Sunday, November 20, 2016

Philippine National Insult Day

gaano kadali para sa mga Pilipino na yurakan ang sarili nilang dangal at kasaysayan...?

isang lipunang walang dignidad..
walang natutunang leksyon sa kasaysayan..
at kung saan marami ang mga traydor sa bayan at sa kanilang kapwa... :(

---o0o---


November 14, 2016...

talo rin sa Senado...

lahat ng bumoto para kay Do-Dirty, este sa pamilya pala ng diktador - hayaan ninyo at ililibing din kayo balang araw:
- Gordon (ang taga-sulong sa kakayahan na isuspinde ang Writ of Habeas Corpus)
- Honasan (anupa't nilabanan mo yung angkan noon?)
- Lacson
- Pacquiao (walang utak, tuta, equivalent to a vacant seat)
- Sotto (may pinagpapasalamat 'to kay Quiboloy noong panahon ng kampanya eh)
- Villar (thank you at ginawa mong secretary ang anak ko, therefore susuportahan ko ang kagustuhan mo)


may punto naman si Angara..
pero sa panahon ngayon, delikado na ang national referendum..
with all the fake news, paid supporters, at ang lakas ng mga panatiko sa social media - kahit sinong tanga eh madali nilang mako-kontrol..
eh sa windmill pa nga lang eh utong-uto na yung iba eh...

kung sakaling nanalo man yung apila sa Senado..
magkukuwestiyunan lang ang gobyerno kung sino nga ba ang may kapangyarihan dahil co-equal branches nga sila...

sa bandang huli, mali rin na tingnan ito bilang usapin ng kasalukuyang lipunan..
dahil marami na ang walang pakialam..
dahil marami na ang walang alam sa totoong history..
dahil marami na ang bayaran..
at kung sakaling manalo pa rin ang angkan ng diktador sa bandang huli, walang ibang magdurusa kundi yung mga mamamayan na nakaranas ng pagmamalabis na nasa level ng sakitan, gahasaan, at patayan..
kaya hindi rin dapat iasa sa botohan ng kung sino ang sikat ang laban...

kung matatalino talaga ang mga Pilipino, dapat itrato nila 'to na mala-Hitler ang level - na hindi na dapat maulit pa at permanente na sa history..
pero pinatunayan ng sistema ng Supreme Court na wala na silang silbi..
at mukhang wala ng ibang maaasahan na magtatama sa mga pagkakamali na 'to...

besides..
kung sakaling matalo man ang angkan ng mga diktador..
siguradong ipi-freezer lang ulit nila yung bangkay sa museum, at maghihintay ng kung sinong administrasyon ang muli nilang mako-kontrol...
feeling , walang ibang solusyon kundi ang sirain yung bangkay...
---o0o---


November 15, 2016...

putang ina mo, Pacquiao!
ni hindi nga dapat idaan sa legal na usapan ang pagpapalibing sa bangkay na yun..
bakit ninyo idadaan sa technicalities ng batas ang isang demonyong umabuso sa batas...

tang ina ninyo!
eh kung sakaling Pilipino pala si Hitler eh malamang bigyan ninyo rin siya ng ganung klase ng karangalan...


ito ay isang usapin na dapat haluan ng aspeto ng respeto at delikadesa - ng damdamin..
ipagpalagay mo na ipinagahasa nung diktador ang asawa mo at ang mga anak mong babae..
ipagpalagay mo na ipinapatay niya ang mga kaanak mo nang dahil lang sa mga bintang o hinala..
ipagpalagay mo na hindi mo makita ang mga labi ng mahal mo sa buhay hanggang sa ngayon..
ipagpalagay mo na ikaw ang nasa kalagayan nung mga inabuso noon na hindi pa rin nakakamit ang hustisya hanggang sa ngayon..
kung hindi man yung diktador ang nag-utos, eh still inabuso pa rin ng mga tagasunod niya yung Martial Law - at wala siyang ginawa para mapigil yun o para makamit ang hustisya para sa mga biktima..
kung ganun ang sinapit ng pamilya mo, sasabihin mo pa rin ba na qualified na ilibing sa isang kilalang libingan yung bangkay ng diktador puwerket naging sundalo siya o pangulo...?
feeling , tang ina ninyong mga pro-Marcos! pagdating sa kanila eh ambilis lang ipatupad ng batas, pero pagdating sa mga naging biktima nila eh wala nang maaasahan na hustisya!!? mga demonyo kayo!!!
---o0o---


