Sunday, November 13, 2016

M.A.D.: The Evil Alliance

M - pangkat ng Diktador
A - pangkat ng Cosplayer
D - pangkat ng Idol

lahat ng nangyayari sa bansa ngayon ay scripted...

---o0o---


November 9, 2016...

kawawa naman yung Kerwin Espinosa..
siguro nga napakasamang tao niya kung totoong sangkot siya sa pagpapakalat ng ilegal na droga..
pero dapat hindi siya maiuwi sa bansa sa ngayon...
poprotektahan..?
mga putang ina ninyo!
kalbo!
link sa sinasabi niyong malaking drug case, pero pinabayaan ninyong itumba ng sarili ninyong mga pulis yung Mayor Espinosa..
parati na lang palusot yung nanlaban DAW..
eh sabi nga naman kasi nung mga nasa itaas - okay lang na patayin ninyo yung mga suspek, basta ba nanlaban sila sa istorya ninyo...
kung totoong pinuno ng malaking sindikato si Kerwin, na link sa iba pang malalaking tao, eh hindi siya dapat makuhanan ng pirma man lamang..
yun pala ang teknik nila..
gagawa ng scripted na affidavit para ipahamak yung mga taong gusto nilang masira, papipirmahin yun sa suspek, tapos itutumba na lang yung tao after..
siguradong protektado yung mga pulis na gumawa nito - hindi man mula sa pagkatanggal sa serbisyo, pero bayad naman ng pera...
feeling , maghintay na lang ng totoong tapat na administrasyon bago pauwiin yang si Kerwin, para wala nang Recto-han ng affidavit...

>
putang ina mo Do-Dirty!
panindigan mo yang kaputahan ng ina mo ha!
lahat ng tiwaling sundalo at kung sino pang mga opisyales na pwedeng ilibing doon sa Libingan ng mga Bayani, especially kung mga drug-related (yung mga kinamumuhian mo) eh hayaan mong mailibing din dun ha!
tang ina ninyo!
wala pang hustisya - tapos move on na kaagad ang gusto ninyong mangyari!!?
sa lahat ng sumuporta sa mga basurang Marcos, sana danasin niyo rin ang sinapit ng mga biktima ng panahon ng Martial Law..
magagaling lang kayong magpatawad dahil hindi kayo ang mga nabiktima noon..
hindi niyo man lang naisip, paano kaya kung ako yung kinuryente..?
paano kaya kung ako yung ginahasa..?
paano kaya kung ako yung pinatay kahit na inosente naman ako..?
paano kaya kung bangkay ko yung hindi matagpuan ng pamilya ko hanggang sa ngayon..?
paano kaya kung titi ko yung balutan ng barbed wire at sundutin pa sa butas nito..?
paano kaya kung puki ko yung pasukan ng mga pang-torture na bagay..
palibhasa ang alam niyo lang eh "Martial Law was declared on a certain date by President Ferdinand Marcos - THE END" (wala ng ibang details)...
mga hayop kayo!
masahol pa kayo sa mga drug-related personalities!
feeling , ano, parati na lang susundin yung gusto nung isa dahil sikat siya!!!?

>
this was all planned (base sa personal kong theory)...
dahil magkaka-alyansa sila..
yung pangkat ng idol, pangkat ng Cosplayer, at pangkat ng diktador...
sinuportahan ng mga magnanakaw sa bayan yung kandidato na kaya nilang pasunurin..
ito rin yung rason kung bakit April palang eh mala-himalang magaling na yung Cosplayer na matagal na DAW may sakit (pero nagtatrabaho pa rin sa gobyerno)...
una, kaagad nakalaya yung Cosplayer..
siyempre dahil matagal nang mga tao niya yung nasa puwesto na nakahanda para palayain na siya sa tamang panahon..
at siyempre dahil pabor din yung idol na pakawalan na siya (pero ano kaya ang deal nila..?)...
that's the same reason kung bakit nakuha ng pangkat ng diktador yung mga kailangan nilang boto para pumabor sa bangkay..
dahil malaki ang butas ng sistema na yun - gagawin lang nilang palusot na technicality nung issue yung c-in-onsider nila - at lusot na sila dun kasi nga dating naging unipormado naman yung bangkay..
kaya nilang gawin yun dahil hindi nila kailangan ng delikadesa at emosyon sa pesteng branch na yun...
hindi na ako magtataka kung isang Bobong (na-wrong spelling ako) mula sa pangkat ng diktador ang magiging presidente ng bansa after ng termino ng idol..
mukhang preparation lahat ng ito para dun..
sila pa nga yung dapat na magka-tandem noon kung hindi lang naunang magyaya si Panot..
tapos wala rin sa plano nila na matalo si Bobong (kasi ang purpose eh ang maging next MOST VALID leader for the next election)...
after nga ng magiging libing, sunod na maisusulat sa mga history books na "at sa wakas nailibing din yung bangkay sa Libingan ng mga Bayani"..
madali lang isulat yung ganung kaikling statement sa history at madali ring maunawaan..
at dahil rin recent topic siya, malakas maka-bida yun - kesyo nailibing na pala sa wakas yung dating museum piece, at ang ganda pa ng pangalan nung sementeryo..
at doon nila ulit sisimulan na linisin ang mabahong pangalan nung bangkay...
i'm not assuming na magiging masama ring pinuno si Bobong sa hinaharap..
na kasing lupit nung bangkay..
o kasing magnanakaw nung pangkat ng Cosplayer..
o kasing diyos-mode ng idol..
pero krimen na para sa akin yung ginagawa nilang paglilinis sa mga mababaho nilang pangalan...
hindi na rin ako magtataka kung sakaling scripted lahat ng digmaan kontra sa droga...
feeling , PLEASE, sana may sumulpot na bayani na kayang wasakin na lang yung museum piece (of shit) na yun...

