Friday, June 12, 2020

Unqualified

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


ang isa pang malaking mali sa pamunuan..
yung kakulangan sa kaalaman ng mga pinuno na dumaan sa sistema ng pilian... :(

biruin ninyo, ang sinisita nila eh mga patakaran na mismong mga bahagi din ng pamunuan ang nagpapatupad..
pero kapag naninita sila eh parang yung binigyan lang ng permiso ang may pagkakamali..
paliwanagan man sila nung bahagi ng pamunuan, pero may sarili pa rin silang gusto..
basically mga palatandaan na panggigipit lang ang ginagawa nila...

kasi kung sa tingin nila na may mali sa mga patakaran..
edi sana yung loob muna ng sistema nila ang linisin nila..
linawin nila yung malalabo ang konsepto..
hindi yung kagaya ng mga katangahan nila ngayon, may mga permiso naman pero iginigiit nila na may kasalanan yung mga nakakuha ng permiso...

is ⚠ feeling , dapat talaga yung mga may alam lang sa batas ang nakakasali sa pilian eh...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 44 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pagkambyo sa pagbabasura ng Visiting Forces Agreement
  • yung priority daw ang welfare ng mga mamamayan, pero hindi nga nagawang ipatigil noon ang mga international travel para mapigilan ang pagpasok ng COVID-19 sa loob ng bansa
  • yung mabilis DAW makahawa ng COVID-19 ang pag-aangkas sa motor, kahit na magkakasama naman na talaga yung mga tao iyon sa kanilang mga bahay 
  • yung wala daw yabang ang Imperyo, samantalang patuloy ang panggigipit, pang-aagaw ng mga teritoryo, pagtatayo ng mga structures, at ang unauthorized na pagpasok ng mga ito sa teritoryo ng may teritoryo 

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Mandaluyong City, yung lasing na pulis na namaril ng guard at tumangay rin daw ng motor
  • sa Cavite, yung Army Reservist na namasok ng isang talyer at nanulak dahil lang daw sa masamang tingin sa kanya matapos niyang manita tungkol sa hindi pagsusuot ng face mask

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung social media cyber attack laban sa mga estudyante at naging estudyante ng isang kilalang university

