kung dati eh halos laging drug-related lang yung mga taong pinagpapapatay ng mga hindi matukoy na mga elemento ng lipunan..
ngayon nga eh damay na yung mga involved sa ATM skimming, mga suspected terrorists, at yung mga suspek pa lamang sa massacre...
ang tanong eh paano nagkaroon ang mga ganitong klase ng mga tagatumba ng access sa identity at profile ng mga taong itinutumba nila..?
sino lang ba ang mga taong may hawak sa mga ganung klase ng impormasyon, dahilan para kumalat ito..?
sapat na ba na mapanood lang ng mga vigilante sa TV yung mga kaso at mga itsura ng mga suspek, para makapagplano na sila ng gagawin nilang pagtumba (samantalang hindi naman ipinapakita sa TV yung mukha nung iba sa mga yun)..?
o ang mga ito ba ay kasabwat ng mga suspek kung kaya't alam na nga nila kung sinu-sino ang mga itutumba na nila..?
o ito ba ay dulot ng pinaka-logical na paraan na matagal naman ng alam ng mga mamamayan...?
---o0o---
update ulit (121 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
- yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
- yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
- yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
- yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
- yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
- yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
- yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
- yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
- yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
- yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
- yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
- yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
- sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
- yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
- yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
- yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
- yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
- yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
- yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera
- yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao
- yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
- yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
- sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
- yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
- sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
- yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
- yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
- yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
- sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
- yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
- sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
- yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
- yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
- yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
- yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
- sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
- yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
- sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
- yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
- sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
- sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
- sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy
- sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
- yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
- yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
- yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
- sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
- sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
- yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
- sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
- ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
- sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
- yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
- yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
- yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
- sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
- sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
- sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
- yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
- yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
- yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
- yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
- yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
- yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
- yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
- yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
- sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
- yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
- sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
- hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
- sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
- sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
- yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
- sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
- yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
- sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
- sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan
- regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
- sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
- regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
- dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
- yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
- ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
- yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
- yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
- sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
- sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
- yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
- eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
- yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
- yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
- yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
- yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
- yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
- ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
- yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
- sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
- follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
- sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
- yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
- yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
- yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
- yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
- yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
- yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
- yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
- yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
- kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
- yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
- isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
- ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
- yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
- yung Oplan Cyber Tokhang
- yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
- yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
- ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
- yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
- eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
---o0o---
July 1, 2017...
ang galing naman ng mga abusadong pulis..
huling-huli na nga pero re-assignment lang sa battlefield ang kapalit..
ibig sabihin eh nasa serbisyo pa rin sila...
ibig bang sabihin eh pinapasuweldo pa rin sila ng mga mamamayan kahit na mga kriminal na mga pulis naman sila...?
was feeling , hindi ba talaga pwedeng bitayin kapag administratibo yung kaso...?
>
[Sports]
sana matalo bukas ang Fighting Senator..
para tumigil na siya sa pagiging fighter..
bagay sa kanya yung ginawa sa kanya dati ni Marquez...
kaso duda si Marquez na kaya yung gawin ng Fighting Teacher..
asa na lang siguro sa suwerte...
was feeling , siguro wala na namang kriminalidad bukas.. eh yung mga terorista kaya, manonood rin ng laban...?
---o0o---
July 2, 2017...
[Sports]
hehe!
panalo si Horn..
sorry ha, nakaabala yata yung pagse-Senador sa pagbo-boksing ng Fighting Senator eh..
tsk, tsk!
yan ang napala ninyo..
minaliit ninyo eh..
kesyo konti pa lang ang nagiging laban..
kesyo nagka-problema pa sa weight management..
kesyo made-dehydrate at mas masasaktan kapag tinamaan sa katawan..
kesyo hindi tatagal ng 12 Rounds...
may halong gulang na kung may halong gulang..
pero matagal na yung bahagi ng sports na yun eh, dahil contact sports yun..
eh si Mashiba nga eh nananalo..
sabi nga nila, a win is a win..
at gaya rin ng sinasabi ni Takamura kay Ippo, ang may karapatan lang na tumungtong sa World Stage ay yung mga kayang mag-halimaw..
killer instinct ang mahalaga sa sports na yun...
anong magagawa ninyo kung sisisihin ninyo yung referee, eh wala rin namang kakayahan yun para baliktarin pa yung resulta..?
kita rin naman pati kung sino ang mas malalakas yung suntok eh..
masuwerte pa nga yung isa dahil pabaya sa depensa si Horn..
kung malakas talaga yung Senator, edi sana eh napabagsak niya yung teacher..
para wala nang usapan, wala nang debate..
dapat kagaya ng kay Marquez ang pagkapanalo..
walang kuwenta ang mga match kung saan wala man lamang natutumba...
ang masama pa nito..?
may nalugi na naman sa investment niya... XD
was feeling , pangit.. puros dugo lang.. pero wala namang knockdown...
