Loveless Story
February 4, 2023...
matagal nang given yung pagiging loser ko..
kaya ang goal na lang sa bandang huli ng buhay ay kung paanong hindi ka mabubura ng FATE sa brutal na paraan...
is 💀 feeling , pati ba naman katapusan eh kailangan pa talagang pagkagastusan...
---o0o---
February 6, 2023...
[Gadget-Related]
kagabi, bumigay na ulit ang graphics card ko during operation..
same case gaya ng dati..
indoor setting at iba pang assets na dati na niyang kayang i-render nang matino ang percentage ng result..
pero ngayon nga ay nagre-result na sa pag-crash ng graphics card, kung saan nawawalan ng signal para sa monitor..
tapos wasak pa yung display sa monitor noong ma-reset ko na...
wala na..
lahat na lang kailangang mawasak sa akin..
wawasakin nito ang trabaho ko..
ibig sabihin na wala na akong mare-render na indoor setting simula kahapon...
is feeling , walang katapusang pagdurusa sa kamay ng FATE...
---o0o---
February 7, 2023...
[Pets / Pests]
anak ng..
after ng general cleaning..
inatake naman ang kuwarto ko ng daga... 🙁
bakit ba kuwarto at mga gamit ko na lang palagi ang napepeste sa loob ng bahay namin..?
saradong-sarado yung kuwarto, pero nakatalon pa sa cabinet..
lagi na lang kailangang mawasak lahat ng may kinalaman sa akin... 🙁
is feeling , pest summoning technique...
>
[Gadget-Related]
sunud-sunod na mga kamalasan... 🙁
2 beses bumigay kanina ang graphics card ko..
hindi na lang during rendering..
pero kahit during render preview lang..
dahil dun mga nasa 4 na beses na kinailangan na ma-reset ang computer ko improperly, dahil sa kawalan ng display...
kapag tuluyang nawasak ang graphics card ko..
ibig sabihin na mawawalan na rin ako ng paraan para makapagtrabaho... 🙁
t*ng ina kayo..
Dream Date ang target ko sa pag-iipon..
pero talagang tina-target nyo na naman na wasakin..
wala akong savings para sa graphics card dahil hindi ibinabalik nung put*ng inang babae na 'yon ang pera ko... 🙁
is feeling , uunti-untiin ako, hanggang sa mag-decide na lang ako na tapusin na ang lahat...
---o0o---
February 8, 2023...
magaling lang ako sa isang bagay..
at iyon ay ang paggawa ng mga kapalpakan..
kaya ano bang pwede kong maging trabaho kung saan kapalpakan lang ang ginagawa...??
is feeling , payaso na laging nasasaktan sa perya bilang joke...??
>
[Game]
araw-araw na rasyon ng mga kamalasan.. 🙁
so tinanggal na ng management ang RON reward para sa SLP/WETH pair sa staking..
yung Php 50 na pwede ko sanang kitain for every almost 6 months, habang hindi na naglalaro nung game, eh inalis pa nila..
samantalang nalugi na nga yung investment ko doon from USD 40 down to USD 7 na lang...
napuwersa tuloy akong lumipat ng pair, habang nasa USD 7 na nga lang ang halaga ng puhunan ko..
ang problema pa nito..?
medyo mataas ang palitan ngayon ng RON..
kaya naman delikado na lalong mawalan ng halaga yung investment ko in case na bumagsak na ulit ang palitan ng RON in the future...
is feeling , nasayang ang pinaghirapan ko sa scholarship...
>
[Gadget-Related]
kagabi ko na lang ulit binuksan ang system box unit ko..
inalis ko pa yung graphics card..
tapos nagbawas na rin ng alikabok hanggang sa makakaya ko, kahit na wala naman akong air duster..
wala namang kakaiba doon sa graphics cards, pero ini-lock ko na siya doon sa motherboard nang maayos...
nag-install na rin ako ng GPU-Z para sa monitoring ng graphics card..
ang problema kasi walang ipinapakita na mga numero ang Daz..
hindi sinasabi kung gaano kalaking memory ang kailangan para sa kung anong operation..
nag-observe din ako ng temperature during Iray preview, pero hindi din naman siya sobra-sobrang umiinit o lumalagpas sa average...
basta sa ngayon..
balot ako ng takot sa trabaho..
wala namang nae-experience na problema yung graphics card during average use..
pero basta nga bukas na yung 3D program, natatakot na ako kung kailan ba siya ulit bibigay..
kung kailan siya mawawasak..
at kung kailan na naman malalagasan yung iniipon kong budget para sa Dream Date... 🙁
is feeling , sana nga yung lock lang ang naging problema...
---o0o---
February 10, 2023...
[Medical Condition]
heto..
3 months nang pabalik-balik ang ubo ko.. 🙁
ni hindi ko nga alam kung ito pa rin yung dati kong ubo form last November..
o kung paulit-ulit lang talaga akong tinatamaan ng ubo...
is feeling , basta basura lahat ng gamot sa ubo sa panahon na ito...
-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference 2023
February 4, 2023...
simula na ng panibagong digmaan..
magandang simula para sa Creamline kahit na pahinga muna si Baldo..
sa bagay, maganda din naman talaga ang chemistry nung ibang starting players kahit na wala siya..
AVC mode lang...
is feeling , good start para kina Morado at Galanza...
