Loveless Story
July 15, 2022...
mukhang may pinagdadaanan si Attendant M kaya matagal na siyang inactive..
patungkol sa hindi pagiging permanente ng mga bagay-bagay...
lagot na..
may nagtangka pa yatang magbahay na sa kanya...??
is 💔 feeling , nahawa ba siya sa Reverse Midas ko...??
-----o0o-----
July 10, 2022...
[Manga / Theory]
Hajime no Ippo
maguguluhan si Martinez sa malayang pamamaraan ng paglaban ng wild child na si Wally..
hindi uubra ang basics ng Boxing, kaya naman mailalabas ni Martinez ang kanyang brutal na Metztli mode..
dahil dun ay mapupuruhan ng Champion ang malaki pa ang potensyal na si Wally...
mapapanood ni Ippo kung gaano kalakas ang true form ng Champion sa kanilang weight division..
kaya mas magkakaroon siya ng motivation na gumawa ng estilo na tatalo sa Metztli...
is feeling , ano nga kaya ang magiging trigger ni Ippo..? sino ang magiging sakripisyo...??
>
[Game]
sa 9th night..
nakumpleto ko na rin ang Adventure mode..
dahil dun ay mas mapapabilis at mapapalakas na ang Foraging ko..
sagad na ang level...
kaso..
tinamaan na naman ako ng matinding kamalasan... 🙁
3 matches ko na ang napapalaglag ko dahil sinira ng developers yung skill na Stealth..
minsan gumagana naman siya nang maayos, pero kapag nati-trigger yung pagkawasak niya ay madaming cards ang nagiging unplayable..
pang-kontra pa naman ang Stealth sa mga gumagamit ng Taunt..
bukod dun, ay susi yung skill para talunin ang mga infinite shielders at healers...
sa ngayon eh nalaglag na ako hanggang rank 6,000..
4,000 na lang at mawawala na ako sa ranking... 🙁
is feeling , mga demonyo kayo.. mga mandaraya.. hindi na ako magtataka kung may 8,000 na bots na naka-inject doon sa game...
---o0o---
July 11, 2022...
[Game]
gaano ako kamalas..?
at gaano kademonyo ang mga developers ng Axie Infinity...??
- yung Bidens eh nilagyan ng Energy cost, tapos eh basura na lang ang purpose
- yung Nimo, inalisan ng attack tapos ay nilagyan nila ng sumpa ng Confused
- yung Arco, pangkontra daw sa 2 Secret pero ni minsan eh hindi ko nakitang gumana
- yung Risky Fish, sa halip na Weak ang kapalit ng improved damage eh nilagyan na din nila ng panggawa ng Confused
- yung Navaga, inalis nila yung bonus damage, tapos recently nga eh sinira pa nila yung Stealth effect para automatic na matalo ang user sa match
last 17 days..
at halos nasa 8,000 rank na ako dahil mas madami na naman ang mga talo ko kanina...
is feeling , sabi ko nga, di ba..? lahat ng nauugnay sa akin ay nasisira lang...
>
[Trade]
same loop na ulit..
dahil napapasok ako sa trading, eh panahon na ulit para bumagsak ang Bitcoin..
yung RSR at REQ eh halos 100 levels lang ang ibinaba dahil sa Bitcoin pull..
pero yung OGN eh nasa 200 levels na ang ibinababa, kasi nga eh nandun yung pera ko... 🙁
gawin ng legal ang Euthanasia...
is feeling , kung saan ako, edi iyon ang dudurugin at wawasakin...
---o0o---
July 12, 2022...
[Scam]
3 beses na akong nananakawan ng Globe recently..
kesyo sinusubukan ko daw mag-connect sa internet..
samantalang nakapatay naman ang mobile data at Wi-Fi options ng phone ko...
ang malaking kalokohan..?
maliban nga sa dependent ako sa Wi-Fi sa bahay..
eh ibang Globe SIM ko yung naka-assign para sa mobile data connection...
parang tanga na pilit niyang ninanakawan ng load yung SIM ko na konektado sa mga financial accounts ko..
na para bang gusto niyang saidin yung load, para magawa na ulit nila na ma-deactivate yung mobile number na iyon..
hindi naman sobrang nakakapanghinayang yung ninanakaw nila na Php 5.00 na load para sa bawat pag-atake nila eh..
pero ang totoong nakakatakot nga ay kapag nawalan ka ng balance, tapos eh idi-deactivate kaagad nila yung number...
ang nakakalungkot pa lalo sa Globe..?
wala na talaga akong makausap na tao..
puros artificial intelligence na lang..
yung customer support kuno nila sa Messenger, ang itinuturo eh yung GlobeOne app..
yung customer support naman sana nila sa GlobeOne app, eh ang itinuturo ay yung Messenger..
ay put*ng ina..
nagtuturuan lang ang mga artificial intelligence nila..
tapos ang sinasabi ay nagawan na daw nila ng solusyon yung naging pagnanakaw, pero wala naman talagang aksyon na ginawa..
nakaka-miss yung mga panahon noon kung kailan matatalino pa ang mga call center agent ng Globe... 🙁
gusto ko sanang magsumbong sa NTC..
kaso wala pa akong panahon para magsulat na naman ng formal na letter...
is ⚠ feeling , ultimo sa SIM card, ang malas-malas ko...