>
minamanyak ngayon ni Do-Dirty yung biyuda para i-provoke yung babae..
siguro para palabasin na kontra sa kanya yung nananahimik na biyuda...
tuhod..?
maniwala namang tuhod lang ang sinisipat ninyo ng mga manyak mong kasama..
sasabihin ga naman niyang "nag-shorts na lang sana" yung isa kung hindi yung panty ang tinutumbok nila...?
certified Hokage ka idol..
yung ni-rape at pinatay na foreigner eh ginusto mo na sana ikaw yung nakauna sa kanya..
tapos yung sex video DAW nung senator eh sinasabi mong nawawalan ka ng gana pero panood ka pa rin nang panood...
feeling , dapat sa'yo ilibing na rin sa Libingan ng mga Museum Piece...

>
base sa research ko..
doon sa botong 9 - 5..
out of 9 eh 8 ang inilagay sa trono nung Cosplayer, na kaalyado naman nung idol..
out of 5 naman eh 4 yung iniluklok ni PNot..
bale sina Carpio at Bernabe lang ang nagpalitan ng panig...
alyansa ng mga tiwali...
feeling , kung ang qualifications ay sundalo o presidente - ibig ba nung sabihin na hindi na kailangang i-evaluate kung ginampanan nga nung tao nang tama yung tungkulin niya sa bayan...?

---o0o---


November 10, 2016...

gaano ka-makasarili ang maraming Pilipino...??
iniisip nila na hindi tayo dapat pakialaman ng ibang bansa, especially na ang US...
pero nitong magpapalit na ng pamunuan ang America..
ayun at nag-aalala na baka ipapa-deport na ang maraming undocumented immigrants na mga kababayan natin...
letse!
gaano ba ka-linta ang kayang gawin ng maraming Pilipino..?
ilegal na nga yung ginagawa ng mga kababayan nila sa iba't ibang bansa sa mundo, pero parang gusto pa nila na bigyan ng VIP treatment at i-tolerate na lang sila...
bakit..?
dahil gipit sa buhay..?
eh hindi naman yun dahilan para mambastos sila ng patakaran ng ibang bansa..
kung gusto nilang magtrabaho at kumita ng malaki sa ibang lugar, edi dapat matuto silang sumunod sa mga patakaran...
palibhasa ang gusto eh yung sila lang yung nakikinabang parati eh...
 feeling , nakakahiya kayo...

>
just read a stupid panatiko post again... :(
ang estilo ng pagsulat nung tao is comparison of 2 unrelated topics..
kumbaga comparing an evil act to a more evil act..
and suggesting to just divert the attention of people towards dun sa more evil act..
this is despite na yung idol niya yung tatanga-tangang naglalantad ng mga kamanyakan niya...
ay ineng, babae ka..
kung ikaw yung bosohan nung manyak tapos ipagsabi pa sa harap ng publiko - matutuwa ka ga at ang mga magulang mo..?
ikaw na rin ang nagsabi na hindi niya na yun dapat sinabi sa isang sitwasyon na may mas mahalagang issue na dapat pagtuunan ng pansin..
tapos sasabihin mo na dapat mag-focus sa mas mahalagang usapin gayung yung idol ninyo eh nagagawa pang magbiro tungkol sa usapin ng kamanyakan..
kung totoong mabuti siyang pinuno, edi hanapin na lang niya yung mga nawawalang pondo!
putang ina!
halatang-halata kapag may pinagtatakpan eh...
feeling , sobra na ang pagka-panatiko ninyo...

