Saturday, August 17, 2024

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of August 2024 (Secured Master Quest)

Loveless Story


August 12, 2024...

[Game]

nag-sacrifice ng 75 SLP para lang magawa ko yung kauna-unahan kong Master Quest..
nasa Php 9.75 din iyon sa ngayon..
kaso malas talaga ako..
malas sa lahat ng bagay na ginagawa ko.. 🙁
binago pala kasi yung rules..
hindi na automatic na may reward na 1 AXS..
ginawa palang 25% chance na lang ang pagre-reward ng AXS kapalit ng pagkumpleto sa Master Quest..
at wala nga akong nakuhang ROI sa ginawa kong sacrifice... 🙁

is feeling , sa lahat na lang talaga ng ginagawa ko...

---o0o---


August 13, 2024...

[Game]

day 2 sa Premier Bounty Board..
nakagawa din ulit ako ng Master Quest..
nangutang na ng 1000 SLP mula sa Season 9, plus mga gastusin sa RON...

again, walang nakuha na instant AXS reward..
hindi manalo sa 25% chance...

makakabawi lang ako this week kung makaka-secure ako ng at least 1 AXS...

is feeling , sana naman...


>
ang will na lumikha sa tinatawag na Lucifer..
ang will na lumikha sa mansanas..
ang will na ayaw burahin ang kasamaan sa kabila ng kapangyarihan daw...

binuhay ako ng basurang will para lang gawing laruan tulad sa Greek mythology... 🙁

is feeling , mga demonyo lahat ng mga makapangyarihan...

---o0o---


August 14, 2024...

[Game]

day 3 sa Premier Bounty Board..
4 na kaagad ang naa-assign sa akin na Master Quest, although 3 lang yung posible kong magawa...

at sa wakas..
sa 3 taon kong naglalaro sa napaka-unfair na scam game..
ngayon lang ako nakaranas ng konting suwerte..
ang nakakatawa pa nito..?
lagi akong nakakapasok sa top 250 out of 30,000 players sa nakalipas na 3 araw...

nakakuha na ako ng 1 AXS reward mula sa quest..
walang kuryente ngayong araw, so sa smartphone ko pa talaga na-trigger yung 25% chance..
at nagawa ko lang yung quest sa tulong ng libreng item na ginawa nilang ayuda para sa amin medyo matagal ng panahon ang nakararaan..
kaya naman nabawi ko na lahat ng mga naging investment ko sa paggawa ng mga quest...

sayang nga lang..
nakaka-miss yung panahon na nasa USD 20 pa kahit papaano ang palitan ng AXS..
at lalong nakaka-miss yung panahon na nasa USD 100 pa iyon...

is  feeling , bawi na...

---o0o---


August 15, 2024...

nasa Php 7,700 plus pa ang mga natitira kong bayarin para sa taon na ito..
wala ng mahihiram na pera sa Peso account ko..
samantalang wala ding mahihiram na ganung kalaki na halaga sa USD account ko...

is ⚠ feeling , trapped...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Reinforced Conference 2024


August 13, 2024...

Creamline versus Angels..
bale top 3 teams ng isang pool laban sa bottom 3 ng kabilang pool ang labanan sa sunod na round ng elimination...

Set 1, Sato starts for Panaga, dikitan ang laban, pero mas madalas na nakalamang ang Angels sa tulong ng 7 big errors ng Creamline..
Set 2, unang nakalayo ang Angels, off na ang laro ni Pons, hindi na din mabantayan ang 2 import ng Angels, walang nagawa ang Creamline dahil sa 17 attacks ng Angels..
Set 3, una namang nakalayo ang Creamline, sila ang nanaig sa tulong ng 8 errors ng Angels..
Set 4, dikitan na ulit ang laban, nanaig ang Creamline dahil sa kanilang 18 attacks kontra sa sarili nilang 7 big errors..
Set 5, dikitan pa rin ang laban, nabuhayan ang laro ng 2 import ng Angels kaya sila ang nakakuha nung set...

3-2, panalo ang Angels..
wala..
maganda ang floor defense ng Angels laban sa Creamline at walang masyadong offensive options ang Creamline...

is 💔 feeling , talo na naman.. sorry, Morado at Galanza...