>
[Game]
from 8,000 plus na ranking, kaninang umaga, nagawa ko namang makabalik sa 6,000 plus..
ang mahirap nga pala dito eh winning streak ang requirement para maging maganda ang ranking...
sa ngayon, tigil muna ako sa Arena..
mag-o-observe muna ako kung paano magmo-move yung 3,600 plus na nasa ilalim ko..
lumalabas kasi na nasa around 8,000 ang ranking ng mga nasa last level ng Boar division..
samantalang nasa around 6,000 naman ang ranking ng mga nasa first level ng Wolf division..
so mula noong last time na nandun ako, eh nasa 4,000 players na yung nakatagos sa second level ng Wolf division...
is feeling , 16 days left.. sana kayanin ko pa...
>
[Trade]
ano bang nangyayari..?
hindi naman masyadong bumabagsak ang ibang mga assets..
pero bumagsak na ang OGN by 600 levels kanina..
ang weird lang..
dahil may event sila ngayong araw..
at tumaas pa nga actually ang trading volume nila simula kahapon...
yung binabantayan kong REQ, nagawa niyang umangat by 20% kahit pa may Bitcoin pull..
at yung POND eh hinog na rin sana for a possible entry..
pero wala akong mapakinabangan sa kanila, dahil kinain na ulit nang husto ng OGN ang value ng pondo ko... 🙁
parang tangang buhay 'to..
sa tuwing wala akong investment, eh nakaka-recover daw ang market..
samantalang kapag nag-invest na ako, eh ang lumalabas naman na balita eh magka-crash ang Bitcoin hanggang USD 10,000... 🙁
kung mapapalitan lang sana talaga ng LUNA lahat ng LUNC ko ngayon..
makaka-recover na sana ako kaagad mula sa depression na dala-dala sa akin ng Axie Infinity Pyramid Scam..
sana nga makatulong din para sa akin yung event ng OGN..
sana qualified ako..
kung papalo sa USD 3.25 yung palitan ng bagong governance token nila, mababawi ko lahat ng mga nawala sa akin na halaga...
is feeling , ano..? gumana na naman yung Reverse Midas ko...??
---o0o---
July 14, 2022...
[Manga]
One Punch Man
ayun ho, si Saitama, nagsira na ng buwan ng Jupiter..
hindi na kinaya ng costume niya ang cosmic na level ng labanan..
Saitama-mode na ulit si Garou..
kokopyahin na niya nang kokopyahin ang tila hindi masukat na lakas ni Saitama...
is feeling , sa araw-araw na training lang ba niya talaga nakuha yung powers niya...??
>
[Game]
after nung first 24 hours..
bale more than 24 hours dahil pinaabot ko hanggang umaga yung bilang..
eh bumagsak ang idle ko na ranking by 1,100 levels...
after 48 hours naman..
nasa 2,000 levels na yung ibinaba niya mula sa iniwan kong ranking..
so parang nasa 1,000 na players ang umaakyat per day..
pero ang tanong ay ilan pang players ang nasa ilalim ko...??
kailangan ko pa ulit ng 24 hours para mag-observe..
titingnan ko kung consistent ba yung galaw by 1,000 levels...
is feeling , 14 days left...
>
[Trade]
ang daming wasted opportunities dahil nakulong ako sa OGN..
yung RSR nagawang maka-recover ng 20% sa gitna ng muling pagloloko ng Bitcoin..
yung BETA naman eh napalagpas ko na yung more than 100% na pump...
nakakadurog ng buhay na makita na nagpa-pump yung ibang assets..
samantalang ang OGN..
nasa 700 levels pa yung ibinagsak niya..
kung kailan pa talaga may event sila..
at dahil lang yun sa kamalasan na dala-dala ko... 🙁
pero habang buhay pa ako..
pipilitin kong bawiin lahat ng halaga na nawala sa akin..
gaano man ka-impiyerno ang buhay ng isang laruan..
sobrang magiging mahirap dahil sa abnormal na antas ng kamalasan na taglay ko..
pero wala din naman talaga akong choice..
mamamatay na lang..?
o mamamatay na nilalabanan ang mga sadistang may control sa FATE...??
is feeling , napaka-demonyo ninyo...
---o0o---
July 15, 2022...
[Game]
after 72 hours..
nalaglag na sa 9,300 plus ang ranking ko..
so parang nasa 1,000 nga ang iginagalaw ng ranking sa bawat araw...
lagpas 600 na lang at tanggal na ako sa top 10,000...
kailangan ko na ulit kumilos at sumugal..
kakailanganin ko ng mas matitinong Runes and Charms para mas makaakyat sa safe spot...
is feeling , 13 days left...
>
[Trade]
gaano ako kamalas talaga...??
hindi ako nakasali sa pa-airdrop ng OGN ng OGV..
bukod pa nga sa bagsak pa rin yung asset sa kabila ng paglaban ng Bitcoin...
tapos unti-unti na rin ulit umaangat ang GMT..
kaya sayang tuloy yung nasa 25% na potential increase...
is feeling , kailangan ko lang lokohin ang sarili ko sa bawat araw, na kesyo may pag-asa pa.. para hindi palubhain ng depression ko ang takbo ng aking mga bad hormones...
No comments:
Post a Comment