i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
yun bang graph ng bayan eh nakabase sa date kung kailan kinuha yung swab sample..?
o sa date kung kailan na-validate yung result...??
given kasi yung buking na buking na na delay sa paglabas ng mga results..
mabilis yung sa iba, pero mabagal yung sa iba..
logically, parang mas realistic yung graph na nagre-reflect kung kailan kinuha yung na-test na swab sample..
kasi mas maipapakita nun kung kailan na-detect na nag-positive na ang mga tao..
kumpara naman sa graph na nakabase sa kung kailan na-validate yung result, pero hindi naman masabi kung gaano katagal ang naging delay...
parati kasi nilang sinasabi sa updates nila na kesyo "nadagdag ngayong araw"..
pero hindi naman necessarily that day nahawaan ng COVID-19 yung mga taong iyon...
is feeling , ano nga kaya...??
-----o0o-----
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
update ulit (503 + 501 + 516 + 17 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung priority daw ang welfare ng mga mamamayan, pero hindi nga nagawang ipatigil noon ang mga international travel para mapigilan ang pagpasok ng COVID-19 sa loob ng bansa
- yung wala daw yabang ang Imperyo, samantalang patuloy ang panggigipit, pang-aagaw ng mga teritoryo, pagtatayo ng mga structures, at ang unauthorized na pagpasok ng mga ito sa teritoryo ng may teritoryo
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
- sa Mandaluyong City, yung lasing na pulis na namaril ng guard at tumangay rin daw ng motor
- sa Cavite, yung Army Reservist na namasok ng isang talyer at nanulak dahil lang daw sa masamang tingin sa kanya matapos niyang manita tungkol sa hindi pagsusuot ng face mask
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
- (no entry)
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
- yung aminado ang mga nasa itaas na hindi nila kayang ilibre ng test ang lahat
- doon sa VIP TV show, yung opisyales na nag-guest nang hindi nagsusuot ng face mask at lumabag din sa physical distancing
- yung plano para sa pagbubukas ng turismo na mukhang lalabag sa 1 quarantine pass per household na rule
- yung lalong pagpatay sa dati na nilang pinapatay na jeepney industry sa panahon ng COVID-19
- sa Marilao, Bulacan, yung mali at walang coordinatio na ginagawang disposal ng mga COVID-19-exposed na mga kagamitan sa isang bakanteng lote na malapit sa residential area
- yung kawalan ng tama at consistent na guideline tungkol sa pag-i-screen ng body temperature sa iba't ibang mga establishments
- yung sobrang late na paglabas ng results ng mga na-quarantine na OFW, lalo na yung mga positive pala, na problema habang nae-expose yung mga negative sa positive habang naghihintay sila ng kanilang test results
- yung walang koordinasyon na pagpapauwi ng mga na-test nang mga OFW sa mga probinsya nila
- yung palusot na kesyo available pa naman daw sa ibang platform yung TV Network, samantalang hindi naman lahat ng tao ay may cable at internet connection
- yung Representative na nagrereklamo tungkol sa pagbebenta nung kompanya ng digital TV box, na para bang wala siyang alam sa plano ng NTC para mag-convert na ang lahat sa digital terrestrial television
- ang pagsasamantala sa kawalan ng kakayahan ng mga empleyado at supporters nung TV Network na mag-gather at magprotesta ngayong panahon ng COVID-19
- yung kaagad din DAW palang pinalaya yung mga Imperial citizen na nahuling nag-o-operate ng ilegal na underground hospital sa Pampanga, kaya iimbestigahan na rin ng NBI yung nangyari
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- sa ParaƱaque, yung unauthorized na mass COVID-19 testing ng nasa 300 daw na Imperial citizens
-----o0o-----
May 23, 2020...
sa Mandaluyong City..
yung lasing na pulis..
na namaril ng guard at tumangay rin daw ng motor...
is feeling , yung mga empleyado na importante sa pagkakamal ng kapangyarihan...
>
[Natural Calamities]
nasa Magnitude 5.4 na lindol..
bandang itaas..
sa may Aurora area...
is feeling , puros sala naman...
---o0o---
May 24, 2020...
sa Marilao, Bulacan..
yung ginagawang disposal ng mga COVID-19-exposed na mga kagamitan..
kung saan sinusunog ang mga iyon sa isang bakanteng lote na malapit sa residential area...
dagdag na sa pagkasira ng kalikasan..
tapos eh wala pang nangyayaring coordination...
is feeling , sisirain ang kalikasan para lang malabanan ang COVID-19...