November 16, 2016...

sabi na nga ba at mabibigyan na si Patilya ng absolute pardon eh..
ang galing kasi nung sample ballot niya noong halalan eh..
ang bilis talaga ng sistema kapag Friend mo siya...

probably the same reason kung bakit hinding-hindi lumalabas ang listahan ng mga durogistang artista hanggang ngayon...
feeling , ang sarap mong maging Friend, idol!
>
mukhang mali ang ginagawa ng mga mamamayan na paglaban sa contractualization..
bakit...?

dahil logically, mukhang yun yung isa sa mga atraksiyon kung bakit naeengganyo ang mga investors na mamuhunan dito sa bansa (lokal man o dayuhan)..
parang kapag inalis mo lahat ng forms ng contractualization (full, seasonal, at iba pang uri) eh parang dini-discourage mo na rin ang mga investors na magtayo ng negosyo nila..
kaya parang mali na ipaubaya sa pamahalaan yung usapin by controlling the system..
kasi nga parang imposible talagang ma-control lahat, dahil ang gobyerno nga mismo eh nagre-resort din sa contractualization...


kung ayaw talaga ng mga tao sa contractualization, mukhang the only way eh sila yung mismong umiwas..
the best way talaga is just be your own boss, at magkaroon ka ng sarili mong field of specialization..
hindi yung parang ikaw ang masusunod sa negosyo ng may negosyo...

medyo simple lang yun eh..
pakikiramdaman ng mga investors ang galaw ng man power..
base dun, it's either magsasara na lang sila o susunod sa kagustuhan ng mga manggagawa..
pero kung talagang ipaparamdam ng mga tao na contractual na mga trabaho lang talaga yung kaya nilang pasukin - eh parang sila pa rin nga yung nagbibigay ng mensahe na pwede pa rin silang kontrolin ng mga negosyante...
feeling , tara mag-business ng strip bar...
---o0o---


November 17, 2016...

sa lahat ng applicants para sa mga mababakanteng posisyon sa Supreme Court..
lalo na kay Acosta (dahil bilib pa naman ako sa kanya noon)..
totoo ngang medyo napapakita ninyo na may alam kayo sa batas base sa pagpabor ninyo na mailibing yung Diktador sa isang kilalang sementeryo...

pero ang wala sa inyo..?
ang dignidad ng paglaban sa lahat ng uri ng pang-aabuso..
at sense of History din..
sobrang dali para sa level ng logic ninyo na magdesisyon dahil lang sa naging sundalo at pangulo yung demonyong yun..
samantalang puros wala kayong kakayahan na ma-determine kung nagampanan nga nung Diktador nang tama lahat ng naging tungkulin niya sa bayan...


kumbaga sa isang kompanya..
eh ang napili niyo pang employee of the month eh yung dating empleyado na tumangay ng kaha-de-yero ng kompanya..
sa anong basis..?
dahil minsan siyang naging empleyado...

walang umaalis sa angkan ng mga Demonyo, este Diktador, ng karapatan na mailibing yung kaanak nila..
kahit saang sementeryo na walang value o national essence eh pwede siya..
masuwerte nga sila at meron pa silang bangkay na maililibing, compared sa mga naging biktima ng pag-abuso nila sa kapangyarihan..
pero dahil talagang makakapal ang mga mukha nila, eh gusto
nilang kabitan ng magandang titulo yung history ng basura nilang bangkay...

tama yung ibang taga-Cebu eh..
sa dump site nararapat yung bangkay na yun, at maging ang buong angkan at mga alipores nila...
feeling , walang kuwenta ang batas...
>
may isa na namang kaso ng pag-abuso sa kapangyarihan...

last October yata nangyari..
kidnapping na ang sangkot ay mga pulis na naka-civilian..
salamat na rin lang sa kuha ng CCTV...

wala pang malinaw na motibo..
pero ang hinala nila eh posibleng may kinalaman sa pagbebenta nung biktima ng multi-million na halaga ng ari-arian...

naikulong na yata yung mga pulis..
ang problema, hindi pa rin malaman kung nasaan yung biktima...
feeling , thank you sa gobyerno, ang lilinis talaga ng mga sistema ninyo...
---o0o---


November 18, 2016...

ano ang worst case scenario sa sitwasyon ngayon ni Kerwin Espinosa...?

