Saturday, July 9, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of July 2022 (Suspended & Origin)

Loveless Story


July 5, 2022...

ano na bang nangyayari sa kanila..?
suspended pa rin hanggang ngayon sina Attendant Ry at Attendant C..
pero binibisita pa rin naman nila ang kanilang mga account from time to time...

kanina..
inalis na rin ng management ang mga pangalan nila mula sa listahan ng mga account names...

tapos..
maging sina Attendant M at Attendant Y eh matagal na ring hindi gumagawa ng aktibidad..
although kasama pa rin naman sila sa mga listahan...

is feeling , problema ba saan..? sa venue...??


>
[Gadget-Related]

kaninang umaga, nag-reset ang monitor ko matapos na saglit na tumunog yung UPS..
sinilip ko naman yung system box, at mukha namang hindi siya namatay...

before lunch time, nag-render naman ako gaya ng halos araw-araw kong ginagawa, habang naglalaro ako ng Axie Infinity Pyramid Scam sa smartphone..
kaso after ng render, eh kataka-taka na ayaw magpa-save nung file..
pero hindi din naman siya nagka-crash gaya ng mga nangyayari noon..
dahil dun, ni-reset ko na lang muna yung program..
inulit ko yung render, at gumana naman na siya nang maayos...

huwag naman..
huwag naman sana pati ang graphics card ko... 🙁

is feeling , pakiusap, huwag naman sunud-sunod...


>
paano ko pa lilinisin ang isip ko mula sa mga negative thoughts kung maya't maya ang pagdating ng mga masasamang bagay sa buhay ko..?? 🙁
sa totoo lang, wala na akong nakikitang maayos na kinabukasan para sa sarili ko...

mas nare-realize ko lately kung bakit ko pinagdaanan lahat ng mga masasamang naranasan ko..
kasi simula't sapul, may kamalasan talaga na nakabuntot sa akin..
kung hindi pa ako pumasok sa cryptocurrency trading, hindi ko makikita nang harap-harapan kung paano ako magdala ng kamalasan sa lahat ng bagay na nagkakaroon ng koneksyon sa akin... 🙁

hindi nawasak ng 4 beses yung Dream Date dahil sa nagkataon lang..
hindi ako inutangan nang inutangan ng pera, sabay pinalabas na namimigay daw ako ng pera, dahil sa nagkataon lang..
hindi lumagpas sa Php 120,000 yung original na Php 60,000 ko na budget para doon sa Dream Date dahil sa nagkataon lang..
hindi bumulusok yung token earnings ko from Php 40,000 plus down to Php 9,000 plus na lang dahil sa nagkataon lang...

nangyari lahat ng 'yon dahil ganun ang gusto nilang mangyari sa akin..
hindi ako dapat nag-exist..
kaya siguro gustung-gusto nila na ako mismo ang tumapos sa existence ko..
walang idudulot ang existence ko maliban sa kamalasan lang... 🙁

pero kailangan ko pa ng konting palugit..
more than 3 years pa yung natitirang time allowance..
hindi ko hiniling ang buhay na 'to..
pero tutal nandito na rin lang ako..
kukunin ko lahat ng mga memories na pwede ko pang makuha mula sa mundo..
at huwag na huwag ninyong susubukan na patayin si Oda bago pa man mangyari iyon...

is 💀 feeling , nabubuhay na lang ako para mamatay...

---o0o---


July 6, 2022...

sa ngayon plano nilang i-move sina Attendant Ry at Attendant C sa sister establishment nila..
not sure kung para lang i-boost yung market nung kabila..
o kung penalty din nga for something...

ang importante ay hindi naman sila kumakalas sa management..
at least may paraan pa rin ako para makita ulit sila in case of emergency...

is 💘 feeling , good to know...

---o0o---


July 7, 2022...

noong isang araw, nag-delete na pala si YAM ng line of communication namin..
pero active pa naman yung mobile number niya sa ibang communication app..
i guess that means na wala na talagang pag-asa yung sinabi niya noon sa akin na may ipapakilala siya na pwede kong makatrabaho..
bilang kapalit niya...

is 💔 feeling , sayang...

-----o0o-----


July 2, 2022...

[Game]

lagot na..
kumikilos na ang ibang mga players..
naglalaro yung ranking ko sa ngayon from 2,000 plus to 3,000 plus..
at nasa 2nd day pa lang...

is feeling , tama na.. mag-retire na kayong lahat.. huwag na kayong maglaro ng Axie Infinity Pyramid Scam...


>
[Trade]

wala akong mapasukan na investment..
average ang performance ng karamihan matapos kong malugi na naman..
from Php 40,000 plus sana..
nasa Php 9,000 plus na lang ako ngayon... 🙁

patuloy din sa pagbabawas ng supply ang USDT sa ngayon..
mukhang balak din nilang wasakin yung stablecoin na iyon...

