Saturday, July 23, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of July 2022 (Evicted & the Gold Hunt)

Loveless Story


July 18, 2022...

Php 40,000 plus sa cryptocurrency..
Php 21,000 sa pautang sa p*ta..
kung tutuusin, buo na dapat ulit yung budget para doon sa Dream Date...

kaso..
lagi akong tanga..
lagi akong bobo...

is feeling , hihilahin lang ako parati paibaba ng kamalasan ko...

---o0o---


July 19, 2022...

bakit ganun ang presyuhan nila ng mga ginto na 24K...??

nasa Php 3,000 plus ang presyuhan per gram sa local market..
Php 2,000 to 3,000 plus yung 1 gram na bar sa Malaysia..
Php 3,000 to 5,000 plus yung 1 gram na bar dito sa bayan..
pero kapag galing sa USA yung 1 gram na bar eh Php 20,000 to 30,000 plus...

is feeling , pwede na sa akin ang PAMP...

---o0o---


July 21, 2022...

after more than 7 months..
nakatapos din sa scene building..
konting renders na lang ang kailangan..
took me 48 days, kung bibilangin nang buo lahat ng mga araw na nakapagtrabaho ako...

ibig sabihin..?
ganun kadaming araw ang inagaw sa akin ng problema ko sa Dream Date.. 🙁
at problema ko sa cryptocurrency...

is 💔 feeling , wasak na wasak na ako...

---o0o---


July 22, 2022...

matagal nang inactive si Attendant M..
nagiging inactive na din parehas yung mga line of communication niya...

bigla namang na-suspend yung account ni Attendant Y kagabi..
matapos niyang maging active lately..
kasabay nun ay mukhang nag-delete siya ng mga line of communication niya..
at nag-hide na rin ng mga social media accounts niya...

ano na bang nangyayari..?
may nanggugulo ba kay Attendant Y..?
o may nakakilala ba sa kanya...??

is feeling , tinamaan ba sila ng dala-dala kong kamalasan...??


>
[Gadget-Related]

3 beses nang nare-reset ang computer ko after na magloko noon yung UPS..
hindi ko lang pala napansin, pero hindi lang yung monitor yung namamatay, ganun din yung system box unit..
nagre-reset nga lang siya kaagad kaya parang tuluy-tuloy lang yung kanyang pag-andar...

t*ng ina..
sabi ko na nga ba eh, may anomaly doon sa pagloloko nung UPS after mahigit 2 years lang..
target na ng FATE na wasakin din ang computer ko... 🙁

ano bang gagawin ko..?
pera ang solusyon sa maraming bagay..
pero alam din ng FATE na nagipit ako ngayon sa pera..
na madami ang nawawala sa akin ngayon na pera..
lahat ng 'to nangyayari dahil gusto lang talaga akong gipitin nang husto ng FATE.. 🙁
para matupad na nila yung plano para sa basura kong buhay...

Lottery, iligtas nyo naman ang computer ko...

is feeling , alam nila na tapos na yung kontrata, na sa akin na yung computer, kaya umaatake na sila nang husto...

-----o0o-----


July 16, 2022...

[Game]

sa 15th day, nalaglag na ako sa ranking..
dahil na rin sa sobrang daming talo, at mga sariling pagkakamali..
nahila ako sa halos 12,000 rank...

medyo nakabawi naman ako ngayong araw dahil sa nasa 65% na win rate..
umangat ako by 3,000 rank dahil dun..
at nasa ganung win rate ang kailangan ko para patuloy na makaakyat at hindi mahila palabas sa top 10,000...

pero kailangan ko talaga ng mas malalakas na Runes and Charms para makapunta sa mas komportable na level..
hanggang Tiger division siguro...

is feeling , 12 days left...

---o0o---


July 18, 2022...

[Trade]

nakakaiyak 'to..
umaangat ang Bitcoin..
nakikisabay ang RSR..
pero yung OGN halos nasa same level pa rin kung saan siya bumagsak..
600 levels away mula sa entry point ko... 🙁

so ano..?
makakaangat lang siya kung magbebenta ako nang palugi..?
para ma-release yung OGN sa dala-dala kong sumpa...?? 🙁

is feeling , ganito ba talaga kalakas ang taglay kong kamalasan...??

