Sunday, February 19, 2023

Anti-International Criminal Court Group

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is 💀 feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 952...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
pero may mga kahalo dito na from 2021 pa...

update (400 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pabor na gawing optional ang pagsusuot ng face mask, kung kailan pa talaga tumataas na ulit ang mga kaso ng COVID-19
  • ang hindi pag-address sa banta ng misinformation laban sa bayan at sa kasaysayan
  • yung pag-veto sa bill na nagbibigay sana ng tax exemption para sa honoraria ng mga naging poll workers, samantalang may mga piling tao na madaming atraso sa hindi pagbabayad ng buwis
  • yung lagpas 1 buwan ang kanilang preparasyon, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kumpleto ang kanilang mga department heads
  • yung kagustuhan na magtalaga ng galing sa Judiciary branch sa ahensiya na nangangasiwa sa mga government-owned or controlled corporations (GOCCs), bagay na labag sa Constitution
  • yung itinalaga kaagad bilang Chairman ng COMELEC yung dati niyang abogado
  • yung personal na doktor daw ang itinalaga sa FDA
  • yung malalaki ang halaga ng contributions noong panahon ng kampanya na may mga nakuha na ngayong posisyon sa pamahalaan
  • yung nagtalaga ng galing sa PNP para sa posisyon sa Department of Health
  • yung wala pang Health Secretary hanggang sa ngayon, pero panay nag-aayawan na yung iba
  • yung natapos na ang 2022 pero wala pa ring Secretary ang Department of Health, at wala pa ding maalam na Secretary ang Department of Agriculture
  • January 2023, yung hindi pa nga siya nakakakumpleto ng mga Secretary tapos eh may binalasa na ulit kaagad siya
  • yung nagtalaga na naman ng tao na may nauna nang nakuhang katungkulan
  • yung kawalan daw ng itinatalaga para sa Marawi Compensation Board, kahit lagpas 100 araw na
  • yung ayon sa nagbitiw na opisyales na may kinalaman sa agriculture, ay ang Presidente daw talaga ang nag-utos na mag-import ng asukal
  • yung sinasabi na ideya na dobleng volume pa pala ng balak na i-import na asukal
  • yung malapit na daw maging Php 20 ang kada kilo ng bigas dahil nasa Php 25 na daw ang bentahan ng bigas nila, samantalang subsidized naman iyon at hindi naman saklaw ang lahat ng market sa buong bayan
  • yung hindi naman pagsasampa daw ng mga kaso laban sa smugglers ng mga agricultural product
  • yung mga opisyal ng gobyerno na bumiyahe daw sa Singapore at nanood ng F1 Grand Prix
  • yung nanghihimok tungkol sa tamang pagbabayad ng buwis, pero sila itong may history ng pagiging mga tax evader
  • yung wala daw siyang inatake, dahil ang mga social media farm employees ang gumagawa nun para sa kanila
  • yung verbal na manipulation sa inflation value
  • yung imbentong ideya ng Asia's fastest rising star
  • yung claim na madilim daw na kabanata para sa bayan ang pagkapanalo ng People Power Revolution laban sa kanila
  • yung naging ganap na yung vape bill by default
  • yung pinayagan nang gawing voluntary na lang ang pagsusuot ng face mask outdoor
  • hindi nga nila makumbinsi ang marami na magpa-booster shot, tapos nagluwag na naman sila ng patakaran tungkol sa pagsusuot ng face mask, para naman sa indoor
  • yung required na ang SIM card registration, na may time limit pa, na parang hindi nila alam kung gaano katagal bago makausap ang mga service provider
  • yung Maharlika Investments Fund Act o Maharlika Wealth Fund, na planong galawin ang contributions ng mga mamamayan mula sa GSIS at SSS, bukod pa sa ibang sources
  • yung libu-libong dolyares pala ang bayarin para sa pag-attend sa World Economic Forum
  • yung ayaw nang sumali sa International Criminal Court (ICC) dahil iniimbestigahan ng mga iyon ang mga irregularities sa war on drugs

