Loveless Story
January 27, 2018...
at na-check na kaagad ako... :(
so gamit yung isang lumang PayPal account..
padadain ko sana dun yung pondo..
tapos saka palalabasin sa bangko...
eh kaso..
yung magaling na may-ari nung bank account na yun eh nawala naman yung phone niya dahil sa sobrang ligaya sa nakaraang reunion nila nito lang January 1..
eh doon pa naman siya madalas na kino-contact nung bangko...
ang masama pa nun eh ni hindi tanda nung may-ari kung anu-anong contact information niya yung naibigay niya dun sa bangko..
tapos hindi na rin naman siya basta-basta nakakaalis ng bahay lately dahil nga sa pag-aalaga niya sa mga bata...
nagtanong kasi ako dun sa bangko..
at policy nila na i-verify palagi sa may-ari kapag may papasok na pera mula sa kung saan..
(ang weird lang dahil in many cases, regarding different banks, eh hindi naman bini-verify sa may-ari kung sakaling may mga lumalabas naman na pera galing sa mga account nila)...
so kailangan pa naming dumaan sa pag-a-update ng contact information..
tapos saka ita-try kung lulusot ba yung pera sa PayPal..
maghihintay sa processing sa bangko kapag in-acknowledge na..
at saka pa yung withdraw...
is feeling , FATE nga naman.. alam na alam yung mga dadaanan kong path eh...
---o0o---
January 28, 2018...
holy crap naman o'!
verified na sana yung pagpapadala ko ng pera eh..
yun nga lang..
1:58 AM ako tinawagan ng PayPal, tapos eh naka-silent pa yung phone ko... :(
pero so far maganda 'tong mga na-experience ko na security measures na ginagawa ng PayPal..
nakaka-nosebleed ang verification, LOL..
pero at least eh inaalam talaga nila na ikaw nga yung gumagawa ng mga transactions gamit yung account mo...
regarding PSBank naman..
according to them, possible naman daw yung transfer ng pera from PayPal to them..
kaso dahil daw hindi naman sila konektado pa sa PayPal, eh hindi rin nila maipapangako na ia-approve nga nila yung withdrawal papunta sa bangko nila...
is feeling , pagbigyan nyo na ako.. kahit isang beses lang.. emergency lang talaga.. after this, gagawa na ako ng sarili kong bank account...
---o0o---
January 29, 2018...
wasted 2 days... :(
dahil na-miss ko yung unang tawag, eh kinailangan ko pang mag-request ng panibago..
at kanina lang nila ako natawagan ulit...
kailangan ko daw maghintay ng 24 hours bago ko ulit subukan na mag-transfer ng pera..
may kalakihan daw kasi yung inililipat ko eh..
at manual na pagse-setup na naman yung gagawin nila para sa account ko...
tapos nun, dadaan pa sa paghuhusga ng PSBank...
is feeling , last 2 days for January.. and 61 days until the end of March...
---o0o---
January 30, 2018...
bullshit, FATE!
ano ba talagang plano ninyo sa akin..?
tang ina, kung napapapalitan lang ng pera ang mga delay eh mayaman na sana ako...
pinaghihirapan ko yung pera na yun..
pero hinding-hindi ko mailabas..
lahat ng isipin ko na paraan eh puros nagkakaroon ng delay..
yung lintik na SIM upgrade ng Globe..
yung mga lintik na hacking sa mga bangko..
tapos ultimo yung mga verified na accounts eh hindi namin magamit nang pulido...
putang ina..
5-digit nga yung Php 25,000 sa lintik na bansa na 'to..
pero kung alam nyo lang, halos wala rin yung halaga..
naman, hindi yun dolyar...
awa na..
tama-tama na ang panggigipit ninyo sa akin...
gusto ko lang talaga siyang makita..
gusto ko lang sabihin sa kanya lahat ng mga hindi ko pa nasasabi..
dahil hindi ko alam kung kailan ba yung magiging huli... :(
is feeling , putang ina, Wednesday na ulit bukas...
>
cleared na yung lumang account...
that means..
yung akin nga yung may dalang kamalasan... :(
is feeling , bakit ba pakiramdam ko na DEATH lang yung talagang mensahe para sa akin...?
---o0o---
January 31, 2018...
kagulo na ang isip ko... :(
kailangan kong asikasuhin yung pagbubukas nung bagong tindahan..
pati yung pagsisimula nung panibagong project..
habang iniisip kung paano ko ilalabas yung pera ko..
at habang iniisip ko kung paano ko ba siya makikita ulit...
i feel so down..
hindi ko alam kung ano ba talagang gustong gawin sa akin ng FATE...
sinubukan ko na rin yung pagre-request ng payment, pero talagang naka-block yung pagpapadala ng pera mula sa account ko..
