Loveless Story
August 4, 2024...
grabe na rin talaga ang kabulukan sa social media platform na ito... 🙁
yung biological mother ko, madalas na makabasa at makapanood ng mga mapanirang FAKE news tungkol sa showbiz man o sa pulitika..
pero hinahayaan lang ang mga iyon nitong platform...
tapos yung blog ko ang pag-iinitan at idi-delete...
is feeling , lumalala ang gaguhan dito...
>
pati ba naman pagiging single ko eh pabigat na din sa buhay ng ibang tao..??
nagko-cause daw ng pag-aalala...
anong gusto nila..?
na tumulad ako sa iba na bubuo ng sariling pamilya, pero lahat ng gastusin eh iaasa pa rin sa iba..?
ano, gagaya sa biological demon father ko..?
na nagpakasal para yung babae lang ang magtatrabaho at magpapalamon sa kanya...?
mahirap ba talagang tanggapin na may mga taong hindi pwedeng mag-asawa dahil sobrang hirap lang sa buhay..?
sinong tangang babae, na maganda, na sexy, ang papatol sa isang lalaki na madaming buwan na zero income..?
nanganganib na bang ma-extinct ang mga tao kaya required na laging bumuo ng pamilya...?
hindi ako masamang tao para magpahamak pa ng babae sa mga kapalpakan at kamalasan ko sa buhay..
totoong nakakatakot na lumpuhin ako ng mga kamalasan ng buhay, yung tipong kakailanganin ko ng mag-aalaga sa akin..
pero kailangan ko lang humanap ng swabeng paraan para makatakas mula sa sumpa ng buhay, bago pa lalong lumala ang sitwasyon...
is feeling , bukod pa sa natural na malas ako pagdating sa mga babae...
---o0o---
August 8, 2024...
[Gadget-Related]
anak ng..
paanong nangyari iyon..?
sigurado ako na wala akong Friend request para doon sa bata..
dahil madalas ko siyang makita sa People You May Know..
kaya paanong nangyari na may in-accept siyang request...??
is ⚠ feeling , R-18 ang account ko...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Reinforced Conference 2024
August 3, 2024...
Creamline versus Galeries..
battle of extended sets ang nangyari...
Set 1, dikitan ang laban at na-extend pa nga yung set, nanaig ang Creamline dahil sa kanilang 18 attacks..
Set 2, nag-bench time kaagad ang Creamline, inilabas pati si Staunton, nagawa nilang makalayo pero naghabol ang Galeries at na-extend at naagaw pa nga yung set, nanaig sila sa tulong ng 8 big errors ng Creamline..
Set 3, balik na ang mga Starter ng Creamline, madalas palitan ng kalamangan, tapos naghabol na naman ang Galeries sa bandang dulo para muling ma-extend ang set, pero nagawa namang manaig ng Creamline dahil sa kanilang 17 attacks kontra sa sarili nilang 9 big errors..
Set 4, una na ulit nakaagwat ang Creamline, kaso talagang makulit sa paghahabol ang Galeries, pero nagawa nang tapusin ng Creamline ang set nang may malaki-laking lamang...
3-1, panalo ang Creamline..
pero madami nga silang errors sa game na ito..
hindi na dapat maulit, dahil wala ang iba pa nilang key players for this conference...
is feeling , salamat team.. para kina Morado at Galanza...
---o0o---
August 8, 2024...
Creamline versus Nxled..
ito yung naudlot na match noon nang dahil sa bagyo...
Set 1, Sato pa rin for Panaga, unang nakaagwat ang Creamline, nakuha nila yung set dahil sa kanilang 16 attacks and 2 service aces..
Set 2, palitan ng kalamangan, nakatulong ang balasahan ng players sa Nxled, pero mas nanaig ang Creamline dahil sa kanilang 13 attacks plus 7 errors ng kalaban..
Set 3, nagawang makalayo ng Nxled, ipinasok na si Panaga, at nagawa pa nga nilang maagaw yung set mula sa Nxled...
3-0, panalo ang Creamline..
sigurado nang #1 seed sila sa Pool A...
maganda talaga ang development ni Pons..
yung experiences niya from beach volleyball..
floor defense na gaya ng kay Galanza..
multi-possibility plays tulad ng kay Caloy..
at siyempre yung dati na niyang pagiging Ace Player ng FEU..
handa na talaga siyang saluhin ang role ni Baldo if ever...
mukhang makakakuha na ulit ng championship si Domeng dahil sa conference na ito..
kawawa naman si Dindin dahil kahit kanino pa siya sumapi eh lagi lang nagiging talunan ang team niya..
pinatunayan naman ng conference na ito na si Rondina talaga ang nagdadala sa Choco Mucho...
is feeling , salamat team.. para kina Morado at Galanza...
---o0o---
Southeast Asian Volleyball League 2024 (Leg 1)
August 5, 2024...
o SEA V.League, o yung dating ASEAN Grand Prix..