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Cebu City, yung nasa 40 daw na empleyado ng LGU nila na nagpositibo sa drug test
  • sa Lemery, Batangas, yung kasapi ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office na nahuli sa isinagawa ng mga pulis na buy-bust operation
  • sa Cotabato City, yung mga anak ng Barangay Chairman at Tanod na nahuli dahil sa ilegal na droga
  • sa Sampaloc, Manila, yung 3 katao na nadakip sa buy-bust operation laban sa ilegal na droga kung saan kabilang ang 2 Barangay Kagawad sa mga nahuli
  • yung anak ng isang Mayor sa Negros Occidental na kasama sa mga nahuli sa isang drug buy-bust operation
  • yung jail guard sa Laguna Provincial Jail na nahuli sa buy-bust operation dahil sa pagbebenta ng shabu
  • sa Bato, Camarines Sur, yung dating policewoman na naaresto sa isinagawang illegal drugs buy-bust operation ng PNP at PDEA
  • sa Caloocan City, yung pulis na nahuli ng PDEA sa kanilang drug buy-bust operation, kung saan may iba pa daw itong mga kasamahan na pulis na nakatakas mula doon sa insidente
  • sa Badian, Cebu, yung pulis at 2 pa na nahuli sa drug buy-bust operation
  • sa Tuguegarao City, Cagayan, yung pulis at 2 magsasaka na nahuli sa drug buy-bust operation
  • sa Maynila, yung nasamsam na nasa Php 6.7 Billion daw na halaga ng shabu sa buy-bust operation, kung saan isang intel officer daw ng Philippine National Police Drug Enforcement Group ang naaresto
  • sa Taguig, yung 3 na miyembro ng mismong PDEA na nahulihan sa buy-bust operation ng nasa Php 9 Million na halaga ng shabu
  • sa Santa Cruz, Manila, yung pulis na nahuli sa buy-bust operation, na nabigo daw makatakas
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung 3 pulis at 1 sibilyan na nahuli sa anti-illegal drugs operation
  • sa Laguna, yung 3 na nahuli dahil sa ilegal na droga, kabilang ang 1 pulis
  • sa Davao del Norte, yung drug den kung saan 8 ang nahuli, kabilang ang 2 sundalo at 1 empleyado ng munisipyo
  • sa Camarines Sur yata iyon, yung may nakitang ilegal na droga at iba pang mga kontrabando sa sasakyan daw ng BJMP
  • sa Baguio City Public Market, yung katiwalian sa paniningil ng arrival fee
  • sa Pampanga, yung empleyado ng Angeles City hall na nahuli dahil daw sa pag-i-issue ng mga pekeng vaccination card
  • sa Pasig City, yung 2 pulis at 2 informant na nangikil laban sa isang drug suspect para daw hindi na matuloy ang kaso laban dito, bukod doon ay madami na rin daw kaso yung mga involved na pulis
  • sa Quezon City, yung MMDA Traffic Enforcer na nahuli dahil daw sa pangongotong laban sa isang truck driver, bukod doon ay may iba pa daw mga reklamo laban doon sa enforcer na iyon
  • sa Tagum City, Davao del Norte, yung traffic enforcer na nahuli daw dahil sa kasong carnapping
  • sa General Trias, Cavite, yung mag-asawang pinagnakawan ang bahay kung saan 2 sinibak na pulis at 1 aktibong pulis ang ilan sa mga suspek
  • sa Balayan, Batangas, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa kasong robbery-extortion, nanghihingi daw kasi ng lingguhang payola para sa operasyon ng loteng
  • sa Makati, yung 2 pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangongotong laban sa isang babae, kinuha daw nung mga pulis ang 2 gadget nung mga biktima at saka pinatutubos sa halagang Php 50,000
  • sa Bohol, yung pulis na naaresto dahil sa pagnanakaw daw sa isang gasolinahan
  • sa General Mariano Alvarez sa Cavite, yung naka-AWOL na sundalo na nang-holdap daw sa isang sanglaan
  • yung 8 pulis na inireklamo daw dahil sa pagdukot at pangingikil laban sa 3 suspected scammers
  • yung pinakakasuhan ng NBI na hepe ng NCRPO at 12 pulis, dahil daw sa pagdukot at pag-detain sa 4 na drug suspect, na hanggang ngayon daw ay hindi pa din natatagpuan
  • sa Tondo, Manila, yung Barangay Chairman na nanuntok daw ng tauhan ng MMDA matapos na madamay ang vendo carwash ng suspek sa isinasagawang sidewalk clearing operation
  • sa Southern Police District, yung pulis na inaresto dahil daw sa reklamong pangmomolestiya laban sa isang menor de edad
  • sa Valenzuela City, yung pulis na kinasuhan ng rape laban sa 9 y/o na babaeng anak ng kanyang live-in partner
  • sa Laguna, yung pulis na nahuli dahil sa ilegal na droga at dahil din sa panghahalay daw sa kanyang sariling anak
  • sa Cavite, yung 1 pang pulis na kinasuhan din daw dahil sa panggagahasa
  • sa Maynila, yung pulis na sinibak daw matapos na maglabas ng baril at manakot kasi kesyo naingayan daw sa mga student athlete
  • sa Boracay, yung Mayor daw ng San Jose, Romblon na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Laurel, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahulihan ng ilegal na baril at maging ng granada
  • sa Caloocan City, yung pulis na naaresto matapos na mahulihan ng walang permit na baril
  • sa Nueva Vizcaya, yung Barangay Captain na maysa demonyo na daw ang pamamalakad, sa panahon pa talaga kung kailan na-extend na nang na-extend ang kanilang panunungkulan
  • sa Cagayan, yung nakunan daw ng video na pananakit ng 1 lasing na pulis sa 2 construction worker
  • yung mga naka-sibilyan lang na pulis Magdalena na binugbog daw yung hinuli nilang lalaki, pero lumalabas na nagkamali sila ng hinuli nilang suspek
  • sa NAIA, yung muntik nang nagbarilan na grupo ng mga PNP at airport police, na nag-ugat lang daw sa kawalan ng respeto sa sistema, at nagkaroon pa ng sakitan
  • yung Traffic Enforcer na napatay matapos daw na mapagkamalan na carnapper ng anti-carnapping na pulis Maynila
  • sa Rizal, yung pulis na namaril sa kanyang live-in partner na babae
  • sa Cebu, yung ginang na pinatay ng asawa niyang pulis sa loob ng mismong presinto, magsasampa daw kasi sana yung babae ng reklamo laban dun sa lalaki
  • sa Butuan City, yung mag-asawa na napatay sa pamamaril ng pulis sa loob ng kanilang sasakyan, kesyo kalaguyo daw ng asawa nung pulis yung biktima na lalaki
  • yung dating commander ng PSG na itinuturo na mastermind sa pagpapapatay sa isang babaeng negosyante at modelo sa Davao City, bukod pa siya sa 7 hanggang 8 na miyembro ng 1001st Infantry Brigade na idinadawit doon sa kaso
  • sa Passi City, Iloilo, yung 1 lalaking napatay at 3 pang sugatan, matapos na mamaril ang isang sundalo, nauna daw na may ginawang masama yung suspek na sundalo at yung kapatid niya
  • sa Cagayan de Oro City, sa mismong kampo ng militar, yung 4 na napatay at 1 sugatan na sundalo matapos daw pagbabarilin ng kapwa nila sundalo habang sila ay natutulog
  • sa Masbate prosecutor's office, yung kaso na isinampa laban sa nasa 21 na pulis dahil sa pagkamatay ng mismo nilang kabaro dahil umano sa hazing
  • sa Nueva Vizcaya, yung pulis na napatay dahil daw sa pamamaril ng kanyang kapwa pulis na natagpuan din namang patay kalaunan

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung pagtumba laban sa radio commentator na si Percy Lapid
  • yung claim ng kapatid ng namatay na middleman na galing daw sa opisina ng Bilibid ang utos sa mga middleman na ipatumba si Percy Lapid
  • yung may mga death threat na din daw na natatanggap ang naiwang pamilya ni Percy Lapid
  • yung version nung isang suspek sa pagpapatumba kay Percy Lapid, na kesyo ang Secretary daw ng Department of Justice ang totoong nagpatumba doon sa biktima
  • sa social media, yung panibagong death threat laban sa 2 media personalities
  • yung sinasabi ngayon na mga itinumba daw na high profile inmates, sa palusot na COVID-19 ang nakapatay sa kanila
  • yung may nag-aalok na daw ng tig-Php 1 Million para sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero bilang kapalit ng pag-uurong nila sa mga kaso
  • yung 2 development workers mula sa UP Cebu na ilang araw nawala, na sinasabing dinukot daw ng mga nagpakilalang pulis
  • sa UP, yung professor na inaresto ng mga pulis dahil daw sa hindi pagbabayad ng SSS contributions para sa kasambahay, nilabag din daw ng mga umaresto yung UP-DND accord
  • yung mga madre na nadamay sa kasuhan patungkol sa pagpopondo daw sa mga rebelde
  • yung mga tauhan daw ng Bureau of Immigration na sangkot sa kalakaran ng pagpapalusot ng mga OFW na ginagawang cryptocurrency scammer sa ibang bansa
  • yung sinasabi na mga pulis daw na protektor ng mga kidnapping syndicate na mga Imperial citizen ang target
  • yung claim ng isang dating POGO operator, yung mga pulis daw na sangkot sa bentahan ng mga dayuhang POGO workers para sa mga ilegal na POGO