ang matamnan ng pekeng affidavit sa takot na itumba rin siya..
at hindi na lumabas kung sino ang mga totoong may sala din..
ngayon pang may sumusuporta sa mga pulis na pumatay sa tatay niya...

ito ang panahon kung kailan ang mga drug lord o drug lord DAW ay either patay o witness na nasa protection program..
kung kailan halos maliliit na users at pushers lang ang itinutumba..
at walang masyadong nahuhuli na mga mismong drug manufacturers...
feeling , sa lahat ng mga pulis na nanghuhuli ng mga buhay na drug suspects, at sinisikap na alamin lahat ng links nila - maraming salamat po!
>
isa na namang panibagong kaso..
not police-related...

yung Director Villa ng ERC na nag-suicide..
gaano kaya kadilim yung naging trabaho niya para hindi niya makayanang lumaban na lang sa korupsyon, bagkus ay mas pinili niyang kitilin na lang yung sarili niyang buhay while leaving his revelations behind...?

how evil is evil...?
feeling , tapos mapapanood mo sa interview sa TV yung isa sa mga tao na itinuturo niya na parang relax lang at kalmado pa rin ang dating...?

>
History is Dead...

walang bayaning dumating...

matagal nang binababoy ang History ng Pilipinas by censoring text books..
at ngayon, muling ipinamukha sa mga mamamayan na parating mananaig ang mga nasa itaas...


the only good news is that it's an easier target now...

parating kasamaan ang mananaig...
feeling , nakakahiyang maging Pilipino...
>
November 18, 2016 is.....

National Insult Day

:(
feeling , listahe na ang mga traydor sa bansa...
>
putang ina mo, Do-Dirty!

daanin kamo ng mga naging biktima sa legal ang labanan at ang paghahabol sa hustisya!!?
tang ina ka!
ano bang inaakala mo, na nag-tsa-tsaa lang sila sa lahat ng panahong nagdaan!!!?

alam mo dapat na sa sobrang lakas ng impluwensiya ng mga Marcos, eh hinding-hindi makamit ng mga naging biktima ang totoong hustisya..
alam mo rin na bukod sa malinaw na fact na lahat ng yun ay nangyari sa panahon ng Martial Law, eh mahirap talagang mag-provide ng mga ebidensya dahil sa mga palihim na sistema o pamamaraan noon..
hindi sila katulad ng mga Friends mo na A.S.A.P. ang VIP treatment...

sino ang aasahan nila ngayon..?
ang Supreme Court at mga lower courts..?
parang sinabi mo na rin na luto na ang resulta ng anumang magiging apila sa batas..
dahil mga tuta nga sila ng alyansa ninyo!!!

sabi nga ni Captain America - We Fight!
feeling , tang ina! saan nga ba yung bagong tayong CR sa Libingan ng mga Bayani...?
---o0o---


November 19, 2016...

ang gagaling ng mga Pro-Marcos at Pro-Do-Dirty na mga 'to...

ija-justify pa yung paglilibing sa Diktador by comparing it sa kaso ng Hacienda Luisita..
mga walang utak!
parehas nga na krimen yun, pero magkaiba ang scale, iba yung national level of abuse kumpara sa usapin tungkol sa lupa..
both deserves justice..
tapos magtatanong kung bakit wala sa history books yun..?
bakit, puwerket naging Presidente ba noon ng bansa ang isa sa may-ari nung sakahan eh kailangang isulat na yun sa history..?
kung makapanghusga kayo parang si Cory mismo yung nag-utos nung massacre, na parang walang ibang factor na involved..?
kung ganung kasimple yung logic ninyo, edi parang sinabi niyo na rin na yang Do-Dirty ninyo yung nagpasagasa sa mga katutubong rally-ista...?


yung isang bopols na babae eh nagtanong..
bakit daw kasi ayaw pang hayaan na mailibing..?
walang utak!
walang tumututol na mailibing yung museum piece na yun, kaso para ma-edit ang History eh talagang hinabol ng angkan nila na mailibing siya sa isang sementeryo na may essence para sa bayan..
gusto nila na maisulat sa History na sa wakas ay pinayagaan na siyang mailibing sa Libingan ng mga Bayani..
at yun ang ayaw ng maraming mamamayan - ang pagbibigay ng karangalan sa isang traydor sa bayan...

