paano nga ba magiging malinis ang pamahalaan..?
eh yung mga obvious na mga kriminal at utak-kriminal eh binibigyan pa rin ng mga katungkulan...
sana balang araw may maglabas talaga ng lahat-lahat ng katotohanan...
---o0o---
update ulit (124 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
- yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
- yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
- yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
- yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
- yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
- yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
- yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
- yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
- yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
- yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
- yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
- yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
- sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
- yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
- yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
- yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
- yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
- yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
- sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
- yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera
- yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao
- yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
- yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
- sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
- yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
- sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
- sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
- yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
- yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
- yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
- sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
- yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
- sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
- yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
- yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
- yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
- yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
- sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
- yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
- sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
- yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
- sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
- sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
- sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy
- sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
- yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
- yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
- yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
- sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
- sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
- yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
- sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
- ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
- sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
- yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
- yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
- yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
- sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
- sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
- sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
- yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
- yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
- yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
- yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
- yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
- yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
- yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
- yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
- sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
- yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
- sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
- hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
- sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
- sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
- yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
- sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
- yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
- sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
- sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan
- regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
- sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
- regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
- dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
- yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
- ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
- yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
- yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
- sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
- sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
- yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
- eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
- yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
- yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
- yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
- yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
- yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
- ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
- yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
- sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
- follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
- sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
- yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
- yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
- yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
- yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
- yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
- yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
- yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
- yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
- kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
- yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
- isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
- ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
- yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
- yung Oplan Cyber Tokhang
- yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
- yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
- yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
- ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
- yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
- eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
---o0o---
July 8, 2017...
nadagdagan na naman yung mga naitumba dahil sa Bulacan Massacre..
at malinaw na hindi nagagawa ng mga pulis ang responsibilidad nila sa mga persons of interest..
may excuse pa sila dun sa unang tumbahan na naganap eh, dahil pwede nilang sabihin na hindi nila inaasahan na may mangyayaring ganun..
pero dapat naghigpit na sila sa mga sumunod na naging pagtumba..
para ngang tolerated na lang yung mga pagtumba eh...
ito na ba ang future ng bansa..?
yung wala pang malinaw na imbestigasyon, yung base pa lang sa mga kuwento (na papalit-palit pa nga), ni wala namang video footage bilang ebidensiya - pero tumbahan na kaagad ang gagawin..?
siguro nga mas mabilis ito kumpara sa mga paglilitis sa mga korte, i-consider na rin natin na nadadaan naman talaga ang mga hukuman sa impluwensiya ng pera at kapangyarihan..
pero paano yung accuracy...?
paano sa mga susunod na mga kaso..?
ano, lahat na lang ng posibleng suspek sa mga mangyayaring krimen eh kaagad na itutumba..?
tapos eh ita-tag na lang bilang drug-related personalities para lang makumbinsi ang mga mamamayan na automatic na kriminal yung itinumba...?
was feeling , paano na makakamit yung totoong hustisya...?
---o0o---
July 10, 2017...
sa Ozamiz na naman..
yung pananakit ng isang police chief inspector sa isang suspek na nakunan ng video..
kesyo sinaktan daw niya yung tao para iluwa yung nilunok daw nito na ilegal na droga...
yun yung Espenido..
yung parehong pulis na nagpa-display sa mga bangkay sa harap ng munisipyo kamakailan..
at yung na-involved din sa pagtumba kay Mayor Espinosa...
was feeling , okay.. parang alam na kung bakit nga na-tolerate yung pagtumba dun sa dating mayor.. kung bakit nabusalan ang katotohanan...