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung hanggang ngayon ay walang makapag-address sa kanila tungkol sa nangyayaring pagpapakalat ng misinformation sa social media
  • yung under lang ang bayan ng samahan ng international community kapag manlilimos ng tulong, pero kapag mga pang-aabuso na ang pag-uusapan eh independent lang ang bayan
  • yung plano na kaagad na umutang ng nasa USD 300 Million daw mula sa World Bank, para daw sa digitalization para sa pangongolekta ng buwis
  • ang banta sa reliable auditing
  • yung may nakapasok ng kaso ng Monkeypox sa loob ng bayan
  • yung may local case na daw ng Monkeypox dito sa bayan
  • sa Hong Kong, yung napasok daw sila ng kaso ng Monkeypox, kung saan sumakay ang lalaking carrier sa Philippine Airlines
  • yung nasa 21 days pala ang incubation period ng Monkeypox, bago posibleng magpakita ng symptoms ang carrier nito, kaso wala namang ganung katagal na quarantine para sa mga international travelers
  • sa San Pascual, Batangas, yung mga kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) sa mga kabataan
  • yung napasok ng Anthrax ang Cagayan
  • yung nakapasok na rin sa bayan ang mas nakakahawa pa na Centaurus Omicron variant
  • yung napasok na ang bayan ng XBB subvariant at maging ng XBC variant ng COVID-19 virus
  • yung napasok na rin ang bayan ng BQ.1 na subvariant ng Omicron
  • yung napasok na rin ang bayan ng COVID-19 Omicron subvariant XBF, ito yata yung kaso na walang international travel history
  • yung 8 hindi bakunado na lokal na mamamayan na galing sa Imperyo kung kailan laganap na ulit ang COVID-19 doon, na na-detect na positibo doon sa virus
  • yung maraming paglabag sa health protocol sa panahon ng balik-eskuwela
  • sa face to face classes, yung mga guro at estudyante na tinatamaan na ng virus ng COVID-19
  • sa Cebu City, yung hindi din pala kinonsulta ang DOH tungkol sa paggawang optional sa pagsusuot ng face mask
  • sa Iligan City, yung Kasalanang Bayan kung saan madami sa mga lumahok ay hindi na nagsuot ng face mask doon sa venue
  • yung ibinaba ang target ng pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa panahon nila
  • sa Bacolod City, yung nasa 300,000 na COVID-19 vaccines na na-expire na lang
  • yung nasa Php 5.1 Billion daw na halaga ng mga na-expire at mae-expire ng COVID-19 vaccines, base sa statement ay mukhang private sector ang nagpondo sa mga vaccines na iyon
  • yung ayon sa DOH ay nasa 20.6 Million na dami na ng doses ng COVID-19 vaccines ang either na-expire na o ang hindi naman nagagamit
  • by November 2022, yung lalong pagdami ng mga nae-expire na lang na COVID-19 vaccine
  • yung pagtataas ng PhilHealth sa bilang ng libreng dialysis session hanggang sa 144 daw, samantalang ang daming balita tungkol sa kanilang mga pagkakautang
  • yung sinita na sobra-sobra daw na paniningil ng PhilHealth sa pamahalaan para sa subsidy nito para sa mahihirap na members
  • yung pahayag pa rin hanggang ngayong 2022 na aabot na lang daw hanggang sa 2027 ang actuarial life ng pondo ng PhilHealth
  • sa Philippine Public Safety College, yung may pinakakasuhan sa kanila dahil sa delayed daw na pagbabayad ng contributions para sa PhilHealth na mula pa daw noong taong 2016
  • sa Bukidnon, yung kahon-kahon ng kamatis na itinapon na lang dahil daw hindi maibenta
  • yung nasa Php 400 to 500 na daw ang per kilo ng siling labuyo
  • sa Isabela, ang pagmamahal na din ng bentahan ng siling labuyo at maging ng bawang
  • sa La Trinidad, Benguet, yung pagbaba ng presyuhan ng mga gulay dahil sa oversupply
  • yung pumapalo na sa Php 400 ang per kilo ng sibuyas
  • yung pagtaas ng presyo ng puting sibuyas dahil sa kakulangan sa supply, umaabot na daw sa Php 600 per kilo
  • yung nasa Php 130 per kilogram lang daw ang bentahan ng pulang sibuyas sa probinsya, pero Php 170 ang suggested retail price ng Department of Agriculture para sa NCR, at nasa Php 150 daw yung mga sibuyas na sila naman mismo ang nagbabagsak sa ilang pamilihan doon, bukod pa sa lagpas sa Php 200 yung bentahan ng mga tindera
  • yung may sapat naman daw na supply ng pulang sibuyas by November 2022 ayon sa data nila, pero pumapalo naman ang presyuhan ng per kilo sa Php 300
  • yung umaabot na sa Php 600 per kilo ang bentahan ng pulang sibuyas by December 2022
  • yung gumawa ng Php 250 per kilo na suggested retail price para sa pulang sibuyas pero wala namang makasunod sa mga pamilihan
  • yung bumaba na daw kaagad ang presyuhan ng sibuyas sa mga palengke, samantalang nag-announce pa lang naman ng tungkol sa planong importation at wala pa namang dagdag na supply na dumarating
  • yung kamahal-mahal ng bentahan ng lokal na sibuyas sa mga pamilihan pero binabarat naman pala nang husto ang mga magsasaka
  • yung gumawa ng Php 125 na suggested retail price para sa sibuyas, pero hindi naman daw makabubuti ayon sa mga magsasaka dahil sila na naman ang masasakripisyo
  • sa Zamboanga City, yung nasabat na lagpas daw sa 2 tonelada ng puting sibuyas na walang kaukulang mga dokumento
  • yung may mga nagbebenta na daw kaagad ng imported na sibuyas sa merkado samantalang nasa cold storage facility pa naman daw ang mga inangkat ng pamahalaan
  • yung harassment daw laban sa mga magsasaka ng sibuyas na tumestigo sa Senado patungkol sa pambabarat laban sa kanila
  • sa Batanes, yung nasa 25 metric tons daw ng bawang na nanganganib na mabulok lang
  • yung mababang bentahan ng bawang mula sa Occidental Mindoro
  • yung mas mahal na ang lokal na bawang kumpara sa imported, nasa Php 300 plus per kilo daw para sa lokal, kumpara sa imported na nasa Php 80 lang
  • sa Nueva Vizcaya, yung bagsak na ang presyuhan ng luya dahil na naman daw sa oversupply
  • yung may oversupply naman daw sa kamatis
  • ang pagsabay ng pagmamahal ng itlog sa pagtataas ng presyo ng napakaraming mga bilihin
  • sa La Union, yung naapektuhan na ang industriya sa paggawa ng bagoong dahil sa pagtataas ng SRP para sa asin
  • yung nasa 93% daw ng supply ng asin sa bayan ay imported
  • yung pumapalo na sa Php 100 ang per kilo ng asukal ngayong August 2022
  • yung nasa mahigit Php 200 Million daw na halaga ng smuggled na asukal na mula sa Thailand na nasabat ng BOC
  • yung ilegal daw na paglagda ng Sugar Regulatory Administration sa resolusyon para sa pag-import ng nasa 300,000 metric tons ng asukal
  • yung tangka daw na pag-angkat ng raw sugar, samantalang malapit na daw ang anihan ng tubo dito sa bayan
  • December 2022, yung halos pumapantay na daw ang presyo ng brown at washed sugar sa puting asukal
  • yung Executive Secretary na ang daming liban sa mga pagdinig tungkol sa naging gusot sa asukal
  • yung paglalagay ng initials sa ibinibentang asukal ng Sugar Regulatory Administration
  • yung smuggled na naman ang gustong ibenta sa Kadiwa nila, this time naman eh asukal na nasamsam sa Batangas
  • sa Department of Agriculture, yung iniimbestigahan na overpriced daw na mga tractor
  • yung nagtaas na ulit ang presyuhan ng mga basic na tinapay nitong February 2023
  • sa Philippine Airlines, yung nasa 10 daw nilang empleyado na iimbestigahan matapos na magpasok sa bayan ng mga undeclared na prutas at gulay galing sa abroad
  • yung nasa Php 6.8 Billion daw ang backlog ng Land Transportation Office pagdating sa mga plaka, na gustong ihingi ng pondo para daw mai-outsource din
