Loveless Story
July 28, 2024...
[Medical Condition]
nakatanggap ngayong araw ng padala galing sa Texas..
ni hindi sa blood relative galing..
galing lang sa kaibigan ng biological mother ko..
ganun kadami yung padala, kaya maging para sa sariling mga kamag-anak nila dito sa bayan eh labis pa...
hindi ko alam kung gaano kalaki ang buwis sa America..
pero nakamamangha na kaya nilang mamigay ng mga mamahaling nuts bilang benepisyo para sa mga senior citizen doon..
kahit para sa mga lokal na mamamayan na may citizenship doon...
Hazelnuts..
Pistachios..
Almonds..
Walnuts..
at iba pang items, kabilang na rin ang pagkalaki-laking cheese..
lumalabas na mas maganda pala ang Hazelnuts at Pistachios kumpara sa Almonds..
mas madami silang nutrients at may Omega-3 pa..
yun nga lang, lumalabas na doble ang presyo ng Hazelnuts at Pistachios kumpara sa Almonds doon sa binibilhan kong shop sa Lazada...
not feasible...
is feeling , salamat sa pa-Hazelnuts at Pistachios, American government...
---o0o---
July 30, 2024...
[Gadget-Related]
put*ng ina talaga..
bumalik ako sa trading..
tapos ganito kaagad ang dadanasin ko..?
wasak ang internet ng Globe kung kailan kailangan kong magbantay nang husto...
is feeling , mga demonyo kayong lahat...
>
demonyo talaga...
matapos na bumigay ang internet ng Globe..
sumunod naman na nasira yung mamahalin na lalagyan namin ng inuming tubig..
yung dahilan kung bakit hindi kami bumibili ng commercial drinking water..
at doon din nakaasa yung paggagawa ko ng yelo...
put*ng ina..
gripo lang pero Php 1,600 ang kailangan na pera... 🙁
is feeling , uubusin talaga nila lahat sa buhay ko...
---o0o---
July 31, 2024...
wasak na naman ang put*ng inang mga araw ko...
ang dami kong kailangang gawin..
maayos naman sana ang schedule ko..
magagawa ko lahat ng tasks para sa katapusan at simula ng buwan, pati pagbabayad ng bills, bago ang general cleaning at pagpila na naman sa SSS...
pero talagang tumaon ang pagkawasak ng Globe bago pa ang lahat ng iyon..
at hanggang bukas ay wasak ang put*ng inang internet ng Globe..
parang 3 araw na wasak ang put*ng inang internet ng Globe, at baka nga mas tumagal pa doon dahil sa taglay kong kamalasan..
ibig sabihin na gusto ng put*ng inang kapalaran na isiksik ko lahat kasabay ng Friday at Saturday tasks...
lahat ng iyon habang wala na naman akong kakayahan na mag-monitor nang maayos sa Binance...
is feeling , mawala na sana lahat ng kumokontrol sa kapalaran...
---o0o---
August 1, 2024...
dumating naman nga yung contractor na technician ng Globe base sa schedule..
na-detect nila na wala sa bahay namin ang problema..
sa halip ay nasa poste na 1 poste lang daw ang layo mula sa tapat ng bahay namin..
ibig sabihin, na madaming apektado nung problema, pero talagang late ang aksyon nila...
to make things worse..
nagsabi sila na aayusin nila ang lahat during the same day..
pero sa halip ay pinalagpas na naman nila ang 24 hours bago muling umaksyon, kahit pa alam na nila kung nasaan mismo yung issue...
hindi localized yung case..
pero pinabayaan nila na tumagal yung problema nang lagpas sa 48 hours..
kahit pa na-determine na nila yung problema nang lagpas pa lamang sa 24 hours...
is feeling , tama na ang mga kademonyohan...
---o0o---
August 2, 2024...
bilang ganti sa lagpas 48 hours na repair ng Globe para sa medyo malawakang area...
nag-request ako ng rebate kapalit ng kapalpakan nila..
sunod ay nag-request ako na i-waive na ulit yung recurring scam charges nila para sa mga tawag...
is feeling , mga abusado kayo.. amin na lang ulit yang Php 99...
>
USD 0.02..
o Php 1.16..
para rin palang sa Peso account ang interest nung USD account...
hindi pa rin formally counted yung galing sa Google ko...
is feeling , bahala ka nang mag-interest mag-isa mo...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Reinforced Conference 2024
July 30, 2024...
Creamline versus Tiggo..
late start dahil inabot ng 5 sets ang first game..
present sina Baldo at Galanza...
