Loveless Story
June 26, 2022...
[Gadget-Related]
after 1 year and 9 months..
umabot na sa 100 charges ang Nokia 2.3 ko...
meron pa akong 400 na natitira para sa average cycle...
is feeling , gusto ko mas matipid pa...
>
[Gadget-Related]
wasak na naman ang schedule ko ng trabaho ngayong araw... 🙁
for more than 12 years, kanina ko lang nalaman na mali pala ang paraan ko ng paggamit ng UPS..
mas mahalaga kasi para sa akin dati ang hindi ako makasunog, kaya lagi kong ina-unplug yung UPS ko basta hindi ako nagamit ng computer..
since umiinit ang UPS ko, at hindi naman air-conditioned ang kuwarto ko...
mas mabuti pala para sa kanyang battery na palagi lang siyang naka-plug..
so mukhang malakas siyang mag-self-discharge kung ganun..
hindi kailangan na naka-on yung device, basta nakasaksak lang..
at iyon ang paraan para totoong magamit yung 3 to 5 years na battery life niya...
kaninang umaga, nagulat na lang ako noong pagkabukas ko ng UPS ay blinking ang light indicator niya at may constant tone..
ibig pa namang sabihin kapag ganun ay either kulang lang sa charge yung battery or depektibo na talaga yung battery..
so kinabahan ako nang husto..
dahil nga pinag-iipunan ko pa ang Dream Date ko sa ngayon..
nasa 2 years and 4 months pa lang siya, at 42 power interruptions pa lang ang kanyang nasasalo..
hindi tulad noong una kong APC UPS na umabot ng 2 years and 11 months matapos na sumalo ng nasa 83 na power interruptions at maraming kung anu-anong electrical inconsistencies..
so kulang na kulang pa ang nagiging serbisyo niya para sa akin...
sa ngayon, nadaan ko pa naman siya sa recharge..
after 5 hours ay nawala na yung constant tone niya, at nagagamit ko na nga ngayon..
after this, hindi ko na siya huhugutin sa outlet..
yung monitor at system box na lang ang idi-disconnect ko, para wala namang mangyari sa kanila na masama in case of emergency..
hoping na mae-extend ko pa yung 2 years and 4 months of service niya...
is feeling , kahit 2 years lang.. huwag mo munang sabayan yung Dream Date...
---o0o---
June 27, 2022...
[Gadget-Related]
unang araw ng walang hugutan para sa UPS ko..
at nanatili lang siyang mainit...
hindi siya umiinit kapag iniwan lang siya na nakasaksak, pero walang pinapagana o pinagana na device..
samantalang kapag uminit na siya dahil nagamit para mag-operate ng mga device, eh hindi pala siya lumalamig kahit i-off pero iniwanan naman na naka-plug...
is feeling , basta manatili ka lang na gumagana...
>
patuloy lang ako sa pagkadiskubre sa mga sources..
nasa more than 35 na ang mga nahahanap ko..
pero kahit na ganun..
yung kaisa-isang babae na totoong hinahanap ko, eh hindi ko pa rin mahanap-hanap sa mga network nila... 🙁
bakit ba laging ganun..?
kung sino yung kailangan kong mahanap, sila lagi yung hindi ko makita... 🙁
para tuloy akong magaling maghanap..
na magaling maka-recognize..
pero bulok at pakpal pa rin... 🙁
is feeling , for reference lang naman.. walang emotional attachment...
---o0o---
June 29, 2022...
ano kayang nangyari..?
may mga na-suspend sa kanila..
si Attendant Ry, si Attendant C..
1 common attendant, at 2 pa na nasa sister establishment nila...
the last time na nangyari iyon, eh parang tinangka nila na mag-shutdown ng isa sa mga hawak nilang establishments..
pero inayos din naman kaagad nila ang lahat..
ano kaya ang rason nila this time...??
is feeling , sana naman hindi nag-away yung mga 'yon...
---o0o---
June 30, 2022...
