Loveless Story
June 24, 2020...
mas malungkot ang buhay ko..
dahil napalilibutan ako ng mga taong may kakayahan na maglustay ng pera..
mga taong may kakayahang magpakawala ng several hundreds a day... :(
ako ang nanghihinayang sa mga gadgets at pagkain na nasasayang lang sa kanila...
naiinggit ako kung bakit gusto sila ng mga diyos..
kahit na ganun sila..
samantalang ako..
panay pagkawasak at pagkabigo lang ang inaabot ko sa buhay... :(
is feeling , ni hindi ko nga mahanap yung mga taong may halaga para sa akin...
>
naaawa ako dun sa ibang mga babae..
nag-resort sila sa pagbebenta ng mga photos and videos dahil sa paghihigpit dulot ng COVID-19...
pero ngayon eh naka-leak na kaagad online yung mga sensitive materials nila dahil sa mga pasaway nilang buyers...
is feeling , mas masahol pa sa piracy...
---o0o---
June 27, 2020...
3 to 4 targets..
pagkatapos ng pa-trahedya na 'to ng pamunuan... :(
wala akong mahiling sa kawalan sa ngayon kundi ang manatili lang silang mga single..
hanggang sa panahon na medyo bumuti na ang lagay ng mundo..
para walang maging mga sagabal...
at tsaka siyempre ang makita ko na yung hindi ko pa nahahanap, na winasak ng salot na 'to... :(
-----o0o-----
June 21, 2020...
nag-start na rin kahit papaano sa project #17..
pero wala pa talaga sa mood..
hindi pa arangkada...
is feeling , mas busy yung utak ko sa takot sa mga gagawin pa ng mga pirata...
---o0o---
June 22, 2020...
[Online Marketing]
after 5 months na hindi ko naaabot yung quota sa first store..
since February pa..
sa wakas, makakapaglabas na ulit ako ng pera sa July..
hindi kasing-laki ng mga nakukuha ko mula sa ibang shop..
pero dagdag pondo pa rin..
para na rin sa banko...
is feeling , creepy world of piracy...
>
[Manga Theory]
One Piece Theory #8
baka may dugong Charlotte si Yamato..
baka anak siya nina Kaido at Big Mom..
tipong nakuha at inilihim mula sa babaeng Yonko..
kaya mahalaga siya para doon sa event...
or pwede ding isasabak lang siya sa isang arranged marriage sa isa sa mga babaeng Charlotte...
is feeling , isa kaya siyang makatarungang ally...??
---o0o---
June 26, 2020...
[Pests]
dahil araw-araw na nga akong nakikipaglaban sa mga langgam na hindi dependent sa lupa..
actually, 2 species na nila ngayon ang nilalabanan ko..
lahat sila gustong gawing ruta at bahay ang mga gamit sa kwarto ko..
na para bang magnet talaga ako ng mga kamalasan sa buhay...
anyway..
napatunayan ko na may kakayahan talaga ang mga langgam na maka-detect ng paparating na ulan..
mga bulag, pero may rain sensor..
especially ngayong summer pa lang naman, pero may pasulput-sulpot na mga ulan...
dito sa lugar namin..
basta bigla silang nagpalit ng ruta, gamit ang daan kung saan may proteksyon ng bubong..
lalo't madami kaagad sa kanila ang nagamit dun sa bagong ruta..
ibig sabihin nun na uulan some time soon...
ang cool..
pero hindi ibig sabihin nun na magugustuhan ko na ang sumpa ng paulit-ulit nilang pag-atake sa mga gamit ko... :(
No comments:
Post a Comment