Friday, February 23, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of February 2018 (Lost Connection)

Loveless Story


February 19, 2018...

found another one..
but lost an important one... :(

lagot na..
mukhang nag-relocate siya pabalik sa main..
at akala ko pa naman na iniiwasan na niya ang mga alaala ng ex- niya...?

is feeling , bawas na naman ang drone ko...

---o0o---


February 22, 2018...

[Medical Condition]

after more than a year..
parang nagsasara na yung butas sa balat ko..
mas bad news siya para sa akin kung tutuusin..
kasi tuluy-tuloy pa rin ang production nung cyst nung mass..
ibig sabihin, hindi magtatagal at magkakabukol na ulit ang hita ko..
hindi na naman ako magiging presentable para sa mga tao...

is feeling , kailangan ko siyang ma-meet bago ulit lumala ang cyst ko...

---o0o---


February 23, 2018...

so hindi pala talaga nawala si Miss Y..
nag-change alias lang...

mas mahal..
pero baka ito na rin lang yung pagkakataon para makatrabaho ko naman siya...

is feeling , last 5 and 36 days...


>
nakausap ko na ulit siya..
hindi makasagot ng tawag, kaya sa text na lang...

in-extend ko na yung proposal ko hanggang March at April..
patapos na kasi ang February eh..
nagbabakasakali lang na makulitan siya...

mukhang busy pa rin eh..
o baka naman umiiwas na lang talaga..
pero wala akong balak na i-countercheck siya..
hahayaan ko siyang magdesisyon para sa bagay na 'to...

parang matamlay na nga yung mga sagot niya sa akin lately..
ni hindi na niya ako ina-address like the usual..
parang ordinaryong conversation na lang...

is feeling , susubukan ko pa rin...

-----o0o-----


[V-League]


UAAP Season 80 - Women's Volleyball (Round 1)


February 17, 2018...

ADMU versus UE

3-1..
panalo naman ang Ateneo...


UP versus FEU

3-0..
maganda naman ang naging start ng UP, nag-e-enjoy naman sila..
kaso nawalan na naman sila ng loob matapos na maagaw pa sa kanila ang Set 1...

medyo nakakahiya lang sa coach ng UP..
kasi naman eh expert yun at talagang nagre-research pa tungkol sa volleyball...

is feeling , UP naman.. sayang sina Caloy at Molde...

---o0o---


February 18, 2018...

DLSU versus NU

basagan na ng record..
5 setter match na naman..
naging pabaya ang NU, tapos na sana sa Set 4 kung hindi nila pinakawalan ang Set 3 eh..
pero NU pa rin naman ang nanalo..
at sila pa talaga ang naghabol sa Set 5..
sa wakas, basag na ulit ang dynasty..
at least wala nang magiging thrice-to-beat advantage ang La Salle sa dulo..
nakakatuwa talagang makita na nawawalan ng composure si Coach Ramil... :D

eh yung bininyagan na ni Coach Babes lahat ng players niya, puros National University na ang apelyido nila, LOL..
ang galing na Coach, halos puros positive lang ang paraan ng pagmo-motivate niya...

La Salle talaga yung team na walang kinikilalang advantage ng kalaban..
basta may oras pa para maglaro, lalaban sila at lalaban...


AdU versus UST

lagot na si Milena, na-injure na rin pala siya..
puros injury na rin ang UST...

3-0 eh..
overkill ang Set 1 kontra sa Adamson..
ang UST naman eh naagaw pa ang Set 2..
at maaga rin silang nakalamang at nakalayo sa Set 3..
parang hindi nabawasan ang players ng kalaban sa ipinakita nilang laro... :(

disappointed kasi pagkakataon na sana ng AdU para umabante sa 3rd seat dahil nga depleted ang lineup ng UST..
pero talagang na-3-0 pa sila..
at dahil sa trahedya ngayong araw eh 4 na teams pa tuloy ang nag-aagawan sa 3rd at 4th place..
mukhang sa 3 wins - 4 losses magtatapos ang record ng Adamson para sa Round 1, kapag minalas-malas pa sila eh baka maging 2-5 yun...

is feeling , masaya ako para sa NU.. pero kailangang madala ng Adamson si Galanza kahit na sa Top 4 man lang...

---o0o---


February 21, 2018...

AdU versus ADMU

5 setter na naman..
maganda ang Set 2 para sa Adamson..
maayos rin naman ang itinakbo ng Set 3, hanggang sa biglang na-check ng blocking ng Ateneo ang opensa ni Soyud..
parang 7 attacks ni Soyud ang halos sunud-sunod na-check nun eh, at hindi nakabuti na nag-stick sa kanya si Emnas..
si Maraguinot naman ang nasira ang laro sa Set 4, kaya madali lang ulit nakuha ng Adamson yung set na yun...

maganda naman ang ginawa ng Adamson sa kabuuan, may contribution nga lahat ng key players nila eh..
parang mas naging factor pa nga ang Ateneo dahil nag-on and off yung laro ng ilang players nila..
naging consistent at alerto nga lang ulit sila sa Set 5, at sa huli ay sila nga ang nanalo...


