Saturday, July 16, 2022

Wasted Funds

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is 💀 feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 735...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
pero may mga kahalo dito na from 2021 pa...

update (39 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pabor na gawing optional ang pagsusuot ng face mask, kung kailan pa talaga tumataas na ulit ang mga kaso ng COVID-19
  • yung lagpas 1 buwan ang kanilang preparasyon, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kumpleto ang kanilang mga department heads
  • yung wala daw siyang inatake, dahil ang mga social media farm employees ang gumagawa nun para sa kanila
  • yung verbal na manipulation sa inflation value

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung jail guard sa Laguna Provincial Jail na nahuli sa buy-bust operation dahil sa pagbebenta ng shabu

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • (no entry yet)

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung hanggang ngayon ay walang makapag-address sa kanila tungkol sa nangyayaring pagpapakalat ng misinformation sa social media
  • yung plano na kaagad na umutang ng nasa USD 300 Million daw mula sa World Bank, para daw sa digitalization para sa pangongolekta ng buwis
  • ang banta sa reliable auditing
  • sa Bacolod City, yung nasa 300,000 na COVID-19 vaccines na na-expire na lang
  • sa Bukidnon, yung kahon-kahon ng kamatis na itinapon na lang dahil daw hindi maibenta
  • yung nasa Php 400 to 500 na daw ang per kilo ng siling labuyo
  • sa Isabela, ang pagmamahal na din ng bentahan ng siling labuyo at maging ng bawang
  • yung nasa Php 6.8 Billion daw ang backlog ng Land Transportation Office pagdating sa mga plaka, na gustong ihingi ng pondo para daw mai-outsource din
  • yung nasilip ng COA na kuwestiyonable daw na pagbili ng National Dairy Authority (NDA) ng fresh milk noong 2021, nasa Php 100 Million plus ang pinag-uusapan na halaga
  • yung nasilip ng COA sa Department of Tourism for 2021, yung excessive daw na paggastos sa mga hotel at restaurant
  • yung nasilip ng COA sa Department of Human Settlements and Urban Development for 2021, yung kinukuwestiyon nila ang validity ng nasa Php 5 Million plus daw na halaga ng grocery allowance at COVID-19 response assistance para sa kanilang mga personnel
  • yung nasilip ng COA sa DPWH for 2021, yung nasa Php 245 Billion daw na halaga ng libu-libong projects na maalin sa na-delay o hindi na nagawa pa
  • yung nasilip ng COA sa DILG, yung umaabot sa Php 577 Million daw na halaga ng COVID-19 fund na hindi naman nagastos nung ahensiya
  • yung nasilip ng COA sa Davao City, yung nasa Php 188 Million daw na halaga ng mga property, plant and equipment na inalis sa kanilang books of accounts
  • sa Cagayan de Oro, yung nasunog na imbakan ng mga bala at pampasabog ng militar sa Camp Evangelista
  • yung muling pagkatalo ng isang kinikilalang journalist sa kaso, dahil ipinatupad ang bagong patakaran laban sa luma nilang nailathala na balita
  • yung proposal na bigyan ng reelection option ang mga kritikal na katungkulan sa bansa
  • yung planong papalitan ang pangalan ng isang airport na may historical value at meron ding unresolved crime sa loob ng napakahabang panahon
  • yung pagnanakaw ng credit para doon sa airport, samantalang nabuo na pala yung ibang mga bahagi nun bago pa man naghari ang kasamaan sa bayan
  • yung alternatibo daw na solusyon na ibalik na lang ang pangalan ng isang airport sa dati

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung celebrities na sinisiraan na ngayon ang history
  • yung direktor at yung pelikula na layunin na wasakin ang kasaysayan
  • yung historical revision na ginagawa ngayon ng mga social media farm employees, kung saan ibang angkan na ang ginagawa nilang mga demonyo sa paningin ng mga panatiko
  • sa social media, yung mga kabilang daw sa majority na tinatamaan at nagre-react, pero ang topic naman ay tungkol sa mga mapanirang online trolls
  • yung noontime show na nagpasaway na sa Zamboanga del Norte sa panahon ng mga subvariant ng COVID-19 Omicron
  • sa España, sa Maynila, yung away ng mga kabataan sa kalye, na lumabag na rin sa mga health protocol
  • sa payment center sa mall, yung halos 100% increase nila para sa kanilang service charge for bills payment
  • sa Cavite, yung nabistong bodega kung saan may mga nadiskubre na pekeng mga sigarilyo at maging mga pekeng BIR stamp, kung saan 4 na Imperial citizen ang nahuli
  • sa Parañaque City, yung 4 na Imperial citizen at 1 Taiwanese na nahuli sa buy-bust operation laban sa ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung nasa Php 272 Million daw na halaga ng suspected shabu na nasabat mula sa isang Imperial citizen
  • sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Cavite at Quezon City, yung umaabot sa Php 1.7 Billion na ilegal na droga ang nasabat, kasama na yung Php 272 Million from Quezon City kung saan 2 Imperial citizen ang nahuli
  • sa Malate, Maynila, yung nasa Php 102 Million daw na ilegal na droga na nasabat mula sa 2 Imperial citizen
  • sa Bacoor City, Cavite, yung 4 na Imperial citizen na nahuli dahil sa pagdukot nila sa kapwa nila Imperial citizen, nahulihan din daw ng mga ilegal na armas yung mga kriminal
  • sa social media, yung mga basurang Imperial citizen na ipinagdiwang ang assassination laban sa matino naman na dating pinuno ng Japan
-----o0o-----