---o0o---
February 9, 2023...
nakukuha na pala ni Caloy ang dual direction na attack style ni Galanza..
kaya naman mas lalawak pa ang variety ng mga atake nila..
the usual Creamline..
aggressive sa opensa, pero madami kung mag-errors..
practice lang talaga ang makakahubog sa kanila..
basta AVC mode lang dapat sa lahat ng match..
itrato ang bawat kalaban bilang mga international team..
speed ball play ang totoong objective..
is feeling , nairaos na rin nina Morado at Galanza ang 2nd game ng team...
-----o0o-----
February 4, 2023...
[Trade]
anomaly na naman... 🙁
halos stable lang ang galaw ng Bitcoin sa mababang level..
nabawasan pa ng trading volume ang DREP..
pero sa kung anong mala-malignong dahilan eh nagpa-pump pa ang DREP matapos kong magbenta..
so far USD 12 na yung nakalagpas sa akin...
ganun na naman..
nagbenta ako, tapos itinaas na ulit nila ang level nung asset...
is feeling , wala na talaga 'tong pag-asa.. lutung-luto na para sa impiyerno...
---o0o---
February 6, 2023...
[Trade]
gaguhan na talaga 'to.. 🙁
noong isang araw..
pababa ang Bitcoin..
hindi lumalaki ang investment sa DREP..
pero tuluy-tuloy lang na umangat ang palitan niya..
dahilan para hindi na ako makapasok ulit sa palitan...
hanggang sa inabot na niya yung totoong target ko sa auto-sell..
noon na pumalo yung trading volume niya from USD 2 Million plus hanggang 7 Million plus..
USD 20 yung na-miss ko nang dahil dun..
at USD 25 pa nga para sa maximum na naabot niya...
sobrang manipulado ng FATE ang lahat laban sa akin..
ito na yung pinakamalinaw na ebidensya ng pakikialam nila..
ngayon lang ako nakakita ng decoupling kung saan pababa ang Bitcoin, pero patuloy sa pag-angat ang isang asset nang steady lang ang trading volume niya..
sinigurado nila na hindi ako makakabalik sa trading, bago nila hayaang mag-pump ulit yung asset...
is feeling , anong laban ko kung anomalous na yung activity ng asset...??
>
[Trade]
noong nag-crash ang market last November..
naglista ako ng 11 na assets mula sa watchlist ko, na may mataas na kakayahan ng 100% recovery or more..
sa kanila ko sana planong tumaya para makabawi..
at nagawa na nga ng iba sa kanila..
yung iba eh almost doubled lang, pero hindi pa lumalagpas sa 100%..
kaso nagawa nila iyon nang wala ako..
habang nasa pagkalugi pa rin ako... 🙁
UFT nasa 100% increase..
PERP nasa 100%..
JOE nasa 100%..
PLA nasa 100%..
at GMT na pumalo nga sa 200%...
ako naman..
heto..
sablay na naman ang pasok..
napamahal na naman..
at USD 4 kaagad ang napakawalan ko sa araw na ito...
is feeling , nagkakaroon ng anomaly sa asset kung nasaan ako...
---o0o---
February 7, 2023...
[Trade]
sablay na naman ako..
this time, parehas nang DREP at FIDA ang inilayo sa akin... 🙁
mababa ang market kaninang umaga..
pero hindi kasing-baba ng dati..
okay din naman ang naging pasok ko sa DREP..
kaso mali na naman ang basa ko sa Bitcoin..
mahina ang recovery ng Bitcoin noong una, pero parehas na malakas ang sa FIDA at DREP...
USD 8 yung unang nakawala sa akin sa FIDA..
na nasundan pa ng USD 7..
malaki naman yung napakawalan kong opportunity sa DREP na padalawang beses nang inaabot yung goal go right after ng exit ko, na nasa USD 18..
padalawa ko na sanang USD 20 in just 2 days...
matagal na sana akong nasa USD 300 plus kahit papaano.. 🙁
kung mawawala lang sana ang kamalasan ng buhay ko...
is feeling , sa susunod, kailangan nang mag-stick sa totoong target...
---o0o---
February 9, 2023...
[Trade]
walang katapusan na anomaly... 🙁
bumaba ang Bitcoin..
triple crash..
higit sa kalahati ng trading volume ng DREP ang nawala..
pero nasa USD 0.03 lang ang nalagas sa kanyang palitan, at ni ayaw ngang bumaba sa safe trading point na tinatayaan ko dati.. 🙁
samantalang less than half lang ang nawala sa trading volume ng FIDA..
pero umabot sa USD 0.06 ang ibinaba ng palitan niya, dahilan para malugi na naman ako nang husto...
walang ibang dahilan..
kundi ako yung may dala ng kamalasan.. 🙁
lahat ng desisyon ko magiging mali..
mawawasak lahat ng magkakaroon ng kinalaman sa akin...
is feeling , ang sarili kong impiyerno...
---o0o---
February 10, 2023...
[Trade]
after akong mahatak pababa sa ilang crash ng Bitcoin kahapon..
nadali naman ako ngayong araw ng bad news sa merkado..
kaya lalo pang bumagsak ang mga palitan...
nakagawa kanina ng USD 0.05 na pump ang FIDA..
malaki na iyon, kaso kapos para ma-recover ko lahat ng mga nalugi sa akin..
sinusubukan pa rin naman nila na i-pump ang FIDA..
kaso hindi nakakatulong ang pagbagsak ng Bitcoin..
kaya naman kailangan ko pang maghintay ng iba pang pump...
is feeling , kung pumaltok lang sana siya sa USD 1.50 gaya noong last time.. edi sana nakalaya na ako...
No comments:
Post a Comment