Loveless Story
[OOTD 18+]
i'm not sure kung anong mismong tawag dun sa dress..
ang popular Google searches na tumutugma ay either:
Long Sleeve Criss Cross Bare Midriff Dress..
o di kaya ay Long Sleeve Criss Cross Bodycon Dress...
wala lang..
nagalingan lang ako sa pagdadala dun sa dress..
gravity-defying kasi... <3
credit for the featured image goes to the adult website, Brazzers...
---o0o---
February 4, 2018...
ewan..
pero parang aksidente kong nahanap si Miss B...
hindi naman ako sigurado..
pero tugma yung mata niya..
tugma yung cleft chin..
tugma ang height..
tugma ang body type..
tugma yung necklace..
tugma yung navel piercing...
hindi naman kagandahan..
tattooed..
at may braces...
is feeling , nahahanap ko yung iba, pero siya eh hinding-hindi ko makita...
---o0o---
February 6, 2018...
nakuha ko na nga yung pera ko..
may pang-date na nga sana nitong February...
kaso..
hindi na talaga niya ako kinakausap..
hindi ko rin alam kung anong dahilan eh..
ni hindi ko nga masabi kung totoo bang bumalik siya, o kung bogus account na lang yun..
o kung mas istrikto lang talaga siya this time...
isa pang try..
kapag hindi talaga siya sumagot, eh magtatanong na ako sa mga kagrupo niya..
at kapag wala ring sagot..
eh yun na ang ibig sabihin nun...
is feeling , mukhang wala rin naman pala akong makaka-date...
---o0o---
February 7, 2018...
i already talked to her..
and it did sound like her..
yung mababang boses na yun...
may nagbago nga lang..
she doesn't sound enthusiastic, like she used to..
hindi na friendly ang dating sa akin..
ni hindi nga niya ako kinumusta eh...
pabalik-balik daw siya sa province nila lately..
kaya busy..
hindi nya tuloy masabi kung kailan siya free o hindi..
she told me na sasabihan niya na lang ako in case na makahanap siya ng bakanteng date..
tinanong pa niya ako kung gusto ko bang i-refer niya ako sa iba niyang kagrupo...
in other words..
that means "NO"...
is feeling , mukhang wala na talaga akong makaka-date this February...
---o0o---
February 8, 2018...
so i texted her again today..
may nakalimutan na naman kasi akong sabihin eh...
halos 2 years na rin simula noong huli kaming nagkita, kaya baka hindi na niya ako natatandaan..
o baka hindi na niya ako kabisado..
kaya ipinaalala ko lang sa kanya na in case na may makita siyang date para makapag-meet kami, eh bigyan niya ako ng ilang araw para makapag-prepare...
i also told her na handa akong maghintay para sa kanya hangga't nasa grupo nila siya...
surprisingly, nag-reply na siya sa text ko...
is feeling , uncertain...
-----o0o-----
[V-League]
UAAP Season 80 - Women's Volleyball (Round 1)
February 3, 2018...
AdU versus NU
almost 2 sets yung nakuha ng AdU..
kaso gaya pa rin ng dati, eh hindi sila sanay magdepensa ng lead...
kapag hindi pa nakuha ng NU ang season na 'to eh wala na...
DLSU versus UST
wala daw si Laure para sa season na 'to...
si Morente naman eh nasa training pool lang ng La Salle...
5-setter match..
pero panalo pa rin ang DLSU...
is feeling , sabi nga ni Lily Cruz - giyera na 'to...
---o0o---
February 4, 2018...
UP versus UE
balik na sa pagiging attacker si Baliton, depende sa lineup sa court...
import na rin ang coach ng UP..
5 setter match..
untik na ang UP kanina, gaya pa rin ng dati humihina ang loob kapag nahahabol sila at nalalamangan..
pero sila pa rin naman ang nanalo...
ADMU verus FEU
madaming nawalang player sa ADMU..
wala na rin si Morado sa coaching staff..
5 setter ulit..
pero sobrang humina talaga ang reception ng Ateneo...
tama lang ang naging desisyon ni Morado..
ayos na yung tumigil siya nang tabla; 2 panalo at 2 talo..
kahit pa kasi naglaro siya sa Season 80, tapos eh kung si Wong lang bilang Setting Libero ang makakatulong niya sa first ball, eh pahirapan talagang maghabol ng championship...
is feeling , NU, alam nyo na ang gagawin - magpabagsak ng dynasty...
---o0o---
February 7, 2018...
UST versus UE
3-0..
hindi pinaporma ng UST ang UE...
