Friday, March 2, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Days of February 2018 (Against Time)

Loveless Story


February 28, 2018...

[Strange Dream]

nakita ko na ulit siya sa panaginip ko..
ini-explore ko daw siya..
hanggang sa naisip ko kung bakit hindi ko pa siya pinagsasayaw noon..?
hindi naman kasi talaga ganun yung plano..
at dahil alanganin yung naging simula nung mga kaganapang iyon..
na-realize ko nga na nasa isang panaginip lamang ako..
kaya naman minabuti ko na huwag na lang makialam sa pamamagitan ng pagdedesisyon..
at hayaan na lang kung anuman yung mga mangyayari...

hindi rin masyadong nagtagal yung panaginip na yun dahil naalimpungatan ako...

is feeling , last day of February.. 31 days left...


>
paano niya nagawa yun..?
hidden, pero hindi naman pala disconnected...

well, ang importante eh nandun pa rin siya...

is feeling , akala ko wala na...

---o0o---


March 2, 2018...

kahit na wala ng kasiguraduhan ang mga bagay-bagay ngayon..
eh minabuti ko na ring magparamdam kay Miss Y...

told her na gusto siyang ma-meet kapag nabigyan na ako ng date ni Miss C..
kung mabibigyan pa ako ng date ni Miss C..
nag-request na rin ako na sabihan niya ako kapag nakabalik na yung taong hinahanap ko...

surprisingly, napaka-responsive sa akin ng bago niyang katauhan so far...

is feeling , wala akong magagawa kundi maghintay hanggang sa maubos na ang oras niya...

-----o0o-----


[V-League]


UAAP Season 80 - Women's Volleyball (Round 1)


February 24, 2018...

A Legend within the Preliminary Round


FEU versus UE

3-1..
iba ang coach ng UE kanina..
panalo ang FEU...


AdU versus DLSU

yung team na na-3-0 ng depleted UST team..
pero pinahirapan ang Ateneo..
tapos eh tinalo lang ang defending champion sa score na 3-1 (4 setter match lang)..
holy crap!
Adamson Lady Falcons = bastos, LOL... :D

so proud of Adamson..
bagong gupit pa man din si Galanza, mas pinaikli pa yung maikli na niyang buhok..
mas naging consistent pa ngayon ang backrow attack ng Queen Falcon, pwede nang itapat kay Pons..
so proud din of Soyud..
first time niyang labanan sa UAAP ang former team niya, panalo na sila, tapos eh Player of the Game pa siya...

ang ganda ng Set 1 ng Adamson..
ideal set kumbaga; mataas ang number of attacks, blocks, at service aces, at maganda ang floor defense..
first time kong makita na naging chaser ang Lady Falcons..
madalas kasi na kagaya sila ng karamihan ng teams, na nanghihina kaagad ang loob kapag nalalamangan na..
maganda ang naging start ng Set 2, pero nahabol din sila ng kalaban..
may mga punto na nakakalaban pa sila, pero naarangkadahan at naiwan sila sa score na 25-15..
sa Set 3 naman nagsimula ang miracle game ng Adamson..
gamit na gamit rin lahat ng attackers nila para sa game na 'to; sina Galanza, Soyud, Dacoron, Paat, at maging si Permentilla..
nagkaroon ng 2 mahahabang paghabol para sa Lady Falcons sa Set 3, maramihan din kasi ang nagiging lamang ng La Salle noon..
pero nagawa nilang baliktarin yung laban at iniwanan na nga nila ang DLSU sa bandang dulo..
palitan naman ng kalamangan ang nangyari sa Set 4, nakalayo ang Lady Falcons sa bandang dulo pero medyo nahabol din ng La Salle sa beyond 20 points, pero Adamson ang nanaig sa huli...

basag na naman ang dynasty..
at malungkot na naman si Coach Ramil...

posibleng hindi na maulit yung kalibre ng laro nilang iyon especially laban sa La Salle..
since medyo moody pa ang laro ng mga key players ng Lady Falcons..
pero championship game na ang dating nung nilarong iyon nina Galanza para sa akin...

is feeling , ganun ang nangwawasak ng champion team.. #8 is LOVE...

