Friday, June 5, 2020

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of June 2020 (Another Insult)

Loveless Story


May 31, 2020...

okay..
so nakakuha na ako ng mutual connection..
pero for some reason eh hindi ko pa rin ma-detect yung 2 direct links sa network na 'yon...

most probably eh naka-stealth pa yung isa..
pero sigurado akong naka-reveal naman yung isa pa...

nagsimula 'to noong nagtanong ako sa relative nila..
mabilis akong na-block..
pero surprisingly, eh nakapagtago din kaagad yung 2 naka-link sa kanya..
kaya ang tanong ay, anong alam nung babaeng yun kay Miss Racal..??
bakit alam niya kung sinong sasabihan niya ng tungkol sa paghahanap ko...?

magkatugma yung hati ng buhok nila ni Miss Racal..
medyo hawig din naman siya kay Maris Racal..
mukhang tugma din sa height..
pero hindi ko alam kung nasa kanya ba yung ink clues na hinahanap ko...

is feeling , isa 'tong organisadong pagtatago...

---o0o---


June 2, 2020...

ilang araw ko na rin nga palang nakakausap si Miss Js...

kaso todo deny..
walang maskara eh..
pero kanina eh bastos nang sumagot..
nagtatanong ako nang maayos, pero ganun ang ugali niya..
kagaya rin kung paano niya ako tinarantado noong nagkita kami dati... :(

is feeling , paparusahan kita kapag tuluyan ko nang hindi nakita si Miss Racal.. tutal naman eh ikaw yung lecheng nag-set ng trap na 'yon para sa akin...

---o0o---


June 4, 2020...

at sinisira na nga ng COVID-19 ang happy place... :(

yung espesyal na lugar na kayang gawing katotohanan ang mga fantasy..
mga bagay na hindi kayang i-deliver ng mga mamahaling hotel...

is feeling , laban lang, Victoria Court.. huwag kang mawawala...

---o0o---


June 6, 2020...

dahil patay ang industriya..
nasa medical field muna ang marami sa kanila sa ngayon..
wala namang gamot..
alternative detection method lang...

is feeling , isama nyo kaya si Miss Racal, nang siya ang mahanap ko...

-----o0o-----


May 31, 2020...

after 3 years, nag-expire na rin yung Postal ID ko..
Php 500 plus pesos for 3 years..
pero nagawa naman na niya yung purpose niya bago iyon nangyari..
panibagong dagdag sa koleksyon ko ng mga wala ng use na ID...

alam kong mahina na ang kita ng PHLPost..
pero naniniwala pa rin ako na dapat maging permanent na ang Postal ID..
dahil hindi naman basta-basta nagpapalit ng address ang mga tao..
kikita pa rin naman sila dun sa mga nagpapalit ng address at sa mga foreigner na pansamantalang nananatili dito sa bayan...

is feeling , retirado...

---o0o---


June 2, 2020...

sa bahay namin..
first day pa lang ng bagong GCQ na pauso mula sa NCR..
pero 2 na kaagad traveler ang nakapunta sa bahay..
walang mask-mask, casual lang, back to normal...

yung isa eh bisita ng kapitbahay, pero isinama rin kaagad sa bahay namin..
yung isa naman eh kasambahay, pero gaya ng dati, eh dito parati kumakain sa bahay namin...

mga tao talaga..
mga nasa medical field pa naman..
pero walang pag-iingat..
okay lang sana kung sa bahay lang muna nila eh..
pero yung galing yung mga tao sa pagta-travel..
ni hindi mo alam kung sinu-sino ang nakakasalamuha along the way..
tapos eh sobrang luwag nang pagtanggap sa bahay, na ni hindi kailangang pagsuotin ng mask...?? :(

is ⚠ feeling , basta kakilala, eh automatic na negative ang turing...


>
nakakatakot na yung kuryente dito sa area namin..
3 beses na akong nakakarinig ng malalakas na pagsabog bago mag-brownout..
yung 2 dun eh ngayong panahon ng COVID-19 lang nangyari...

mga transformer yata yun eh..
ewan ko lang kung sa iisang location lang nangyayari, kasi madalas nga na the same scenario..
so far wala pa namang nasusunugan dito ng dahil sa mga ganung pagsabog...

is ⚠ feeling , hindi kaya napapalitan ng mas matibay na device yung ganun...??

---o0o---


June 4, 2020...

[Gadget-Related]

done with project #16..
34 days sa production..
at additional 6 days para sa post production..
inabot ako ng 40 days..
though kailangan pa ulit ng mga additional materials...

ang problema..?
nagiging sensitive na ulit yung latest kong mouse, yung Logitech..
at ilang buwan ko pa lang siyang nagagamit..
nagiging double clicker na rin, na delikado para sa mga files...

is feeling , hindi ko maintindihan kung anong ipinagkaiba at tumagal yung default kong A4Tech na mouse ng almost 2 years...

---o0o---


June 6, 2020...

mas nakakapagod ang buhay kapag may kasama kang, sabihin na nating, nakaaangat ang pamumuhay...

maya't maya uulitin sa'yo kung gaano ka kawalang silbi financially..
maya't maya uulitin sa'yo yung mga materyal na bagay na wala ka..
maya't maya uulitin sa'yo na wala kang karapatan na magpahayag ng opinyon mo..
maya't maya uulitin sa'yo na hindi dapat nagtitipid..
maya't maya uulitin sa'yo na yung level ng pamumuhay nila ang dapat na standard ng buhay... :(

is feeling , April pa sana sila wala dito sa lugar namin.. kaso nangyari nga ang put*ng inang COVID-19 na pinapasok nina Tatay Gunggong...


No comments:

Post a Comment