Friday, July 21, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of July 2017 (Out of the Black Market)

July 15, 2017...

4 months na rin nga pala ngayon si Unit 02...

was feeling , 8 months pa...

---o0o---


July 16, 2017...

[V-League]

Creamline versus Pocari

nice one, Morado!
natalo na rin sa wakas ni Baldo ang Pocari..
yun nga lang, mukhang matatapos na rin yata ang streak nila..
iiwanan na ni Baldo si Morado..
mababawasan na naman ng attacker si Morado..
salamat National Team... :(


Battle of the Rivals

hala!
nakita ko sa Twitter yung bagong lineup..
ewan ko lang kung yun yung totoong mga maglalaro..
pero yari ang Ateneo sa ganung lineup ng DLSU...

was feeling , pwede bang yun na yung Championship Match..? paalis na si Baldo eh...

>
[V-League]

AdU versus UP

naman!
talo na ulit sina Galanza..
maganda ang Set 1, at nakuha nga nila yun..
natambakan sila sa Set 2 pero maganda yung ginawa nilang paghabol, tipong pwedeng pagkunan ng momentum para sa mga susunod na sets..
kaso iba ang kinalabasan, at tinambakan sila sa Set 3..
maganda ulit ang Set 4, AdU ang hinahabol, at una pa nga silang nakatuntong sa 20 points..
kaso nanlaban at tinapos na ng UP yung Match after 4 Sets para makuha nila ang kauna-unahan nilang panalo sa PVL...

as for Permentilla, off yung laro niya ngayon eh..
malungkot na naman tuloy si Coach Padda...


Battle of the Rivals

leche!
huli ko na nabasa..
wala palang schedule ng live TV broadcast..
1:00 PM pa naman ay naghihintay na ako..
July 22 daw yung schedule ng broadcast eh, by 6:00 PM...

noong oras ng balita, sinabi nga na lamang ng 2-0 ang DLSU..
naisip ko tuloy na wala na yun, na talo na..
nagulat na lang ako noong nabasa ko yung naging resulta nung laban..
nanalo pa ang ADMU sa paghahabol..
hindi ko pa napapanood yung laban, kaya hindi ko masabi kung scripted ba yung resulta o ano..
pero tiningnan ko nga rin yung actual lineup na naglaro; pinalakas yung sa ADMU, samantalang hindi 100% yung sa DLSU, kumbaga eh hindi yun yung Best Lady Archers..
pero kung totoo nga yung naging panalo ng Ateneo, eh magandang pambawi ng karangalan yun para kina Baldo at Morado..
at sa wakas ay natalo rin ni Baldo si Gumabao...


National Team

at yun nga..
malalagay sa alanganin ang Creamline kapag nawala na si Baldo..
basically, walang kayang sumalo ng posisyon niya bilang Outside Hitter, since wala na rin nga sa kanila si Galanza..
sa pagkatanda ko eh sa loob ang laro ni Balse eh, Middle Blocker yata...

at ang request ni Baldo sa mga teammates niya..?
at least mag-secure ng puwesto para sa Semi-Finals na mukha namang sigurado na kahit papaano...

was feeling , nagulo na yung liga...

---o0o---


July 17, 2017...

negative update...

may 38th retirement na..
medyo hinabol ko rin nga na makatrabaho yung isang yun..
kaso siya yung tipo na madalas na mag-NO sa akin..
isa pa naman siya sa may dating ang itsura..
at talagang nagdi-deplete na yung lineup nila sa panahon ngayon...

was feeling , pero nandun pa rin yung pangalan niya...

>
sa wakas, tapos na rin sa 2nd project..
took me 37 days para sa pagre-render..
at 9 days sa Photoshop (with day off)..
bale 46 days kumpara dun sa dati na 45 days..
okay sana kung ganun nga yung magiging average...

nai-submit ko na rin..
maghihintay na lang ulit ng approval..
hopefully, makahatak pa ng ibang buyers yung release nung chapter 2..
yung tipong bibilhin rin nila yung chapter 1 para masundan na nila yung istorya...

was feeling , good luck ulit!

---o0o---


July 18, 2017...

[Gadget-Related]

matapos lumagpas sa 500th charge yung tablet ko..
mukhang nag-deteriorate na ulit yung battery niya...

dati kasi nasa 1% hanggang 3% lang ang nababawas sa maghapon na naka-standby siya..
pero ngayon, more than 10% na sa maghapon, at nasa 9% within 7 hours...

was feeling , mga device nga naman...

>
approved na rin kaagad yung 2nd project...

nag-set muna ng 2 bagong characters, at may 2 pa na dini-design..
hindi ko pa alam kung anong gagawin ko para sa 3rd project..
yung iniisip ko kasing script eh para sa November pa, sa panahon ng katatakutan...

also considering some revisions para sa mga susunod na projects..
mukhang kailangang mag-adjust ng mga font size, para magmukhang mas may space ang bawat page...

was feeling , ang target ay hanggang August 10...