  • sa LTO, yung sobrang luma na at wala na sa magandang kondisyon na truck, na nagawa pa ring maiparehistro
  • yung hanggang July 2022 ay may mga bumabiyahe para sa libreng sakay na hindi pa rin nababayaran para sa kanilang serbisyo
  • yung hanggang ngayong November 2022 ay hindi pa rin naaayos nang husto ang pasahod sa mga driver para sa EDSA Bus Carousel
  • sa LTFRB, yung ginawa na nilang Php 12 ang minimum na pamasahe sa mga jeep, bukod pa yung increase para sa iba pang klase ng mga PUV
  • yung mga courier service provider na ang inaarkila ng ibang mga pasahero para lang makabiyahe dahil daw sa kakulangan ng mga PUV sa Metro Manila
  • sa LRT 1, Cavite extension project daw, yung mga bagong bagon na binili kaagad noon kahit na hindi pa naman tapos ang riles, kung saan 80 ang natuklasang may water leak
  • yung matagal-tagal na ring energy crisis sa Occidental Mindoro
  • sa SSS, yung bukod sa itinaas na nila sa 14% ng kita ang rate ng contribution eh tinasaan din pala nila ang minimum bracket maging para sa mga self-employed
  • yung paninisi ng ibang pinuno sa PAGASA, samantalang ang lahat naman ng tao ay may contribution sa lubusang pagbabago ng lagay ng panahon dahil sa Climate Change
  • yung banta daw ng seabed quarrying sa Manila Bay
  • sa Sibuyan Island sa Romblon, yung mga nabisto na illegal activities daw ng isang minahan doon
  • yung hindi na daw SIM card ang gamit ng mga text scammers at promoters, pero gusto pa din nilang ituloy ang mandatory SIM card registration
  • yung mga kapalpakan sa unang araw ng sapilitan na SIM card registration
  • yung hindi na-consider ang kakayahan ng bawat user, bawat mobile phone, at bawat computer para sa SIM card registration
  • yung redundant ang SIM card registration para sa mga mobile e-wallet users na verified na ang mga account
  • sa Department of Tourism, yung gustong palitan yung slogan para lang may mailagay sila na initials
  • yung naghahangad ng public apology mula sa gobyerno ng Kuwait, na akala mo naman eh walang mga lokal na mamamayan ang lumalabag sa mga patakaran ng ibang bansa at na walang mga lokal na mamamayan ang gumagawa ng mga krimen laban sa mga banyaga na nandito sa bayan
  • yung iimbestigahan na rin ngayon ang Bureau of Immigration tungkol sa kung paanong naisakatuparan yung mga Luffy robberies sa Japan kahit na nasa poder nila dito sa loob ng bayan yung mastermind
  • yung nasa 36 na tauhan ng Bureau of Immigration na sinibak sa puwesto nila, dahil daw sa nadiskubre na mga nakalusot na kontrabando sa kanilang warden facility
  • yung panukala na suwelduhan ng Php 2,000 ang mga housewife, samantalang may klase na ng ayuda na ang requirement ay ang pagkakaroon ng anak
  • yung delayed daw na assistance na natatanggap ng mga nagrereklamong beneficiaries ng United Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST)
  • yung pangamba ng mga SPED teachers dahil hindi daw pinondohan ang Special Education Program
  • yung panibagong mga pagpapabaya laban sa Team Obiena ngayong 2023
  • yung kawalan daw ngayon ng pondo para sa benepisyo ng mga centenarian
  • sa DSWD, yung sobrang pagdagsa ng mga estudyante at mga magulang para maghabol sa ipinangakong educational assistance
  • yung dinagsa na naman ang pamimigay ng educational assistance ng DSWD kahit na gumawa na sila ng paraan para subukang gawing organisado ang pamamahagi nila ng tulong
  • yung may mga 4Ps beneficiaries daw na nakiagaw pa mula doon sa ipinamahaging educational assitance ng DSWD, samantalang may version ng 4Ps na ang purpose ay para talaga sa pagpapa-aral sa mga anak
  • sa educational assistance ng DSWD, yung may mga pamilya na hindi kinaya yung online registration
  • yung nasilip ng COA sa DOH pa rin, yung nasa milyun-milyong halaga daw ng mga gamot na either nasira na o malapit nang mag-expire
  • yung nasilip ng COA sa PS-DBM, yung nasa Php 1.3 Billion daw na halaga ng mga PPE na hindi naman certified ng FDA
  • yung nasilip ng COA na deficiencies sa naging paggastos ng DepEd, nasa Php 4.5 Billion daw na kaugnay ng distance learning
  • yung nasilip ng COA sa DepEd na naman for 2021, yung pagbili daw ng mga ito ng mamahalin na mga laptop, na luma naman ang mga processor, sa tulong ng PS-DBM, kung saan nasa Php 2.4 Billion daw yung involved na halaga
  • yung nasilip ng COA sa DepEd at PS-DBM, yung zero accomplishment daw ng mga ito sa pagbili ng textbooks at iba pang learning materials para sa DepEd
  • yung nasilip ng COA sa CHED, yung kabiguan daw nito sa pagpapatupad nung Smart Campus Development Program para sa mga state universities and colleges na nagkakahalaga daw ng nasa Php 3 Billion
  • yung nasilip ng COA sa CHED, yung nasa Php 130 Million daw na labis na ibinayad nila para sa 3 colleges
  • yung nasita ng COA sa TESDA, yung halos Php 95 Million daw na halaga ng mga hindi pa naipapamahagi na toolkits
  • yung pagsita ng COA sa BOC dahil sa pinabayaan nito ang nasa 974 na importers na makapagpatuloy sa kanilang mga transactions sa kabila ng paglabag ng mga ito sa mga patakaran at batas
  • yung nasilip ng COA na kuwestiyonable daw na pagbili ng National Dairy Authority (NDA) ng fresh milk noong 2021, nasa Php 100 Million plus ang pinag-uusapan na halaga
  • yung nasilip ng COA sa Department of Tourism for 2021, yung excessive daw na paggastos sa mga hotel at restaurant
  • yung nasilip ng COA sa Department of Human Settlements and Urban Development for 2021, yung kinukuwestiyon nila ang validity ng nasa Php 5 Million plus daw na halaga ng grocery allowance at COVID-19 response assistance para sa kanilang mga personnel
  • yung nasilip ng COA sa free Wi-Fi program ng DICT, may mga hindi daw gumagana o di kaya eh mabagal ang connectivity
  • yung nasilip ng COA sa DICT, yung nasa Php 93 Million daw na halaga ng mga gadgets na nabigo silang ipamahagi
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung nasa Php 1.9 Billion daw na halaga ng mga ayuda na hindi na naipamahagi pa
  • yung mga donasyon daw na pagkain at gamot para sana sa mga naging biktima ng Bagyong Ulysses sa Cagayan Valley, na na-expire at nabulok na lang sa warehouse ng DSWD
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung nasa Php 5.3 Million daw na ipinamigay sa mga dating rebelde, pero kulang naman sa mga dokumento
  • yung nasilip ng COA sa Department of Transportation, yung nasa Php 1.6 Trillion daw na halaga ng mga delayed projects
  • yung nasilip ng COA sa LTO, yung higit daw sa Php 3 Billion na ibinayad na para sa hindi pa naman kumpletong projects
  • yung nasilip ng COA sa DPWH for 2021, yung nasa Php 245 Billion daw na halaga ng libu-libong projects na maalin sa na-delay o hindi na nagawa pa
  • yung nasilip ng COA sa PNP, yung mga hindi pa natatapos na 4 na gusali daw
  • yung nasilip ng COA sa PNP, yung nasa Php 267 Million daw na halaga ng mga donasyong sasakyan na nabigo silang i-record from 2017 to 2020
  • yung nasilip ng COA sa DILG, yung umaabot sa Php 577 Million daw na halaga ng COVID-19 fund na hindi naman nagastos nung ahensiya
  • yung nasilip ng COA sa Human Rights Violations Victims Memorial Commission, dahil sa delay sa pagpapatayo ng Freedom Memorial Museum na para sana sa mga naging biktima noon ng Martial Law
