Friday, June 19, 2020

Legalization of the Evil Dictator's Law

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


nakalulungkot masaksihan ang panahon na ito..
kung kailan magkakasamang kumikilos ang mga dati ng mga napatunayang kriminal..
pare-parehas na nililinis ang kanilang mga reputasyon..
nagkakamal ng yaman..
muling nagkakamal ng kapangyarihan..
at dinudungisan naman ang mga taong di hamak na mas gumagawa naman ng patas kumpara sa kanila.. :(
lahat ng iyon, habang pinapaikot ang isip ng lahat ng mga tao na kaya nilang gawing mga Panatikong Zombies...

---o0o---


hinding-hindi ko iko-consider na kalayaan sa pagpili ang pagkampi sa mga bistadong kriminal..
dahil ang mga taong nagto-tolerate sa ginawa at ginagawang kasamaan ng iba eh maituturing ng mga kasabwat... :(

is feeling , dapat ding maubos lahat ng mga kasabwat...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 65 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pagkambyo sa pagbabasura ng Visiting Forces Agreement
  • yung priority daw ang welfare ng mga mamamayan, pero hindi nga nagawang ipatigil noon ang mga international travel para mapigilan ang pagpasok ng COVID-19 sa loob ng bansa
  • yung mabilis DAW makahawa ng COVID-19 ang pag-aangkas sa motor, kahit na magkakasama naman na talaga yung mga tao iyon sa kanilang mga bahay 
  • yung wala daw yabang ang Imperyo, samantalang patuloy ang panggigipit, pang-aagaw ng mga teritoryo, pagtatayo ng mga structures, at ang unauthorized na pagpasok ng mga ito sa teritoryo ng may teritoryo 

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung Hepe ng mga pulis na nanakot at nagpadapa daw sa grupo na nag-assess sa mangrove forest na pinasok na ng mga informal settler, na may sinaktan rin daw sa kanila
  • sa Mandaluyong City, yung lasing na pulis na namaril ng guard at tumangay rin daw ng motor
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Kagawad na namaril, 3 katao yata yung napatay niya
  • sa Cavite, yung Army Reservist na namasok ng isang talyer at nanulak dahil lang daw sa masamang tingin sa kanya matapos niyang manita tungkol sa hindi pagsusuot ng face mask

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung social media cyber attack laban sa mga estudyante at naging estudyante ng isang kilalang university