[Gadget-Related]
so pumalpak din yung plano ko na iwanan lang na naka-plug yung UPS ko..
padalawang paramdam na niya..
kaninang umaga, ilang oras akong na-delay sa trabaho dahil nag-constant tone na naman yung device...
so hinugot ko muna siya ng ilang oras..
tapos ilang beses na sinubukang i-on at off..
hanggang sa umayos na ulit siya..
at naging stable naman din sa buong maghapon...
pero pumalpak nga yung unang plano..
malamang dahil pa rin sa taglay kong kamalasan..
second mode naman..
mukhang kailangan ko na ring iwanan na naka-plug at naka-on lang yung UPS..
idi-disconnect ko na lang yung mga device na nakasaksak sa kanya...
is feeling , pwera sunog.. kayanin mo pa sana hanggang 5 years...
-----o0o-----
June 25, 2022...
[Trade]
dahil naka-auto sell ang asset ko kanina, eh nagising ako nitong hapon na nabenta na nga siya..
after that ay na-release na ulit mula sa sumpa ko ng kamalasan ang RSR...
hindi na ulit ako makabili dahil tumaas na siya..
nagbenta ako ng nasa USD 0.0093..
pero ngayon eh namamalagi na ang RSR around USD 0.0094..
at nagawa na rin nga niyang makaakyat sa totoo kong target na USD 0.0095...
ang anomaly sa pangyayari na 'to..?
steady lang naman sa level USD 21,400 plus ang Bitcoin..
at nabawasan pa nga ng trading volume ang RSR..
pero kahit nga ganun ay nagagawa niyang manatili sa mas mataas na level kumpara noong may investment ako...
nai-imagine ko na pinagtatawanan ako ng mga maligno ng kamalasan..
dahil laban pa ako nang laban, kahit na alam ko naman na kokontrahin lang nila lahat ng mga ginagawa ko..
tinuturing nila akong tanga, since automatic nga na nagiging mali lahat ng mga desisyon ko..
isa lang akong pampalipas oras ng mga sadistang entity..
patuloy nila akong gigipitin hanggang sa wala na talaga akong makakapitan, dahilan para patayin ko na sa wakas ang sarili ko...
is feeling , bawal kumita para mabawi ang mga nawalang pera, pero laging iinggitin sa tagumpay ng ibang mga investor...
>
[Trade]
at hindi pa nga natapos doon... 🙁
5 15-minute candlesticks nang pula ang direksyon ng parehong RSR at Bitcoin..
at usually nagre-recover ang mga cryptocurrency after that, provided na hindi sila nanggaling sa super whale pump...
so from above USD 0.0091, nag-predict ako na magdi-dip ang RSR hanggang USD 0.009..
tapos kahit ibenta ko na lang kako sa USD 0.0092..
nasa USD 100 plus pa lang naman noon ang ibinababa ng Bitcoin..
at nangyari naman nga yung hula ko..
pero ang problema..?
malaking crash ang nangyari after kong makabili..
lumagpas pa nga by 20 levels ang pagbaba ng palitan mula sa target ko..
at sa mga oras na ito ay nangungulit pa rin ng pagbaba ang Bitcoin...
hindi maganda 'yon..
dahil nasa 20 to 30 levels lang ang short term recovery ng RSR kapag may sapat siyang trading volume..
at dahil sa nangyari eh nasa 40 levels na ang layo ko mula sa aking target... 🙁
is feeling , na-trap na naman ako...
---o0o---
June 26, 2022...
[Game]
at nangyari na nga..
gumanti na kaagad ang Axie Infinity Pyramid Scam..
ano nga bang karapatan ko na kumita ng SLP, eh 20 lang ang Energy ko.. 🙁
barya lang..
kaya dapat bigyan ng maraming Critical at favorable cards ang mga may 40 at 60 Energy, at ang mga bumili ng mga mamahaling Axie, gamit, at land...
mula 16 wins noong isang araw, at 13 wins kahapon..
pinarusahan ako ng mahahabang losing streak..
3 wins at 1 draw lang ang nakuha ko today..
mula 1200 plus MMR..
nasa bingit na ulit ako ng pagkahila sa 1 SLP zone below 1000 MMR...
is feeling , mga demonyong mandaraya talaga.. aanhin ang 150 plus shield kung regular ang Critical ng mga kalaban...