3rd place ang national team, out of 4 teams..
parang mababaw lang pakinggan..
pero actually malaking accomplishment ito dahil matagal nang hindi nakakatalo ang national team ng galing sa Thailand, Vietnam, o Indonesia..
sobrang laki pa rin ng agwat nila kumpara sa Thailand, na hirap naman sa world level..
pero nagawa na nga nilang matalo ulit ang Indonesia, bukod pa sa dikitan na yung naging laban nila sa Vietnam, with great points distribution..
ibig sabihin na posibleng may tsansa na ulit sa podium finish ang national team para sa susunod na Sea Games...
Best Setter - Morado
is feeling , preparation.. nice one, idol...
-----o0o-----
August 3, 2024...
[Trade]
day 235...
ang mga na-miss ko sa DCR..?
USD 10..
USD 10..
USD 10..
total ng USD 30...
is feeling , sugal na muna sa ibang asset.. sana mag-100% increase o kahit 50%...
---o0o---
August 4, 2024...
[Trade]
USD 177..
USD 171..
USD 205..
USD 101..
USD 196..
USD 237..
total na pala ng USD 1,087...
lagpas na sa halaga na kailangan ko para makatakas na sana sa trading..
pero halaga iyon ng lahat ng malalaki kong naipalugi since 2022...
is feeling , laging talunan.. kahit sa mga panahon na bullish ang market...
>
[Trade]
day 236...
kahapon lang ako may na-activate na buy..
pero talagang mali na naman ang timing ko..
bumalik din sa pagbagsak ang Bitcoin..
ni walang naging pagbaba sa BTTC..
pero doon sa nilipatan kong asset..
dahil lang sa ako yung involved..
eh nagkaroon pa sila ngayon ng panibagong bottom... 🙁
is feeling , USD 0.80 to 0.60 man lamang...
---o0o---
August 5, 2024...
[Trade]
day 237...
ilang araw pa lang matapos akong makapasok sa trading..
at bagsak na kaagad nang husto ang pondo ko..
420 to 340 kaagad sa loob lamang ng isang magdamag... 🙁
samantalang yung BTTC..
na pinabagsak ng kamalasan ko from 175 to below 75..
eh ni hindi nahila sa nangyaring Bitcoin crash kagabi..
stable na sila ngayon dahil wala na ako sa poder nila...
US Election na lang ang pag-asa ko nito..
pero sa November pa iyon...
is feeling , tama na.. USD 0.80 o 0.60 man lamang...
>
[Trade]
at talagang mas lumala pa nga kaagad ang sitwasyon... 🙁
ayaw nang tumigil sa pag-crash ng market..
puwerket nakabalik na nga ako sa trading..
160 na kaagad ang naging decline nung pinasukan kong asset..
USD 100 na kaagad ang nalalagas sa akin...
ang demonyo sa sitwasyon na ito..?
nasa 100% increase ang target ko sana sa naging entry point ko..
below 50% naman sa minimum target..
pero dahil mega-crash ang napala ko..
eh nasa 200% ng level nila ngayon ang kailangan ko para lang maabot yung mga totoong target ko na selling point...
pati BNB, na strongest asset na hawak ko..
eh nalagas din dahil sa panibagong Bitcoin crash... 🙁
is feeling , sobrang bilis mawasak ng lahat basta nasa eksena na ako...
---o0o---
August 7, 2024...
[Trade]
heto sana yung mga asset na bumaba na sa mga safe point nila matapos ang market crash..
na ready na sana para makapag-pump...
BTTC 28 to 128%
LIT 50 to 100%
AST 50 to 66%
yung 1000SATS at RON ay hindi pa nakakababa nang husto...
is feeling , kailangan ko nang makalabas sa AI bago pa ulit may mangyari na masama...
---o0o---
August 8, 2024...
[Trade]
day 240...
ang posibleng kinita ko sana sa BTTC..?
USD 59...
para sa AI naman..?
USD 20...
noong time na nalugi ako dati sa BTTC, dahil lang sa pagbabantay ko sa ospital..
2 beses na dumikit ang palitan sa entry point ko, pero laging kapos..
sa parehas na pagkakataon, naloko ako na baka may pag-asa pa na mas umangat ang palitan..
at eventually nauwi nga ako sa pagkalagas ng USD 237 ko... 🙁
is feeling , tama na.. huwag na kayong umulit-ulit habambuhay...
---o0o---
August 9, 2024...
[Trade]
day 241...
sobrang lakas talaga ng will ng mga makapangyarihan na manipulista... 🙁
2nd time na umangat ang AI..
pero talagang kapos pa rin sa entry point ko..
ang na-miss ko sa kanila, dahil hindi pa ako nag-exit noong unang akyat nila..?
USD 23..
USD 32..
USD 19..
total ng USD 74...
pero sa halip na kumita..
eh nagpalugi na naman nga ako, ng USD 10, dahil laging hindi naaabot ng pump lahat ng entry point ko...
medyo mataas naman na ang naakyat ng BTTC, LIT, at AST para makapasok pa ako sa kanila...
is feeling , put*ng inang will yan.. lagpas 2 taon na ako sa trading, pero hinding-hindi ako makawala sa pagkalugi...
No comments:
Post a Comment