ranking...

kailangan kong tumigil dahil nakakatakot sa Tiger division..
actually, nakakatakot na noong nasa around Bear II pa lang..
madami sa mga players ang gumagamit ng mga equipments na may monetary value, o yung may sangkap na SLP..
nagkataon lang talaga na nakarami at humaba yung mga winning streak ko simula kahapon...

base sa performance ng team ko..
mas madaming araw yung nalilimitahan ako ng system sa below 50% na win rate..
nagagawa nila 'yon sa pamamagitan ng paglason sa card shuffle at draw..
sa mga ganung pagkakataon, posible na bumagsak ang ranking ko by as much as 4,000 per day..
kaya naman sobrang risky na isugal yung current ranking ko, dahil 10,000 na yung iniangat ko kahapon, at nasa lagpas 1,000 naman today...

less than 8 days na lang ang natitira..
ang problema..?
base sa observation ko ngayong araw, bumaba naman ang movement ng ranking, kaso hindi pa rin biro yung 1,000 na pagbaba ng ranking ko per day..
kasi kung mahihila ako by 8,000 ranks sa mga natitirang araw nitong season, eh masisipa ako palabas sa Top 20,000 hanggang sa 21,000 na zone..
kaya sana hindi na masyadong gumalaw pa ang ranking sa current zone ko..
dapat ma-lessen na yung paggalaw hanggang 500 lang siguro...

is feeling , pakiusap.. ito na lang ang natitira kong pag-asa para makapasok sa Top 20,000.. at sana din mapili na this week ang 1 sa mga video ko...

---o0o---


September 2, 2022...

[Trade]

lagpas na sa 200% ang nagawang increase ng LUNC..
triple, kaya nasa USD 594 na sana ang na-recover ko...

nalusutan naman ako nung UFT..
nakagawa na siya nang lagpas 100% na recovery, kahit na hindi pa siya umaabot sa critical level niya...

yung BNB naman..
bumaba na yung interest rate..
from 12.99% na APY, eh dalawang beses na nilang iniatras, at nasa 9.56% na lang ngayon...

is feeling , LUNC, kayanin mo na sana.. USD 0.05.. para matapos na lahat ng paghihirap ko na 'to...


>
[Game]

sa 22nd day..
umatras na ako sa plano ko...

bandang tanghali pa lang kasi kanina eh nasa 6,000 na lang yung allowance ko..
meaning, posible akong malaglag by 7,000 ranks hanggang 21,000 plus sa mga natitirang araw...

kaya naman kailangan kong sumugal para subukang makagawa ng mas malaking allowance mula sa ibang mga players bago magtapos ang season..
kaso heto at lutung-luto na naman ang mga cards ko ngayong araw..
kung hindi nagsasabay-sabay ang mga wala namang gamit, eh yung mga Energy cards ko naman ang nagdidikit madalas para mawalan ng silbi yung Energy conservation..
bukod pa nga sa madalas na kawalan ng attack cards sa bandang dulo ng labanan...

is feeling , less than 7 days left.. may pag-asa pa ba ako...??


No comments:

Post a Comment