>
sa Tondo..
yung 2 lalaki na sinasabi ng mga pulis na nanlaban daw kaya nila napatay..
mahaba-haba din yung script nung mga pulis eh, may sinasabi pa na may sasakyan daw yung mga suspek noong nanlaban ang mga ito...
kaso..
may kuha ng CCTV na nagpapakita na sumama naman daw nang maayos yung 2 sa sasakyan ng mga pulis..
tapos ay may nakita rin nga sa bangkay nung pinangalanang suspek na mga butas-butas sa katawan niya...
may record na daw ng mga kaso yung pinangalanang suspek..
pero kung ganun naman nga yung setup eh maituturing ba na makatwiran yung ginawang pagtumba sa kanila..?
ano yun, basta-basta na lang papatayin yung mga may nakaraang record na sa pulisya para lang magkaroon sila ng accomplishment report...?
was feeling , totoong tanga ang batas dahil hinahayaan pa nilang makawala yung mga paulit-ulit na sa paggawa ng krimen.. pero hindi pa rin tama na papatayin lang nila yung mga tao nang base lang sa history nito...
---o0o---
July 11, 2017...
bad news muna...
yung dating miyembro daw ng Marines na pumatay ng isang empleyado ng bangko sa lansangan..
base sa statements ng mga testigo eh mukhang trip-trip lang yung naging pagpatay dun sa biktima..
Makati City yung may saklaw dun sa kaso eh...
was feeling , so ganun yung itinuturo sa kanila...?
>
[Heroes]
good news naman..
hindi perpekto yung pagiging bayani nila, pero napahanga ako sa katapangan nila...
sa Quezon City..
yung nagpakilala daw na sundalo na sinubukang mang-holdap sa isang pizza restaurant..
may dala siyang baril eh..
pero pinagtulung-tulungan siyang gulpihin at disarmahan nung mga tao nung restaurant noong nakakuha sila ng pagkakataon...
dahil huli nila sa akto yung kriminal na yun, eh pwede na sana yung patayin..
masasayang kasi yung effort nung mga bayaning yun kung makakawala lang ulit (dahil sa kahinaan ng hustisya) yung kawatan na ganun ang kalibre (yung nagdadala ng baril)..
sana nga eh mamatay na lang yun...
was feeling , idol...
---o0o---
July 12, 2017...
gusto ninyo nang madaling paraan para mapawalang bisa ang kasal...?
ang galing..
sayang nga lang talaga ang pinapasuweldo sa inyo ng mga mamamayan...
kundangan kayong mga ungas..
alam nyo na sagradong bagay yung kasal, higit pa sa silbi nun sa legal na aspeto..
pero pakasal pa rin kayo nang pakasal kahit na hindi pa kayo sigurado sa magiging partner ninyo..
kahit na hindi niyo pa kabisado ang amoy ng utot ng bawat isa sa inyo..
kahit na hindi niyo pa alam ang kakayahang mag-perform ng makakapareha ninyo..
kahit na hindi niyo pa natutuklasan yung tendency ng partner ninyo na manakit..
pero talagang padalos-dalos pa rin kayo...
base sa mga nababasa ko, halos likas na talaga sa maraming lalaki na maghangad ng maraming kapareha..
yung iba sinasabi na kesyo boring na yung mga asawa o girlfriend nila..
yung iba sinasabi na mas malaki pa ang gastos nila para sa mga lehitimong partners nila, pero wala namang silbi sa sex..
yung iba eh live experience lang talaga sa iba't ibang babae yung habol..
yung iba eh mga sikat at medyo sikat na personalities yung mga target..
at meron rin yung mga utak-piloto-ng-fighter-plane, na tipong nagta-tally lang ng mga babaeng nakukumbinsi nila sa kama para lang maipagyabang yun sa mga kakilala nila...
sus!
gusto nyo lang ng madaling paraan para magpalit ng kapareha, na parang nagpapalit lang kayo ng mga brief ninyo..
hindi pa ba sapat sa inyong mga pulitiko yung ginagamit ninyo ang pera ng bansa sa pambababae ninyo..?
gusto niyo lang i-legalize ang pambababae ninyo...
hindi naman talaga dapat minamadali yung pagpapakasal na parang magku-quickie lang kayo..