---o0o---


Southeast Asian Volleyball League 2024 (Leg 2)


August 11, 2024...

nagawa naman ulit ng national team..
although umabot sila sa delikadong 5-setter match..
pero nanaig nga ulit sila laban sa Indonesia...

maganda ang naging performance ni Galanza..
at siyempre si Morado...

is  feeling , mukhang tumataas ang chance ng magiging team ni Morado para sa closest na SEA Games...

-----o0o-----


August 10, 2024...

[Trade]

day 242...

dahil wala na ako sa loob ng AI..
eh nagawa na tuloy nila na lumagpas sa entry point ko..
pero ganun talaga..
ipaparamdam sa'yo ng will ang kagustuhan nila na tapusin mo ang buhay mo nang dahil sa mga kamalasan...

ang na-miss ko sa AI..?
USD 19...

is feeling , walang katapusan na mga kamalasan...

---o0o---


August 11, 2024...

[Trade]

day 243...

wasak lahat ng plano..
wala akong mapasukan na asset..
nawala lahat sa safe level matapos nila akong mapatalsik sa trading...

is feeling , lagi nilang ginagawang peak ang bottom ko...

---o0o---


August 12, 2024...

[Trade]

day 244...

kababalik ko lang sa loob ng trading pero hindi sa mababang level..
at bumagsak nga kaagad ang Bitcoin..
nakakatawa lang this time, dahil madali na lang umaangat ang AI ngayong wala na ako sa poder nila..
at sumabog pa talaga sila habang nasa mababang level ang Bitcoin..
samantalang ang BTTC eh bumaba mula sa entry point ko at halos hindi gumagalaw...

ang mga posibleng kinita ko sana sa AI..?
USD 14 kahapon..
USD 13 yung unang akyat kanina..
USD 48 noong nag-pump na, hanggang sa mga oras na ito..
total ng USD 75...

sa BTTC naman noong mga nakaraang araw..?
USD 24...

is feeling , maysa-demonyo ang buhay ko araw-araw.. ang put*ng inang will ng mga put*ng inang makapangyarihan...

---o0o---


August 13, 2024...

[Trade]

day 245...

bukod sa AI..
gumawa din ng pump ang 1000SATS..
USD 53 yung una..
USD 37 yung ikalawa..
total ng USD 90 para doon pa lamang sa unang 2 pump...

habang ang BTTC eh nananatiling below sa entry point ko dahil sa kamalasan na dala-dala ko sa lahat ng bagay... 🙁

is feeling , masyadong sadista ang will na ito...

---o0o---


August 14, 2024...

[Trade]

day 246...

ang mga kinita ko sana sa AI..?
USD 19..
USD 17..
total ng USD 36...

umakyat na rin ng ilang libo kanina ang BTC..
pero wala talagang nangyayari sa BTTC... 🙁

maysa-demonyo ang existence ko..
kahit pa hindi naman ako kriminal..
kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit magaganda ang buhay ng maraming mga kriminal dito sa mundo..
nakakainggit lang..
hindi kasamaan ang batayan ng mga parusa at Karma...

is feeling , ilang buwan pa bago ang US Election...

---o0o---


August 15, 2024...

[Trade]

day 247...

hindi pa nga nakakaakyat ang BTTC..
pero nag-Bitcoin dip na naman kaagad..
so bumaba din ulit ang BTTC... 🙁

ilang araw na matapos akong mag-exit sa dati kong pagkalugi sa BTTC..
ang purpose ko sana ay para kumita ng dagdag na pondo para bago mag-pump ang market sa paparating na US Election..
pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong kinikita..
bukod pa nga sa nalugi na naman ako ng USD 10...

is feeling , USD 947, bumalik ka na sa akin...

---o0o---


August 16, 2024...

[Trade]

day 248...

nadagdagan pa ang dip ng Bitcoin...

BTTC naman..
pumalo ka na hanggang sa 120..
o kahit magising lang ako bukas na nasa 90 ka na...

is feeling , maawa na kayo...


No comments:

Post a Comment