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung anti-terrorism na patakaran, pero pumalya nga sila noon sa pagbabantay sa Marawi kahit na may intelligence na DAW sila tungkol sa magaganap na terorismo doon
  • yung required pa rin nga daw na magpa-register sa BIR ang kahit na anong online selling na business, maging yung mga exempted naman sa pagbabayad ng buwis para dun
  • yung may mga pagkakataon na walang alam o hindi naiintindihan ng mga piniling pinuno ang mga patakaran o permiso na mga kahanay rin naman nila ang nagpapatupad o nagbibigay
  • yung social media post ng Lucban Municipal Police Station, yung nagdidikta ng isusuot ng mga kababaihan na para bang damit ang basehan ng mga nagko-commit ng sexual abuse 
  • yung aminado ang mga nasa itaas na hindi nila kayang ilibre ng test ang lahat
  • yung mga pinuno na naghahanap ng masisisi sa pagkamatay nung babaeng naghintay ng masasakyan pauwi ng probinsya
  • doon sa VIP TV show, yung opisyales na nag-guest nang hindi nagsusuot ng face mask at lumabag din sa physical distancing
  • yung mga pinunong gumagawa kaagad ng mga patakaran na nagbibigay ng mga benefits pero maglilikom naman ng mas maraming bayad, kahit na batid nila na may anumalya pa sa ahensyang hahawak ng pera para dun 
  • yung plano para sa pagbubukas ng turismo na mukhang lalabag sa 1 quarantine pass per household na rule
  • yung planong pagsasayang ng pondo para sa mga hindi naman expert na contact tracers, para lang makapagbigay sila ng temporary na mga trabaho
  • yung sobrang late na pag-aksyon para sa ipinangakong benefits para sa mga medical frontliners
  • yung pinuno na isinisisi sa kanyang mga tauhan ang sobrang late na pag-aksyon para sa ipinangakong benefits para sa mga medical frontliners
  • yung doktor na pinatalsik mula sa COVID-19 task force, na sumisita daw sa mga pagkukulang ng kanilang sistema
  • yung lalong pagpatay sa dati na nilang pinapatay na jeepney industry sa panahon ng COVID-19 
  • yung design nung ibang mass transport na PUV na pinayagang makabiyahe, na katulad din naman ng sa jeep na magkatapatan ang mga pasahero at wala pa ngang divider sa upuan yung sa kanila
  • sa Manila, yung babae na namatay kahihintay ng masasakyan pauwi ng probinsya
  • yung patuloy na pagbabawal sa pag-aangkas sa motorsiklo, kahit na araw-araw namang magkakasama yung mga taong iyon sa kanilang mga bahay 
  • yung may mga tauhan ang Philippine Coast Guard na nahuling magkaangkas sa motor
  • yung mga police escorts ng Mayor mula sa San Juan na lumabag daw sa health protocols ng Baguio
  • yung Regional Director daw ng Bureau of Fire Protection na pinasibak matapos na magsagawa ang kanyang mga tauhan ng despedida party sa Boracay sa panahon ng COVID-19
  • sa Marilao, Bulacan, yung mali at walang coordination na ginagawang disposal ng mga COVID-19-exposed na mga kagamitan sa isang bakanteng lote na malapit sa residential area
  • yung pagdagdag ng mga PPE sa mga basura sa dagat
  • yung kawalan ng tama at consistent na guideline tungkol sa pag-i-screen ng body temperature sa iba't ibang mga establishments
  • yung marami na ang nabe-verify na COVID-19 positive cases araw-araw kahit na targeted testing pa lang ang naisasagawa sa ngayon, since June 2020 sa observation ko
  • sa Manila, yung 2 detainee na COVID-19 carrier na nakatakas sa quarantine facility
  • sa Davao City, yung nakunan ng video, yung mga lumabag sa curfew sa panahon ng COVID-19 na pinaglanggoy sa maruming kanal
  • yung sobrang late na paglabas ng results ng mga na-quarantine na OFW, lalo na yung mga positive pala, na problema habang nae-expose yung mga negative sa positive habang naghihintay sila ng kanilang test results
  • yung walang koordinasyon na pagpapauwi ng mga na-test nang mga OFW sa mga probinsya nila
  • yung mga OFW na nag-negative sa COVID-19 screening sa NCR, pero nag-positive naman sa rapid test pagdating sa kanilang mga probinsya
  • yung napasok na ng COVID-19 ang Ormoc City dahil sa OFW na carrier, na nag-negative daw sa NCR pero positive na nang makarating sa kanila
  • yung nabulukan na naman ng supply ng kamatis ang Ifugao at Nueva Vizcaya sa panahon ng COVID-19
  • sa Ifugao, yung mga magsasaka na nabulukan naman ng carrots sa panahon ng COVID-19
  • yung hirap ng mga teachers sa ibang lugar sa pagsagap ng internet signal para maka-attend sa kanilang online seminar
  • yung problema ng DepEd sa pagpo-provide ng gadget sa mga teacher na walang gadget, ganun din ang akmang bilis ng internet connection para sa kanilang lahat
  • yung selective justice kung saan naparurusahan ang mga hindi kaalyado, samantalang ang mga mamamayan pa ang nagpapasuweldo sa mga taong di hamak na mas malaki ang ginagawang mga FAKE news sa bayan
  • yung patay na pala yung isa sa mga sumulat nung inirereklamong online article
  • yung sinabi na aaksyunan kaagad yung franchise, pero heto at ginigisa nila at paulit-ulit pa nga ang mga sinisitang topic
  • yung palusot na kesyo available pa naman daw sa ibang platform yung TV Network, samantalang hindi naman lahat ng tao ay may cable at internet connection
  • yung Representative na nagrereklamo tungkol sa pagbebenta nung kompanya ng digital TV box, na para bang wala siyang alam sa plano ng NTC para mag-convert na ang lahat sa digital terrestrial television
  • yung Representative na hindi marunong mag-interpret ng patakaran
  • yung paggisa sa citizenship nung mga racist na Representative, na para bang hindi anak ng mga mamamayan yung taong target nila, na para bang purong banyaga ito
  • yung pinapalabas ngayon ng ibang mga Representative na makatuwiran ang mga pangangamkam na ginawa sa ilalim ng Dictator's Law
  • yung nakakuha naman ng franchise noong 1995, pero ibinabalik ang lahat ngayon sa panahon ng pangangamkam ng Dictator's Law
  • yung magkakaroon na ngayon ng regular na bayad ang panonood dun sa TV Network through monthly cable fees
  • ang pagsasamantala sa kawalan ng kakayahan ng mga empleyado at supporters nung TV Network na mag-gather at magprotesta ngayong panahon ng COVID-19
  • yung kaagad din DAW palang pinalaya yung mga Imperial citizen na nahuling nag-o-operate ng ilegal na underground hospital sa Pampanga, kaya iimbestigahan na rin ng NBI yung nangyari