hindi rin naman yun yung tipo na gagawin mo lang dahil naghahabol ka sa edad, na kesyo dapat kasal ka na pagdating mo sa 30's o kailangan na hindi pa menopause yung babae kapag ikinasal na siya..
kaya nga may boyfriend-girlfriend na stage..
tapos meron na rin namang live-in na option..
ang mga yun eh para mas magkakilanlan nang husto (kung hindi man lubos) yung potensyal na magkapareha...
pero ang talagang makikinabang sa bagay na 'to kapag nagkataon eh yung mga lalaking ugaling aso..
kasi siyempre kapag napadali na nila yung pagpapawalang bisa ng kasal, eh madali na rin lang nilang magagamit yun bilang pampangako sa iba pang mga babae para mabilog yung mga utak nila..
sus!
gagawin lang silang palahian ng mga lalaking ganyan...
was feeling , sus, sayang yung posisyon na yun sa Kongreso...
>
[Climate Change]
mga siraulo talaga ang maraming tao..
gusto nilang palitan ang mga jeep ng mga air-conditioned units...?
hindi ba nila naiisip na yung mismong mga ginagamit nila para magpalamig at gawing komportable ang mga sarili nila, eh sila ring nagko-contribute sa pagkasira ng Ozone layer at sa pag-init ng kapaligiran...?
ang aarte ninyo!
sumasakay rin ako ng jeep sa NCR, pero hindi naman sobrang init..
oo, mainit talaga sa mga lansangan doon, pero hindi naman ganun ang kaso kapag nasa may bubong na lugar o sasakyan na..
at hindi rin ganung kainit kung sa probinsiya ka sasakay ng jeep (though depende rin nga sa lokasyon)...
kaya ang punto ay hindi dapat gawing requirement yang mga air-con na yan sa mga pampublikong sasakyan..
bakit hindi na lang solar-powered na mga fan o exhaust...?
hindi puwerket available yung mga device sa market, eh ibig sabihin ay hindi na sila nakakasama sa kalikasan..
may mga pagkakataon na pilit silang ginagawang available sa market, dahil dependent na ang mga tao, dahil pinagkakakitaan sila, at dahil mas priority lang talaga ng mga tao na maging komportable sila...
PS: at tsaka yung 8 oras na lang ng pagpasada ng mga PUV drivers..
eh paano na yung mga nagbibiyahe tuwing gabi at madaling-araw..?
paano nila mahihikayat yung mga drivers na dapat meron pa ring papasada tuwing mga ganung oras..?
magbibigay ba sila ng night differential para sa mga driver...?
was feeling , puros kayo kapritso at paninira sa mundo...
>
ano nga kaya ang lihim na hawak nina Mayor Espinosa at nung pulis na Marcos..?
bakit tila takot na takot dun sa Marcos yung Hokage na Mahilig...?
biruin nyo..
obvious na na may iregularidad na ginawa sa pagtumba kay Mayor Espinosa..
pero talagang pabor pa rin sa grupo niya ang Hokage na Mahilig...
ano ba 'to..?
sa kanya ba mismo nagmula yung utos na itumba na yung Mayor sa loob ng kulungan nito..?
at kaninong pangalan o mga pangalan nga ba yung ayaw nilang lumitaw sa publiko..?
o baka naman kasama dun ang mga pangalan nila kaya talagang pini-filter nila...?
tapos, himod pa rin nang himod sa tutut ng Martial Law ang ibang mamamayan..
gusto ba nilang maghari na naman ang gobyerno, habang obvious na may mga tiwali at mga kaduda-duda pa rin sa hanay ng mga ito...?
was feeling , hindi ba sila pwede torture-in para mapaamin na...?
---o0o---
July 13, 2017...
friendly-fire mode na naman... :(
air strike na naman ang may gawa..
nagkamali daw ng nabomba eh..
dahilan para may gumuho na gusali o istruktura..
at naguhuan naman yung mga kasapi nilang mga sundalo sa ibaba...
was feeling , maaasahan talaga.. pasensya na sa mga collateral damage...