ADMU versus NU
5 setter..
untik na ang NU sa ADMU..
base sa laro nila kanina, delikado pa rin sila laban sa DLSU...
nakadiskubre si Bundit ng mas maigeng combination para sa team nila..
mas malakas ang loob ni Gaston kumpara kay Samonte..
samantalang mas mainam nga na Setting Libero si Ravena, humahabol sa bola..
ang lakas ng Ateneo sa 3rd at 4th Set..
kung nadiskubre lang kaagad ni Bundit yung combination na yun, baka sila pa ang nanalo..
kasi parehas rin na maganda ang naging start ng 1st at 2nd Set nila eh, napapakawalan lang nung lineup sa court yung kalamangan...
is feeling , may kulang pa sa NU...
-----o0o-----
February 3, 2018...
at dahil may sakit ako..
at walang kalakas-lakas...
tried rendering kanina..
maganda yung resulta kung tutuusin eh..
83%..
ibig sabihin eh hindi na ako magpapaulit-ulit..
kaso bigla namang nag-crash yung software noong natapos na... :(
kailangan pa ulit testing-in kung kaya nga ba niya yung ganung setting...
is feeling , schedule pa naman ng general cleaning bukas...
---o0o---
February 4, 2018...
may sakit..
pero no choice..
hanggang 28 days lang ngayon ang February..
kailangang puwersahin ang katawan para makapag-general cleaning na..
hindi na pwedeng mag-reschedule...
is feeling , last 24 days for February.. 55 days until the end of March...
---o0o---
February 5, 2018...
[Movies]
Marvel Universe
pamilyar ako kina Captain America..
Captain Britain..
Captain Marvel..
at maging kay Miss Marvel...
pero kaya pala hindi ako pamilyar dun sa babaeng Captain Marvel..
kasi mga bandang 2012 na lang siya naging Captain...
definitely mas maganda yung black costume niya noong Miss Marvel pa siya, kumpara dun sa full body suit niya noong Captain Marvel na siya...
parang mas bagay rin sana kung slim na curvy yung magiging Captain Marvel sa movie..
parang mala-Gal Gadot, o baka naman dahil lang yun sa klase nung costume ni Miss Marvel...
is feeling , siya pala yun...
---o0o---
February 6, 2018...
[Business]
sa grocery naman...
bumaba na ulit ang presyo ng bundle ng mantika..
from Php 201 down to Php 198..
pero Php 18 pa bago makabalik sa dating normal na presyo...
wala pang paggalaw sa presyo ng powdered juice..
yung mga hanggang November 2018 ang expiration date...
pero ang nakakapagtaka..?
artificial sweetener ang isa sa mga main target ng bumubulusok na train, pero bakit pati tunay na asukal eh tumataas na ulit ang presyo..??
walang washed sugar kanina..
pero yung white at brown eh tumaas na ulit ng Php 0.50 per 1/4.. :(
mga 1/4 pa naman ang madalas na kayang bilhin ng mga mahihirap...
is feeling , wala pa rin si Emoji-Gril.. February na...
>
psychological banking... :(
yung nadala ka ng basic na konsepto ng banking..
na akala mo eh basta nasa bangko ang pera mo ay matatawag na yun na pag-iimpok...
wala na yata talagang pag-asa ang biological mother ko..
inulit na naman niya yung nagawa na niyang pagkakamali dati...
dahil sa pagiging social climber niya..
sa kagustuhan niya na tumbasan ang kayang gawin ng mga kamag-anak niya..
eh napababa niya below ng maintaining balance ang bank account niya...
hindi ko rin masyadong naiintindihan yang banking na yan..
according sa rule, na nasa passbook naman, eh after at least 2 months saka magkakaroon ng charge..
though hindi ko sigurado kung ang meaning ba nung 2 months na yun ay; yung usually equivalent sa 60 days, o basta ba masakop ng 2 buwan na may magkaibang pangalan...?
nagpasok ako ng Php 25,000 sa account niya..
i was hoping to get Php 23,000 out, at iiwanan muna yung Php 2,000 para lang maisalba yung account niya..
pero yun pala eh by the end of January pa lang eh may charge na..??
kaya mas nabawasan pa tuloy yung pwede kong ilabas...
hanggang ngayong araw ay 46 days pa lang simula noong bumaba sa maintaining balance yung account..
sa sobrang liit ng interes sa mga bangko, na binabawasan pa ng 20% ng pamunuan..
tapos magpapakaltas ka ng Php 300 per month, eh lokohan na...
tapos sasabihin pa sa akin nung matandang babae na pabayaan na lang kesyo nahihiya kasi siyang magtanong...?
tang ina naman..
pagdating sa ibang tao eh ang kapal ng mukha ninyong mangutang ng mga panghanda, ng pang-beauty products, ng pang-gadget, ng mamahaling mga pang-ulam..
tapos basta-basta na lang mamimigay ng pera sa bangko na akala mo eh mayaman siya...?
ano bang gusto niyang mangyari sa account niya..?
na masaid na naman gaya ng dati, sa halip na tumubo...??
is feeling , kung naging matalino lang sana siya.. edi siguro, wala sana ako sa mundong 'to ngayon...