---o0o---


July 19, 2017

bad news..
na-kick out na ako sa black market...

wala eh..
naggahaman na yung mga tao dun..
for security daw..
pero pera lang naman talaga ang habol..
ginawa na kasing trabaho yung ganun sa halip na sideline lang..

malaki pa yung bayad kumpara sa bill namin para sa tubig per month eh..
kaya pass na ako dun..
bahala sila, magsama-sama silang bumagsak...

at ang bad news nga..?
eh sumabay pa yung pagka-kick out ko sa pagkawala nung contact detail nung target ko na taga-Pasay..
tapos hindi ko rin nakopya yung link para sa application form niya..
kaya naman wala na akong paraan para maka-connect pa sa kanya... :(

was feeling , putol...

>
[TV Series]

buti na lang at may Love in the Moonlight na ako tuwing umaga..
pero hanggang pakikinig na lang ako..
bawal nang tumutok sa TV eh...

PS: salamat kina Val Balita..
hindi magiging pang-umaga 'to kung hindi dahil sa palabas nila sa Southern Tagalog tuwing hapon... XD

was feeling , makiki-kilig na lang sa iba...

>
[V-League]

Creamline versus Power Smashers

cool versus power..
si Morado na ngayon ang Captain ng Creamline kahit na siya ang pinakabata (yata) sa team...

maganda ang laro considering na wala na nga si Baldo..
nakita talaga ngayon sa Creamline yung team effort..
3-0 Sets, at sa lahat ng yun eh Creamline yung naghabol sa bandang dulo..
hindi ko masyadong napanood yung 1st Set, pero si Morado yung tumapos dun..
sa 2nd Set naman kung saan natambakan ang Creamline, eh si Vargas yung nakaisip ng diskarte kontra Power Smashers, basta nadaan niya sa mga drop ball at off speed eh..
sa 3rd Set naman eh puros si Soriano na yung bumira sa middle sa bandang dulo na parang nawalan ng depensa laban sa kanya ang Power Smashers..
maging sina Racraquin at Bravo na hindi naman mga power- at speed-type na attackers eh naka-contribute din, lalo na si Bravo noong 2nd Set..
dahil dun ay nasa 5-0 na ang Creamline, may last 2 match na lang sila, at sigurado na para sa Semifinals...

nakakapagtaka nga lang sa Power Smashers at 3 beses nilang hindi naisara yung set...

was feeling , hooo! salamat sa pagtulong kay #12 Morado...

>
nag-ayos na muna ng apartment...

tapos pag-a-assign ng costume para sa mga bibida sa 3rd project...

in addition, may mga nakukuha pa akong ibang materyales na mas nagpapalawak sa library ko..
kaya mas lumalawak rin yung kakayahan ko para makagawa ng mga easy characters...

was feeling , umpisa na ulit...

---o0o---


July 21, 2017...

madami na namang natutunan...

may paraan na ako para makagawa ng sarili kong mga backdrop...

tapos..
ayos na rin yung ilaw nung apartment..
wala pa rin ako sa level ng paggawa ng sarili kong lighting setup para makapag-mimic ng lighting sa totoong mundo..
pero sa ngayon, magagamit ko yung emission properties bilang stable na light source...

was feeling , umpisa na ulit ng pagbuo ng mga eksena...

---o0o---


July 22, 2017...

[Gadget-Related]

ayos!
nadaan naman sa restart yung tablet ko...

after 2 or 3 charges, na kumakain siya ng 21% ng battery sa maghapon at 9% sa magdamag habang naka-standby lang..
eh are at naibalik ko na siya sa dati..
2 to 3% na lang ulit ang nagagamit niyang battery sa magdamag..
at maikli na lang ulit yung charging time niya...

mostly probably sa software yung error na yun..
dahil software naman ang nagdidikta kung paano gagamitin at paano muling pupunuin yung battery eh...

is feeling , buti na lang.. buhay pa after 3 years...

>
[Online Marketing]

okay naman yung sales ko for July..
merong mga naa-attract na bumili pa nung 1st chapter matapos kong ilabas yung 2nd chapter..
bale madali namang makita yun dahil magkasunod nga yung purchase nila..
siyempre yung iba eh mga dati nang bumili nung 1st chapter kaya nabili rin sila nung padalawa..
pero sana lahat nga nung buyers nung naunang chapter eh bumili rin nung bagong release...

in addition..
may bidder na ulit ako sa eBay..
at sana ay maging pulido ulit ang transaction na 'to..
bale, kakain ng oras yung paggagawa ko ng custom box at yung pagsi-ship nun...

is feeling , buti na lang may pagkakaiba sa purchasing power ng mga bansa...


No comments:

Post a Comment