>
congrats sa grupo nung pulis na Marcos...
mga putang ina ninyo!
si Boy Yantok sa Marawi..
ngayon naman eh balik-trabaho pa yung mga nagtumba kay Mayor Espinosa..
ang mga hinayupak na nag-filter sa katotohanan..
at hepe pa rin talaga yung Marcos na yun...
ayos rin kayo!
parang ginawa ninyong non-sense ang imbestigasyon ng NBI at PNP-IAS..
kung ano na lang ang gusto ng Hokage na Mahilig ay yun na lang ang masusunod..
command responsibility lang..?
bakit hindi nila kalkalin kung bakit nadawit yung pangalan nung Marcos sa listahan nung Kerwin Espinosa...
tuso rin ang diskarte nila ngayon dahil itinaon nila sa giyera sa Mindanao yung pagtutulak ng isyu sa pagbabalik sa serbisyo..
pwede nga naman nilang sabihin na mas pagtuunan na lang yung usapin tungkol sa terorismo na pinapalabas nilang rebelyon..
ginagawa ninyong tanga ang mga mamamayan gamit yang mga diversionary tactics ninyo..
at ang mga tanga naman eh hindi mapansin na hindi nyo naman talaga nililinis ang gobyerno...
kung meron mang dapat imbestigahan sa kaso na 'to, yun eh yang Hokage na Mahilig..
kailangang malaman ng mga mamamayan kung anong kinalaman niya sa pulis na Marcos at talagang pinoprotektahan niya ito..
kung bakit paspas lagi ang mga aksyon at desisyon niya tungkol sa pulis na kaapelyido ng Dictator Clan...
was feeling , mamatay na kayong mga manloloko kayo!
---o0o---
July 14, 2017...
kung wala yung DNA nung 3 itinumba na persons of interest sa alinman sa mga bangkay ng mga biktima ng Bulacan Massacre..?
ibig sabihin eh posibleng hindi naman sila nang-rape, at posibleng wala rin naman talaga silang kinalaman dun sa krimen...
pero bakit hinusgahan na sila bilang mga rapist ng mga nagtumba sa kanila..?
hinusgahan nga rin kaagad na mga drug addict eh...
was feeling , mind-conditioning...?
>
ano ba ang mas mali...?
yung gamitin ang lahat ng intel na available at unahan na bago pa maganap ang terorismo..?
ang magtiwala sa mga supposedly professional na mga tauhan ng kapulisan..?
yun bang hindi pagtulong ng mga nakatambay na kasamahan sa pakikipagbarilan laban sa mga nakisawsaw na mga rebelde at terorista eh hindi kasalanan..?
at yun bang hindi pagte-test sa mga depektibong mga armas bago sumugod sa labanan ay hindi rin ba kasalanan...?
o yung panghawakan ang lahat ng mamahaling intel, pero hintayin pa rin ang pag-atake para lang masabi na totoo nga yung banta ng terorismo..?
ang isama sa paggagala ang mga opisyales na dapat na nakatutok sa pagbabantay sa seguridad ng bansa, considering na hindi naman talaga nawawala ang banta ng mga kalaban ng gobyerno..?
ang magdeklara ng palpak na Martial Law kung saan meron pa ring nakakapagbitbit ng mga armas at nakakapagtumba sa mga suspek na pwede sanang magsabi ng totoo..?
ang magdeklara ng palpak na Martial Law kung saan malaya pa ring nakakagalaw ang ibang tao sa dapat ay kontrolado nang lugar..?
at ang magtiwala rin sa mga supposedly ay mga professional, at mabomba ang sarili nilang mga kakampi...?
was feeling , mukhang absuwelto pa yung mga totoong pumatay sa mga awtoridad na yun...
No comments:
Post a Comment