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung anti-terrorism na patakaran, pero pumalya nga sila noon sa pagbabantay sa Marawi kahit na may intelligence na DAW sila tungkol sa magaganap na terorismo doon
  • yung may mga pagkakataon na walang alam o hindi naiintindihan ng mga piniling pinuno ang mga patakaran o permiso na mga kahanay rin naman nila ang nagpapatupad o nagbibigay
  • yung aminado ang mga nasa itaas na hindi nila kayang ilibre ng test ang lahat
  • yung mga pinuno na naghahanap ng masisisi sa pagkamatay nung babaeng naghintay ng masasakyan pauwi ng probinsya
  • doon sa VIP TV show, yung opisyales na nag-guest nang hindi nagsusuot ng face mask at lumabag din sa physical distancing
  • yung plano para sa pagbubukas ng turismo na mukhang lalabag sa 1 quarantine pass per household na rule
  • yung planong pagsasayang ng pondo para sa mga hindi naman expert na contact tracers, para lang makapagbigay sila ng temporary na mga trabaho
  • yung sobrang late na pag-aksyon para sa ipinangakong benefits para sa mga medical frontliners
  • yung pinuno na isinisisi sa kanyang mga tauhan ang sobrang late na pag-aksyon para sa ipinangakong benefits para sa mga medical frontliners
  • yung lalong pagpatay sa dati na nilang pinapatay na jeepney industry sa panahon ng COVID-19 
  • sa Manila, yung babae na namatay kahihintay ng masasakyan pauwi ng probinsya
  • yung patuloy na pagbabawal sa pag-aangkas sa motorsiklo, kahit na araw-araw namang magkakasama yung mga taong iyon sa kanilang mga bahay 
  • yung may mga tauhan ang Philippine Coast Guard na nahuling magkaangkas sa motor
  • yung mga police escorts ng Mayor mula sa San Juan na lumabag daw sa health protocols ng Baguio
  • sa Marilao, Bulacan, yung mali at walang coordination na ginagawang disposal ng mga COVID-19-exposed na mga kagamitan sa isang bakanteng lote na malapit sa residential area
  • yung pagdagdag ng mga PPE sa mga basura sa dagat
  • yung kawalan ng tama at consistent na guideline tungkol sa pag-i-screen ng body temperature sa iba't ibang mga establishments
  • sa Manila, yung 2 detainee na COVID-19 carrier na nakatakas sa quarantine facility
  • sa Davao City, yung nakunan ng video, yung mga lumabag sa curfew sa panahon ng COVID-19 na pinaglanggoy sa maruming kanal
  • yung sobrang late na paglabas ng results ng mga na-quarantine na OFW, lalo na yung mga positive pala, na problema habang nae-expose yung mga negative sa positive habang naghihintay sila ng kanilang test results
  • yung walang koordinasyon na pagpapauwi ng mga na-test nang mga OFW sa mga probinsya nila
  • yung mga OFW na nag-negative sa COVID-19 screening sa NCR, pero nag-positive naman sa rapid test pagdating sa kanilang mga probinsya
  • yung napasok na ng COVID-19 ang Ormoc City dahil sa OFW na carrier, na nag-negative daw sa NCR pero positive na nang makarating sa kanila
  • yung nabulukan na naman ng supply ng kamatis ang Ifugao at Nueva Vizcaya sa panahon ng COVID-19
  • sa Ifugao, yung mga magsasaka na nabulukan naman ng carrots sa panahon ng COVID-19
  • yung sinabi na aaksyunan kaagad yung franchise, pero heto at ginigisa nila at paulit-ulit pa nga ang mga sinisitang topic
  • yung palusot na kesyo available pa naman daw sa ibang platform yung TV Network, samantalang hindi naman lahat ng tao ay may cable at internet connection
  • yung Representative na nagrereklamo tungkol sa pagbebenta nung kompanya ng digital TV box, na para bang wala siyang alam sa plano ng NTC para mag-convert na ang lahat sa digital terrestrial television
  • yung paggisa sa citizenship nung mga racist na Representative, na para bang hindi anak ng mga mamamayan yung taong target nila, na para bang purong banyaga ito
  • yung magkakaroon na ngayon ng regular na bayad ang panonood dun sa TV Network through monthly cable fees
  • ang pagsasamantala sa kawalan ng kakayahan ng mga empleyado at supporters nung TV Network na mag-gather at magprotesta ngayong panahon ng COVID-19
  • yung kaagad din DAW palang pinalaya yung mga Imperial citizen na nahuling nag-o-operate ng ilegal na underground hospital sa Pampanga, kaya iimbestigahan na rin ng NBI yung nangyari

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga mamamayan na naniwala na March lang nagsimula ang COVID-19
  • yung mga may sasakyan na nag-aalok ng libreng sakay sa panahon ng quarantine pero nilalabag naman ang physical distancing
  • sa Marilao, Bulacan, yung nasabat na ilang bilyong worth ng imported na shabu na nakasilid sa mga lata ng biscuit, kung saan isa sa mga nahuli ay Imperial citizen
  • sa Parañaque, yung unauthorized na mass COVID-19 testing ng nasa 300 daw na Imperial citizens
  • sa Biñan, Laguna, yung international prostitution den para sa mga POGO workers na nag-o-operate kahit na sa panahon ng quarantine
-----o0o-----


June 6, 2020...

yung mga OFW na nag-negative sa COVID-19 screening sa NCR..
pero nag-positive naman sa rapid test pagdating sa kanilang mga probinsya...

yan na nga ba ang sinasabi ko kaya kailangan na mag-ingat eh...

is ⚠ feeling , reliable ba ang test..? o nahawaan ng positive habang naghihintay sila ng kanilang mga results...??