LUNC..
pakiusap..
gawin mo na..
sumipa ka na nang todo-todo hanggang USD 0.05...

is feeling , ano bang klase ng madilim na kapalaran 'to...??

---o0o---


July 4, 2022...

[Game]

after 345 days..
nagawa namang makapanlaban ng team ko..
601 SLP, o parang 40 per day...

nasa Php 0.20 ang palitan per SLP..
so parang nasa Php 120 lang..
sobrang layo sa dating 5 digits.. 🙁
para sa fees ng mga transactions ko, umabot lang naman siya sa USD 0.000161007..
so hindi pa rin masama...

sa ngayon, nasa USD 791 na ang original value ng lahat-lahat ng assets ko..
at nasa USD 1,375 naman ang kailangan kong habulin sa Php 3.00 per SLP na palitan...

pagdating naman sa Origin..?
kahit papaano eh may mga nakakalaban pa rin naman akong mga hindi sobrang lalakas..
after 4 days, naglalaro pa sa 2,000 plus to 3,000 ang ranking ko..
kaso mahaba pa ang natitirang 24 days..
bukod pa sa sobrang malas ko pagdating sa Crafting..
ang dami ko nang nasasayang na resources, pero wala pa rin akong napapala na matino..
sana lang talaga ma-discourage na lang yung iba at hindi na lang maglaro..
para magawa kong manatili sa top 10,000 kahit na papaano...

is feeling , kailangan ko ng USD 2,000 para makapag-retire na ako at kalimutan ang lahat tungkol doon sa bangungot na laro...

---o0o---


July 6, 2022...

[Game]

so may nasubukan akong strategy para medyo mapataas ang chances na makakuha ng mas makabuluhan na mga Runes and Charms..
at malaking boost nga ang naibigay nun sa mahina kong team...

sa ngayon, nakapasok na ako sa top 1,400 players..
pero wala pa rin akong ideya kung gaano na lang kadami ang naglalaro nung mapanakit at bayolenteng game..
masyado pang maaga para masabi ko na hindi na ako mapapatalsik pa mula sa rankings..
pero sana..
sana talaga..
sana magawa ko namang makakuha ng AXS this time...

is feeling , last 22 days...

---o0o---


July 7, 2022...

[Trade]

simula noong magbenta ako nang palugi ay hindi pa ulit bumababa ang market sa selling point ko..
lumalabas na tinakot at pinuwersa lang talaga nila ako para malugi..
tapos ay pinaangat na ulit nila ang lahat para hindi na ako makapag-trade pa...

is feeling , hit and run.. winawasak nila lahat ng investment ko.. tapos saka ipapakita kung paano lumago ang iba pang mga assets...

---o0o---


July 8, 2022...

[Game]

mukhang malabo din nga na makakuha ako ng AXS mula sa Origin...

noong isang araw, nakaabot nga ako sa 1,000 plus na ranking..
pero after that ay kumilos na ulit ang FATE para wasakin ako... 🙁

kahapon, natalo ako sa 11 matches ko..
madami sa mga talo ko eh dahil nagso-short ako sa atake sa huling palitan, sobrang dalas na shield o useless card ang nabubunot ko..
at kaduda-duda iyon dahil pinakaunang namamatay lagi sa team ko yung may mga shield, kaya dapat una kong nabubunot ang mga iyon para maglaho...

kaninang umaga, akala ko na natapos na yung game-fixing..
baka kako puros program lang yung kalaban ko kahapon..
sunud-sunod yung panalo ko kaninang umaga..
kaso, pagdating ng hapon ay nagpatupad ng update ang mga basurang developers...

dahil dun..
may skill ang mga kalaban na mas lumakas pa lalo..
samantalang may skill ako na nasira..
sobrang dehado ako, dahil automatic na talo na ako oras na magloko yung skill na iyon... 🙁

sa 11 na talo eh 2,000 na rank na ibinababa ko..
sa paggising ko naman eh mas nalalaglag ako ng nasa 1,000 na rank..
nasa lagpas rank 4,000 na ako ngayon..
nasa 8th day pa lang..
at palapit ako nang palapit sa palabas sa top 10,000... 🙁

is feeling , last 20 days.. mga kriminal talaga sila...

---o0o---


July 9, 2022...

[Trade]

nangyari na naman..
paulit-ulit na lang talaga...

sa OGN..
selling point ko USD 0.31..
ang inabot lang noong madaling araw ay USD 0.305...

tapos kanina naman..
nasa USD 17 na sana yung nakuha kong interes..
kaso ayaw talagang umangat kapag may investment ako..
USD 7 na lang tuloy yung nabawi ko...

is feeling , ewan ko sa inyo.. kukubrahin ko na lang yung sa Lottery...


No comments:

Post a Comment