Loveless Story
February 14, 2018...
so ayun..
wala na nga ulit ka-date..
tapos saktong malamig pa ang panahon... :(
walang text eh..
walang go signal..
masyadong busy siguro...
ang tagal ko nang hindi nayayakap yung isang yun... :(
pero sa bagay..
naparating ko na naman sa kanya yung mensahe eh..
maghihintay ako para sa kanya hangga't nasa loob siya...
is feeling , 14 days left for February.. 45 days left until the end of March...
---o0o---
February 16, 2018...
lagot na..
mukhang nauubusan na lalo ako ng oras ah...?
hindi ko pa sigurado..
pero mukhang may boylet na ulit si Miss H eh..
ewan ko lang kung manliligaw pa lang, o kung sila na ba...
mas mahihirapan kasi akong makalapit sa kanila para magawa yung sorry ko, kung mababakuran na sila... :(
is feeling , 12 and 43 days left...
-----o0o-----
[V-League]
UAAP Season 80 - Women's Volleyball (Round 1)
February 10, 2018...
AdU versus FEU
5 setter..
sa wakas, nanalo na ulit ang Adamson laban sa isang non-UE team sa isang UAAP match..
Player of the Game si #8 Galanza..
masaya na ulit neto si Coach Padda...
hindi masyadong nagagamit si Malabanan sa FEU, di tulad kapag ang kasapi niya eh sina Nabor...
DLSU versus UP
3-0..
lagot na..
unti-unti nang nagiging delikadong player si Cobb..
binaliktad ang 3rd Set eh..
matino na ang service, tapos eh pumapasok na rin yung mga smart attack niya, hindi tulad noong first game nila...
pero nakaka-badtrip yung tawag kanina laban sa UP..
untik na ngang madisgrasya yung player ng UP dahil sa ginawa ni Miss Everywhere, Macandili..
tapos eh ibinigay pa sa La Salle yung puntos..
okay lang sana kung deliberate yung blocking eh, pero yung kitang-kita naman na sa pa-out na bola nakatingin yung player, eh lokohan na..
sino namang tangang player ang gugustuhin na banggain nang ganun ni Macandili..?
dapat ipagbawal na sa volleyball yung pagdaan sa court ng kalaban, kung maghahabol sila ng outside nang bola eh sa labas rin lang sila ng court pwedeng dumaan...
is feeling , nice one.. narinig na ulit na ma-interview si Lady Galanza...
---o0o---
February 11, 2018...
NU versus UE
3-1..
nakuhanan pa rin ng 1 set ang NU...
ADMU versus UST
3-1 din..
sinuwerte lang ang Ateneo sa Set 2..
pero mas napatino na nga ni Ravena kahit papaano ang floor defense nila...
is feeling , wanted: taga-sira ng dynasty...
---o0o---
February 14, 2018...
AdU versus UP
3-0..
na-overkill pa ang Set 1, 25-9 ang score...
maganda ang distribution ng attack kanina, nababawasan nga lang ng playing time si Soyud..
pinaganda pa ni Uy ang depensa sa likod..
kaya pala wala sina Emnas at Paat last season, sinadya pala nilang hindi maglaro para sa university nila...
DLSU versus FEU
5 setter..
maganda ang ginawang paghahabol ng FEU sa Set 3 and 4..
pinahirapan at pinakaba rin nga nila ang La Salle..
kaso eh kinapos na ang FEU sa Set 5..
hindi pa rin mabasag ang dynasty...
wala na akong masabi kay Macandili..
finest Libero talaga ng bansa eh...
is feeling , konti pa, Team Galanza...
-----o0o-----
February 11, 2018...
sobrang cute naman ni Raine Salamante para maging kontrabida...
si Coraleen Waddell naman, ginawa lang babae na nakilala sa bar...
is feeling , sayang naman...
---o0o---
February 14, 2018...
[Online Marketing]
up na sa bagong store yung ilang lumang projects ko...
yun nga lang..
medyo disappointed ako..
ang dami kasi nilang pinakialaman eh..
yung sarili kong format at date eh iniba..
yung mga hindi kailangang linawin nang maige, eh halos ipamigay na..
tapos yung mga totoong kailangan na linawin para walang malito, eh hindi ginawa...
eh bakit pa ako nag-fill up nung form kung hindi rin naman pala nila yun susundin...?
is feeling , anyway, sana nga eh makatulong.. kung maaari eh sana eh maka-doble...
---o0o---
February 15, 2018...
medyo nagkakaroon ng difficulties doon sa isa sa mga settings..
unfortunately, yun pa naman yung main o mas gagamitin ko na environment para sa latest project ko..
hirap yung engine na mag-handle ng maraming texture ng mga characters eh, siguro dahil na rin sa mismong texture nung environment...
mataas naman yung percentage ng output..
kaso eh hirap sa pagpo-produce ng shadow...
kailangan ko pa tuloy ng mga panibagong test..
siguro 3-hours, o di kaya eh double render ulit...
is feeling , 13 days left for February.. 44 days until the end of March...
---o0o---
February 16, 2018...
[TV Series]
Blood Sisters
natawa naman ako dun sa plot...
bale may mayamang mag-asawa ang naisipang umupa sa sinapupunan ng isa nilang kasambahay para ito ang magbuntis para sa magiging anak nila..
kaso nagkataon na may gusto rin sa isa't isa yung among lalaki at yung kasambahay, pero mas pinipili nung lalaki yung asawa niya..
unfortunately, nalaglag yung batang inilagay sa sinapupunan nung kasambahay...
pero hindi pumayag yung lalaki na mamatay yung bata..
kaya naisip niya na sila na lang nung kasambahay ang bubuo ng batang kapalit nung nawala..
at bumuo nga sila ng baby sa natural na paraan...
kaya wala na talagang in vitro fertilization na sumunod..
at anak talaga nung among lalaki at nung kasambahay yung triplets...
is feeling , para-paraan yung lalaki.. naka-torjack na nang totoo dun sa kasambahay, at natupad pa yung pangarap nilang mag-asawa na magka-anak...
---o0o---
February 17, 2018...
nice one [Name of Electric Cooperative]!
so requirement na ngayon para sa lahat ng miyembro na mag-Facebook para lang malaman kung kailan may schedule ng brownout..?
requirement na para sa lahat ang data o internet connection para c-um-onnect sa lintik na page ninyo..?
ititigil na ang pagsasagawa ng announcement sa mga maaapektuhang area...??
yun na nga lang ang maaasahan para maiwasan naman na ma-torture nang ma-torture yung UPS eh, tapos ipagkakait pa...
putang ina..
anong klaseng siyudad are at maya't maya ang unscheduled na mga power interruption..?
tuwang-tuwa kayo na manira ng mga electronic device eh...
is feeling , February pa lang pero naka-6 na kaagad.. bukod pa yung mga naka-schedule...
No comments:
Post a Comment