---o0o---
July 8, 2017...
started Photoshop-ing... :D
was feeling , 52 pages left...
---o0o---
July 9, 2017...
[V-League]
AdU versus Perlas
amp!
nasayang na naman yung pinaghirapan ni Galanza..
nakuha na yung 3rd Set eh..
tapos umarangkada na noong simula ng 4th Set..
kaso nawala rin ulit sa kanila yung momentum..
kailangan nang mabawasan ni Roque ang mga errors niya, at mapataas ang consistency ng mga atake niya..
kailangan namang mailabas na ni Soyud yung pagka-uhaw sa panalo ng mga Archers na nasa loob niya..
nakakapagtaka rin na hindi yung nakaraang lineup na lumaban sa Creamline yung ginamit nila...
Creamline versus Air Force
win number 3..
4 na laban na lang..
Pocari, UP, Perlas, at Power Smashers..
siguro Pocari na lang yung problema nila dun, o pwede rin ang Perlas dahil nakabalik na si Bersola..
kailangan nang makabalik ni Balse sa dati niyang laro, nagbuntis kasi eh, hindi na siya kasing astig noong panahon na nasa Army pa siya..
nasa Creamline pa rin naman pala si Cabanos, maige na ring substitute kay Morado tuwing labanan na lang ng mga bench players...
was feeling , galingan nyo sa Wednesday, AdU!
>
parang mas mabilis akong mag-edit ngayon..
siguro dahil kabisado ko na yung script habang nagre-render pa lang ako..
kaya naman alam ko na yung magiging daloy ng usapan...
was feeling , 41 left, at hindi pa ako tapos ngayong gabi...
---o0o---
July 11, 2017...
natanggap ko na yung kauna-unahan kong kita (suweldo) para sa pinakauna kong project na ini-release para sa international community...
una, buo yung share na natanggap ko nung ipasok na nila yun sa PayPal ko..
pero regarding sa currency conversion, eh hindi pa ako masyadong sigurado..
mataas pa yung halaga ng USD sa ngayon, mahigit Php 50 pa, kaya nag-decide ako na i-convert na nga kaagad yung pera ko..
pero base sa converted value, eh nasa Php 48.97 lang yung ini-apply ng PayPal..
sa tantsa ko eh naka-apply na yung 4% na conversion fee dun sa ginawang palitan ng currency, siguro kaagad na nila yung kinakaltas direkta mula dun sa actual na value ng foreign exchange...
at para sa first project ko..
well, pasok siya sa survival mode kung 1 buwan lang ang pag-uusapan..
may savings din..
pero hindi sigurado kung ilalaan for 2 months...
next, susubukan naman yung paglilipat ng pera sa GCash..
sana lang eh hindi dekwatin ang perang pinaghirapan ko...
was feeling , unang suweldo.. pero kailangan pang mas medyo sumikat ng comics ko...
---o0o---
July 12, 2017...
[Gadget-Related]
okay, ganito..
mukhang nagkamali ako ng interpretasyon noong una..
mukhang walang mali sa PayPal, kasi approved na yung status dun nung application ko..
na-misinterpret ko kasi na status yung red flag dun, pero naisip ko na legend yung purpose nun, kasi wala naman dun sa mismong table yung symbol nung flag...
pero yung GCash app yung mukhang may problema..
una, nag-a-allow siya ng redundant na applications, ilang beses niyang kayang mag-register sa PayPal ng approved payment plans..
pero kahit na ganun, eh hindi naman naa-update yung mismong app regarding sa ginawang pag-link nung 2 account...
was feeling , dapat maayos 'to, para makalibre ng transfer...
---o0o---
July 13, 2017...
[V-League]
PVL - AdU and UP and Battle of the Rivals
anak ng..
ang gulo na ng schedule sa Channel 23..
kundangan naman kasing nagpapalabas pa nung replay ng mga lumang laban..
edi sana eh doon na lang nila inilalagay yung schedule ng NCAA...
anyway..
regarding UP muna..
ewan ko ba..
maganda naman yung naging simula nila, yung laban sa Pocari..
parang puno ng kumpiyansa kahit na marami ang baguhan..
pero kagabi, kahit Air Force ay tinalo sila..
nasa 0-3 na sila ngayon, at 4 na laban na lang ang natitira para sa kanila...
at congratulations naman para sa AdU..
nakakuha na sila ng una nilang panalo sa PVL..
at laban pa sa Team Pacres, ang Power Smashers..
pero hindi si Galanza ang Player of the Game..
si Chiara Permentilla na galing sa De La Salle Lipa, with her huge 24 points..
anak ng..
kung magiging ganung ka-consistent ang laro niya, dagdagan pa ng Ace Player na si Galanza, kung mas magiging malinis na ang laro ni Roque, at kung magiging consistent din ang laro ni Soyud..
eh lalakas nga ang Lady Falcons para sa Season 80..
4 matches na rin lang ang natitira para sa kanila...
regarding naman sa Battle of the Rivals..
unfair..
sa July 16 na yung charity game, pero may laban sina Baldo at Morado sa Saturday (July 15) kontra sa Pocari..
anak ng..
edi sana wednesday na lang ini-schedule yung PVL nila..
parang 2 magkasunod na talo pa ang mangyayari ah...
PS: shet!
may power-type na palo yung Permentilla..
hindi laging hard, pero kayang mag-facial..
pero ang ganda talaga ng depensa ni Galanza sa backrow, bantay sarado ang linya eh... <3
PS 2: anak ng..
ni walang replay sa Channel 23..
puros UAAP Season 79 pa..
hindi ko na maintindihan ang schedule nila dahil sa NCAA...
anyway..
#8 si Galanza, at #9 naman si Permentilla..
makikita kung hanggang saan ang kakayahan niya...
was feeling , nice one, Adamson Lady Falcons.. masaya na ulit si Coach Padda...
>
[TV Series]
Wild Flower
konting pampa-good vibes naman..
pasira na nang pasira ang bansa eh...
Maja Salvador at Yen Santos as Lily Cruz.. <3
hindi magkalaban..
pero match na match ang ganda...
was feeling , nice...
>
[Gadget-Related]
wala..
hindi ko talaga napagana..
hanggang Jelly Bean lang ako..
kaya naka-stuck pa rin ako sa PayPal...
tinanong ko naman yung customer support para sa GCash,
pero hindi naman nila sinabi kung may specific nga na Android OS na hinihingi yung app nila para gumana nang ayos...
hindi ko pa rin naman option ang BDO..
yung Postal ID ko kasi eh 6 weeks na ang inaabot..
kesyo 20 working days lang daw..
tapos saka ko nalaman na isa pala sila sa madalas ireklamo sa 8888...
kailangan ko pa yata ngayong mag-invest sa bagong smartphone..
pero anong smartphone..?
nakakapanghinayang naman na gumastos ng libu-libo kung hindi rin naman uubra..
eh hindi ko rin naman kailangan pa ng bagong phone..
Nougat na siguro para kahit papaano eh latest..
pero ano namang mumurahin na matibay na smartphone ang pinapagana ng Nougat...?
was feeling , andami ninyong alam na delay para sa buhay ko...
---o0o---
July 15, 2017...
Happy 2nd Anniversary...
kaso wala ka na naman for the 2nd time... :(
pero kahit ganun..
i really hope you're doing fine...
is feeling , nasaan ka na ba talaga...?
No comments:
Post a Comment