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga mamamayan na naniwala na March lang nagsimula ang COVID-19
  • sa Negros Oriental, yung lalaki na COVID-19 carrier na naglibot at nakipag-inuman pa sa mga kakilala niya dahil hindi nag-quarantine habang naghihintay ng kanyang test result
  • yung mga pasaway na talagang tumatakas pa kahit naka-hard lockdown ang kanilang mga lugar, kung saan ang marami eh mga walang kabuluhan pa ang rason
  • yung mga may sasakyan na nag-aalok ng libreng sakay sa panahon ng quarantine pero nilalabag naman ang physical distancing
  • yung mga bus na nagpupuno na ng mga pasahero sa panahon ng GCQ
  • sa Marilao, Bulacan, yung nasabat na ilang bilyong worth ng imported na shabu na nakasilid sa mga lata ng biscuit, kung saan isa sa mga nahuli ay Imperial citizen
  • sa Parañaque, yung unauthorized na mass COVID-19 testing ng nasa 300 daw na Imperial citizens
  • sa Biñan, Laguna, yung international prostitution den para sa mga POGO workers na nag-o-operate kahit na sa panahon ng quarantine
  • yung Imperial dredger na sumadsad sa baybayin ng Botolan, Zambales, na nagtatapon din DAW ng langis sa dagat doon
  • yung nagkapatayan na sa isa sa mga borders
-----o0o-----


June 13, 2020...

sa Dasmariñas, Cavite..
yung Barangay Kagawad na namaril..
3 katao yata yung napatay niya..
baka daw love-related yung kaso...

is feeling , perpekto talaga yung plano noon na armasan sila...

---o0o---


June 14, 2020...

yung post sa social media ng Lucban Municipal Police Station..
tungkol sa pagsusuot ng maiksi ng mga kababaihan...

katulad rin 'to ng naging issue noon tungkol naman sa pakikipag-inuman ng mga babae kasama ang mga strangers...

1) may punto ang mga babae..
buhay nila yan, karapatan nila yan..
paraan nila ng self-expression..
sila ang magde-decide..
isipin na lang natin na parang pagta-topless para sa mga kalalakihan, malaya at hindi basta-basta sinisita..
tutal lahat naman ng mga tao eh ipinanganak na walang saplot...

2) mahalaga parati ang consent, kahit ano pa man ang gender...

3) unfortunately, uncontrolled factor ang mga utak-kriminal..
kaya nga sila nagiging kriminal eh, dahil hindi basta-basta gumagana yung mga super ego nila..
in fact, may mga kaso pa nga kung saan psychological yung tama nila..
kaya hindi sila basta-basta matuturuan tungkol sa respeto..
usually, nagiging controlled lang sila kapag nahuli na sila dahil nagawa na nila yung krimen..
basta ang point ay, ang mga kriminal lang ang may kasalanan ng lahat, at hindi dapat sisihin kung may stimulus man...

4) trabaho ng mga pulis ang magtanggol..
parati lang nandiyan ang iba't ibang klase ng mga kriminal..
kaya hindi pwedeng ang mga biktima ang madalas nilang sinisisi kung bakit may mga gumagawa ng krimen..
basta ang dapat eh kapag multiple violations na, eh bulukin na lang sa kulungan o di kaya eh bitayin na...

kung iisipin..
hindi lang naman ang mga babae ang biktima ng mga krimen..
para kasing natural na sa mga masasamang tao na abusuhin yung mga mas mahihina kumpara sa kanila..
kumbaga wala yang ipinagkaiba sa bahay na walang tao sa loob..
sa business establishment na wala o kulang sa security guard..
sa matatanda na madaling mabudol..
sa mga sasakyan na walang bantay..
sa mga biktima ng human trafficking na pinangakuan ng ibang trabaho..
sa mga biktima ng bullying..
at sa kung anu-ano pang biktima ng iba't ibang uri ng krimen..
nagkataon lang na mahalay yung krimen kung saan sila madalas yung biktima..
pero hindi din naman ibig sabihin nun na babae lang ang biktima ng mga kahalayan, dahil kahit anong gender ay posibleng maging target...