  • yung nasilip ng COA sa Davao City, yung nasa Php 188 Million daw na halaga ng mga property, plant and equipment na inalis sa kanilang books of accounts
  • yung nasilip ng COA sa Office of the Vice President for 2021, yung unnecessary daw na pag-hire ng mga private lawyers at consultants...
  • yung nasilip ng COA sa Office of the President for 2021, yung mahigit sa Php 30 Million na ginamit sa mga repairs, kung saan nasa Php 157,000 plus ay unutilized roof tiles
  • yung nasilip ng COA sa Office of the President for 2021, yung nasa Php 33 Million plus daw mula sa Php 52 Million plus na i-t-in-ransfer sa NTF-ELCAC na unliquidated pa rin sa katapusan ng 2021
  • sa PAGCOR, yung madaming kuwestiyonable sa third party auditor na kinuha nila
  • yung delikado palang malabhan at mapalantsa yung polymer banknotes dahil nasisira talaga nang husto
  • sa PSA, bukod sa kaso ng mga sobrang delayed na release, eh may mga kaso din daw ng mga faded na National ID, may mga hindi daw nagtatagal
  • ang pagbagsak ng Peso nang lagpas pa sa Php 58 na palitan kontra sa US Dollar 
  • yung nasa Php 588 Billion daw na unprogrammed funds para sa 2023
  • sa DPWH, yung Expanded Fund-Parking Scheme daw kung saan iniipit daw ang pondo kung hindi papaboran ang mga piling contractor
  • sa projects ng DPWH, yung may mga amount pero wala naman daw breakdown ng mga pagkakagastusan
  • sa Tondo, Manila, yung mga bahay na nabagsakan daw ng mga tubo mula sa ginagawang SLEX at NLEX connector
  • sa Cagayan de Oro, yung nasunog na imbakan ng mga bala at pampasabog ng militar sa Camp Evangelista
  • sa Quezon City na ulit, yung 13 y/o na estudyante na pinatay ng kapwa mag-aaral sa loob ng paaralan
  • yung red-tagging ng Komisyon sa Wikang Filipino laban sa ilang mga libro, kung saan yung iba ay patungkol sa Martial Law
  • yung sa mga module sa paaralan, yung Bagong Lipunan kung saan itinatago na ang mga detalye tungkol sa kasamaan, kalupitan, at mga pang-aabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung red-tagging laban sa Judge ng Regional Trial Court na tumanggi na i-classify ang mga rebelde bilang mga terorista, may banta pa daw tungkol sa pagpatay
  • yung sa media niya isinisisi ang ginawa niyang pagbabanta sa miyembro ng Judiciary branch
  • yung red-tagging laban sa Cardinal ng simbahan, kesyo ginagamit daw kasi ang pondo nung buong Caritas Internationalis para pondohan ang mga Komunista dito sa bayan
  • sa SMNI, yung red-tagging laban sa Mayor ng Baguio City
  • yung red-tagging laban sa Benguet Electric Cooperative o BENECO
  • sa Pasay City, yung film showing tungkol sa Martial Law na ipinatigil daw ng mga pulis kahit na may permit naman na nakuha mula sa barangay yung mga organizers
  • sa NTC, yung 2020 pa yung violation na sinasabi nila pero 2022 na ngayon at hindi pa rin nila natatapos yung isyu
  • yung muling pagkatalo ng isang kinikilalang journalist sa kaso, dahil ipinatupad ang bagong patakaran laban sa luma nilang nailathala na balita
  • yung tila mga mayayaman at maimpluwensiya lang ang nakikinabang sa pangkakaso ng cyberlibel
  • yung mga kaso na may pagkalaki-laking mga piyansa kahit pa sinasabi na mahina naman daw ang ebidensya laban sa mga itinuturing na suspek
  • sa Masungi Georeserve, yung mga active at retired daw na opisyal ng gobyerno pa ang nagpatayo ng mga structures tulad ng resort doon sa area
  • sa Negros Occidental, yung 4 daw na engineer at 1 staff ng provincial government na sinuspende at kinasuhan dahil sa paggamit umano ng mga government vehicle para sa inuman lang
  • yung isyu daw sa loob ng AFP dahil sa usapin tungkol sa fixed term ng mga opisyales
  • yung panawagan na mag-courtesy resignation daw ang lahat ng may rank na colonel to general sa hanay ng PNP dahil kesyo may mga sangkot daw sa kanila sa kalakaran ng ilegal na droga, sa halip na hulihin na lang kaagad yung mga pinaniniwalaan nila na mga tiwali nga
  • sa may Lawton, yung 3 pulis Maynila na naabutan na natutulog sa istasyon habang naka-duty
  • yung shooting incident sa araw ng graduation sa Ateneo de Manila University, na nangyari kung kailan may umiiral na gun ban, at nanggaling pa sa ibang isla yung suspek
  • sa Rosario, Batangas, yung pulis na inaresto matapos na ireklamo dahil sa pagpapaputok ng baril
  • sa Nueva Vizcaya, yung pulis na inaresto dahil nagpaputok daw ng baril habang lasing
  • sa Novaliches, Quezon City noong Bagong Taon daw, yung miyembro ng Philippine Coast Guard na naaktuhan daw mismo ng mga pulis na nagpaputok ng kanyang baril
  • sa Tagaytay, yung 16 y/o na lalaki na aksidenteng nabaril ng kaibigan daw niyang security guard dahil sa kanilang pagbibiruan
  • sa San Pablo, Laguna, yung pulis na miyembro pa daw ng S.W.A.T. na namatay dahil daw sa accidental shooting, naglilinis daw sila ng mga baril nila nang mangyari yung aksidente
  • sa Davao de Oro, yung pulis na nakapatay ng isang lalaki matapos na pumutok ang kanyang baril nang ilapag niya daw iyon sa mesa
  • sa San Jose Del Monte, Bulacan, yung 12 y/o na estudyante na nadala ang baril ng kanyang tatay na pulis sa paaralan at doon na din aksidente na napatay daw ang kanyang sarili
  • sa Sorsogon, yung miyembro ng Philippine Coast Guard na napatay ng kanyang kasamahan dahil daw sa accidental firing
  • yung basta na lang pagbisita ng mga pulis sa bahay ng mga journalist, para daw mag-check kung may death threat
  • yung nasa 30 pulis na kinasuhan sa Ombudsman dahil sa kuwestiyonable daw na pag-aresto noon sa binansagang Tinang 83
  • yung kaso ng hit-and-run laban sa isang tricycle driver sa Quezon City kung saan sasakyan ng pulis ang involved, yung 5 pulis na kinasuhan dahil daw sa tila cover-up na ginagawa nila doon sa imbestigasyon
  • kaugnay ng kaso nung nahuling pulis sa Santa Cruz, Manila dahil sa ilegal na droga, yung 2 miyembro ng CIDG na sinubukan daw na makialam sa inventory nung kaso
  • sa War on Drugs, yung may mga bala pa daw na iniwan na lang doon sa ibang bangkay na nauna nang idinaan sa autopsy, patunay daw na basta-basta na lang at hindi masusi ang ginagawang autopsy sa ibang napapatay
  • sa General Mariano Alvarez yata, sa Cavite, yung nasa 5 estudyante na nabangga ng nagmamanehong pulis
  • sa Quezon City, yung 1 rider na namatay at iba pa na nasugatan, matapos daw na pumalya ang pagto-tow ng MMDA sa isang truck
  • yung hindi daw isasailalim ng PDEA sa drug test yung naarestong anak ng Secretary ng Department of Justice
  • yung Korean businessman na pinatay ng 2 nang-holdap sa kanya, parehas daw na may mga kaso na noon yung 2 kriminal
  • sa Davao del Sur, yung detainee na napatay sa pamamaril sa loob daw mismo ng municipal circuit trial court
  • yung bilanggo sa Quezon City Jail na nagtitinda pa rin ng ilegal na droga kahit nakakulong na siya, at talagang palabas pa yung trasnsaction dahil gumagamit pa sila ng mga delivery rider
  • sa Bilibid bago matapos ang taong 2022, yung babaeng dalaw na nagtangkang magpuslit ng ilegal na droga sa Maximum Security Compound
  • sa PNP custodial center, yung ipinakulong na dating Senador na na-hostage dahil daw sa tangkang pagtakas ng ilang preso
  • yung panibagong ginawang paglilinis ng Bureau of Corrections ngayong November 2022 yata, kung saan napakarami na namang mga kontrabando ang nasamsam mula sa loob ng kulungan
