Friday, July 7, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of July 2017 (Our Anniversary Month)

July 1, 2017...

[V-League]

PVL - Open Conference

#8 JeMa Galanza galore na naman.. <3
nakabalik na rin si Roque..
at si Soyud ng DLSU eh lumipat na sa AdU..
mukhang malakas nga ngayon ang lineup ng Lady Falcons...

si Vargas pala ngayon ang makakatulong ni Baldo..
at siyempre, balik na naman ang magic ni Morado...

was feeling , kaso single round robin lang 'to.. mabilisan lang.. 7 games each...

---o0o---


July 2, 2017...

panibago na namang record sa Google AdSense...

was feeling , sa ganung rate, eh konti na lang...

>
July 2..
1 year na dapat siyang retired kung tinuluy-tuloy lang niya yun..
pero bumalik nga siya after almost 3 months for some reason...

eh ngayon kaya..?
mawawala na ulit kaya siya...?

2nd anniversary na sana ulit namin sa 15 eh...

was feeling , nasaan ka na ba kasi...?

>
sobrang naging matagal ang general cleaning ko today..
from past 9:00 AM to 7:00 PM...

may bad news na naman kasi..
kanina ko lang naisipan na kumustahin yung lagay ng isa sa mga Star Wars collection ko..
at laking gulat ko noong buksan ko yung kahon niya, at nakita ko na basang-basa yung lower body niya..
as in parang tao siya na nagpawis dahil sa sobrang init na ng panahon..
rubber kasi yung materyales nung lower body niya, hindi katulad dun sa iba pang mga Star Wars action figures na mas matigas na plastic yung gamit..
iba rin yung pintura niya..
so malamang may kung anong component siya na nakakabuo ng liquid substance under abnormal heat..
basta nagkalat talaga siya ng basa sa loob ng kahon niya...

at dahil dun..
napilitan na naman akong mag-iba ng ayos ng kuwarto ko..
something na hindi komportable para sa akin..
hindi masasabing safe laban sa mga species ng langgam na nasa bahay namin..
hindi yung tipong may easy access ako sa mga gamit ko sa loob nung cabinet..
basta para lang mailayo yung mga Star Wars sa sinag ng araw...

pero hindi pa ako tapos..
sa isang araw kailangan ko pang i-check ang lahat-lahat ng koleksyon ko...

ngayong taon ko lang 'to na-experience..
paking climate change..
paking industrialization..
paking commercialization..
sinira niyo na yung lugar namin..
nami-miss ko na yung mga panahon kung kailan malamig lang madalas dito sa bahay..
yung mga panahon na ni hindi ko naman kailangan pang maghubad lagi ng pang-itaas...

ang masama pa nito..
nagpang-abot na yung mga materyales na na-render ko at yung mga ready-to-render..
for 2 days kasi eh masama ang pakiramdam ko kaya pakonti-konti lang yung mga nadagdag ko..
okay naman sa umaga, pero mahinang-mahina sa gabi..
8:00 PM pa lang eh tulog na ako noon..
tapos general cleaning pa yung naging kasunod..
at sa Tuesday naman eh grocery day...

was feeling , 49 + 1 out of 56 plus...

---o0o---


July 3, 2017...

idinaan ko na sa 1 hit..
nagbaklas ulit ng tindahan sa kuwarto ko (na wala naman dapat doon)..
at nag-inspection ng mga collectibles..
yun, habang nagre-render yung computer...

mabilisan lang, dahil kakain yun ng araw kung mabusisi pa ang gagawin ko..
okay naman yung mga vehicles..
bukod sa usual mold buildup, at paninilaw nung mga white armor, eh mukhang okay pa naman yung karamihan..
bale, mukhang yung 1 figure lang talaga yung may ganung characteristic under extreme heat, yung nagpapawis...

was feeling , pasensya na at hindi kayang mag-provide ng normal na room temperature ng may-ari sa inyo...

---o0o---


July 5, 2017...

[V-League]

Women's National Team

kung ako sa national team para sa women's volleyball..?
ikukuha ko sila ng sponsor at isasali ko sila sa PVL (PVL para sa mas matinong exposure)..
nang hindi na muna tumatanggap ng mga kontrata yung mga players nila..
antagal nga naman kasi ng panahon ng preparation para isugal yung mga professional career nila..
at least kung sasali na sila sa mga liga, eh doon na rin sila mahahasa bilang isang team..
kesa naman hindi sila mabuo-buo sa mga practice...

wala naman sigurong mga dayuhang kalaban ang mag-e-espiya pa sa kanila..
tapos itatago na rin lang muna sila sa ibang pangalan, para hindi obvious na national team sila...

was feeling , di ga...?

>
[V-League]

PVL - Creamline versus Bali Pure

walandyo naman kayo, hanggang 25 lang po yung ideal na set point..
30-28, 29-31, namimihasa kayo sa rally..
base sa habulan nila sa score eh mukhang match yung teams nila...

nasayang yung 2nd Set para sa Creamline, pero sila pa rin naman ang nanalo sa bandang huli..
may problema yata si Soltones ngayon eh..
nakabawi na rin si Morado kay Nabor, yun nga lang, hindi habang kakampi nito si Jaja...

regarding Perlas naman..
ang laki ng inihina ng team nila..
nawala si Caloy, si Gervacio (kaya siguro hindi siya sumali sa Battle of the Rivals), wala pa si Bersola, at nai-injure pa ang iba sa kanila...

was feeling , nice one Team Morado...

---o0o---


July 6, 2017...

[Gadget-Related]

hindi ko naintindihan..
pero nagawa ng computer ko na mag-update sa version 1507 kahit na wala naman siyang sinasabi na nakumpleto niya yung pagda-download nito...

kung anuman..
good news na rin yun, dahil wala na muna ulit siyang ida-download sa mga susunod na araw...

was feeling , behave ka muna, Windows 10...

>
[TV Series]

nasa La Luna Sangre pala si Jane De Leon eh..
nice!

Kira Balinger na lang ang kulang...

pero ambangis talaga ni Aguilus..
ganun pala ang hybrid ng Mulawin at Vampire..
may Genjutsu eh...

was feeling , ayos!

---o0o---


July 7, 2017...

sa wakas..
tapos na ulit ako sa pagre-render..
52 + 6 images..
hanggang dun lang muna..
series naman eh...

kumpara dun sa una kong project na inabot lang ng 33 days..
inabot ako sa isang 'to ng 37 days..
dahil siguro mas komplikado yung mga eksena..
at dahil na rin nagkasakit ako...

was feeling , Photoshop naman muna ulit pagkatapos ng Saturday work...


No comments:

Post a Comment