Saturday, August 6, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of August 2022 (Lender's Depression)

Loveless Story


July 30, 2022...

hmmm..
wala na sa mga listahan ang pangalan ni Attendant Y..
although, natitira pa din naman na active yung 1 niyang account...

si Attendant Ry naman..
wala lang siyang media file..
pero kasama na ulit siya sa roster ng mother establishment nila...

samantalang 3 weeks naman nang inactive si Attendant M...

is 💔 feeling , t*ng ina.. kamalasan ko din mismo ang sumisira dun sa Dream Date...

---o0o---


July 31, 2022...

pati promo sa insurance ko pinatulan ko na..
Php 50,000 at Php 20,000 na worth ng bakasyon..
pero convertible naman sa cash...

sana naman manalo ako..
kahit ngayon lang...

is feeling , cash lang ang natatanging dapat piliin parati...

---o0o---


August 1, 2022...

15 months na yung utang nung p*ta..
gusto niyang magkalimutan na..
pero 2 beses pa lang na nakakapagbayad...

pinagbibintangan pa ako na nananatakot daw ako dahil sa reminder ko..
samantalang nakikiusap lang naman ako na gawan na niya ng paraan 'yon para mabayaran na niya lahat hanggang sa katapusan ng 2022...

t*ng inang buhay 'to..
yung ako yung nagpautang ng pera, pero ako pa ngayon yung pinapalabas na masamang tao..
na parang gumagawa siya ng scenario para magamit yung inialok niyang deal para sa akin, para lang palabasin na automatic na biktima siya dahil lang sa siya yung babae...

is feeling , t*ng ina mo.. sabi mo konti lang yung pera ko.. pero anong plano mo..? 7 years to pay...??


>
ngayon, kailangan ko lahat ng pera ko..
para magawa ko na lahat ng mga bagay na kailangan kong tapusin..
habang may pagkakataon pa ako na gawin ang mga iyon..
bago pa man ako tapusin ng mga kamalasan ko sa buhay...

pero bakit kailangan kong makakilala ng mga demonyong scammer..?
wala naman akong ginusto kundi kumpletuhin ang buhay ko, kahit na sa pekeng paraan lang..
pero kung sino pa talaga yung mga demonyong manggagamit na utangera, eh sila pa talaga yung makakapal ang mukha na magmataas..
bakit..?
dahil protektado sila ng mga basurang batas ng bayan na 'to na pabor lamang sa mga mangungutang...??

ano bang nagawa ko laban sa basurang mundo na 'to..?
bakit kailangang maging unfair para sa akin ang lahat..?
bakit ninyo ako pinaliliguan ng mga kamalasan..?
ano ba ako, anak ni Satanas...??

is feeling , gusto ko lang naman ng patas na buhay.. pero bakit laging ako yung nasa dehadong sitwasyon.. mga put*ng ina ninyong lahat...


>
sobrang nakakababa ng pagkatao ito..
yung ikaw pa mismo yung nakikiusap para naman bayaran ka ng demonyong utangera..
para lang maibalik sa'yo yung mga perang pinaghirapan mong kitain...

is feeling , bakit kailangan kong pagdusahan ang lahat ng ito...??


>
dahil August na..
lagpas 3 months na yung nakalipas after kong makilala si Attendant M..
nag-apologize ako sa kanya dahil hindi ko pa rin mabitawan yung proposal hanggang ngayon...

3 months..
ibig sabihin, ganun na din katagal na naka-stuck sa bagsak na asset sa Binance yung pera ko..
dahil wala naman sa mga binibili kong asset ang nagagawang makaangat...

wala akong kuwenta..
isa akong basura..
sarili kong pera, hindi ko magamit..
yung iba kong pera, sa pagkalugi lang lahat nauwi..
wala namang ibang paliwanag kundi malas ako, kaya ko nararanasan lahat ng ito sa mala-demonyo kong buhay...

hindi na din siya nag-reply..
gaya ng madalas niyang gawin noon..
ewan ko kung binasa na ba niya yung messages ko, o hindi pa..
o kung ayaw niya lang talagang magbigay ng sagot...

is 💔 feeling , mas gusto ko na lang nga sanang maging isang ganap na demonyo.. para papatayin ko na lahat ng mga may atraso sa akin...

---o0o---


August 3, 2022...

[Gadget-Related]

hindi ko in-expect..
lumagpas na sa 1 dekada yung Nokia 2730c ko..
at umabot pa siya sa 11 years...

salamat..
na kahit na puros kamalasan lang ang dala ng buhay ko..
sinamahan mo pa rin ako sa loob ng mahabang panahon...

is  feeling , ang may pinakamagaling na calendar...

