Saturday, July 30, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of July 2022 (Broken Alpha Cards)

Loveless Story


July 23, 2022...

buong buhay ko, hindi ko nagawang magmay-ari ng kahit na anong totoong precious metal...

noong nasa high school ako, meron akong isang maharlika na kabarkada..
magha-holiday season noon, at nagpatulong ako sa kanya na mamili sa mall..
nagpadaan muna siya sa akin sa bahay nila bago kami dumiretso doon sa mall..
bago kami umalis, naghalughog muna siya ng isa sa maraming kuwarto sa bahay nila..
at kung hindi ako nagkakamali, parang sa kama niya nakita yung kanyang hinahanap...

iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita ako ng gold bar sa personal..
pero yung maliit lang..
siguro 5 grams iyon base sa laki niya..
dinala iyon ng kabarkada ko at saka ibinenta sa alahero sa mall...

hindi ko malilimutan yung pagkakataon na iyon..
naisip ko na ganun ba talaga ang mga mayayaman..?
na nakakalat lang sa bahay nila ang mga ginto...??

anyway..
wala na akong patutunguhan pa..
katapusan lang ang mismong purpose ko sa buhay..
pero bago pa man mangyari 'yon..
pipilitin kong makapag-check pa ng iba ko pang mga goals..
kahit na obvious naman ang ginagawa sa aking panggigipit ng FATE...

is feeling , USD 75 na Lady Fortuna ang target...

---o0o---


July 25, 2022...

[Manga Theory]

One Piece Theory #11

mukhang hindi si Sabo ang totoong pumatay kay Nefertari Cobra..
posibleng pakana iyon ni Im na interesado kay Vivi..
pero posibleng magdulot iyon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan nina Luffy at Sabo...

posible naman na ang mga taga-Fishman Island ang nanlaban kay St. Charlos...

is feeling , lagot si Bartolomeo.. katapusan na niya, hahaha...


>
tapos na yata ako sa lahat ng renders kahapon..
may singit nga lang na trabaho kaya hindi pa ako kaagad makakadiretso sa postwork...

plano kong alisin ang oras ko ng pagtulog sa hapon..
gawing oras ng postwork yung ginagamit kong oras sa paglalaro ng Axie Infinity scam sa umaga..
at ililipat ko naman yung oras ko ng laro sa schedule sana ng pagtulog ko..
kaya naman kailangan ko nang maging istrikto sa 9:30 PM na oras ng pahinga, para makakuha pa rin ako ng nasa 7 hours ng tulog sa buong araw...

is feeling , adjust...

---o0o---


July 26, 2022...

nagkaroon ng sudden spike ng activity sa art platform ko..
nasa 2nd week na siya...

nadi-discover na ako ng mas maraming mga tao..
ni hindi ko alam kung paano o saan sila nanggaling..
pero sana nga..
sana nga makakuha pa ako ng mga tapat na supporters..
yung hindi kagaya ng mga Straw Hat Pirates...

is feeling , 100 subscribers pa...

---o0o---


July 27, 2022...

since April 2017, naging regular na ang mga lindol..
yung mga significant na lindol na nasa Magnitude 5 pataas..
halos walang buwan na lumilipas nang walang nangyayaring paglindol... 🙁

may nangyayari ba sa core ng Earth...??

ayun nga..
ang layu-layo ng lugar namin..
pero ramdam yung Magnitude 7 na 'yon mula sa Abra..
so paano pa kaya kung Metro Manila na nga ang patamaan ng The Big One..??
magiging sobrang brutal nun...

ewan..
wala akong nakikitang kakaibang nangyari around 2017..
maliban sa paglaganap ng panatisismo dahil sa social media..
ang pagsamba ng mga tao sa kapwa nila tao..
ang pagyakap at pag-tolerate sa kasamaan sa ngalan ng panatisismo...

siguro wawasakin na ang bayan dahil mas gusto na ng maraming tao ang kasamaan sa panahon ngayon...?? 🙁

is feeling , hindi lang Climate Change ang lumalala, pati land-based na natural calamities.. at kung anu-anong mga sakit...