DLSU versus UE

3-0..
as expected...

is feeling , ano bang meron sa Season na 'to..? sulit na sulit ang mga ticket eh...

-----o0o-----


February 18, 2018...

alam ko na kung bakit kinukulang ako sa pahinga lately...

madalas na nga pala akong gising sa mga oras na hindi ko kinagawian dati..
tuwing weekdays, dahil sa The Good Son..
tuwing weekends naman, dahil sa I Can See Your Voice...

hindi na 'to gaya noong mga panahon kung kailan madalas na natutulog na ako pagkatapos pa lang ng Ang Probinsiyano, at gumigising ng 4:00 AM..
ngayon, hindi ko na magawang magising nang may sapat na pahinga tuwing 5:00 AM...

is feeling , kailangan nang mawala ang mga palabas na yun...


>
[Movie / Anime]

Your Name

kindly check this image's watermark, for proper crediting...

hindi na bago yung concept, pero ang cool..
at may time twist din...

yung lalaking parati na lang hinahawakan yung boobs nung bidang babae sa tuwing nasa katawan siya nito, LOL...

yung babaeng tinulungan na mapalapit yung lalaking kapalitan niya ng katawan sa babaeng crush nito..
umubra naman, umabot pa sa pagde-date nung dalawa..
kaso nagsimulang ma-realize nung mga bida na parang nagkakagusto na sila sa isa't isa..
hanggang sa natigil na yung body switching nila..
at sinimulan nung lalaki na hanapin na yung babae, kasabay na rin sa pagkadiskubre niya sa katotohanan...

tungkol sa kakaibang klase ng pagmamahalan na dini-defy maging ang oras o panahon..
tungkol sa 2nd chance sa buhay, at paglaban sa FATE..
parating nagpe-fade ang mga alaala nila tungkol sa isa't isa..
walang natitira sa kanila sa tuwing nakakabalik na sila sa mga totoo nilang katawan, maliban dun sa pakiramdam ng pangungulila..
isang hanapan na tumagal nang halos 8 years (3 tapos 5 years)..
matapos yun ay saka pa natuloy yung kanilang love story...

— feeling , ang galing...

---o0o---


February 19, 2018...

[TV Series]

Sana Dalawa Ang Puso

haha, ang cute talaga..
pampa-good vibes lang sa araw-araw..
though, hindi gaya ng Be Careful With My Heart, eh may patayan na at mga sindikatong involved sa istorya nito (parang Blood Sisters na rin)..
perpekto na nga sana eh, kung wala lang yung isang Zombiefier na racist dun sa programa...

ang galing talagang mag-portray ni Jodi..
si Mona, parang tomboyin lang na version ni Maya..
si Lisa naman eh Amor Powers na ulit...

is feeling , yung istorya talaga ng mga 'itinakda' ang inaabangan ko dun eh...

---o0o---


February 21, 2018...

[Online Marketing]

unfortunately, bukod sa hindi automatic yung handling nung isa pang store sa mga niri-release na products..
eh hindi rin nga intelligent yung automatic na paraan nila ng pagha-handle ng mga promos... :(

nakakalungkot lang isipin na namimigay na nga ako ng 20% discount..
tapos eh mag-o-overlap pa yun dun sa 30% discount nung store, when supposedly eh automatic na pina-prioritize lang yung mas malaking discount...

8 oportunista na yung nakapagsamantala dun sa overlapping promos..
nasa USD 19.20 na rin yung nawawala sa akin nang dahil sa kapalpakan na yun..
at halos nasa Php 1,000 na yun kung iko-covert..
pambayad na rin sana yun sa SSS ko for 3 months... :(

is feeling , hindi naman sa nagdadamot ako.. pero yung discount combo eh kalabisan na...

---o0o---


February 22, 2018...

[TV Series]

The Good Son

maganda yung pagkakasulat nung istorya, hindi siya nagmamalinis..
ultimo naghahangad silang lahat ng katarungan o justification para sa kanya-kanya nilang mga motibo..
ipinapakita pa rin nung istorya na halos bawat isa sa mga characters ay may bad side rin naman, na hindi sila perpectfly na mabubuting mga tao..
magmula sa mismong naging biktima hanggang sa kanyang mga anak, halos lahat sila eh nagkaroon ng pagkukulang...

mukhang tapos na yung palabas sa crime mystery na genre niya..
mukhang magiging istorya na siya tungkol sa healing at pagpapatawad...

is feeling , magaling din...


No comments:

Post a Comment