kaya naman walang magagawa kundi tanggapin na lang muna ang matagal ng katotohanan sa mundo..
karapatan ng mga tao na gawin ang mga gusto nilang gawin..
pero kailangan parating i-consider ang mga risk, dahil hindi basta-basta maa-identify ang mga kriminal at oportunista sa paligid..
kailangan lang parating mag-ingat, at hindi basta-basta magtiwala..
at kung may masamang mangyari, edi idaan sa proseso ng batas...

is feeling , ang sa akin lang.. basta walang tawagan kaagad ng manyakis kapag napatingin sa i-f-in-launt...

---o0o---


June 15, 2020...

[Natural Calamities]

lindol ulit..
sa Davao Occidental area pa rin..
nasa Magnitude 5.0...

bukod pa yung mga nasa Magnitude 4.9 na tumatama sa kung saan-saan lately...

is feeling , sana sa Imperyo rin...


>
yung mga show kung saan idinadaan sa pamamahiya ang sponsor... :(

nakakaawa lang..
tumutulong ka na, pero gusto ka pang sagarin..
kung sa iba kasi, kapag bumitaw na ang sponsor eh okay lang..
samantalang merong iba na panay pa ang pagpaparinig in public...

eh mabuti nga sana kung yun bang mga nabibigyan ng tulong eh nagiging supporters nung product o service eh..
kaso maraming pagkakataon na ni hindi nga nanonood yung nananalo, at ni hindi nga pamilyar dun sa product o service..
nagtatrabaho rin lang sila..
hindi sila tumatae ng pera..
kaya tama lang na mag-decide sila base sa nakikita nilang impact nung form of advertisement para sa kompanya nila...

mahirap rin kasi yung masyadong maluho..
yung ubos-biyaya..
natural lang na kapag sobrang laki ng inilalabas na pera, eh mas mabilis maubusan yung source...

is feeling , karapatan ng mga sponsor na pumili ng paglalaanan nila ng pera...


>
selective justice..
pinatunayan lang nito na ang hustisya ay madalas na para lang sa mga may kakayahang magbayad..
at para sa mga kakampi...

tama naman ang pinupuna ng maraming tao eh..
merong masasahol na tao na lantarang bumabaluktot sa mga katotohanan..
pero talagang gatas pa ng bayan ang nagtutustos sa mga ganung gawain nila... :(

is feeling , kailan ba matatapos ang panahon na ito ng kadiliman...??


>
yung pati put*ng inang pagkamkam ng Dictator's Law dun sa kompanya eh pinapalabas nila ngayon na tama... :(

mga tarantado kayo..
yun ngang mismong Dictator's Law eh peke, dahil hindi naman nun natalo ang mga put*ng inang rebelde..
pinatalsik din yung Dictator Clan dahil sa kasamaan nila...

tapos ngayon eh gusto ninyong palabasin na tama lahat ng mga pang-aabuso noon, para lang ano..?
para lang makapagpabagsak kayo ng isang kompanya...??

is feeling , halatang-halata ang mga pro-Dictator Clan...

---o0o---


June 16, 2020...

sa Negros Oriental..
yung lalaki na COVID-19 carrier na naglibot at nakipag-inuman pa sa mga kakilala niya..
nakuhanan naman daw siya ng swab sample, kaso ay hindi nag-quarantine habang naghihintay ng test result... :(

is feeling , nice move.. swabe...


>
yung mga bus na nagpupuno na ng mga pasahero... :(

sabi na nga ba eh..
hindi uubra..
hindi makatitiis..
ugaling mamamayan...

is feeling , kung ililibre ng pamunuan ang gasolina nila, baka pa umubra yung sakripisyo nila sa pagsasakay ng mga pasahero...


>
yung marami na ang nabe-verify na COVID-19 positive cases araw-araw..
hundreds na madalas... :(

at wala pang mass testing sa lagay na 'to..
targeted group testing pa lang...

is feeling , pero ang totoong dapat tamaan ng COVID-19 eh yang mga put*ng inang inilalabas ngayon ang pagiging pro-Dictator Clan nila...

---o0o---


June 17, 2020...

masama ang racism..
masama ang brutality sa likod ng authority...

pero masama rin yung pagsisira at pagnanakaw laban sa mga establishments na hindi naman nag-commit ng pananakit at pagpatay...

is feeling , ang patas na laban..? yung ang papatayin ninyo eh yung nag-commit ng pang-aabuso sa kapangyarihan.. at ganun din dapat sa isinumpang bayan na ito...