>
[Trade]
so sablay pa rin nga ako..
bumagsak nga ang Bitcoin at RSR kagabi bago ako natulog..
60 levels pa ang ibinaba ng RSR mula sa entry point ko...
pagkagising ko kaninang umaga..
nasa magandang level na ulit ang Bitcoin, USD 21,500 plus..
paakyat na rin ang RSR, kaya naisip ko na ipilit pa rin yung USD 0.0092 na target ko..
ang ending..?
hanggang USD 0.00915 lang ang naakyat ng RSR, dahil sa point of resistance na likha ng kamalasan ko..
hindi na nga ako nakabenta, tapos eh bagsak na ulit ang RSR at kauntian na lang ang pump... 🙁
sa ngayon eh nabawasan na ng around USD 30 Million na trading volume ang RSR mula kahapon..
pero safe pa naman siya hanggang sa USD 28 Million..
safe naman ang level niya hanggang USD 0.008, para masabi na may kakayahan pa rin siyang makabalik sa USD 0.0091...
maya't maya na lang akong mali... 🙁
is 💀 feeling , isa lang akong erroneous being na kailangan nang mamatay...
>
[Trade]
nakakapagod na 'tong kamalasan na 'to..
buong araw pa rin akong naka-trap..
nag-pump nga ang Bitcoin by 400 plus levels..
pero wala namang sapat na trading volume ang RSR para maabot yung target ko..
kinapos siya ng 20 levels... 🙁
imposibleng nagkakataon lang ang lahat..
paulit-ulit ko nang sinusubukan..
at pare-parehas lang ang resulta..
lalo na simula noong na-trap ako sa RSR simula April...
is 💀 feeling , walang kuwentang buhay...
---o0o---
June 27, 2022...
[Trade]
mahirap na 'to..
nasa threat level na ang RSR, lumalagpas below level 800..
dahil na rin sa panghihila ng Bitcoin...
papalayo ako nang papalayo sa selling point ko.. 🙁
gusto ko lang magising sa isang umaga na maganda naman ang palitan..
para mai-exit ko ang pondo ko...
o di kaya..
sana pumalo ang LUNC sa USD 0.05 man lamang..
para makuha ko na lahat-lahat ng mga kailangan kong pondo...
is feeling , kung sino man ang nagre-represent ng awa.. kahit ngayon lang.. hayaan nyo lang akong makatakas saglit mula sa mga kamalasan...
---o0o---
January 28, 2022...
[Trade]
kaninang umaga umangat ang RSR..
pero talagang kontrolado na siya ng FATE..
hanggang sa USD 0.00899 lang siya umabot..
kasi nga naman eh entry point ko ang USD 0.009... 🙁
tapos ganun pa din..
harap-harapan kong nakita ang anomaly ngayong araw..
hapon ulit..
parehas na pataas noon ang RSR at Bitcoin..
nag-pump nang malakihan ang Bitcoin, umabot sa lagpas USD 300..
pero habang ginagawa niya 'yon, eh kaduda-duda na nasa ones lang ang level ng galaw ng RSR..
samantalang nasa USD 100 Million naman ang trading volume niya..
pero pagkatapos noon, eh sumabay naman siya nang husto sa medyo malalim na dip ng Bitcoin...
4 na beses lumagpas ang RSR sa USD 0.0089..
pero hindi ko pinili na magbenta nang palugi..
maganda din kasi yung itsura ng graph kung tutuusin, kasabay pa nga ng malaking trading volume..
kaya umasa ako na mami-meet pa rin yung binabaan kong selling point..
pero heto at paubos na ulit ang palugit, at lumalayo na naman ang RSR sa kailangan kong halaga...
wala akong kakayahan na magising sa isang umaga na may malakihang good news... 🙁
is feeling , LUNC, gawin mo na.. USD 0.05...
---o0o---
June 29, 2022...
[Trade]
bagsak na ulit ang Bitcoin..
at patuloy pa ang threat niya ng lalong pagbagsak..
nasa below threat level na rin ang RSR..
sobrang layo sa entry point ko...
ang dami ko nang nasayang na pagkakataon..
nagte-trade na sana ako sa level 800 noong mga nagdaang araw..
pero wala na rin iyon, dahil malapit nang sumadsad sa level 700 ang palitan ng RSR..
nasayang lahat ng mga maliliit kong kinita noong mga nauna pang araw...
is feeling , lahat ng iyon, dahil lang sa malas ako...