  • yung hindi daw alam ng dating Secretary ng Department of Justice yung tungkol sa malaking hukay sa Bilibid
  • yung napakalawak na hukay na nadiskubre sa Bilibid
  • yung para daw sa diving pool yung malalim at malawak na tunnel sa Bilibid, dahil mahilig daw yung dating pinuno sa scuba diving, na para bang sa kanya na ang lugar na iyon
  • yung 1 pang claim na kesyo para daw sa paghahanap ng Yamashita treasure yung sobrang laking hukay sa Bilibid
  • yung iba't ibang klase ng mga hayop na ilegal din na ipinasok sa Bilibid
  • sa BuCor, yung sistema ng pagpapadala ng pera sa mga preso gamit ang e-wallet kung saan may porsyento daw ang mga bantay ng kulungan
  • yung sumuko na hired killer daw doon sa kaso ni Percy Lapid, kung saan nakakulong daw sa Bilibid ang itinuturong mastermind
  • yung Middleman daw sa naging pagpatay kay Percy Lapid, na nakakulong sa Bilibid, na lumalabas na ilang araw na daw patay
  • yung inembalsamo nga kaagad yung bangkay nung middleman bago isinailalim sa autopsy
  • yung nauna na daw itinanggi na kabilang sa mga bilanggo nila yung middleman, bago nga nila inilabas yung update na namatay na iyon sa loob ng kanilang kulungan
  • yung ayon sa autopsy ay pinatay yung middleman, taliwas sa unang resulta na nagsasabi na namatay siya dahil sa natural death
  • yung ayon sa pulis ay case solved na daw yung kaso ni Percy Lapid, samantalang namatayan nga sila ng isang middleman, at hindi pa din natutukoy kung sino ba talaga ang mga mastermind
  • yung hindi mahagilap yung dating tauhan ng Bureau of Corrections na inili-link sa pagtumba kay Percy Lapid
  • yung palpak na subpoena laban doon sa suspected mastermind sa pagpapatumba kay Percy Lapid, dahil mali daw yung middle name na nakalagay doon
  • yung kasalanan daw ng pinuno ng DILG kung bakit napatay yung middleman sa loob ng kulungan, iniharap daw kasi sa media yung sumukong killer
  • sa San Pedro, Laguna, yung 2 menor de edad na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 7 y/o na babae, na nakakatakas mula sa kanilang CSWD
  • yung mga Senador na nagsasabi na kailangan daw ng DICT ng confidential fund para labanan ang mga cyberattack
  • yung hindi na inusisa pa ang budget para sa Office of the Vice President, kahit pa may malaki itong confidential fund
  • yung may confidential fund ang DepEd, pero hindi naman isinali sa budget ang hiling na taas-sahod ng mga guro
  • yung patraydor na pagbabalik ng mga tinapyas na kuwestiyonableng budget sa bandang huli
  • yung no mercy daw pero tumatanggap naman ng mga sumusuko DAW, at naniniwala din sa mga sinasabi ng mga iyon
  • sa COMELEC, yung gustong mag-request ng budget para sa sarili sana nilang gusali sa panahon kung kailan baon na baon na sa utang ang bayan
  • yung nasayang na naman ang mga ginawang paghahanda ng COMELEC, dahil iuurong na naman ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections
  • walang karapatan ang PPCRV na siguraduhin na walang nangyaring anomalya noon, dahil wala naman silang ipinabilang sa mga volunteers kundi mga automated na numero na lang
  • yung mga mambabatas na dumidiskarte na naman ngayong early 2023 para baguhin ang saligang batas para lang paboran ang gusto nilang dami at haba ng panahon ng panunungkulan
  • yung mga mambabatas na gustong protektahan ang nagpasimuno sa War on Drugs mula sa imbestigasyon ng International Criminal Court, na para bang wala talagang nangyari na mga kuwestiyonable na patayan
  • yung dating Executive Secretary, na pinatalsik daw sa kanilang partido dahil daw hindi napagbigyan sa mga hinihiling na katungkulan ang mga kasamahan nila doon sa partido
  • yung hindi totoong bahagi ng Minority yung naging Commission on Appointments Minority Leader
  • yung Senador na umamin na madami siyang hindi naiintindihan sa kanilang mga pagpupulong
  • yung Senador na pinag-iinitan ang arbitral ruling at pinapalabas na papel lang iyon, na tutol sa alyansa sa dayuhang bansa, samantalang kaalyado niya ang hindi tumupad sa plano na mag-Jet Ski
  • yung Senador na gustong buwisan nang malaki ang mga foreign movies and TV series
  • yung Senador na gustong ipa-ban ang mga Korean drama sa bayan
  • yung proposal na bigyan ng reelection option ang mga kritikal na katungkulan sa bansa
  • yung paninisi sa isang dating Senador at iba pa tungkol sa investment idea nila, samantalang hindi naman malala ang kahirapan sa bayan sa panahon ng dating proposal at hindi din naman pera na laan para sa pension ang target noon para isugal sa investment
  • yung palusot na kesyo labis na pondo lang daw ang gagamitin para sa Maharlika Wealth Fund, samantalang nagtataas pa nga ng rate of contribution ang SSS dahil umiikli na daw yung buhay ng pondo nila
  • yung planong papalitan ang pangalan ng isang airport na may historical value at meron ding unresolved crime sa loob ng napakahabang panahon
  • yung pagnanakaw ng credit para doon sa airport, samantalang nabuo na pala yung ibang mga bahagi nun bago pa man naghari ang kasamaan sa bayan
  • yung alternatibo daw na solusyon na ibalik na lang ang pangalan ng isang airport sa dati
  • yung matanda na lumaban daw noon sa Martial Law, pero ipinagtatanggol naman ito ngayon
  • yung matanda na gustong bigyan ang pangulo ng kakayahan na magdeklara ng Martial Law nang mag-isa
  • ang paninira sa 1987 Constitution ng isa sa mga mismong promotor ng Martial Law
  • yung ipakukulong daw ang mga taga-International Criminal Court na papasok dito sa bayan para imbestigahan ang War on Drugs
  • yung naibasura na ang kaso patungkol sa Coco Levy Fund Scam dahil daw masyado nang napahaba yung kaso
  • yung Senadora na protektor ng Martial Law
  • yung mga Senador na gusto nang ipalimot sa mga tao ang kasaysayan ng Martial Law
  • yung nagsasabi na magiging independent daw ang branch nila, pero mabilis na ipinagtanggol ang mga kakulangan sa mga in-address na issue sa SONA
  • yung binigyan ng katungkulan na protektor na ngayon ng mga unpaid estate taxes, samantalang Supreme Court na nga ang nagdesisyon tungkol sa bagay na iyon noon
  • yung Secretary ng Department of Justice na nagsabi na bahagi daw ng demokrasya ang red-tagging gayong ang red-tagging ay pagbibintang na pwedeng magpahamak sa buhay ng mga inaatake nito, bukod pa sa paninira ng pagkatao na idinudulot nito
  • yung anak ng Secretary ng Department of Justice na nahulilan ng Kush
  • yung naabsuwelto na kaagad sa kaso na may kinalaman sa possession ng illegal drugs yung anak ng Secretary ng Department of Justice makalipas lamang ang ilang buwan
  • yung muling pagbasura ng Sandiganbayan sa nasa Php 200 Billion na civil forfeiture case
  • yung pamilya na hindi uma-attend sa pagdinig tungkol sa pagkatagal-tagal na nilang mga kaso
  • yung sinusubukan na nung pamilya na bawiin ang mga ari-arian na nasamsam mula sa kanila
  • yung pelikula para sa historical revision, na namimigay na ng libreng tickets para lang mawasak nila ang kasaysayan sa isip ng mga walang utak
  • yung pagtatakip ng MTRCB para sa pelikula na may layunin ng misinformation at historical revision
  • yung mga lokal na mamamayan na biktima ng trafficking ng Imperial cryptocurrency scam syndicate, na nagagawa silang patagusin sa mga paliparan at pabiyahehin sa ibang bansa, maging sa kung saan may military junta