---o0o---


August 5, 2022...

sa wakas..
done with the major postwork..
inabot lang ng 10 days sa tulong ng pag-a-adjust ko sa gaming time ko...

talagang nagkalat ako this year..
sobrang lumagpas ako sa June bago makatapos ng isang project...

inabot ng 63 days lahat-lahat..
ibig sabihin..?
sobrang dami kong natapon na panahon sa paulit-ulit na paglaban sa mga kamalasan ko... 🙁

pero break muna ng ilang araw..
then promotional materials..
back up mode..
tapos balik na kaagad sa trabaho...

is feeling , gusto ko sanang makita si Andrea Torres.. kaso hindi ko na alam kung nasasakripisyo ko ba yung feasibility ng ibang mga plano ko sa tuwing pinapalawak ko yung evaluation ko...

-----o0o-----


July 30, 2022...

[Game]

lalo nang lumala yung laro dahil sa mga equipment..
terible na ang imbalance this time..
yung malalakas kasi na players ngayon, siyempre mas madali na para sa kanila na manalo..
mas madaming panalo, mas madami ang naha-harvest na resources..
tapos kailangan na lang nilang mag-Craft ng mga Mystic Charms and Runes para madami silang mabaon na resources sa mga susunod na season...

kaya naman mauulit lang nang mauulit yung vicious cycle kung saan palaging mabilis lang na lalakas ang mga mayayaman na players... 🙁

yung USD 2,500 na bug bounty na lang talaga ang pag-asa ko..
kailangan kong mapatunayan na may butas ang sistema nila para sa mga mandaraya..
sa ganung pabuya ko lang pwedeng makalimutan ang trahedya na idinulot sa akin ng Axie Infinity Pyramid Scam..
at saka ko lang siya maituturing na nano sideline after that...

is feeling , sige na, please.. i-acknowledge nyo na yung report ko...

---o0o---


July 31, 2022...

[Trade]

sumipa na naman yung mga nakasipa na noon..
FLM..
PEOPLE...

yung asset ko na lang talaga ang hindi... 🙁

mukhang hindi na talaga magagawa ng OGN na makaangat..
hangga't hindi ako nagbebenta nang palugi..
hangga't hindi ko siya napapalaya mula sa sumpang dala-dala ko... 🙁

is feeling , ano pa ngang maaasahan mula sa Bringer of Bad FATE kundi mga kamalasan lang...

---o0o---


August 3, 2022...

[Game]

after 375 days..
ito na ang level ng sahod ko sa pagkalagpas sa 1 taon..
722 SLP, o nasa 48 per day..
nasa Php 173 ang value..
inabot lang naman ng USD 0.0098 lahat ng naging fees...

nagawa kong makabalik sa 700 plus sa farming..
natutunan ko na kasi kung paano labanan ang mga Poison group, dahil sa paulit-ulit na pagpapatumba sa akin ng management..
kagaya din lang sa kaso ng mga Terminator Reptile, Energy ang kailangan para magtagumpay...

sa ngayon, nasa USD 796 na ang base target ko na mabawi..
nasa USD 1,458 naman ang halaga niya sa Php 3 per SLP na palitan...

is feeling , hindi ko pwedeng sukuan ang USD 800 ko.. kahit pa sobrang malas ng buhay ko...

---o0o---


August 4, 2022...

[Trade]

malapit na akong mag-1 month na naka-stuck sa OGN..
isang malaking patunay kung gaano kasama ang level ng taglay kong kamalasan..
katulad din kung paanong na-suppress ko noon ang pag-angat ng RSR..
tapos noong nagbenta ako nang palugi, eh saka siya pumaltok para abutin yung matagal ko nang target...

BETA naman ang nakagawa ng recovery ngayong araw..
lahat na lang talaga ng mga binabantayan kong asset..
kayang umangat ng lahat..
lalo na yung hindi sobrang dami ng supply..
maliban ang mga asset kung nasaan ang pondo ko... 🙁

is feeling , ang kapalaran ng nilalang na gustung-gustong patayin ng tadhana...

---o0o---


August 5, 2022...

[Trade]

nakagawa na naman ng minor na recovery ang RSR..
mga nasa USD 26 din sana 'yon para sa akin...

is feeling , kung magagawa ko lang sanang magising sa isang umaga na maganda na ang palitan ng OGN...


No comments:

Post a Comment