Set 1, start si Sato para sa nagluluksa na si Panaga, dikitan ang laban, nakaagwat ang Creamline sa bandang dulo at nagawa nga nilang maitawid ang set dahil sa kanilang 19 attacks and 2 service aces..
Set 2, una namang nakaagwat ang Tiggo, nagawa namang makahabol ng Creamline at naging dikitan ang laban, pero na-recover ng Tiggo ang set dahil sa kanilang 21 attacks..
Set 3, nagawang makalayo ng Creamline, fully activated si Pons samantalang na-deactivate si Binibining Gumabao simula Set 2, nakuha nila ang set dahil sa kanilang 19 attacks..
Set 4, maaga ulit nakaagwat ang Creamline, reactivated si Binibining Gumabao, kaso naghabol ang Tiggo, pero nagawa pa rin namang maitawid ng Creamline yung set...
3-1, panalo ang Creamline..
nanaig sila dahil sa magandang distribution ng points sa kanilang mga player...
is feeling , salamat team.. para kina Morado at Galanza...
-----o0o-----
July 28, 2024...
[Trade]
day 229...
ang posibleng kinita ko sana sa BTTC..?
USD 58...
pero wala eh..
mali-mali talaga lahat ng mga ginagawa ko..
habang ang ibang mga asset naman eh palo nang palo lagpas sa 20% increase..
kung magagawa lang sana ng BTTC na pumalo sa 120..
tapos bumagsak ulit sa 80, bago muling umakyat nang mataas...
is feeling , sana...
>
[Trade]
ayun..
talunan na naman ako..
as usual...
kala-log out sa akin ng Binance..
hindi ko na tuloy namalayan na naka-recover na pala ng hanggang 300% ang 1000SATS...
nakaakyat na sana ako sa USD 592...
kapalaran nga naman..
i mean, masamang kapalaran..
talagang ilalayo ka sa magagandang oportunidad para lang durugin ka... 🙁
is feeling , basura talaga ako...
---o0o---
July 30, 2024...
[Trade]
day 231...
ang posibleng kinita ko sana sa BTTC..?
USD 26...
pero talagang araw-araw akong talunan sa buhay..
sa tuwing kumikilos ako upang subukan na bumawi..
eh kumikilos din naman ang mga nagmamanipula sa kapalaran upang paliguan ako ng sunud-sunod at walang hanggan na mga kamalasan... 🙁
is feeling , sana kung posible man.. mahinto muna ang mga kamalasan sa buhay ko kahit saglit lang...
>
[Trade]
day 231...
after more than 4 months na tumigil ako sa trading..
na nagpakulong ako sa BTTC..
at umasa na lang na may mangyayaring maganda upang maka-recover na ako..
lahat ng magagandang nangyari, puros kapos sa target ko..
lahat ng masasamang nangyari, labis-labis sa inasahan ko...
ngayon na lang ulit ako nag-decide na mag-trade para makabawi-bawi naman..
pero nangyari na naman nga ulit... 🙁
USD 237..
ito na yung pinakamalaking halaga na pinalugi ko sa demonyong trading sa Binance... 🙁
ilang araw nang hindi nagagawa ng BTTC na mag-pump, maging kagabi..
pababa na ang Bitcoin pagkagising ko kanina, bumaba na din ang BTTC, kaya naman nag-decide na ako na magbenta nang palugi..
hoping na mas bababa pa doon ang level ng BTTC, upang makapasok ako ulit..
pero a few hours lang matapos kong magbenta ay umakyat na kaagad ang BTTC..
gaya ng mga dati kong experience, kumontra sila sa direksyon ng Bitcoin noon lamang mawala na ako sa poder nila...
nangyari lang iyon dahil pinalaya ko sila sa sumpang dala-dala ko..
at hindi kailan man matatapos ang mga kamalasan sa buhay ko..
kapalaran ko na maging malas..
kaya habambuhay akong mamalasin... 🙁
is feeling , perpektong demonyo ang buhay ko...
---o0o---
July 31, 2024...
[Game]
natapos na ang Season 9..
naka-farm ako ng 1 RON..
2,882 SLP..
at 1.86 na AXS...
supposedly..
USD 3 + 20 + 15 yung halaga ng mga iyon..
o USD 38 na total...
pero sa ngayon eh nasa USD 21 lang ang halaga nila dahil sa pagbagsak ng market...
is feeling , puros ako kapalpakan...
No comments:
Post a Comment