>
sa Cavite..
yung Army Reservist na namasok ng bakuran ng may bakuran, isang talyer daw..
at nanulak..
nag-ugat daw yung pananakit dahil sa hindi pagsusuot ng face mask nung ibang tao na nasa talyer..
at nanulak siya dahil lang daw masama ang tingin sa kanya ng kanyang nakasagutan na sibilyan...
mga put*ng ina ninyo..
uhaw na uhaw kayo sa Dictator's Law..
dun sa put*ng inang tabachoy, may nakagawa ba ng ganyang klase ng pananakit..?
kinakaya-kaya ninyo ang mga sibilyan dahil may kapangyarihan kayo..
kapag hanay ninyo at mga VIP ang lumalabag, ang tingin ninyo eh mga put*ng inang negative kayo sa COVID-19..
samantalang ang turing ninyo sa lahat ng mga mamamayan na hindi ninyo kakilala eh automatic na mga COVID-19 carrier kaagad...
is feeling , nananakit kayo ng tao dahil lang sa tingin, samantalang hindi naman kayo masasaktan ng tingin lang.. mga demonyo kayo...
---o0o---
May 25, 2020...
yung walang koordinasyon na pagpapauwi ng mga na-test nang mga OFW sa mga probinsya nila...
na delikado pa rin sa pagkalat ng COVID-19, since nagta-travel nga sila at nae-expose sa ibang mga tao...
is feeling , pero masuwerte pa rin sila at mahalaga ang mga boses nila...
---o0o---
May 26, 2020...
yung aminado ang pamunuan na hindi nila kayang ilibre ng test ang lahat... :(
pero siyempre, masaya pa rin ang mga Greater Citizens na may FREE health benefits na binabayaran ng ibang members... :(
parang tanga lang yung pamunuan na ang lakas ng loob na i-welcome sa loob ng bayan ang COVID-19..
para lang sa kapakanan ng turismo at ng iba pang industriya na dependent sa international travel..
pero wala naman pala silang planong gawin ang responsibilidad nila kapag nakapanalanta na yung virus... :(
mukhang kanya-kanya rin ng bili ng vaccine ang mangyayari nito...?? :(
>
yung ang sabi sa news sa TV eh 37.8 degree Celsius ang ii-screen mula sa pagsakay sa rail transit..
at katugma yun ng sinasabi sa akin ng kakilala kong nurse...
put*ng inang mundo talaga 'to..
sinong basurang mangmang ba ang nagturo ng mga patakaran sa mga bantay ng [Name of Supermart]...??
is feeling , walang mangyayari sa bayan na 'to habang may mga pangtanga na patakaran...
>
yung palusot na kesyo available pa naman daw sa ibang platform yung kompanya... :(
huwag tayong maggaguhan..
unang-una..
inaalis nyo na naman sa equation yung mga taong wala namang access sa internet..
yung mga taong walang alternative device pamalit sa TV bilang panooran...
ikalawa..
hindi naniningil ng regular fees sa mga tao yung kompanya..
dependent ang operation nila sa advertisement..
at yun ang pinapatay ninyo ngayon...
is feeling , ang hirap sa inyo, puwerket milyun-milyon ang deal ninyo sa pamunuan, eh pakiramdam ninyo na ganun na dapat ang standard ng buhay ng mga mamamayan...
---o0o---
May 27, 2020...
yung Chunin na nagrereklamo tungkol sa pagbebenta nung kompanya ng digital TV box... :(
mga Chunin ba talaga ang mga 'to..?
bakit wala silang alam tungkol sa mga patakaran na ipinapatupad ng pamunuan..?
NTC ang may kagustuhan na mag-convert na ang lahat sa digital terrestrial television since 2010..
at sinadya nila na ipasalo sa mga kompanya ang pagpo-provide ng technology para sa mga tao, dahil wala silang pakialam sa mga tao na mawawalan eventually ng analog signal..
so anong ini-expect nila, na ipamimigay yung mga digital TV box nang libre habang nagkakamot lang sila ng mga itlog sa itaas at iniinom ang gatas ng bayan...??
sana naman may mag-point out ng mga patakaran na mismong nanggagaling sa pamunuan..
under development pa yung technology na gusto nilang i-implement hanggang sa ngayon..
kaya anong masama kung may gumagawa ng innovations para sa mga tao at sa mismong industriya nila...??
panay kapakanan lang ng mga cable companies ang iniisip nila..
bakit, gaano ba kalaking porsyento ng populasyon ng bayan ang may kakayahan na magbayad ng cable subscription..?
samantalang hanggang sa panahon ngayon, may mga naririnig pa rin ako sa TV na mga istorya na kesyo ni wala nga silang TV..
so paano pa kaya yung monthly cable subscription..?
tsaka FREE TV ba talaga ang pumapatay sa cable industry, o baka naman ang internet...??
is feeling , gagawin ba ang dapat para sa bayan..? o gagawin ang dapat kapalit ng bariles ng gatas...??
>
para dun sa natitirang TV channel na nasasagap ng antenna namin..
nagsi-circus na pala sa Chunin House, pero bakit hindi ninyo ipalabas sa balita yung mga ginagawa nilang kalokohan lang...??
hindi ba dapat seryoso ang pagtalakay sa usapin na iyon...??
is feeling , ipalabas ang katotohanan...
