Sunday, November 6, 2016

Ang Alamat ng Extrajudicial Killing

bakit ba hindi matanggap ng maraming matataas na opisyales ng gobyerno (at ng iba ring mamamayan) na totoong may mga nangyayari na extrajudicial killings...??

dahil ba ang interpretation nila eh automatic na state-sponsored ang mga ito..?
o ang iniisip ba nila eh yung pinakamatataas na pinuno lang ng bansa ang tinutumbok o ang posibleng maging sangkot kapag extrajudicial killings na ang pinag-uusapan..?
well, hindi ako expert sa English-to-Tagalog translation..
pero ang personal na pagkakaintindi ko dun sa term, eh pagpatay yun sa mga tao (o siguro suspects would be the safer term) na ginagawa ng mga awtoridad na hindi na idinadaan pa sa tamang proseso ng batas at paglilitis..
meaning, hindi necessarily nasa itaas, pero kahit nasaang panig ng hierarchy ng gobyerno eh pwedeng maging involved dun...

at base sa mga latest na kaganapan ngayon sa bansa..
regardless kung kaninong panig pa nagmumula ang mga pag-atake..
eh malinaw na may mga nagaganap nga na extrajudicial killings..
hindi naman kasi yun nangangahulugan na yung mga promotor lang mismo nung operasyon o programa ng pamahalaan yung responsable sa mga tumbahan na nagaganap na eh..
pero ang malinaw sa ngayon, ay may mga taong naglilingkod sa gobyerno ang gumagawa nga ng ganito...


at dahil diyan, update ulit...
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  •  yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media

at may isang kaso na hindi pa malinaw kung saan ba dapat mapabilang:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan

---o0o---


November 1, 2016...

aba!
hinayaan na ngang makapasok ulit yung ilang mangingisda sa ibang teritoryo na sinakop ng Imperyo...
pero ano kayang kapalit nun...???
feeling , kaduda-duda...

---o0o---


November 3, 2016...

sinisira niya yung reputasyon ng buong America sa mata ng buong mundo..
tapos magtataka KUNWARI sila kung bakit pinag-iisipan nang hindi bentahan ng mga baril ang bansa..?
parang ang motibo lang talaga eh sirain at pababain na sa tuktok ng kapangyarihan ang America...
US Government ≠ America
US Government ≠ United States of America
US Government ≠ Americans
kung may delikadesa talaga ang pamunuan ng bansa natin, sila na mismo dapat ang hindi bibili ng mga US-made na armas..
kung tutuusin hindi na rin sila dapat gumagamit pa ng mga US-made na technology..
pero dahil may motibo sila - eh talagang gumagawa sila ng mga anti-West na mga istorya para palalain ang sitwasyon...
kaya daw nating tumindig sa sarili nating mga paa..?
pero bakit tayo nangungutang pa sa ibang bansa (kung anumang bansa yun)..?
bakit tayo kumukuha ng mga investors mula sa ibang bansa..?
bakit tayo nag-i-import ng mga armas galing sa ibang bansa..?
etc., basta may kinalaman sa ibang bansa...
kung kaya at gusto talaga ng Pilipinas na maging independent - edi dun sila magpagawa ng mga baril sa mga gumagawa ng paltik o sa MILF para made in the Philippines na..
kung gusto nila, Chinese na rin ang gamitin nila na universal language nila...
hindi yung maninira ka, tapos KUNWARI ikaw yung inapi bilang resbak.. :(
hindi na siguro kasalanan ng America kung mahina ang loob ng mga nagdaang administrasyon para makapag-NO sa mga kagustuhan nila..
at least walang direktang gamitan ng puwersa...
tama lang na hindi na makisali si Ramos sa ginagawa nilang gulo...
at tsaka totoo na ginagamit ng ibang pulis ang War Against Drugs para iligtas ang mga sarili nila..
kundangang may mga pulis pa rin kayo hanggang ngayon na nakakapagtrabaho kahit na related pala sila sa drugs...
feeling , kahit pa racist ang ibang nasyon towards you - hindi yun basehan para maging racist ka rin towards them.. unless sakupan na na gumagamit ng puwersa ang usapan...

---o0o---


November 5, 2016...

2 na pala ulit yung kaso ng posibleng pag-abuso sa kapangyarihan...
una..
yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout..
mukha kasing overkill yung nangyari, tapos ilang sachet lang ng droga yung nakita sa sasakyan...
tapos yung pagkamatay ni Mayor Espinosa..
nakakulong na, pero nakapanlaban daw..
nakakulong na, pero hinainan pa rin daw ng search warrant kahit na madaling araw na..
lagot dun si Bato, nagtiwala pa naman yung tao na magiging ligtas siya, tapos sa mismong kulungan pa siya napatay...
feeling , wala talagang extra judicial killing...


No comments:

Post a Comment