---o0o---
July 3, 2017...
[Sports]
noong in-interview ng foreigner, kesyo okay lang daw dahil "he deserves it"..
pero noong mga Filipino na yung nag-i-interview, ang sabi na eh "hindi niya deserve" at "lutong Brisbane" daw...
was feeling , haha, mapagpanggap...
>
pero ang bad news...?
may napatay na naman ang Fighting Senator..
may namatay na naman dahil sa panonood ng laban niya..
parang 38 y/o lang yata yun eh..
sa Sarangani...
was feeling , marami-rami na rin ang namamatay dahil sa kanya ah...
>
sa Rodriguez, Rizal..
kaso na naman ng road rage, na may na-involved na awtoridad..
local police versus retired US Navy daw...
ugali naman daw talaga nung navy na mag-counterflow para umiwas sa humps..
nauna rin naman daw itong umatake at mamaril..
pero ang masama ay nadamay sa barilan yung sakay nung retired US army officer...
wala pa namang balita kung nakisali ba sa away at barilan yung sakay nung navy..
kaya dapat malinaw rin yun ng mga imbestigador...
was feeling , pero kung inosente yung 1 yun, eh hindi magandang balita yun...
---o0o---
July 4, 2017...
wala naman talagang maaasahan sa Supreme Court..
eh miyembro ng alyansa yung pinuno ng karamihan sa kanila eh..
kaya hindi rin talaga nila makokontra nang lubos ang kagustuhan ng Hokageng mahilig...
ipipilit pa nila na rebelyon yun para lang makondisyon ang mga tao..
eh terorismo lang naman talaga yung habol nung mga Satanistang yun, na mukhang tumatanggap nga ng pondo..
though pumasok nga rin yun sa kaso ng invasion, dahil may nasakop na lugar...
pero ang totoong hindi na-consider dun..?
yung mga kapalpakan, kahit pa noong napasailalim na yung buong Mindanao sa Martial Law..
ang mahinang seguridad, ang pagkapatay sa mga sariling kasapi, ang dami ng mga napapatay na tropa ng gobyerno, ang pagkatumba sa iba pang mga suspek, yung hindi nila makontrol ang paglabas-masok ng mga tao sa lugar na yun, ang mga nakawan..
kaya paanong naging mabisa yung palpak na Martial Law na yun...?
kung tutuusin, ang totoong kailangan lang naman eh gawin nila nang ayos ang mga trabaho nila..
hindi na kailangan ng mga extra na kapangyarihan...
was feeling , mga walang kuwenta...
>
lagot si Pastor Hokage... XD
was feeling , LOL!
>
eh yung itinumba na at pinagmalupitan pa yung tao na person of interest pa lamang sa Bulacan Massacre...?
ano yun, witness ba sila, kaya alam na nila kung sino na ang dapat husgahan..?
o umasa lang sila sa listahan nung persons of interest...?
was feeling , nakakatakot na rin ngang mapagbintangan sa panahon ngayon...
>
meron rin sa Taguig...
yung magkakasabwat na mga barangay officials at isa lang yata yung pulis..
yung kinikikilan daw yung mga taong hinuhuli nila..
at ni wala nga yatang kaso yung iba sa mga biktima nila...
was feeling , ang gagaling talaga ninyong mga taga-gobyerno...
---o0o---
July 5, 2017...
ang good news..
may firearms manufacturer na nahuli sa Lipa City..
at iniuugnay pa yun sa mga terorista...
was feeling , hala! baka may mga terorista na ring nagbebenta ng DVD sa siyudad na yun...?
>
update na kaagad ulit para sa Bulacan Massacre...