---o0o---


July 19, 2022...

[Game]

sa 19th day, nalaglag na ako sa ranking..
halos nasa 12,000 na ako..
galing sa 9,000 plus...

dahil sa 4/14 na win rate..
laging maganda ang bunot ng mga kalaban ng cards..
samantalang ako, tadtad ng Revenge cards at mga basura...

is feeling , put*ng inang game-fixing 'to.. basta konti lang ang Stamina eh talo...


>
[Trade]

wasted opportunities..
na naman..
habang naka-stuck pa rin ako sa OGN, at halos hindi siya tumataas..
eh ayun at nakagawa na nga ng pump yung POND..
ganun din yung FLM...

is feeling , lahat ng mga binabantayan kong token umaangat na.. pero yung kung saan ako na-stuck, eh binabalot pa rin ng kamalasan hanggang sa ngayon...


>
[Game]

after 360 days..
656 SLP, bale parang nasa 43 per day..
Php 0.23 na palitan..
so mahigit Php 150 lang...

USD 793 ang base target..
USD 1,414 naman kung sa Php 3.00 na palitan...

is feeling , lalo pa 'tong hihirap sa demonyong Origin...

---o0o---


July 20, 2022...

[Trade]

araw-araw na lang ng mga wasted opportunities..
yung MBL naka-recover na rin ngayong araw...

tapos nasa Php 1,200 naman yung napakawalan kong tubo sana mula sa SLP..
Php 4,000 na puhunan..
from Php 0.20 to 0.26... 🙁

tama nga siguro yung sinasabi nung pari kanina..
may sanib ako ng matinding kamalasan dahil hindi ko alam kung ano bang paniniwalaan ko sa mundo na 'to..
sa sobrang lakas ng entity na yun, kayang-kaya niyang wasakin ang lahat ng attempt ko na kumpletuhin ang buhay ko... 🙁

ang ikinakatakot ko..?
paano kung bumagsak na ulit ang lahat nang hindi napapakinabangan ng OGN yung green market..?
edi mababaon na naman ako sa impiyerno... 🙁

is feeling , nowhere to go but down...

---o0o---


July 21, 2022...

[Game]

ilang araw na rin akong tanggal sa ranking.. 🙁
hindi na nakabalik mula noong nalaglag ako hanggang 1,300 plus...

wala na 'to..
nagsayang lang ulit ako ng madaming panahon..
kahit gaano ako lumaban, wala namang mangyayari..
dahil pinili nung mga demonyong developers na gawing mahina lahat ng mga cards ko..
habang yung iba, ang daming special effects nung mga cards nila...

akala ko kahit papaano makakahabol ako kung sakaling makakapag-Craft ako ng matinong Runes..
pero hindi eh..
kapag konti lang ang Stamina mo, hindi ka rin para bigyan ng mas mataas na chance nung game para sa malalakas na items..
more than 30,000 Moonshards, pero walang espesyal na nakuha...

t*ng ina..
ipanglilimos ko na lang nga sa charity yung pambawi ko sa halaga ng mga demonyong Axie na 'yon... 🙁

is feeling , 7 days left...


>
[Trade]

nangyari na nga..
hindi na-maximize nung OGN yung Bitcoin pump..
at mas malala pa yung nangyari kung tutuusin..
habang pataas yung Bitcoin, konti lang ang nagawa nung hila para sa OGN..
pero noong bumagsak na ulit ang Bitcoin, eh ang laki naman ng hila niya sa OGN..
parang tanga talaga ang level ng kamalasan na 'to..
nasa 700 levels na ulit ang layo ko mula sa entry point ko...

is feeling , yung from Php 9,000, eh nagdagdag ka ng pondo kaya dapat sana ay nasa Php 10,000 ka na, pero sa halip eh mas bumaba ka pa sa Php 8,000...


No comments:

Post a Comment