USD 10,000 yung limit nila para sa dolyar, at mahigit naman sa Php 100,000 yung para sa Peso..
tapos ire-restrict ng system nila yung Php 25,000 na almost USD 500 lang naman kung ikukumpara dun sa malaking limit..??
ultimo nga Php 5,000 eh bina-block rin para sa account ko..
samantalang nakita rin naman nila kung paano pumasok yung mga pera sa account ko, na hindi naman yun isang bagsakan lamang ng malalaking halaga..
ano bang akala nung system, na kita yun sa bentahan ng masamang bisyo, puwerket sikat yung bayan dahil sa mga ganung kalokohan...?
mga hayop kayong mga nakikipagsabwatan sa FATE..
kapag tuluyan siyang nawala sa radar ko dahil sa mga panggigipit ninyo sa akin..
mag-aaral ako ng advance hacking at gagantihan ko yang mga lintik ninyong kompanya...
sa ganitong takbo ng malas kong buhay..
masuwerte na siguro ako kung mamamatay ako habang natutulog eh...
is feeling , paulit-ulit na lang yung mensahe ng kamalasan...
>
andami kong sinasayang na oras..
Thursday na bukas..
bale 2 business days na lang yung natitira for this week..
after that, panibagong hintayan na ulit...
napaka-miserable..
bakit ko pa sinubukan kung iba-block rin naman pala nila ako..?
isang sistema na hindi rin sumusunod sa sarili nilang mga rules..
sa ngayon eh kahit na magkaroon pa ako ng bank account eh hindi ko na rin masabi kung mawi-withdraw ko nga ba yung mga pinaghirapan kong pera mula sa kanila..
hindi ko masabi kung bulok rin nga ba sila o baka naging ganun lang sila dahil nga malas ako..?
dahil ayaw sa akin ng mga putang inang mga diyos...??
is feeling , 0 day for January.. 59 days until the last day of March...
---o0o---
February 1, 2018...
hindi pa nila ako hahayaan na makapagpadala ng pera kung hindi ko sasabihin na ipo-post ko sa blog at sa YouTube yung mga error sa sistema nila at yung mga pekeng claims ng kompanya nila... :(
Thursday na..
nasa bank transfer process na ako...
2-4 business days pa yung processing..
so mukhang aabutin na naman ako ng next week... :(
matapos kong makita ang mga kapalpakan ng Globe at PayPal..
PSBank naman ang maoobserbahan ko sa pagkakataon na 'to..
makikita natin kung gaano katotoo ang ads ni Anne Curtis...
is feeling , aabot pa ng Valentine's week bago ko siya ma-contact.. at wala pang kasiguraduhan ang lahat sa ngayon...
>
hindi rin ako nakapagpigil...
t-in-ext ko siya kanina..
i told her na gusto ko siyang makita ngayong February..
ginawa ko yun kahit ni hindi pa nga ako sigurado kung magagawa ko ba siyang i-meet..
hindi ko kasi alam kung anong plano niya..
kaya i'm hoping na medyo makukumbinsi ko siya na hintayin pa ako...
is feeling , pero no reply pa rin...
---o0o---
February 2, 2018...
na-move pa..
from 6th, naging 12th..
dahil daw first time eh..
at kailangan pa ng verification...
as of late last night eh nandun pa sa kompanya yung transaction..
nakapila pa lang sa verification process nila...
Anne Curtis..
sa landline kayo tatawag ha..
huwag sa nawalang mobile phone...
is feeling , puros na lang paghihintay...
-----o0o-----
January 28, 2018...
[Movie]
Furious 7
ngayon ko lang napanood, salamat sa Channel 7 (kahit maraming cut XD)..
maganda lahat nung eksena na may kinalaman sa pamilya ni Brian, tamang-tama lang na alibi..
bagay na bagay nga to na last movie ni Paul Walker...
Salud mi Familia..
more than just blood, it's the bond...
putragis yung kanta.. :(
Wiz Khalifa - See You Again ft. Charlie Puth
— feeling , yung kantang hinding-hindi mo gugustuhing marinig sa personal...
---o0o---
January 30, 2018...
[Business]
hindi pa rin ulit kami nagpapanagpo ni Emoji-Girl..
ibang supervisor na yung naabutan ko doon madalas eh...
anyway..
December pa nagsimulang may mga gumalaw na presyo ng mga produkto, though hindi ko masabi kung nabangga na ba ng train ang mga yun o ano...
bago na yung stock ng Great Taste, pero naka-stick pa rin sila sa December price nila..
overall Php 0.30 per twin pack na yung itinataas ng presyo nya hanggang sa ngayon..
yung Milo naman na old stock pa rin base sa expiration date eh tumaas na ng Php 0.40 per pack of 12 simula nitong January..
ngayon lang naman ako bumili ng Kopiko, pero sa tingin ko eh napakamahal niya sa Php 9.65 per twin pack...
akala ko eh mga produkto lang na may sweetener ang magmamahal..
pero maging yung mismong washed sugar eh tumaas na ulit ng Php 0.25 per 1/4...
hindi ko rin alam kung kasama na ba yung pagtaas ng operational cost sa adjustment na ginawa ng mga kompanya sa presyo ng mga produkto nila sa ngayon...
ang plano ko..?
ganun pa rin..
magtitiis na lang..
kung ano lang yung halaga na pasok sa SRP minus puhunan per item, edi yun na lang yung kukunin ko na tubo...
is feeling , pwede na yung mga centavos, basta hindi lang mag-negative...