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung celebrities na sinisiraan na ngayon ang history
  • yung direktor at yung pelikula na layunin na wasakin ang kasaysayan
  • yung historical revision na ginagawa ngayon ng mga social media farm employees, kung saan ibang angkan na ang ginagawa nilang mga demonyo sa paningin ng mga panatiko
  • sa social media, yung mga kabilang daw sa majority na tinatamaan at nagre-react, pero ang topic naman ay tungkol sa mga mapanirang online trolls
  • yung mga social media farm employees na ni wala na sa katungkulan ang sinisisi matapos na manalasa ang mga sakuna
  • yung mga siraulong mamamayan na nagpapahayag ng suporta para sa assassination na ginawa nung doktor sa Ateneo de Manila University shooting incident
  • yung mind conditioning naman ngayon sa survey na kesyo reliable daw ang automated selection nila
  • yung mind conditioning survey na kesyo madami daw ang masaya at satisfied sa bulok na pamamalakad
  • yung celebrity na nagpapaawa ngayon tungkol sa kanilang channel, na para bang walang ibang inapi na TV network
  • yung noontime show na nagpasaway na sa Zamboanga del Norte sa panahon ng mga subvariant ng COVID-19 Omicron
  • sa España, sa Maynila, yung away ng mga kabataan sa kalye, na lumabag na rin sa mga health protocol
  • sa Muntinlupa City, yung 2 classroom na nasira matapos na gamitin daw ng mga evacuees
  • sa Pasay, yung estudyante ng De La Salle University na biktima ng hazing ng mismong fraternity kung saan kasapi ang kanyang ama
  • sa Ateneo de Davao University, yung nakunan ng video na pananakal daw ng isang estudyante sa kapwa niya estudyante
  • sa Caloocan, yung riot ng mga basurang kabataan sa madaling araw, malapit sa may EDSA Bus Carousel, sa panahon pa rin ng pandemic
  • sa Caloocan pa rin, yung rambulan ng mga kabataan laban sa grupo na galing pa daw sa Malabon
  • sa Cebu City, yung modus daw ng scripted na rambulan kung saan target daw na pagnakawan ang mga makikiusyuso
  • sa Novaliches, yung 14 y/o na lalaki na napatay sa panggugulpi, trip lang daw ang dahilan kung kaya't ginulpi siya ng 4 na kabataan
  • sa Cebu City, yung barilan sa pagitan ng 2 grupo ng mga kabataan kung saan 3 walang kinalaman sa gulo ang tinamaan ng bala at 1 sa mga iyon ang namatay
  • sa Cavite City, yung away ng mga kabataan na nauwi sa pagpapasabog ng granada kung saan 3 ang namatay at 4 ang nasugatan, bukod pa yung saksakan
  • sa Quezon City, yung 3 menor de edad na holdaper na modus daw na basta na lang gulpihin ang mga nagiging target nila
  • sa Bulacan at Pampanga, yung mga warehouse na nabuking ng BOC na nagtatago ng libu-libong sako ng asukal
  • sa Caloocan, yung mga nasamsam na smuggled daw na asukal at bigas mula sa isang warehouse
  • sa Silang, Cavite, yung 3 bodega na nakitaan daw ng nasa 350,000 na sako ng mga smuggled na asukal
  • sa Subic, Zambales, yung naharang na cargo vessel mula daw sa Thailand na may dalang nasa 7,000 metric tons ng asukal
  • sa payment center sa mall, yung halos 100% increase nila para sa kanilang service charge for bills payment
  • yung mga jeepney driver na mali ang discount na ibinibigay sa mga senior citizen, na Php 10 ang sinisingil sa halip na Php 9 lang
  • yung mga ganid na transport group na naghahangad ng surcharge sa pamasahe sa tuwing rush hour daw
  • yung K-Pop artist na siningil daw ng lagpas Php 1,000 ng taxi driver, na nasa 3 beses daw ang laki kumpara sa dapat lang niyang bayaran
  • yung madalas na overloading daw ng mga delivery truck na nagiging sanhi ng mas mabilis na pagkasira ng mga kalsada
  • sa Olongapo City, yung ama na napatay ang sarili niyang anak dahil sa dumi ng alagang aso ng mga ito
  • sa Bataan, yung bata, babae yata iyon, na natapyas ang ilong matapos daw na masakmal ng aso
  • yung lumalabas na may ibang mga magnanakaw ng internet cable na subcontractor pa pala mismo ng telecommunications companies
  • yung modus sa pamamalimos, kung saan gamit ang istorya ng batang may Cancer
  • yung paglaganap lately ng mga personalized na text promotion at text scam na patunay na nagkaroon ng leakage o bentahan ng personal information ng mga mobile users
  • yung mga nangangalap ng mga pangalan na konektado sa mga mobile numbers sa pamamagitan ng pagcke-ckeck sa mga messaging app
  • sa GCash, yung ililihim na tuloy nila ang pangalan ng padadalhan ng pera, bagay na mahalaga sa pag-confirm kung tama ba ang mobile number na nai-type, dahil sa paglaganap ng mga personalized na text promotion and scam
  • yung gang ng mga transgender at bakla, na eyeball tapos kidnap for ransom ang modus laban sa mga banyaga, na pinapangparetoke daw yung nakukuhang pera
  • yung ang bayan daw ang may pinakamataas na bilang ng teenage pregnancy sa buong Asya
  • sa international news, yung mga environmentalist daw na mga kilalang artwork ang sinusubukang wasakin para lang magpahayag ng kanilang mensahe
  • yung banta ng Marburg virus
  • ang banta ng Legionnaires' Disease
  • yung panibago na namang banta na dala ng Langya Henipavirus (LayV), na may na-detect na daw sa Imperyo
  • sa Misamis Oriental, yung nasabat ng BOC na nasa Php 18 Million na halaga ng smuggled na mga sibuyas na mula sa Imperyo
  • sa Misamis Oriental, yung nasa Php 36 Million daw na halaga ng mga smuggled na sibuyas na galing na naman sa Imperyo
  • sa Maynila, yung mga nasabat na smuggled na sibuyas na galing daw sa Imperyo na itinago na kasama ng mga siopao
  • sa Manila Port, yung mga nasabat na smuggled na carrots mula na naman sa Imperyo
  • sa Subic, yung naharang ng Customs na nasa 44 daw na container ng mga smuggled na agricultural products mula sa Imperyo
  • yung nasabat sa may Port of Manila, yung nasa Php 17 Million daw na halaga ng mga smuggled na puting sibuyas na galing sa Imperyo na i-d-in-eclare daw bilang ibang bagay
  • sa Cavite, yung nabistong bodega kung saan may mga nadiskubre na pekeng mga sigarilyo at maging mga pekeng BIR stamp, kung saan 4 na Imperial citizen ang nahuli
  • sa Pampanga at sa Tarlac, yung mga nasabat na pekeng insecticide na galing daw sa Imperyo
  • sa Manila, yung lasing na Imperial citizen na nanakal daw ng 2 taxi driver at nagwala pa sa presinto
  • sa Parañaque City, yung 4 na Imperial citizen at 1 Taiwanese na nahuli sa buy-bust operation laban sa ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung nasa Php 272 Million daw na halaga ng suspected shabu na nasabat mula sa isang Imperial citizen
  • sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Cavite at Quezon City, yung umaabot sa Php 1.7 Billion na ilegal na droga ang nasabat, kasama na yung Php 272 Million from Quezon City kung saan 2 Imperial citizen ang nahuli
  • sa Malate, Maynila, yung nasa Php 102 Million daw na ilegal na droga na nasabat mula sa 2 Imperial citizen
  • sa Pozorrubio, Pangasinan, yung nasa Php 2.4 Billion daw na halaga ng hinihinalang shabu na nasabat sa buy-bust operation laban sa isang Imperial citizen
  • sa Mexico, Pampanga, yung 2 Imperial citizen na nahulihan ng nasa Php 408 Million daw na halaga ng shabu na nakasilid sa mga tea bag
  • sa Bonifacio Global City, yung 2 Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan na babae na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Pasay City, yung naaresto na Imperial citizen dahil sa pagdadala ng baril at hinihinalang shabu, bukod pa sa may kasong rape din daw laban sa kanya
  • yung paglaganap daw ng sexually transmitted diseases sa mga POGO community
  • sa Parañaque City, yung nahuli na Imperial citizen na sangkot sa online sex trafficking, na nangta-trap ng mga biktima gamit ang modus na pagha-hire para sa modeling
  • sa Pampanga, yung nahuli na POGO company na wala namang permit, kung saan sapilitan daw na pinagtatrabaho ang mga tauhan nila na Imperial citizen
  • sa Cainta, Rizal, yung nasa 70 Imperial citizen na POGO workers bukod pa yung bilang ng iba pang mga dayuhan, na nasagip daw mula sa mapang-abusong POGO company
  • sa Maynila, yung naaresto na 4 na Imperial citizen na suspek daw sa kidnap-for-ransom laban sa 3 kapwa nila Imperial citizen
  • sa Porac, Pampanga, yung nahuling 7 Imperial citizen at 2 lokal na mamamayan na mga suspek sa pagdukot sa isang Imperial citizen
  • sa Bacoor City, Cavite, yung 4 na Imperial citizen na nahuli dahil sa pagdukot nila sa kapwa nila Imperial citizen, nahulihan din daw ng mga ilegal na armas yung mga kriminal
  • sa Pampanga, yung nasa 43 na Imperial citizen na nasagip mula sa isang offshore facility na h-in-old daw ng kapwa nila Imperial citizen para mahingan ng ransom ang kanilang mga pamilya
  • yung nahuli na 3 Imperial citizen na sangkot daw sa pagdukot sa lokal na mamamayan para ibenta sa POGO na may kinalaman sa kaso na ini-reveal nung isang Senadora
  • sa Taguig City, yung 2 Imperial citizen na nang-holdap at nangikil, na noong nahuli na ay nakuhanan din daw ng ilegal na droga
  • sa social media, yung mga basurang Imperial citizen na ipinagdiwang ang assassination laban sa matino naman na dating pinuno ng Japan
  • yung marunong na rin ang Imperyo na gumamit ng mga pilotless na mga aerial vehicle
  • sa may Pag-asa Island daw, yung mga Imperial Coast Guard na sapilitang inagaw yung debris na nakuha ng Philippine Navy
  • sa Ayungin Shoal, yung barko ng bayan na tinutukan daw ng LASER ng barko ng Imperyo
  • sa Ayungin Shoal nitong January 2023, yung muling pagtataboy ng Imperial Coast Guard sa mga lokal na mangingisda ng bayan
  • sa Zambales noong January 2023, yung bangka ng mga lokal na mangingisda na nakaladkad daw ng Imperial vessel
  • yung pinapalabas ng Imperyo na ibang nasyon ang nagko-cause ng mga gulo sa karagatan na naipangalan sa kanila
  • yung pasaring ng Imperial embassy na kesyo USA daw ang nagpapasimula ng gulo
  • yung mga spy balloon ng Eastern Empire, na ang isa ay nakita sa USA
-----o0o-----