1 na naman sa mga persons of interest ang itinumba na..
yung ipinakita lang sa interview kahapon..
mukhang sariling bahay pinagbabaril eh...
totoong napakabrutal nung sinapit nung pamilya ng mga naunang biktima..
lalo na at may mga musmos pa na nadamay..
kaya naman karapat-dapat lang nilang makamit ang hustisya..
pero mahirap kasing husgahan yung kaso lalo na at salita lang ang batayan para sa mga ebidensya..
kaya naman hindi pwedeng basta-basta husgahan ang mga persons of interest...
pero ano nga kaya 'tong nangyayari na 'to..?
mga fall guy lang ba ang itinuturong persons of interest para sa kaso na 'to..?
ipinapadali na ba sila sa death squad ng dahil lang sa mga assumptions..?
o hindi kaya yung mga tagatumba yung totoong may kinalaman sa nangyaring massacre..?
o may nagkukunwari ba na nareresolba na yung krimen sa pamamagitan ng vigilante killings...?
at kapalpakan na naman 'to sa panig ng mga pulis..
dahil may nauna na ngang itinumba na suspek..
pero hindi pa rin nila p-in-roteksyon-an yung iba, for the sake na mapalabas man lamang yung totoong nangyari sa massacre na yun...
was feeling , nakakapagduda lang na parang minamadali nila...
>
sa Ozamiz City naman..
yung itinumba daw na grupo ng mga suspek..
ayon sa mga kaanak nila eh hindi naman daw sila nanlaban at talagang pinagpapatay lang..
tapos ay tila ibinida pa sa harap ng munisipyo yung bangkay nung mga suspek...
at may nadadawit na naman na pulis na nadawit na rin noon sa pagkatumba kay Mayor Espinosa...
was feeling , death squad moves...?
---o0o---
July 6, 2017...
sa eh ano bang maaasahan kay Kalbo..?
puros bato lang yata ang laman ng utak nun eh..
gusto nila ng Martial Law, kaya bakit nga naman sila magpapadala ng mga tao na kaya kaagad tapusin yung problema sa Mindanao..
gusto niya rin pati na nagpapasuweldo ang mga mamamayan ng mga tiwali... naman..
yung itinumba daw na grupo ng mga suspek..
ayon sa mga kaanak nila eh hindi naman daw sila nanlaban at talagang pinagpapatay lang..
tapos ay tila ibinida pa sa harap ng munisipyo yung bangkay nung mga suspek...
at may nadadawit na naman na pulis na nadawit na rin noon sa pagkatumba kay Mayor Espinosa...
was feeling , point of view...?
>
lagot na yung kaso ng Bulacan Massacre..
nagkakabaliktaran na nga ng mga statement...
was feeling , baka nga yung mga tagatumba yung totoong mga kriminal...?
>
dahil sa presence ng iba't ibang mga grupo..
mga terorista man o mga rebelde..
eh hindi nga malayo na masakop muli ang buong bansa ng Martial Law...
was feeling , manood nga kayo ng Ang Probinsiyano nang magkaroon kayo ng ideya...
>
yung balita nga pala noong isang araw pa..
yung listahan ng Napolcom...
mga maling pangalan..
mga pangalan ng mga patay na tao..
letseng palpak na listahan na naman yan..
katulad lang yun nung iba pang mga naunang drug list noon eh...
bakit ba ang hilig nila sa mga mali-maling listahan...
was feeling , taga-saang timezone ba sila at hindi sila tumugma sa kasalukuyan...?
>
[Natural Calamities]
sa Leyte naman this time ang origin..
nasa magnitude 6.5 daw...
11 na yun simula noong naglista ako noong April...
was feeling , kapag nagunaw ang mundo o ang bansa sa panahon ko, kamumuhian ko talaga ang buhay...
---o0o---
July 7, 2017...
eh yung itinutumba na rin yung mga foreigner na nadadawit sa ATM skimming...?
death squad na yata 'to..?
pati yata ibang mga krimen eh saklaw na rin nila, hindi na lang basta drugs..
eh sino lang ba naman yung mga nakakaalam sa identity nung mga suspek na yun...
kung totoong kriminal at active pa, eh okay lang na itumba..
pero parang iba yung dating kung itutumba lang sila base sa nakaraang record..
siguro mas okay kung gagawin yun kapag huli sa akto yung tao, o kung may sapat na ebidensya gaya ng CCTV footage...
was feeling , samantalang yung mga terorista eh hindi maitumba ng mga yan...
No comments:
Post a Comment