-----o0o-----


July 23, 2022...

[Trade]

masakit na masaksihan na marami sa assets na under monitor ko ang nagagawa ngang mag-pump paitaas..
lalo na during bear trend ng Bitcoin..
kasi they prove me na tama ako..
na tama yung mga assessment ko..
na kaya nila ang malalaking recovery from a certain dip...

kaso pinaparamdam sa akin ng FATE na mali din ako..
kasi mali ako sa tuwing pumipili ako..
o mas tamang sabihin na automatic na nagiging mali kung ano man ang piliin ko.. 🙁
yung kapalaran ko ang nagdidikta kung alin ang babagsak...

is feeling , wala akong kawala...

---o0o---


July 25, 2022...

[Trade]

gaya ng sinasabi nila..
bumagsak nga ang Bitcoin simula kaninang umaga..
sumadsad naman ang OGN..
at nasaksihan ko yung lowest trading volume niya na nai-record ko...

tama na, please..
lumaban ka na ulit, OGN..
kailangan ko ng magpa-pump sa kanya..
habang nagagawa pang manlaban ng Bitcoin...

is feeling , mga whale, target-in nyo na ang OGN, madali lang ma-control ang total supply niya...


>
[Game]

1 year na ako sa loob ng Axie Infinity Pyramid Scam..
naging okay naman nga yung first 120 days..
kaso naging mala-demonyong experience ang lahat after that..
at dahil ipinasok ko sa pagkalugi yung Php 18,000 ko, eh lumalabas na kulang pa ako hanggang sa ngayon ng nasa Php 22,250 para maka-ROI... 🙁

sa 25th day, nagawa kong makaabot sa Bear Division..
bagay na hindi ko naisip na posible pa palang mangyari..
considering na rin na winasak ng mga developers lately yung sariling ranking mechanics nila..
pero nagawa ko pa rin nga, sa tulong na rin ng mga winning streak..
at nagagawa ko rin ngang manalo kahit pa ako ang nakakakuha ng first turn, na isang malaking disadvantage para sa mga kulang ang Energy conservation...

sana kayanin ko pa..
kailangan ko pang makaabante ng ilan pang ranks..
para magawa ko namang kumita ng konting AXS, bagay na hindi ko pa nagagawa kahit na kailan...

is feeling , 3 days left...

---o0o---


July 26, 2022...

[Game]

nalunod na sa mga kamalasan ngayong araw... 🙁

una, sa Crafting..
lagpas 11,000 na Moon Shards 'yon, pero wala man lamang akong nakuha na magagamit ng mga Axie ko.. 🙁
ni walang pwedeng i-Disenchant para makapag-refund ng malaki..
kaya wala tuloy nadagdag sa lakas ng team ko...

sunod..
nakakuha ako ng losing streak sa Origin..
pero hindi pa doon natapos iyon, dahil mas tinamaan pa ako ng losing streak sa V2... 🙁

tapos nagbagsakan na lahat ng mga assets dahil sa hila ng Bitcoin..
mas bumaba pa ako by 800 levels... 🙁

is feeling , 2 days left...

---o0o---


July 28, 2022...

[Trade]

wala na..
hindi na feasible na mag-trade ng SLP sa Coins PH..
sa buying price, ang patubo nila sa market price ay Php 0.01..
samantalang sa selling price, ang kaltas nila ay Php 0.02..
ibig sabihin, kailangan ng at least Php 0.04 na growth para lang kumita mula sa trading ng SLP...

is feeling , ang dami kong nasayang na opportunities...