ni hindi ito usapin tungkol sa pagiging Pro- o Anti- sa kung kaninong clan..
usapin ito tungkol sa pag-preserve sa totoong History para hindi na maulit ang mga bangungot ng nakaraan, kung ano ang tama, kung ano ang nararapat na hustisya, at kung sinu-sino ang umaabuso sa kapangyarihan hanggang sa ngayon..
tapos ige-generalize ninyo na automatic na pro-Aquino Clan lahat ng Pilipino na naghahabol sa hustisya laban sa mga Marcos..?
bakit, sa palagay ba ninyo eh Aquino Clan lang ang dapat lumaban sa kasamaan..?
gaano kaliliit yang mga utak ninyo!!!?

ni hindi ninyo kailangang magbasa pa ng libro..
kung meron lang sana kayong empathy para sa kapwa ninyo..
sa mga domesticated animals nga eh nagagawang maawa ng marami sa inyo - pero bakit hindi sa kapwa ninyo..?
pero dahil hindi ninyo naranasan yung mga ganung klase ng pagmamalabis, eh ang yayabang ninyong magpa-move on...

Marcos was once a soldier - pero maraming kasinungalingan sa records niya..
Marcos was once a president - pero ginahasa niya, ng angkan nila, at ng mga kasabwat nila ang bayan...

feeling , sino ba ang insensitive ngayon...?
>
may siraulo na namang nag-post...

huwag daw gamitin ng mga taong galit kay Marcos lahat ng naging proyekto nito noon..
kupal ka pala ka eh, at naniniwala kang ideya niya yung lahat..?
eh kaninong pera ba ang ginamit sa pagpapatayo ng mga ipinagmamalaki ninyong mga infrastructure..?
ni hindi siya ang mga engineer, architect, at kung sino pang mga espesyalista ang totoong bumuo sa mga yun..
kung siya ang gumawa sa lahat ng yun nang mag-isa - baka mahiya pa ang mga pro-Justice na gamitin yung mga yun..
parte yun ng totoong tungkulin niya sa bayan to begin with..
ang hindi parte - yung umabuso sa kapangyarihan at hayaang mag-walanghiya ang mga alipores niya..
tsaka multi-Billion Dollars ang dinugas nila sa bansa - sa tingin mo hindi pa sila nakinabang o naka-komisyon nun sa mga pinagmamalaki mong proyekto niya...?


kung makapag-present ka ng argumento, akala mo eh imbentor yung Marcos mo...

at anong akala mo, hindi namin kaanak yung mga taong nabuhay sa panahon ng Martial Law!!?
hindi kailangan ng mga tao na mabuhay sa panahon na yun para lang magkaroon ng karapatan na lumaban sa kasamaan...

ikaw ang huwag gumamit ng Freedom of Expression dahil bawal yan sa pangulong Marcos mo..
kupal na 'to!
feeling , ikaw ang puta!
>
isa sa dahilan kung bakit hindi umuunlad ang bansa ay dahil nga mapagpatawad ang maraming Pilipino..
at dahil na rin maraming butas sa batas...

  • yung mga pasaway magmaneho sa kalsada, kahit ilang offense na eh entitled pa rin sa lisensya, inaalis lang yung lisensya kapag nakadisgrasya na nang matindi, pero may iba na nakakapagmaneho pa rin kahit na wala na silang lisensya..
  • yung mga kriminal na nakakailang paglabag na sa batas, lalo na yung mga seryoso ang kasalanan, eh nakakailang labas-masok pa rin sa kulungan..
  • yung mga bumibisita sa mga kulungan na nagpupuslit ng mga ipinagbabawal na mga bagay, kahit na nakakailang ulit na, at kahit alam ng mga tagapagpatupad ng batas na lalo lang nagkakasala yung mga bilanggo dahil dun, eh nato-tolerate pa rin..
  • yung iba namang mga high level na kriminal, sa halip na parusahan, eh ginagawa pang witness sa ilalim ng protection program o nagkakaroon ng immunity, na parang awtoridad pa yung no choice kundi makipagkasundo at makipagtulungan sa kanila, na para bang walang ibang paraan ng pagpapaamin sa mga kriminal..
  • at yung mga public officials na proven na nagkasala laban sa bayan, at yung mga pinaghihinalaang nagkasala sa bayan dahil maraming pondo ang naglaho nang walang paliwanag, eh entitled pa rin para sa karangalan at sa paglilingkod sa pamahalaan...

