Sunday, November 27, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Full Week of November 2016 (Secretary Cheeks)

magkaiba talaga yung format para sa Windows 7, Windows , at Windows 10...


---o0o---

November 21, 2016...

[V-League]

nice to see Morado kahapon sa charity game ng Shakey's V-League..
magandang warm up yun bago ang UAAP Season nila sa volleyball..
Team Puso versus Team Palaban..
again, hindi naman pwedeng magsapi sina Valdez at Gumabao...


panay ang tawa ko kay Rondina..
nagka-cartwheel bago mag-spike..
nagkaka-cartwheel bago mag-serve..
at walang error sa lahat ng ginawa niyang yun..
anlupet!
4 sets lang ang itinagal nung match..
sa tingin ko nagkatalo sa Setter, at hindi rin naging patas yung distribution ng mga attackers..
Morado at Sy, versus Emnas - siguro mas naging balanse kung Morado versus Sy yun...

in the end, talo pa rin si Valdez kay Gumabao... XD
feeling , mahina na rin talagang pumalo si Valdez, hindi na natunog madalas...
>
konti pa..
nasa 2nd Round na..
tapos na sa tatluhan portion...
feeling , para hindi puros negatibo yung isinusulat ko...
---o0o---


November 22, 2016...

malungkot...

about a month ago she came back bilang isang part timer..
at ngayon nga, after almost 1 month, eh kasali na ulit siya sa lineup nila..
siya na ngayon yung gumagamit nung number...

ewan..
hindi ko alam kung anong rason niya..
nag-retire siya, bumalik, at ngayon nga eh regular na ulit siya..
hindi siguro umubra yung part time unit nila...?

nag-aalala lang ako dahil nangangahulugan 'to na mae-expose na naman siyang muli nang sobra sa ganung uri ng kalakaran...
feeling , mahirap ngang magkagusto sa isang katulad mo...
>
done with the narration..
initial proofreading na lang..
tapos publish na kaagad kasama yung evaluation...
feeling , kaso brownout bukas...
>
[TV Series]

The Greatest Love

nadiskubre na nga ni Paeng ang tungkol sa sakit ni Mommy Glo dahil sa ginawa niyang pagnanakaw..
sinabihan naman siya ni Mommy Glo na ipaubaya na lang sa kanya ang pagsasabi ng tungkol dun sa iba pa niyang mga anak..
mabuti na rin daw yun sabi ni Mareng Lydia, para at least may nakakaalam na sa mga bata, bukod sa kanya at kay Peter..
ang masama nito, ginamit ni Paeng yung kondisyon ng ina niya para mapagtakpan yung ginawa niyang pagnanakaw sa pamamagitan ng pagko-cause ng doubt sa kakayahan ng memorya ni Mommy Glo..
bukod dun eh nagiging pasaway na rin si Paeng sa junk shop nila, at walang magawa ang mga scholar nila laban sa kanya...


si Z naman eh mukhang gagawin ng sideline yung photography..
ang passion na namana niya sa Mommy La at Lolo Zosimo niya...

sinamahan naman ni Peter si Gloria sa doktor nito..
nasa labas lang sina Mareng Lydia at Pareng Jomar, at nadiskubre na rin ni Pareng Jomar ang tungkol sa kondisyon ng kanilang kaibigan pero nangako ito na ililihim ang tungkol dun..
may nabanggit yung doktor tungkol sa alternative na Care Facility, in case wala na talagang ibang mag-aalaga kay Mommy Glo..
pero sinabi rin ng doktor na hindi niya yun inire-recommend dahil kahit tutok ang mga care giver doon eh mahirap namang alisin sa mga pasyente yung mga bagay kung saan sila pamilyar na at yung everyday routine rin nila..
pero bumisita na rin doon si Mommy Glo, para makita lang niya yung kalagayan ng mga kagaya niyang pasyente..
sinamahan siya ni Peter na willing naman siyang alagaan, kaya no need for that Care Facility..
iniwan naman sila nina Mareng Lydia at Pareng Jomar doon sa lugar..
laging naka-lock yung gate nung facility para maiwasan na makaalis at mawala ang mga pasyente nila..
doon, nakakita sila ng loveteam, yung babae yung may Alzheimer's at araw-araw siyang binibisita ng asawa niya..
another patient eh bedridden na, at may hose na sa ilong, sa punto na yun napaisip rin yata si Mommy Glo na paano kung yung mga anak niya ang mas maunang makalimot (magpabaya) sa kanya..
lumabas si Mommy Glo doon sa facility na naiiyak at malungkot na malungkot dahil sa pwede niyang sapitin...
feeling , mahirap talagang timbangin kung kailan kailangan nang pakawalan ang isang taong hirap nang mabuhay...
>
Oda!
alam mo na..
bawal kang mapahamak hangga't hindi tapos ang One Piece ha...
feeling , take care Japan.. protektahan si Oda...
---o0o---


November 24, 2016...