February 11, 2023...

sa Cagayan de Oro City..
sa mismong kampo ng militar..
yung 4 na napatay at 1 sugatan na sundalo matapos daw pagbabarilin ng kapwa nila sundalo habang sila ay natutulog..
napatay naman daw yung suspek ng kapwa din nila sundalo...

is feeling , ang dami na ng mga nagpapatayan sa inyo, pero isolated case pa rin...??

---o0o---


February 12, 2023...

[Natural Calamities]

sa ibaba..
pa rin..
malakas na nasa Magnitude 6 na lindol..
doon pa din sa area ng Davao Occidental...

is feeling , mukhang naka-schedule na talaga ang katapusan ng mundo...??

---o0o---


February 13, 2023...

sa Ayungin Shoal..
yung barko ng bayan na tinutukan daw ng LASER ng barko ng Imperyo...

is ⚠ feeling , imperyo, impiyerno...


>
sa Laguna..
yung 3 na nahuli dahil sa ilegal na droga, kabilang ang 1 pulis...

is feeling , hindi natigil, dahil peke naman yung giyera...


>
sa Davao del Norte..
yung drug den kung saan 8 ang nahuli, kabilang ang 2 sundalo at 1 empleyado ng munisipyo...

is feeling , tagumpay daw yung giyera...??


>
yung mga mambabatas na dumidiskarte na naman ngayong early 2023 para baguhin ang saligang batas..
para lang paboran ang gusto nilang dami at haba ng panahon ng panunungkulan...

is feeling , mga gahaman sa kapangyarihan...


>
mukhang hindi pa rin nakukuha ng media at ng mga tao yung estilo..
nagsasalita sila, yung mga bagay na gustong marinig ng mga tao..
pero hindi necessarily ganun ang activities nila sa likod ng eksena..
pasimple o di kaya palihim ang operations nila..
tapos magugulat na lang ang mga tao na nakukuha na nila yung totoong gusto nila na result...

is ⚠ feeling , puros verbal manipulation lang...

---o0o---


February 14, 2023...

sa Bonifacio Global City..
yung 2 Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan na babae na nahuli sa buy-bust operation...

is feeling , mag-bestfriends na lahi nga talaga.. pare-parehas lang na mga kriminal...

---o0o---


February 15, 2023...

[Natural Calamities]

sa bandang gitna..
nasa Magnitude 5 na lindol..
sa may area ng Masbate...

is feeling , gumitna...


>
yung nagtaas na ulit ang presyuhan ng mga basic na tinapay... 🙁

is feeling , fastest rising in Asia.. ang mga presyo...


>
yung napasok na rin ang bayan ng COVID-19 Omicron subvariant XBF...

according sa huling pasyente sa amin, wala na daw contact tracing na nangyayari..
wala ring testing sa mga direct contact ng pasyente..
basta kung sino man ang makaramdam ng medyo seryosong symptoms eh sila lang ang inaasikaso...

is feeling , bahala na system...


>
sa Pasay..
yung estudyante ng De La Salle University na biktima ng hazing ng mismong fraternity kung saan kasapi ang kanyang ama..
kaya ngayon ay kakasuhan na nila yung grupo...

is feeling , mga kriminal lang ang nakakaramdam ng uhaw na makapanakit ng mga inosente...

---o0o---


February 16, 2023...

[Natural Calamities]

umulit sa gitna..
nasa Magnitude 6 na lindol na..
doon pa din sa area ng Masbate...

is feeling , lumakas pa...

---o0o---


February 18, 2023...

[Natural Calamities]

sa itaas naman..
nasa Magnitude 5 na lindol..
sa may area ng Zambales...

is feeling , dapat lang...


>
sa LRT 1, Cavite extension project daw..
yung mga bagong bagon na binili kaagad noon kahit na hindi pa naman tapos ang riles..
kung saan 80 ang natuklasang may water leak...

is feeling , money flow technique...


>
yung mga mambabatas na gustong protektahan ang nagpasimuno sa War on Drugs mula sa imbestigasyon ng International Criminal Court..
na para bang wala talagang nangyari na mga kuwestiyonable na patayan...

is feeling , protektor...


No comments:

Post a Comment