tapos magtataka kayo kung bakit paulit-ulit pa rin ang kriminalidad sa bansa at ang korupsiyon sa gobyerno...?
feeling , pagpapatawad ang isa sa mga dahilan ng mga pag-abuso...
>
tama ba yung narinig ko sa news kanina..?
'pinadala' yung mga dumalaw sa puntod nung Diktador..?
does that mean na sponsored yung mga taong yun...?

tapos maging yung babaeng anak eh pino-promote na rin ang Color Wars, assuming na yellow lahat ng lumalaban sa kasamaan nila..
Colors Wars bilang paghahanda para sa susunod pang mga halalan...

anyway..
nakakapagtaka lang..
hindi ba parang malaking bangungot yung ginawa ng angkan ng Diktador..?
putting the dictator in a more public place, compared sa museum..
makakatulog ba sila nang ayos kung alam nilang anytime eh pwedeng may sumira ng puntod na yun..
unless peke rin yung laman nung kabaong, at ginawa lang nila yung paglilibing to go after the honor and the Historical update (Wikipedia eh updated na nga)..
base sa news kanina, open to visitors rin talaga yung sementeryo na yun..
kawawa nga yung ibang may gustong dalawin, dahil nadamay na sila sa security issues ng iisang pasaway na bangkay..
ang masama pa nito, baka gastusan pa ng gobyerno ang pagpapabantay sa iisang puntod na yun, compared dun sa karamihan na wala namang threat...

sana may mga dumalaw, mag-vandalize at umihi doon sa puntod na yun..
o sana magtagumpay yung planong bungkalin yun...
feeling , sabi nga ng cheer ng crowd sa Ghost Fighter - tapusin! tapusin! tapusin!
---o0o---


November 20, 2016...

[Name] Theodore [Middle Initial] [Surname] :like:

bihira akong makabasa ng mga praktikal na argumento kagaya ng sa kanya..
ise-censor ko na lang yung name kapag nasa public space ko na...
feeling , yung mga walang kuwenta ang argumento eh magdukit na lang ulit gamit ang sex toys nila - baka sakaling may maituro pa silang maganda sa kapwa nila...
>
according sa isang unfinished book na nabasa ko...

true PEACE can only be achieved in 2 ways:
  • una, eh mahalin mo ang kapwa mo..
  • ikalawa, kung hindi mo kayang magmahal at umintindi sa iba eh at least irespeto mo sila..

kung kaya lang sana yung gawin ng bawat tao..
mukhang simple lang yung konsepto..
pero it actually refers dun sa responsibilidad ng bawat isa na kusang limitahan yung rights niya base sa rights ng kapwa niya - na makakabuo sana ng isang mundo kung saan walang nag-o-overlap na karapatan sa pagitan ng mga tao...

feeling , unfortunately, walang ganitong kakayahan ang mga mamamayan ng bansa...
>
thank you nga pala sa Imperyo ng Tsina para sa pagbibigay ng permiso na magamit na ulit ng mga Pilipino ang dati ng tradisyunal na pangisdaan nila..
malaking tulong po iyon para sa kanila..
utang na loob po nila iyon sa Imperyo ninyo...

tapos hindi na raw muna pag-uusapan ang tungkol sa agawan sa teritoryo..
meaning - pwede pa ring ipagpatuloy ng Imperyo ang pagtatayo ng mga infrastructure, at paninira ng kalikasan sa loob ng mga pinag-aagawang teritoryo...

feeling , ni hao!
---o0o---


November 21, 2016...

gahasain at putukan ng mga tamod sa loob at bibig...?

dahil lang sa lack of argument..
dahil lang sa hindi ninyo kayang i-justify yung mga abuses na nagawa sa panahon ng Diktador..
dahil lang na-realize ninyo na lahat nga pala ng infrastructure na naipatayo sa panahon niya eh hindi naman angkan nila ang gumastos, kundi ang taong bayan din o ang mga nagpapautang ng pera, na baka nga nakuhanan pa nila ng limpak-limpak na komisyon...

kaya magre-resort na lang kayo sa pambabastos sa mga kababaihang rally-ista na ni hindi ninyo alam ang personal background..??
gagamitin ninyo yung mga photos nila online, lalagyan ng mga mahahalay na captions at comments para lang pawalan ng saysay yung mga ipinaglalaban nila..?
mga pro-Marcos nga kayo - puros pang-aabuso sa kapwa ang alam ninyo... :(


feeling , ingat na lang para sa mga kababaihang rally-ista, nanggagahasa na rin sila ngayon gamit ang social media...


No comments:

Post a Comment