Loveless Story
June 13, 2020...
bakit ba ganito ang nangyayari sa mga paghahanap ko...??
si Miss C hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan..
although kahit papaano eh malinaw na yung kanyang itsura sa aking isipan...
kaso si Miss Hn naman..
parehas na walang pangalan at picture..
may ink clues nga..
pero hindi ko pa rin mahanap... :(
---o0o---
June 15, 2020...
nag-online yung account ni Miss Racal kagabi..
actually, yung ilan sa mga account nila..
pero posibleng may nakialam lang ng mga iyon para mag-imbestiga...
nadagdagan din ng bago yung network ko..
though mas mataas yung tsansa na kay Miss C konektado yung taong iyon..
bale nasa 48 na ang nahahanap ko, plus 3 staff...
pwede na sana akong magsagawa ng panibago at mas direct na inquiry..
kaso kailangan ko ng bagong SIM para dun...
is feeling , sala pa rin...
---o0o---
June 18, 2020...
may mga bumalik na sa operation..
2 daw..
not interested pa..
mga lola..
yung mga dalaga na ang mga anak...
is feeling , sa bagay.. wala pa rin naman akong option para makabiyahe...
-----o0o-----
June 14, 2020...
[Medical Condition]
yung bukol ng cyst ko, may umbok pang panibago..
the last time na na-experience ko yun, nasundan ng kusang pagkabutas ng balat ko...
at ang sumunod dun..?
pakikipaglaban sa Sepsis... :(
is 💀 feeling , nilikha lang ako para mamatay.. hindi ako dapat umasa ng higit pa dun...
---o0o---
June 16, 2020...
[Medical Condition]
at nag-pop na rin nga yung bago kong cyst..
habang naliligo..
double pop pa yung nangyari, so may 2 akong panibagong butas sa katawan...
nasa 1 year and 6 months lang ang itinagal matapos yung surgery..
last time, 2 years lang ang naging palugit ko bago ako atakehin ng Sepsis..
1 year na butas, 1 year na sarado, tapos Sepsis na...
is 💀 feeling , gaano naman kaya yung itatagal ko this time...??
---o0o---
June 17, 2020...
[Medical Condition]
nagre-react sa Hydrogen Peroxide yung laman ng cyst ko..
bumubulwak palabas sa mga butas kapag nililinisan ko na...
is 💀 feeling , kailangan lang talunin ang kamatayan ng mas madali at hindi masakit na kamatayan...
---o0o---
June 18, 2020...
nagsakripisyo ng 1 araw para sa SSS at PhilHealth...
lakad mula sa bahay papunta sa location nung mga office nila..
tapos lakad ulit pabalik..
ganun talaga, walang choice ang mga mahihirap lang...
in terms of speed of service..?
as usual, madaming nakapila para magbayad sa SSS..
at sa PhilHealth yung mabilis lang ang daloy sa bayaran..
eh libre nga naman kasi yung sa marami eh, so bakit pa magbabayad..?
sana lang wala ng makaisip na mamigay ng libreng SSS benefits... :(
ganun pa rin yung volume para sa mga pinipilahan ko..
ang pinagbago lang para sa panahon ng quarantine..?
eh mas marami na yung kailangang maghintay sa labas nung mga office...
kaya ang weakness ng ganung klase ng setup..?
eh ulan..
lalo na kung malakas na ulan...
ang napansin ko..
sobrang dami ng private vehicles..
kaya nilang mag-cause ng heavy traffic..
at partida pa nga na kokonti lang ang mga bumabiyaheng jeep sa ngayon...
is feeling , sa August na lang ulit yung susunod...
No comments:
Post a Comment