>
bakit kaya walang nagsasampal ng tanong dun sa idol..?
gusto kong marinig ang sagot niya, kung papayagan ba niya ang mga drug-related na sundalo (at iba pang qualified) na mailibing din doon sa Libingan ng mga Bayani just because ganun yung naging trabaho nila...
takot rin yata ang mga nagpo-protesta ngayon..
wala pa akong nakikita na demonyo na effigy nung idol na sinusunog eh (though masama 'to para sa kalikasan)..
para sa isang bayaran na pro-dictator clan, dapat na siyang makatanggap ng mas bayolenteng mga protesta..
takot siguro sila na baka maisama sila sa mga squad goals...
feeling , pa-request ng effigy...

>
sa dami nung sangkot sa pagpatay kay Mayor Espinosa..
sapat na dapat yun para makapagpaamin kung sino man ang nag-utos sa kanila...
it's either mga tao na may kinalaman nga sa mga kalakaran ng mga Espinosa na gustong patahimikin na ang mga ito..
or mga tao na yung pagtatanim ng fake affidavit ang pakay...
pero alin man dun ang totoo..
ang sigurado ay certified na masamang tao yung mga yun...
mukhang yun kasi yung trend ngayon eh..
manghuhuli ng masasamang tao..
tapos uutusan na magbasa at magturo..
at bilang resulta, maraming mamamayan ang nag-a-assume na masama nga yung mga taong itinuturo dahil sa legit na kriminal yung nagtuturo sa kanila...
feeling , kapag walang napaamin sa mga yan - eh lokohan na...

---o0o---


November 12, 2016...

lagot si Robredo..
eh Supreme Court pala ang magde-desisyon sa apila nung Bobong Marcos eh (oops, sorry, naro-wrong spelling parati)...
medyo safe pa si Carpio dahil mukhang hindi siya basta-basta kumakampi sa sikat..
pero as for the other 8 Cosplayer's Justices, eh mukhang ang Evil Alliance lang ang susundin nila para sa pagboto..
tapos 3 pa daw ang magiging tuta nung idol eventually..
kaya siguro malakas na kaagad ang loob ni Do-Dirty na ipakilala yung bestfriend niya sa publiko, kasi alam na niya ang magiging resulta..
kaya rin siguro malakas na ang loob niya na hiyain sa publiko si Robredo..
malamang na ang logic lang na gagamitin nila dito eh:
nagpalit ng code = panalo si Bobong
or worse:
mukhang hindi nagsisimba ang tuhod ni Robredo = panalo si Bobong
wherein ang totoong logic ay:
tuta kami ng Cosplayer = friend ng Cosplayer ang idol = friend ng idol ang Dictator Clan = panalo si Bobong
wala ng bilangan ng resibo at ng pisikal na balota... :(
seriously..
dapat buwagin na ang Supreme Court kung ang silbi na lang nila eh maging tuta..
ni hindi nga dapat pangulo ang nag-a-appoint sa mga miyembro nila eh, bagkus eh binabase dapat sa performance ng lahat ng law practitioners..
paanong naging co-equal branch yun ng top executive kung parating maiisip nung justice na utang na loob niya yung pagkapasok niya sa judiciary branch doon sa executive branch...?
ang masama pa..?
galit DAW noon ang mga panatiko sa mga insensitive..
pero sa mga nangyayari sa ngayon, ang mga biktima naman ng extra judicial killings at ang mga dati nang naabuso ng pamunuan ng mga Marcos ang hindi isinasaalang-alang ang mga nararamdaman..
kayang magbingi-bingihan nung idol para lang masunod ang gusto ng mga kaibigan niya..
kesyo kunwari eh busy sa paglaban sa drugs o sa paghahanap ng mga nawawalang pondo..
kaya mas mataas nga yung tsansa na sila-sila na lang ang masunod sa pamahalaan...
feeling , dapat nang pagpapatayin yung 3 demonyong clan na yun...