>
[Game]

wala na talaga akong pag-asa..
ngayong last day ng season, ini-assign ako nung system sa first turn for 11 times out of 13 matches.. 🙁
halos 85% 'yon, at 9 ang naging talo ko dahil dun..
hindi ko na nilaro yung last Stamina ko, dahil ginusto ko na lang na makabalik sa Bear division...

put*ng ina talagang laro 'yon..
alam nila kung gaano kalamang palagi ang nasa second turn..
lalo na kung may Energy gain o conservation skills ang player..
pero talagang niratrat nila ako ng first turn curse..
mahina na nga yung team ko sa Origin, pero pinaliguan pa nila ng kamalasan..
o baka talagang nakagawa ng cheat ang maraming players para palaging makuha ang second turn...?? 🙁

lagpas 3,000 ranks ang layo ko para makakuha ng reward... 🙁

ang pag-asa ko na lang na makakuha ng USD 2,000 ay yung report ko tungkol doon sa butas sa sistema na nabuking ko..
pero ang tanong ay kung ire-recognize ba nila iyon, o ililihim na lang para hindi ako maging eligible para doon sa bounty...??

is feeling , pakiusap.. kailangan ko namang makabawi.. sobra-sobra na ninyo akong ini-scam...

---o0o---


July 29, 2022...

[Game]

parang tanga..
nakakuha nga ako ng Epic na Rune sa last day ng Season Alpha..
Raven's Tactic, malakas na Rune kung tutuusin..
pero wala namang kayang gumamit nun sa lahat ng basurang Axie na meron ako... 🙁

tapos na..
nagtapos ako around 14,000 na rank..
dahil sa skills imbalance..
dahil sa mga depektibong cards..
dahil sa mga cheaters na nagagawang kuhanin parati ang 2nd turn..
at dahil sa advantage ng mga mayayaman na players laban sa mahihirap lang na players... 🙁

niloko nila kami..
ginamit nila kami..
inabuso nila kami..
nag-recruit sila ng mahihinang players para patuloy na kumita ng SLP at AXS ang mga alaga nila na mayayaman na players... 🙁

is feeling , habambuhay akong magiging basura lang sa mundo na ito.. basura na kailangang tapak-tapakan ng ibang mga demonyong tao...


>
[Trade]

nakagawa ng okay na recovery ang RSR..
nasa USD 24 na growth...

mas malalaki naman ang nagawang pump nung iba ko pang binabantayan na tokens..
ROSE..
PEOPLE..
GRT...

pero bakit yung OGN sobrang malas..?
sumadsad na siya sa USD 0.19..
pero wala pa ring nagpa-pump sa kanya..
bakit..?
dahil lang may investment ako doon ngayon...?? 🙁

patuloy na lumalaban ang Bitcoin..
pero yung OGN walang interes na magpataas..
ano, sasayangin na naman niya yung pagkakataon na ibinibigay ng Bitcoin, para lang patuloy akong malasin...??

put*ng inang buhay 'to..
sobrang basura na ang tingin ko sa sarili ko..
basura pagdating sa lahat ng bagay..
laging mali..
laging bigo..
laging malas...

is feeling , wala na akong pag-asa sa buhay.. kamalasan lang ang maibibigay ko sa mundo...


>
[Trade]

napakalakas talaga ng demonyo ng kamalasan na 'to na nakasanib sa akin.. 🙁
yun din siguro ang dahilan kung bakit matapos na may 2 mamatay dito sa bahay, eh nakalimutan na nila yung plano nilang magpa-bless ng bahay...

put*ng ina..
put*ng ina..
put*ng ina...

pumaltok na nang pumaltok yung Bitcoin paitaas..
yung RSR nagawa nang umangat by 1,530 levels..
pero yung OGN na isinumpa nang dahil lang sa akin, eh hanggang 366 lang ang nagawang iangat..
kulang pa rin ng 500 levels para mabawi ko na yung pondo ko, at pababa na nga ulit siya ngayon..
samantalang maging yung OGV na bagong token sa Origin Protocol eh nagawa na ring sumipa nang lagpas 100% sa mga market kung nasaan siya...

lumalabas lang na t-in-arget talaga nila lahat ng assets na hawak ko.. 🙁
pinabagsak nila nang husto..
at hinahadlangan nila na maka-recover..
para lang talaga sumuko na ako...

is feeling , hindi ako kailan man magiging tama.. dahil nakakubabaw ang demonyo ng kamalasan sa akin...


No comments:

Post a Comment