>
yung patay na pala yung isa sa mga sumulat nung inirereklamong online article... :(

is feeling , lutung-luto ang kaso...


>
kundangang mga tanga..
inunang gumawa ng patakaran na magbibigay ng limos na health benefits..
samantalang batid nila na may mga anumalya sa PhilHealth at sa mga ospital... :(

anong plano nila dun sa mga ginawa nilang increase sa contribution..?
ipapanakaw din lang...??

is feeling , tapos ang yabang pa rin na kesyo nakisulat siya nung patakaran.. samantalang wala nga silang source ng pondo...


>
okay, medyo na-clear na..
so required pa rin nga daw na magpa-register sa BIR ang kahit na anong online selling na business..
malaki man o maliit...

pero gaya sa income tax..
may tax exemption ang mga mababa sa Php 250,000 ang annual na kita...

tama lang na habulin yung mga malalaki na ang kinikita..
gaya nung mga napi-feature na dati sa TV na malaki pa sa salary ng ibang professional ang net income...

is feeling , kaso abala ito sa mga maliliit na online sellers sa panahon ng quarantine...


>
nagkapatayan na sa isa sa mga borders... :(

ano nga bang aasahan sa isang nasyon na binuo mismo ng Imperyalismo...? :(

is ⚠ feeling , kating-kati na ang Imperyo...


>
yung Regional Director daw ng Bureau of Fire Protection na pinasibak..
nagsagawa daw kasi ang mga tauhan niya ng despedida party sa Boracay..
at napag-alaman na COVID-19 carrier na pala ang isa sa grupo nila...

sana iisa ang standard... :(

is feeling , unfair, di ba..? yung si taba, opisyal at pwede daw dumaan sa tradisyon nila.. pero sa kaso na 'to eh sibak kaagad...??

---o0o---


June 18, 2020...

maganda yung punto..
nakakuha yung kompanya ng franchise noong 1995..
kaya kuwestiyonable yung ginagawa nila ngayon na pagbabalik ng istorya sa panahon ng Dictator Clan... :(

para nilang pinapalabas tuloy na may maling ginawa yung pamunuan sa panahon na iyon..
at maging ang sinundan na pamunuan...

samantalang ang totoong pakay ng alyansa nila eh patuloy na siraan yung kompanya sa pamamagitan ng pagke-claim na yung basurang Dictator's Law ang siyang makatuwiran..
na tama lahat ng ginawa sa madilim na panahon na iyon..
pero isinakatuparan lang naman ang basurang Dictator's Law for a single evil purpose - para hindi na sila maalis sa kapangyarihan... :(

is feeling , kailangan lang ng lethal na COVID-19 ng mga utak-diktador na 'to eh...


>
yung bobo na Representative na hindi marunong mag-interpret ng patakaran... :(

put*ng inang yan..
pwede sa iba..
pero hindi pwede para sa hindi kakampi... :(

is feeling , oust...


>
yung hirap ng mga teachers sa ibang lugar sa pagsagap ng internet signal..
para maka-attend sa kanilang online seminar...

is feeling , pilit...


>
yung doktor na pinatalsik mula sa COVID-19 task force..
yung sumita daw sa mga pagkukulang... :(

is feeling , bawal kasing i-reveal ang mga pangmamaliit sa COVID-19...

---o0o---


June 19, 2020...

sa social media..
yung overgeneralization ng iba na kesyo mga halimaw daw ang mga kalalakihan..
dahil sa mainit ngayon na isyu ng rape...

ano yun..?
wala kayong mga ama..?
wala kayong mga kapatid na lalaki..?
wala kayong mga asawang lalaki..?
panay produkto lang kayo ng purong rape..??
kaya automatic na lahat ng mga lalaki, maging mga babies pa lang, eh masasama na...??

so may ebidensya kayo na lahat ng kalalakihan na nag-e-exist ngayon sa mundo eh nag-commit na ng rape...??

para ninyong sinasabi na okay na ma-extinct na lang ang sangkatauhan, basta't mawala lang ang mga lalaking tao sa mundo..
wala akong pakialam kung ma-extinct man ang mga tao, mas magiging okay ang mundo kung mawawala ang mga tao, pero may tinatapos lang akong manga sa ngayon..
pero i doubt na ganun ang iniisip ng mga taong nae-enjoy ang mga buhay nila, pero kini-claim naman na lahat ng mga lalaki eh masasama...

is feeling , okay lang mag-spread ng hate laban sa kasamaan.. pero mali ang mangdamay ng mga inosente...