>
doon sa VIP show..
yung guesting ni MRT Man...
as usual..
walang mga suot na mask..
nilalabag ang physical distancing...
yung usual trick ng alyansa para sa premature introduction..
public appearance bilang pagpapakilala..
naghahabol ng seat..
wala namang kuwenta yung discussion dahil madalas na yung binabanggit sa mga balita at guidelines..
parang alam na tuloy kung bakit pinapayagan yung show na lumabag sa quarantine..
exchange of favors ng mga VIP citizens...
is feeling , COVID-19, anti-poor ka lang ba..? patamaan mo naman ang mga put*ng inang yan ng virus...
---o0o---
May 28, 2020...
yung kating-kati na sila na buksan ang turismo.. :(
tipong dalawahan daw...
pero hindi ba lalabagin na naman nun yung konsepto ng 1 quarantine pass per household...??
is feeling , to think na isa sa mga industry na nagpasok ng COVID-19 sa bayan ang talagang priority nilang i-restore...
>
[Natural Calamities]
lindol pa rin..
nasa Magnitude 5.2..
sa may area ng La Union...
is feeling , bumaba kayo, kapag nandun yung Hokage na Mahilig...
---o0o---
May 29, 2020...
priority ang welfare ng mga mamamayan...??
eh bakit ninyo hinayaan na marami ang makapasok na COVID-19 carrier sa loob ng bayan...?? :(
>
ang sinasamantala ngayon ng alyansa ng kasamaan...??
yung kawalan ng kakayahan ng mga taga-media at ng mga mamamayan na magdaos ng mga pisikal na protesta...
is feeling , kaya kampante lang sila sa pagkakamot ng mga itlog nila sa ngayon...
>
yung patuloy ang pagbibida sa Imperial vaccine..
kesyo wala daw kayabang-yabang ang Imperyo...
walang yabang...??
kaya pala patuloy ang panggigipit nila sa kanilang mga dating teritoryo..
kaya pala patuloy ang pambu-bully nila sa mga kalapit nilang mga teritoryo..
kaya pala ang dami na nilang armed structures sa pinag-aagawang mga teritoryo..
at kaya pala ilang beses na silang naglilibot malapit sa bayan nang walang pahintulot... :(
hindi nga nagyayabang eh..
kasi idinadaan nila sa pasimpleng harassment... :(
is feeling , siguro lalasunin na nila ang mga probinsyano, para ma-occupy na nila ang kanilang probinsya...
>
bakit ba priority nila ngayon ang education...??
edi pabayaan nila yung mga system at yung mga estudyante na willing mag-aral online..
at pabayaan rin nilang magbakasyon muna yung mga mawawalan ng means of access sa mga schools...
hindi yung pangungutang ng pambayad sa tuition ang pinag-uusapan nila..
hindi naman na bago yung mga ganung kaso..
mga estudyante na tumitigil sa pag-aaral..
mga estudyante na late nang nakakabalik at nakakatapos ng pag-aaral..
1 school year pa lang naman ang masa-sacrifice kapag nagkataon...
tutal eh marami rin naman talaga ang walang kabuhayan sa ngayon..
edi mag-focus na lang muna yung mga hindi kaya ang mamahalin na paraan ng pag-aaral sa paghahanap ng pera...
is feeling , burahin na yang put*ng inang 2020 sa school calendar...
>
ang butas sa pumalpak na OFW screening ng pamunuan...??
may mga sobrang late lumabas yung test results..
marami-rami ang nag-positive..
maraming na-quarantine na OFW ang tumpukan kapag ipinapalabas sila sa news..
yung mga nag-negative eh binigyan ng clearance...
ang tanong ay..?
dahil luma na yung swab sample at yung test result, ilang weeks na late..
paano kung na-expose yung mga nag-negative doon sa mga nag-positive noong mga panahon na matagal nilang hinihintay yung test result nila...??
is feeling , nananatili pa rin bang negative yung mga nag-negative na noon...??
>
yung kaagad din DAW palang pinalaya yung mga Imperial citizen na nahuling nag-o-operate ng ilegal na underground hospital sa Pampanga.. :(
kaya iimbestigahan na rin ng NBI yung nangyari...
is feeling , may protektor...??
>
sa ParaƱaque..
yung unauthorized na mass COVID-19 testing ng nasa 300 daw na Imperial citizens...
is feeling , bastusan ng probinsya...
>
yung paggamit sa COVID-19 para lalong patayin ang jeepney industry...
sobra ang pagpabor sa mga public transportation na pag-aari ng mga negosyante..
samantalang pare-parehas lang naman na nagse-share ang mga mananakay sa lahat ng klase ng PUV... :(
No comments:
Post a Comment