---o0o---


June 7, 2020...

yung nangyayari ngayon sa America..
hindi na lang yun basta racism..
kasi kahit kalahi eh basta na lang inaatake ng mga pulis..
naging more on abuse of power at police brutality na siya... :(

is ⚠ feeling , hindi 'to maganda sa panahon ng Imperyalismo...


>
yung social media cyber attack laban sa isang kilalang university... :(

kung totoong ganung kalaki yung saklaw nun..
that could mean na posibleng ginamit yung academic information sa social media para ma-gather yung mga data na d-in-uplicate ng mga attackers..
may farm sila ng mga device..
organisado..
at marunong...

is feeling , pakawala ba sila ng pamunuan..? o ng isang war instigator...??

---o0o---


June 8, 2020...

tama lang na labanan ang terorismo at lalo na ang mga mananakop...

pero ang problema..?
eh sino ba ang mga gagamit nung patakaran...??

mga Slayers na pati CCTV eh pinapatay..
mga nagpa-party sa panahon ng quarantine na immune sa kaparusahan... :(

mga pinuno na bilyun-bilyon ang non-intelligence fund, pero ano..?
may lead na daw sila tungkol sa mangyayaring pag-atake, pero ano..?
ayun at sama-samang mga nagbakasyon sa ibang bansa..
hinayaan pang bombahin ang mga sariling kakampi... :(

is ⚠ feeling , something smells fishy...


>
yung nabulukan na naman ng supply ng kamatis ang Ifugao at Nueva Vizcaya... :(

pang-ilan na 'to...

is feeling , pinapatay ang sariling sektor ng agrikultura...

---o0o---


June 9, 2020...

yung mga police escorts mula sa San Juan na lumabag daw sa health protocols ng Baguio..
tulog naman DAW yung Mayor na sinamahan nung mga pulis noong mangyari iyong nagawa nilang paglabag...

pero ang mas nakababahala sa istorya na 'to..?
ang galing manita nung opisyal ng NCRPO sa mga pulis na nasa ilalim nila..
samantalang sila man ay may nagagawang mga paglabag na basta na lang nila nalulusutan... :(

is feeling , VIPs...


>
yung mga Filipino-Chinese ba eh mga Filipino..?
base kasi sa mga napapanood ko eh may kultura rin sila ng diskriminasyon laban sa mga Filipino lang kahit na nandito pa sila sa Pilipinas...

hindi ba marami rin sa kanila ang nagmamay-ari ng mga negosyo dito sa bansa...?? :(

is feeling , alam mong may mali, kapag may sinisita sila, pero hindi nila masita yung iba...


>
yung sinabi nila na aaksyunan kaagad..
pero heto at nagsi-circus lang naman sila... :(

sobrang dami na ngang panahon ang nasayang noong natulog lang sila at nagkamot ng mga itlog..
tapos ngayon eh binuburo na nila yung usapin... :(

COVID-19..
mananalanta ka na lang..
pero ayaw mo pang target-in yung mga masasamang tao... :(

is feeling , wala na 'to.. mukhang lutung-luto na ang kaso na 'to.. malinaw ang orders mula sa mga nasa itaas.. at iyon mismo ang ginagawa ng mga umaasa naman sa mga bariles ng gatas...


>
yung napasok na ng COVID-19 ang Ormoc City..
OFW ang carrier..
gaya nga noong huli ang istorya..
nag-negative sa NCR..
pero positive na pagdating sa lugar nila..
confirmed case na, so mukhang verified na yung test result nun... :(

sa Santo Tomas, Davao del Norte naman..
OFW din ang naging carrier..
mukhang dito na daw siya sa bansa nahawaan...

is ⚠ feeling , mishandling talaga.. nagkakamali ba ang test..? o nahahawa ng mga positive ang mga negative habang naghihintay nang matagal...??