>
sa pagkakaalam ko, ang rape at sexual abuse ay hindi lang tungkol sa mga kababaihan...

merong:
mga menor de edad na babae..
mga nasa wastong gulang na na mga babae..
mga babaeng may mental o physical disability..
kahit mga senior citizen na na mga babae...

pero hindi lang sila...

mga batang lalaki na napag-interesan ng mga dating kapwa lalaki ang mga butas ng puwet..
mga presong lalaki na napag-interesan ng mga tigang na tigang na mga kakosang lalaki ang mga butas ng puwet..
mga batang lalaki na ginagamit ng mga nakatatanda para sa mga online shows..
at yung mga kaso sa ibang bansa, kung saan amo na babae ang nang-aabuso sa trabahador na lalaki sa pamamagitan ng pag-ipit sa passport ng mga ito...

is ⚠ feeling , hindi gender ang basehan kung bakit nagkakaroon ng mga kaso ng rape.. usually, dahil yun sa pagkakaroon ng mga utak-kriminal ng authority, power, strength, at opportunity...


>
yung Imperial dredger na sumadsad sa baybayin ng Botolan, Zambales.. :(
nagtatapon din DAW iyon ng langis sa dagat...

is feeling , nanira na naman.. hindi pa nangamatay...


>
ang loko ni Oakwood Man...

huwag ganun..
hindi dapat ibida si Widowed Bus Commuter..
malala na ang sitwasyon ng bayan..
mag-focus na lang kayo sa kung anuman ang mga kaya ninyong gawin..
huwag ninyong bigyan ang alyansa ng panibagong masisisi dahil sa pinapasok nilang COVID-19...

una, kahit anong gawin ninyo, hindi maniniwala ang mga Panatikong Zombies dahil ang Hokage na Mahilig lang ang diyos nila..
tandaan ninyo na ang pamilya niya ang may kakayahan na maglinis ng mga reputasyon; para sa Dictator Clan, sa Cosplayer, kina Playgirls' Client, at kina Kap...

pabayaan nyo na lang na yung gumawa ng problema na 'to ang masisi ng mga tao..
vaccine na lang ang pag-asa ng bayan...

is ⚠ feeling , hayaan ninyong kusang makita ng mga tao ang madilim na planong pagbabalik sa galamay ng Dictator Clan, Cosplayer, at NGO Queen...


>
ang gulo ng DepEd..
kaya ba talaga o hindi...??

bakit problema ninyo ngayon yung gadget para sa mga natitirang porsyento na walang pambili ng gadget..?
bakit problema nyo rin ngayon yung kalidad ng internet connection para sa lahat ng gagamit ng gadget...??

is feeling , try natin kung mababantayan ng TV yung mga estudyante...


>
yung mga pasaway na talagang tumatakas pa kahit naka-hard lockdown ang kanilang mga lugar..
ang marami eh mga walang kabuluhan pa ang rason... :(

sa pagkakaalam ko, ang inilalagay sa hard lockdown ay yung mga lugar na nagkakaroon ng maraming kaso ng COVID-19...

is feeling , kating-kati...


>
ang galing nung design nung ibang mass transport na PUV na pinayagang makabiyahe..
put*ng ina, mukhang jeep..
tapatan ang mga pasahero, at walang divider...

pasimpleng jeepney phaseout..
kunwari virus ang dahilan, pero yun talaga ang pakay... :(

is feeling , i-welcome na ang maluhong paraan ng pagsasakay.. patawan na rin ng VAT para lalong maghirap ang mga ordinaryong tao...


>
sa Puerto Princesa, Palawan..
yung Hepe ng mga pulis na nanakot daw at nagpadapa sa grupo na nag-assess sa mangrove forest na pinasok na ng mga informal settler... :(

may Barangay Tanod at tauhan ng DENR - Community Environment and Natural Resources (CENRO) sa hanay ng mga biktima...

nagkaroon din DAW ng police brutality laban sa isa sa mga biktima..
at lumalabas na siya mismo yung target ng mga pulis.. :(
not sure kung anong kaugnayan nung Hepe sa mga informal settler sa istorya na 'to, pero may inaangkin daw siyang lote doon...

is feeling , kapangyarihan at puwersa ang madalas na ugat ng pang-aabuso...


No comments:

Post a Comment