---o0o---
June 30, 2022...
[Manga]
One Punch Man
mula sa light na script, eh biglang naging mabigat ang dating ng lahat sa twisted plot..
grabe yung cosmic radiation ni Garou..
winasak na niya si Genos..
seryosohang labanan na ito...
is feeling , sana lahat kayang lumaban sa mga diyos...
>
[Game]
reset ng Origin..
back to zero lahat..
hanggang sa tutorial mode...
3 klase ng cards ko ang na-demote na naman..
lahat pinapahina yung user kapag ginamit bilang first attack...
is feeling , aping-api sa laro na ito...
>
[Trade]
tinamaan na naman ng malubhang kamalasan... 🙁
kanina naisip ko na ilabas na muna ang pondo ko sa RSR..
malaki na ang nawawala sa akin dahil nasa USD 0.0071 na lang ang palitan niya that time..
habang pina-process ko ang mga asset ko palabas mula sa savings, noon na umatake ang FATE laban sa akin..
laking gulat ko na below USD 0.007 na ang palitan ng RSR..
at nalaman ko nga na nag-dip pala nang husto ang Bitcoin..
dahil doon ay napilitan akong ibenta pa nang mas mura ang aking RSR sa USD 0.0067... 🙁
noong isang gabi, iniisip ko kung magpapalugi ba ako ng USD 3 sa bentahan..
pero dahil nga malapit lang siya sa selling point ko, eh naisip ko na baka maabot pa naman niya yung target..
at bilang kapalit, nawalan ako ngayong araw ng tumataginting na USD 55..
ilang baryang dolyar ang kinita ko noong ibang araw, tapos gagantihan ako ng tadhana ng ganito...?? 🙁
is feeling , walang pag-asa ang buhay ko.. manipulado nila ang lahat.. desidido sila na puwersahin akong magpakamatay dahil sa kawalan ng pag-asa...
>
[Trade]
pumapatay ng mga decimal zeros ang LUNC..
may burning mechanism pala sila na ginagamit..
at may paparating din na game na layunin na i-burn ang mga LUNC na ipambabayad sa kanila...
maganda ang performance niya lately..
in fact, nakagawa na siya ng more than 200% increase..
kaso banta pa rin ang panghihila ng Bitcoin...
is feeling , kayanin mo LUNC...
---o0o---
July 1, 2022...
[Game]
wala pang SLP..
pero may AXS na reward na para sa Alpha Season ng Origin...
base sa rank ko last test season, pasok pa naman ako sa top 10,000 players..
pero hindi masyadong active noon dahil wala ngang mapapalang reward...
sana hindi ma-realize nung iba na may AXS na nakataya sa Origin..
sana ma-discourage sila ng reset..
kahit ngayon lang..
kailangan ko lang talaga ng pera...
is feeling , tumigil na kayo sa paglalaro..kailangan kong manatili within 10,000...
>
[Trade]
nasaksihan ko na naman kanina ang dulot ng kamalasan ko..
araw-araw na lang... 🙁
bumagsak kanina sa USD 18,000 ang Bitcoin..
baka kako lumala pa..
kaya naman bumalik na muna ako sa savings..
pero anong nangyari matapos iyon..?
na-release ang RSR at Bitcoin mula sa sumpa ko ng kamalasan..
nakabalik sa USD 20,000 ang Bitcoin..
samantalang USD 20 sana yung na-provide sa akin na recovery ng RSR...
t*ng ina..
kapag nag-iisip ako na magbenta ng asset, eh nagdi-dip sila..
samantalang kapag naghahanap ako ng safe na buying point, eh umaangat naman sila..
at saktong-sakto pa talaga sa mismong oras kung kailan ako kumikilos..
kagaya na lang ngayon, wala akong mapasukan na asset dahil nasa average price ang lahat...
is feeling , isang malaking kasalanan para sa universe ang existence ko...
No comments:
Post a Comment