Globe Changing the Time of Expiration of Prepaid Load - Part II
bad news na ulit...
from November 2017 to January 2018 eh tila naayos naman yung sistema..
in fact, kinumusta pa ako noon ng representative ng NTC kung nararanasan ko pa daw ba yung problema..?
pero dahil nga tila huminto na yun noon ay inakala ko na ayos na ang lahat..
hindi ko na hinabol pa yung mga nawala kong pera, at umasa na lang ako na magiging patas na lang ulit ang Globe sa mga susunod na panahon...
kaso naulit na naman ang lahat... :(
dahil walang pangil ang NTC..
eh ayun at bumalik na naman sa dating gawi ang Globe..
na-round off na ulit yung expiration ng load ko this February 2018..
yung 6:00 PM na expiry, eh ginawa na ulit na 12:00 AM..
bale 18 hours yung kinaltas nila sa buhay nung load..
logically speaking, kayang mangkaltas ng ganung klase ng sistema ng at most 23 hours, 59 minutes, plus seconds sa buhay ng prepaid load ng isang unaware na user...
bale na-prove nun na mali rin yung theory ko na tuwing umaga lang umaatake yung ganung estilo ng Globe sa pagpapalit ng load expiration details..
kasi hapon yung pinaka-latest niyang naging pag-atake sa akin...
mabuti na lang at naka-minus 1 day na parati yung mga reminder ko...
mas magaan rin 'to para sa kaso dahil nga madalas naman na 30-day ang validity ng nilo-load ko..
kahit papaano eh mahaba-habang allowance yung natitirang 29 days para ma-extend ko yung validity ng mga hindi ko nagagamit na load..
pero paano naman yung mga prepaid users na gumagamit ng mga load na mas maikli kesa sa 30-day ang validity..?
nararanasan rin kaya nila yung manipulation ng expiration details na gaya ng mga naranasan ko, dahilan para mas mapabilis ang pagpapa-expire at pagkain ng sistema sa mga load nila..??
kasi dapat tandaan ng mga tao na bayad kahit yung mga hindi nagamit na regular load...
nakakalungkot lang isipin na nangyayari 'to kung kailan may sinasabi na sila na kesyo gagawin ng 1-year ang validity ng lahat ng klase ng regular prepaid load..
o baka naman ayaw talaga nilang ipatupad yun..?
dahil mas malaki ang kapalit na gatas kapag mas malaki ang nawawala at nakukuhang pera mula sa mga consumers...??
wala na akong balak na maghabol pa sa Globe..
wala na akong balak na magreklamo pa sa NTC..
i guess ganun na talaga ang mundo na 'to..
napakarami ng mapagsamantalang sistema...
for those consumers na gustong mabantayan ang mga load nila..
ugaliin nyo lang yung regular na pagba-balance inquiry through SMS (na libre)..
upon reloading, i-check nyo kaagad kung tugma ba yung sinasabi na expiration date and time kumpara sa actual na oras kung kailan kayo nagpa-load..
tapos mag-balance inquiry na lang kayo sa tuwing nagamit kayo ng load, para ma-check ninyo kung napapalitan na ba yung expiration details kumpara dun sa original..
tandaan nyo rin na nae-extend naman ang buhay ng mga hindi nagamit na prepaid load sa pamamagitan ng pagre-reload ng panibago, provided na hindi kayo nakakainan ng load sa iba pang pamamaraan...
is feeling , pa-1 year, 1 year pa kayo ng mga jet ski statement.. eh tino-tolerate nyo nga lang naman yung mga pandaraya nila...
here's a related post from 2017:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2017/10/globe-changing-time-of-expiration-of.html
No comments:
Post a Comment