July 10, 2022...

sa social media..
yung mga basurang Imperial citizen na ipinagdiwang ang assassination laban sa matino naman na dating pinuno ng Japan... 🙁

is feeling , mga kriminal talaga...

---o0o---


July 12, 2022...

sa Cagayan de Oro..
yung nasunog na imbakan ng mga bala at pampasabog ng militar sa Camp Evangelista..
kung saan 3 sibilyan daw ang nasugatan...

is feeling , panahon ng kahirapan.. sayang na naman ang resources...


>
yung pabor na gawing optional ang pagsusuot ng face mask..
kung kailan pa talaga tumataas na ulit ang mga kaso ng COVID-19... 🙁

is feeling , basta reusable ang gamitin, para hindi masyadong masira ang mundo...


>
yung nasilip ng COA sa Department of Tourism (DOT) for 2021..
yung excessive daw na paggastos sa mga hotel at restaurant...

is feeling , good for 75 persons, pero 13 lang ang nakinabang...??


>
"ang pinagsama ng diyos ay huwag paghiwalayin ng tao"...

ang mga tao talaga..
mga diyos na ang tingin nila sa kanilang mga sarili..
in fact, parang balewala na sa kanila ang maraming itinuturo sa mga relihiyon...

tama din naman kasi ang simbahan..
may paraan para hindi mauwi sa kabiguan ang pagpapakasal..
at iyon ay ang huwag magpakasal kaagad..
huwag pumayag na mag-take ng risk sa buntisan..
kilalanin nang husto ang isa't isa..
mag-live in kung gusto talagang makilala ang pag-uugali, basta mag-abstain at bawal mag-deposit ng baby...

parang pagbigay lang talaga ng mentalidad ng isang tao ang valid na reason sa paghihiwalay..
hindi pwede yung pinagsawaan na kasi, at gusto nang tumikim naman ng iba...

is feeling , mga walang utak...

---o0o---


July 13, 2022...

nasaan na kaya yung mga bobo na naniwala sa rasyon ng ginto at sa alamat ng last will ng basurang bangkay...??

is feeling , mga basura kayong mga kasabwat kayo...


>
COVID-19..
wala kang silbi..
inutil..
sa dami ninyong pinatay..
hindi ninyo mapatay yung mga dapat talagang mamatay... 🙁

is feeling , kapatid ng magnanakaw ang bioweapon...


>
yung nasa Php 6.8 Billion daw ang backlog ng Land Transportation Office (LTO) pagdating sa mga plaka...

is feeling , bakit nga ba..? hindi ba binabayaran naman 'yon ng mga nagpaparehistro...??


>
yung nasilip ng COA sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) for 2021..
yung kinukuwestiyon nila ang validity ng nasa Php 5 Million plus daw na halaga ng grocery allowance at COVID-19 response assistance para sa kanilang mga personnel...

is feeling , nakakatawa talaga kapag nag-aalok sila ng refund.. lokohan talaga eh...

---o0o---


July 14, 2022...

sa España, sa Maynila..
yung away ng mga kabataan sa kalye..
1 linggo na daw nag-aaway yung mga basura..
bukod pa sa lumalabag sila sa mga health protocol habang ginagawa nila iyon...

is feeling , mga perwisyo...

---o0o---


July 15, 2022...

sa Bacolod City..
yung nasa 300,000 na COVID-19 vaccines na na-expire na lang...

is feeling , sulit na sulit ang mga resources...


>
sa payment center sa mall..
yung halos 100% increase nila para sa kanilang service charge for bills payment..
from Php 8.00 to Php 15.00... 🙁

bukod pa nga sa Php 2.00 ang itinaas ng pamasahe sa jeep... 🙁

is feeling , anong klase ng impiyerno ito sa mundo..? ito ba ang kabayaran sa pagsamba ng madaming Satanista sa mga kapwa nila demonyong tao...??


>
yung nasilip ng COA sa Department of Public Works and Highways (DPWH) for 2021..
yung nasa Php 245 Billion daw na halaga ng libu-libong projects na maalin sa na-delay o hindi na nagawa pa...

is feeling , sayang ang mga inutang...


>
yung jail guard sa Laguna Provincial Jail na nahuli sa buy-bust operation dahil sa pagbebenta ng shabu...

is feeling , nahaluan ng mga kriminal sa itaas, kaya bakit nga naman hindi hahaluan sa ibaba...?


No comments:

Post a Comment