>
[Online Marketing]
finally got the approval of the other store...
yun nga lang..
masyado akong distracted ngayon...
is feeling , double the money...
>
[TV Series]
Wild Flower
napakalupit..
Jesus at Tanauan-style combo... :(
Zombie level 99..
ganun pala ang kahahantungan ng isang bayan na na-infest na ng mga Zombie..
patuloy lang ang kasamaan, kasi nga eh kinukunsinti na...
is feeling , future...?
>
[Movie]
Changing Partners
ewan ko lang kung paano yung duration nung istorya nun..
kung mabilisan lang ba o kahit papaano eh may mga taon naman na lumilipas..
pero isa siyang halimbawa kung paano kumakalat ang HIV (that is kung involved na ang sex sa relationship)..
parang bisexual swinging..
lalo na para sa mga pairing na may male factor, according na rin sa research...
hindi naman sila pwedeng lahatin..
depende pa rin talaga sa disiplina ng bawat tao..
mas nalaki nga lang talaga yung probability kung papalit-palit ka, tapos eh maghahabol ka pa ng sex...
is feeling , napansin ko lang naman...
---o0o---
January 31, 2018...
ang galing nga naman... :(
pati benta ko sa nano-store eh kailangang isakripisyo...?
may sarili namang bahay yung pamilya nung Autistic, pero dito sila sa bahay parating natigil..
tapos sa halip na bantayan yung bata, eh ang option nila eh isara ang mga pinto ng bahay para hindi ipahamak nung isa yung sarili niya..
kaya akala tuloy ng mga nabili eh sarado ang bahay...
eh paano nga ako niyan makakaipon ng pangbukas ng bank account...??
is feeling , magkampihan pa kayong mga putang ina ninyo..! ibaon nyo pa ako sa impiyerno...!
>
yung palabas kanina sa TV...
akala ko "ibagsak sina Duter..."..?
yun pala eh "ibagsak ang mga Ardien-te"...
is feeling , huwag busalan ang mga ebidensya...
>
balik sa realidad...
pati [Name of Electric Cooperative] eh nakikisawsaw talaga sa kamalasan ko..
January pa lang, pero hanggang sa last day eh nagrasyon pa rin sila ng quicky brownout..
bale naka-5 na unscheduled power interruptions na kaagad yung UPS ko sa loob lamang ng isang buwan...
siguro dahil gusto ng FATE na sirain kaagad yung investment ko para sa 3D graphics, lalo't alam niya na ipinangutang ko lang ang mga yun... :(
is feeling , sorry sa lahat ng nadadamay sa kamalasan ko...
---o0o---
February 1, 2018...
super blue blood moon...
kung inaabot yun ng more than 3 decades bago ulit makita..
(though sabi ng mga eksperto eh sa 2027 o 2028 na daw yung kasunod)..
eh hindi na nga masamang experience na makita yun...
kaso na-miss ko yung tawag ng PayPal dahil sa ilang saglit na pagsilip ko sa buwan...
is feeling , minsan lang ako dapat mabuhay.. hindi ko na nanaisin pa na muling maranasan ang buhay...
>
[Online Marketing]
sa wakas..
natapos din sa pagsa-submit ng mga requirements para dun sa bagong store..
sana nga eh ma-approve soon...
kung matutumbasan nun yung output nung una kong store, edi maige..
ibig sabihin eh madodoble yung income ko from 3D graphics..
may magiging savings na ako para sa advanced education... XD
sa Tuesday ko pa malalaman kung uubra nga ba yung withdrawal through electronic transfer..
sana lang talaga eh hindi ako bigyan ng panibagong problema nina Anne Curtis...
mamaya naman eh gagawa pa ako ng monthly report...
is feeling , hindi pa makaka-proceed sa Project #6...
---o0o---
February 2, 2018...
[TV Series]
Wild Flower
maganda yung mensahe..
na walang makakapagpabago sa isang bulok at corrupt na sistema..
unless ang mga mamamayan na ang magsulong ng tunay na pagbabago tungo sa kabutihan..
parang yung People Power rin noon laban sa masamang angkan..
(though may mga nagsasabi na sinira ng People Power ang pangarap nilang gobyerno; kung saan marami ang namamatay nang palihim at magagandang balita at data lamang ang ipinapaalam sa publiko)...
medyo nakakatawa lang yung eksena kanina..
edi beast-mode yung mga tao..
mga galit na galit, at pinagkukuha na yung gamit ng mga Ardiente..
yung ibang mga gamit eh pinagsisira..
pero yung mga flat screen TV, yung oven, yung gas range, yung refrigerator, yung salamin ng center table - eh ni hindi man lamang nagasgasan nung mga tao..
nahiya siguro sila dun sa may-ari nung property sa totoong buhay... XD
is feeling , pero naniniwala pa rin ako na dapat pagpapatayin pa rin lahat ng masasama at kurakot.. para siguradong wala nang balikan...
>
nagsimula na ako sa Project #6 ko...
45 days ang target..
parehong outdoor scene, so i'm hoping na magiging average naman yung quality niya kahit papaano...
is feeling , 26 days left for February.. 57 days until the end of March...
No comments:
Post a Comment