---o0o---


February 25, 2018...

ADMU versus UP

3-0..
panalo ang Ateneo..
lumaban naman ang UP..
kaso eh kulang pa rin para makaagaw man lamang sila ng set..
at na-injure pa si Ramos...


NU versus UST

3-1..
untik nang mapuwersa ng UST sa isang 5 setter, pero napigilan at natalo na sila ng NU sa beyond 25 points na Set 4..
kailangan pang maging mas consistent ng NU para makuha nila ang championship this season...

pero saludo ako sa UST..
nawala sina Laure, tapos nawalan pa sila ng additional players noong ongoing na ang Round 1..
pero parang mas naging consistent pa silang maglaro..
sobrang reliable na ngayon ni Rondina, hindi gaya dati na may mga on and off silang mga laro ni Laure..
ngayon eh Ace Player na ang laro niya, na kahit si Jaja eh hindi niya sinasanto ang blocking..
finest small attacker...

is feeling , basta dapat nang mapunta sa NU ang Season 80...

---o0o---


February 28, 2018...

UP versus UST

3-1..
yung palaban na UST pa talaga ang tinalo ng UP..
at least mapapasaya na ulit nila yung import na researcher coach nila...


NU versus FEU

3-1 din..
panalo ang FEU, at may talo na ang #1 seed na NU..
na-overkill pa ng FEU ang Set 3, 25-13..
ginawang target ng service si Urdas eh..
well, at least wala ng magiging advantage ang anumang team sa bandang dulo...

ang gulo talaga nitong FEU at UST..
hindi mo ma-predict kung sino bang team ang magagawa nilang talunin..
siguro mas balanse lang talaga 'tong season na 'to...

is feeling , medyo kita na ang Top 4 teams, kailangang mas pagandahin ng Adamson ang Round 2 nila (tipong 5 wins - 2 losses) para makapagpabagsak sila ng at least 1 team...

-----o0o-----


February 25, 2018...

[Medical Condition]

hindi pa naman pala nakasara..
gumana ulit kanina..
pwede pa ring magbawas...

is feeling , konting hintay pa.. kapag pwede na yung PhilHealth...

---o0o---


February 26, 2018...

nag-repair na muna ulit ng isang Acer na laptop kanina...

is feeling , last 2 and 33 days...

---o0o---


February 27, 2018...

[TV Series]

The Good Son

okay..
so hindi pa pala pwedeng mag-move on..
may twist pa pala...

medyo exaggerated na yung pagkakataon..
pero hayae na, sa ganun yung artistic level nung script eh..
yung tipong iinom sana ng lason yung biyenan habang may event, pero hindi niya nagawang ituloy..
tapos nakuha at ni-recycle nung anak-sa-labas yung lason, sinubukan niya ring mag-suicide, pero naabala siya, at in the end eh naisip niya na yung tatay-tatayan na lang niya ang kanyang lalasunin..
pero nakita pala ito nung driver (na siyang totoo nitong ama) habang inihahanda niya yung inumin na may lason, kung kaya't sinabotahe nito yung plano nung bata para makasiguro na hindi ito makagagawa ng masama...

kaya naman..
balik muna ulit sa pagso-solve ng mystery...

is feeling , kapag si Arthur mismo ang lumabas na nakapatay kay Victor noon, eh lokohan na...

---o0o---


March 1, 2018...

[Online Marketing]

may mandaraya doon sa bagong tindahan..
leche!
tapos na yung coupon-based sale, pero nagawa pa rin akong gamitan nung double discount..
minus 20%, minus 30%...

is feeling , walang magagawa, hindi pulido yung sistema eh...

---o0o---


March 2, 2018...

ang kulit nung Divine Massage and Spa [Name of City]...

bakit lagi na yung naka-suggest sa akin..?
tapos kapangalan pa nung first Anatomy teacher ko yung isa...

is feeling , ano namang mapapala ko dun...?

---o0o---


March 3, 2018...

naka-break na naman ako ng dati kong record...

konti pang tuluy-tuloy na ganun at makakabili na ako ng mas magaling na graphics card...

is feeling , tuluy-tuloy lang...


No comments:

Post a Comment