>
did some new renders..
at pasado naman yung 2 bagong setting..
mataas yung napo-produce na quality...
is feeling , bawas rin yun sa trabaho at oras kahit papaano...
---o0o---
February 7, 2018...
okay, na-gets ko na matapos ipaliwanag nung bangko...
yung 2 consecutive months na banking term eh hindi nangangahulugan ng 60 days..
regardless kung anong araw pa nagsimula, kahit na last day pa yun ng buwan..
basta nagpalit ng kalendaryo, from a certain month to the next month, eh considered 2 consecutive months na yun...
nakukuwenta yung Average Daily Balance (ADB) sa katapusan ng bawat buwan..
bale yun eh summation ng bawat Daily Balance for a particular month, divided by the total number of days for that month..
at basta napababa ng withdrawal ang ADB kumpara sa required maintaining balance eh automatic na counted na yun...
gaya sa kaso ng biological mother ko..
kahit pa sabihin na 10 days na lang before the end of the month niya ginawa yung withdrawal..
pero dahil nagresulta yun sa below maintaining na ADB (kahit pa Php 4,890 plus yun), eh counted na rin yun bilang first month nang hindi pagsunod sa requirement...
so ang lesson dito ay..?
kung gusto mong hindi ka matalo ng bangko (depende sa rules nila)..
eh gawin mo yung mga delikadong withdrawal transactions sa loob ng iisang buwan lamang, hindi yung kalat sa iba't ibang buwan, tapos ay ayusin mo rin kaagad..
para hindi madale ang bank account mo ng charges nang dahil sa ADB na yan...
is feeling , basta kada end of the month ang kuwentahan...
---o0o---
February 8, 2018...
paano tumatagal yung Php 35 na chicharon bilang ulam ng 3 katao mula tanghali hanggang sa gabi...?
kasi surface area ang tinitingnan namin, hindi volume..
yung kanin na ang bahalang sumalo sa volume..
kaya basta mukhang malaki ang nakakagat namin..
basta may konting lasa..
basta mairaos lang ang bawat araw sa papasirang bayan na 'to...
is feeling , yung kapitbahay lang naman talaga namin ang may gusto ng daan-daang worth ng pang-ulam eh...
>
hindi ko pa rin maintindihan kung paano kang kikita ng libo-libong USD sa pamamagitan ng pag-aaksaya ng kuryente at hardware...?
sabihin na na andun nga yung effort..
pero saan naman manggagaling yung pera - sa mutual agreement na kesyo may value nga yung ginagawa nila..?
parang komunikasyon ng kolektor at kapwa niya mga kolektor..
para kasi silang gumagawa ng kayamanan mula sa software lamang...
at least yung ginto eh tangible pa..
hindi gaya nun na parang concept lang talaga...
is feeling , hindi kaya hacking algorithms ang ginagawa nila...??
---o0o---
February 9, 2018...
laptop fixing day..
nagkaroon na naman ng deperensya yung laptop ng isa naming mabait na ka-subdivision na minsan ko na ring naayos..
bagong problema..
pero sana naman eh maayos ko rin...
is feeling , titingnan...
>
[TV Series]
Wild Flower - Ending
naubos ang mga lalaking Ardiente at Torillo...
maganda naman yung idea..
mag-amang Ardiente ang sinubukang magpatayan sa huli, na nag-ugat na rin sa pagkapaslang kay Red Dragon...
nagbago si Emilia kasi na-realize niya na wala namang pinatunguhan lahat ng ginawa niya para lang subukang makuha ang respeto ng sarili niyang ama (na handa naman siyang patayin kapalit ng kapangyarihan)..
maging si Lily ay napatawad siya...
si Tatay Julio naman eh hindi rin napatay ni Emilia..
bale nakaligtas pa rin siya, pero nakuha naman siya ng isang mapaghiganting Adopted Baby Dragon..
ni hindi yung na-diagnose na sakit niya ang tumapos sa kanyang buhay..
torture ang inabot niya sa mga huling sandali niya sa mundo...
pero ang nakakatawa sa series na 'to..?
yung paulit-ulit na sinasabi ng mga bida na kesyo hindi nila kayang ilagay ang batas sa sarili nilang mga kamay..
na tipong kapag main villain ang kaharap nila, eh hindi nila ito magawang barilin o patayin..
pero kapag mga tauhan lang ang kaharap nila eh para silang mga action star na sunud-sunod kung makapamaril..?
mga racist...?
is feeling , biyuda...
No comments:
Post a Comment