>
may ilan na namang mga tanga na nag-post..
bakit daw iimbestigahan si Bato dahil sa panlilibre ni Pacquiao...?
seryoso ba sila na tinatanong pa nila kung bakit..?
well, dapat matagal na nilang naiintindihan na ipinagbabawal talaga sa batas ang pagtanggap (at/o pagbibigay) ng mga public officials ng kahit na anong uri ng regalo, pera man o may monetary value, o kahit na anong uri ng pabor mula kahit kanino..
totoong parang O.A. na kung ii-interpret yung batas na yun, na kesyo wala na bang karapatan ang mga government officials na makatanggap ng mga ganitong uri ng treatment mula sa ibang tao..
pero dapat maintindihan rin ng mga government officials na kabilang na yun sa mga sakripisyo ng paglilingkod sa bayan (maliban sa maliit na suweldo)..
kasi simple lang talaga yung purpose nung batas eh, to eliminate all means or form of influence sa kanya-kanyang mga trabaho nila (kahit na realistically speaking, eh may mga kuntsabahan na talaga sa pulitika regardless kung may mga librehan pang nagaganap o wala)...
hindi pwedeng ang idadahilan ninyo eh kesyo mahirap lang kami, dumating yung pagkakataon kaya sinunggaban na namin..
para kayong walang dangal..
hindi rin naman kasi biro yung gastos sa panlilibre sa panonood ng isang boxing match sa isang mamahaling siyudad sa labas ng bansa eh..
gayahin ninyo si SPO2 Ricardo Dalisay - reward money na eh tinatanggihan pa (tumatanggap nga lang ng mga libreng pagkain)...
ang mali dun ni Bato eh in-announce niya sa TV na inilibre sila nung boxer sa lahat ng gastusin nila noon, despite nga na may nag-e-exist na batas..
so sa kanya na mismo nanggaling na tumanggap nga siya ng pabor..
kung gusto nilang bali-baliin yung batas puwerket mayayaman sila, edi sana ni-revise na muna nila yun...
at bakit daw hindi yung mga seryosong pagnanakaw sa bayan ang imbestigahan...?
hindi ga kayo nanonood o nagbabasa ng balita, mga tanga!
di ga'y dati pang iniimbestigahan yang mga yan..?
pero dahil sa kalokohan at mga butas ng batas eh paulit-ulit lang silang napapaikot-ikot..
eh yun ngang isang Cosplayer na magnanakaw eh pinalaya na ng pamununuan ng idol ninyo eh dahil lang sa alyansa nila..
ang punto ay - walang tanga sa mga kriminal na yan para umamin sa ginawa nilang pagnanakaw - kaya hindi rin sila kaagad maimbestigahan...
feeling , bulok ang sistema ng batas dito sa bansa...

---o0o---


November 13, 2016...

lagot na!
so suportado pala ni Do-Dirty yung mga kriminal na pulis na pumatay kay Mayor Espinosa..
ito ay sa kabila na maraming kuwestiyonable sa ginawa nilang operasyon noon, including the missing CCTV footages...
hindi sa pro-Espinosa ako, o pro-life ako..
hindi ko siya kilala para mahusgahan ko siya, pero kung totoong certified criminals sila eh dapat nga silang may kalagyan..
pero ang problema ay may mga hawak pa silang impormasyon kaya hindi muna sila dapat pinatay..
at lalong hindi sa overkill at scripted na paraan...
kung totoong nagdo-droga noon sa bilangguan yung Mayor..?
hindi na siya dapat inatake muna..
tutal eh kasalanan yun nung mga personnel sa bilangguan kung sakaling totoo man yun - kasi hindi sila naghihigpit..
bagkus eh dapat inilipat na lang yung Mayor sa mas disiplinadong kulungan..
dapat hinintay muna nila na mailabas kung ano nga yung totoo - at hindi yung version nila ng katotohanan...
sinusuportahan mo ang mga tiwaling pulis na yun..?
kung ganun, mukhang malinaw na kung sino ang nagpatumba kay Mayor Espinosa..
mukhang malinaw na rin kung kanino galing yung pekeng affidavit na kinailangan lang nilang papirmahan dun sa tao..
lahat ng 'to ay scripted para manira ng ibang tao..
kaya pala double-barrel, kasi hinuhuli yung suspected na mga kriminal tapos idinadamay na rin yung mga kalaban nila...
feeling , ang tagapagtanggol ng mga tiwali...

>
kapag nasuspinde na nga ang Writ of Habeas Corpus..
mas lalala pa ang mga hindi makatarungan na patayan sa lipunan..
kapag hindi na kailangan ng mga court order, anytime at anywhere eh pwede nang lusubin ng mga tiwali ang sinumang target nila..
kung sa panahon ngayon eh uso na ang taniman ng droga at baril para kunwari eh nanlalaban ang mga napapatay..
mas lalala lang yun kapag wala ng kailangang mga dokumento...
ang kailangan na lang na palusot eh iimbestigahan sana yung tao..
kaso nanlaban..
kaya pinatay na lang..
sa sobrang gagaling pa naman ng mga pulis dito sa Pilipinas, eh halos parating patay ang mga nanlalaban DAW..
halos wala man lang yung mga nadi-disable lang ang mga kamay, braso, o binti...
feeling , luto ni idol...


No comments:

Post a Comment