---o0o---


June 10, 2020...

yung mga mamamayan na nag-aalok ng libreng sakay..
na may picture-an pang nagaganap...

una, delikadong i-assume na negative ang mga strangers..
ikalawa, hindi rin tama na marami ang isinasakay lalo't may air conditioner ang sasakyan... :(

is feeling , kapag maraming gulong, ang tawag eh pagtulong.. pero kapag 2 lang, kahit parati namang magkasama sa bahay, eh kesyo kakalat daw kaagad ang COVID-19...


>
yung may mga tauhan ang Philippine Coast Guard na nahuling magkaangkas sa motor... :(

kapag greater citizens eh pwede..
pero kapag magkapamilya na parati rin lang magkasama sa bahay, eh automatic na COVID-19 carrier ang turing... :(

is feeling , ang kailangan ng bayan na 'to..? mga patay na leader-leader-an...


>
sa Ifugao..
yung mga magsasaka na nabulukan naman ng carrots...

bumaba daw sa Php 5.00 per kilo ang bentahan, kaya naghintay pa sila ng magandang timing para mag-ani... :(

is feeling , nakakalungkot kung paanong pinababayaan ng mga nasa itaas ang mga nagtitiyaga sa sektor ng agrikultura...


>
sa Manila..
yung babae na namatay kahihintay ng masasakyan pauwi ng probinsya..
pauwing Camarines Sur daw..
naranasan din daw niyang maglakad nang malayo at mamalagi sa lansangan kahahanap ng masasakyan... :(

may nagsasabi na nagkaroon daw siya ng COVID-19, although hindi naman confirmed...

is feeling , casualty na naman ng kapabayaan ng pamunuan...


>
yung pagdagdag ng mga PPE sa mga basura sa dagat... :(

is feeling , as expected...

---o0o---


June 11, 2020...

yung kailangan nang mag-register ng mga online sellers..
para mabuwisan ang mga online transactions..
damay pati mga past transactions nila...

base sa pagkakaintindi ko..
parang damay din sa bubuwisan ang mga payment method, courier, at maging mga internet service provider..
kung totoo yun..
parang sobrang tanga, kasi nagbabayad na yung mga ganung service provider ng mga buwis base sa kita nila..
pero sasalo pa sila ng ibang buwis dahil sa kumikita din yung gumagamit ng service nila...??

eh bakit hindi na lang yung online seller ang buwisan base sa kinikita niya...??

bukod dun..
dapat linawin nila kung anong scope nung term nila na online sellers..
ibig bang sabihin na malaki at may pangalan yung business..?
any amount ba ng kita eh dapat buwisan, o dapat ba na may sapat na laki...?

kasi meron dyan, mga hindi naman regular sellers..
merong mga nagdi-dispose lang ng mga hindi napapakinabangan na item..
merong nagdi-dispose ng used item..
tama ba na buwisan pati sila...??

is feeling , killer economics.. ang manggatas sa bawat pagdaloy ng pera.. mga desperado sa gatasan sa panahon ng COVID-19...


>
yung naghahanap ngayon ang pamunuan ng masisisi sa pagkamatay nung babaeng naghintay ng masasakyan pauwi ng probinsya...

gusto ninyo ng masisisi..?
edi yung mga lintik na nagpapasok nung COVID-19 sa loob ng bayan ang sisihin ninyo..
yung nagtapang-tapangan at nagtigas-tigasan ng mga titi nila noong wala pa yung virus sa loob..
yung patuloy na minaliit yung virus kahit na may ilan ng mga nakapasok..
at saka lang umaksyon noong hindi na nila masabi kung paanong nahawa yung iba... :(

kasi hanggang sa ngayon eh pumapalpak pa rin sila..
nagbibigay ng clearance, pero may dala na palang COVID-19 yung mga tao pauwi ng mga probinsya nila... :(

is feeling , bulok na sistema...


No comments:

Post a Comment