Friday, July 28, 2017

Resident Evil The Final Chapter & Love in the Moonlight

July 27, 2017...

[TV Series / K-ture]



Love in the Moonlight... <3

was feeling , highly recommended...

---o0o---


July 28, 2017...

[Movies]

Resident Evil The Final Chapter



medyo nabitin yung panonood ko kahapon..
hindi kasi kinaya ng luma naming player yung disc..
pero hindi naman sira yung Blu-ray, gumana naman sa driver ng laptop...

so nag-originate pala yung T-Virus as a cure..
at yung supposed Last Stand sa Washington D. C. ay isang trap nina Wesker, isang massacre na si Alice lang ang nakaligtas..
kumbaga yun na yung paliwanag nila kung paano nawala yung iba pang mga bida sa istorya, lalo na si Jill..
though hindi na talaga nabigyan ng kasunod na istorya si Chris Redfield...

nasa 4,000 plus na mga tao na lang ang natitira sa mundo..
may 48 hours left na lang para mapigilan ang plano ng Umbrella..
at kakailanganin ni Alice na bumalik sa pinagmulan ng lahat, sa Hive sa Raccoon City...

Alice at Claire versus Isaacs at Wesker..
wala nang superhuman ability si Alice, kaya puros trick na lang yung ginawa niya..
kawawa si Scarlet Heart na isa sa mga representative ng Asia for the film dahil binaril na lang siya ni Alice sa halip na labanan nang mano-mano, at ginawa pa siyang pain sa mga zombie..
magastos din sa gasolina yung first defense laban sa mga basic zombie, pero kinulang pa yun..
andaming multi-barrel na baril sa movie na 'to...

nagtraydor ang Red Queen dahil naka-program siya na i-value ang human life..
at ni-reveal nga niya kina Alice na sinadya ang pagkalat ng T-Virus, na sinadya ang apocalypse, para i-reboot ang mundo at ang sangkatauhan - pero sa paraan ng Umbrella...

sa pagpasok na sa Hive namatay ang karamihan sa mga bida..
halos kada defense mechanism o trap nung Hive na pinapagana ni Wesker ay may napatay kina Alice...

sa Hive, nakita nina Alice ang cryogenic storage ng mga pinuno ng Umbrella, ang paraan nila ng Noah's Arc, saka sila gigisingin kapag ubos na ang iba pang mga tao at kapag tapos na ang zombie apocalypse na sinimulan nila..
yun yung rason kung bakit sila may pangontra sa T-Virus..
at kabilang sa mga natutulog na tao ang original na Dr. Isaacs...

hanggang sa 9 minutes na lang ang natitirang pag-asa para sa mundo..
astig yung Predictive Combat Software ni Isaacs, bale technologically modified na rin siya..
na-reveal rin kung sino ang traydor sa grupo nina Alice, at kagaya sa first movie, yung love interest ang lumitaw na kalaban..
ni-reveal rin na clone lang si Alice ni Alicia Marcus, ang may sakit noon na bata na sinubukang gamutin kaya d-in-evelop ng kanyang ama ang T-Virus..
mabilis na pagtanda yung sakit niya eh..
ang Red Queen naman ay i-b-in-ase rin kay Alicia, sa batang Alicia, kaya parang iisa na rin silang 3 - ang Trinity...

andun pa rin yung classic na leksyon sa mga kalaban pagdating sa mga action movies; huwag puros dada - patayin na lang kaagad ang mga bida para wala ng problema..
madali lang ang naging pagkatalo ni Wesker, empleyado lang siya ng Umbrella kaya napuruhan kaagad siya ng Red Queen matapos siyang i-fire ni Alicia na co-owner ng Umbrella..
si Claire naman na ang pumatay sa syota niya..
tapos balik na naman sa walang kamatayan na laser room..
isinakripisyo ni Alice ang ilang mga daliri niya para matamnan si Isaacs ng granada sa tagiliran, at boom, naagaw na niya sa wakas yung vial ng pangontra sa T-Virus...

pero muling napigilan ng original na Isaacs si Alice na pakawalan sa ibabaw ng mundo yung airborne na pangontra sa T-Virus..
at dahil likas na mapagmataas si Isaacs, ay naging Isaacs versus Isaacs pa yung labanan dahil hindi natanggap nung clone niya na clone nga lang ito..
at napakawalan na nga sa wakas ni Alice yung cure, kahit na maging siya ay may T-Virus din...

si Wesker ay namatay kasama ng lahat ng mayayaman at makapangyarihan na mga tao na ililigtas sana ng Umbrella, kasama na rin dun si Alicia na sinadyang pinili na manatili sa Hive...

pero hindi namatay si Alice, dahil yung virus lang sa katawan niya yung napuksa nung gamot, at hindi yung mga healthy cells niya..
free from infection na siya..
si Claire ay nabuhay rin sa ending, ang kaisa-isang bida mula sa game series na ipinakitang naka-survive hanggang sa katapusan ng movie series, at mukhang yun nga yung purpose nun..
bukod dun eh nakasama rin si Claire sa 3 RE movies..
kahit hindi matanggap ni Alice na isa lang siyang clone na bahagi ng Umbrella, sinabi naman sa kanya ng Red Queen na naging higit pa siya sa isang clone dahil nagkaroon siya ng kabuluhan at ng sarili niyang pagkatao..
at iniwan ni Alicia Marcus ang kanyang gift of memories para kay Alice...

hindi kaagad na natapos ang buhay ng lahat ng zombies sa mundo, dahil hindi naman basta-basta yung pagkalat nung cure..
at sina Alice na ang bahalang maglinis sa mga natitirang kalaban...



NOTE: both images are product of random Google Image Search...


No comments:

Post a Comment