[TV Series]

The Greatest Love 

nakita ni Paeng na inihatid nina Peter sina Mommy Glo at Mareng Lydia, kaya sinaltik siya sa pag-iisip na relasyon ang inaatupag ng dalawa..
tahimik na umiwas sa gulo sina Peter at Pareng Jomar..
at nasampal naman ni Mommy Glo si Paeng nang sumbatan siya nito sa bahay, may sakit na daw siya eh nagagawa pa niyang lumandi...


after that, kinausap ni Mareng Lydia si Paeng..
nasabi na rin niya sa inaanak niya na yung tungkol talaga sa Alzheimer's ni Gloria yung gusto sana nitong ipagtapat noong matapos yung Ulirang Ina Event, na hindi natuloy dahil nga inakala ng mga bata na tungkol kay Peter yung topic na gustong buksan ng kanilang ina..
ipinaliwanag rin ni Mareng Lydia kung gaano kahirap yung pinagdadaanan ni Mommy Glo, kung kaya't kailangan niya ngayon yung mga taong malalapit sa kanya lalo na ang mga anak niya..
sinabi ni Mareng Lydia na kung gusto daw talaga ni Gloria na makipagrelasyon kay Peter, edi sana ay matagal na nitong ginawa dahil inaaway na rin naman siya ng mga anak niya, pero dahil nga hindi yun ang priority ni Gloria eh mas pinili nito na manatili sa San Ildefonso - natahimik naman si Paeng sa argumento na yun ng kanyang Ninang..
ipinaliwanag ni Mareng Lydia na hindi alam ni Gloria kung hanggang kailan mananatili ang mga alaala nito, kaya dapat sulitin ni Paeng yung pagkakataon na yun para makabawi sa kanyang ina...
kaso..
mukhang gagamitin pa ni Paeng yung sakit ni Mommy Glo para tuluyan na nila itong masolo at mailayo kina Peter at Lizelle...
feeling , husay...
>
been dreaming of Miss C and Miss H lately...
feeling , pagsisisihan ko talaga na hindi ko nagawang mapagsama yung dalawang diyosa na yun...
---o0o---


November 25, 2016...

[TV Series]

The Greatest Love 

almost fictional yung tragedy level dito..
kaya naiintindihan ko kung bakit pinalibutan talaga yung main cast ng mabubuting supporting characters..
mga mabubuti at reasonable na characters para bigyan yung masasama ng pagkakataon na magbago, o para alalayan rin yung mabubuti...


si Amanda na puno na ng inggit kay Lizelle dahil biglang yaman ng inaapi nila noon na kapatid..
andyan yung asawa niya at ang anak niyang si Z...

ang mabait na si Z..
andyan yung Daddy niya, si Mommy La niya, at siyempre si Waywaya...

si Andrei, na napapatuon na rin sa reputasyon ng pamilya ang atensyon..
andyan yung boyfriend niyang si Ken, at si Lizelle din...

si Paeng na talagang salbahe..
so far andyan naman yung Ninang Lydia, Mommy Glo, at Ate Amanda niya para alalayan siya...

ang inaapi noon at masuwerte na ngayon sa buhay na si Lizelle..
andiyan na si Peter na totoong ama niya, si Mommy Glo, si Z, si Ken, at si Sandro...

si Peter..
dati na siyang may tagapayong si Pareng Jomar..
at ngayon nga eh nagbago na siya ulit...

si Mommy Glo naman..
andiyan sina Z, Lizelle, Peter, Mareng Lydia, Pareng Jomar, yung kasambahay nila, at sina Sandro at ang iba pang scholars niya...

masusuwerte sila na napapalibutan sila ng mabubuting tao...

at regarding sa Bagong Ilog..
ayun nga, nagkusa na nga si Peter na ipagpatayo ng bahay bakasyunan si Gloria sa probinsiya nila..
eh sa siya yung mapera eh, haha...
feeling , Yin and Yang...
---o0o---


November 26, 2016...

as expected..
after 1 week lang, wala na kaagad yung bagong smartphone nung paboritong anak...

last week kasi, namigay yung panganay ng bagong FREE smartphone..
every 2 years kasi eh binibigyan sila ng bagong mga phone dahil sa subscription nila..
Alcatel lang naman yung unit, na malapad na rin ang screen..
and since saktong wala na NAMANg phone yung isa, dahil nasira na sa pag-o-overuse niya..
eh sa kanya na lang daw dahil kailangang-kailangan niya...


a week passed..
and poop! it became Coco Crunch!
ang galing talaga..
ibinibigay na sa kanya lahat pero wala man lamang pagpapahalaga..
isinasakripisyo na yung monthly budget para sa magastos na kurso niya pero wala pa ring pakialam..
baon na ulit sa utang yung ina niya, pero ayaw man lamang tumulong na mabawasan ang mga gastusin...

at ngayon, sa halip na naka-libre na sana dun sa phone..
eh are at mukhang ipapangutang nga rin nila...
feeling , born with a silver spoon...
---o0o---


November 27, 2016...

talked sa nagma-manage ng number niya kagabi...
i was surprised kasi noong nabasa ko yung username niya sa Viber..
so i asked kung sino yun..
sumagot naman yung nasa kabilang linya na hindi niya rin kilala yung taong tinutukoy ko..
nag-explain ako kung bakit ko naitanong yun, then i asked kung sino ba siya para ma-correct ko yung name para dun sa contact number..
nagpakilala naman siya as Miss Cheeks..
secretary daw siya ni Miss C...
secretary..
so mukhang may nagma-manage pa rin nga sa kanya...?
feeling , may secretary pa talaga...

>
VLC Player for Android..
oo nga naman..
freedom to play all format... /gg
feeling , .mov na lang ang hindi tinamaan nang ayos...

---o0o---


November 28, 2016...

nasa Php 3,700 din pala yung estimated value nung nawalang Alcatel Pixi 4..
ilang sako ng bigas rin yun, o di kaya ay ilang buwan ng bayarin sa kuryente... :(
anyway..
sinubukan ko na rin ang Option 3 para matupad ang pangarap ko..
wala namang mawawala eh...
feeling , lahat na ng paraan...


No comments:

Post a Comment