Sunday, February 26, 2023

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of February 2023 (Broken Traces)

Loveless Story


February 19, 2023...

so heto, unemployed na ulit ako.. 🙁
tigil na muna sa project #24, after 12 days na natrabaho ko siya..
with 23 scenes + 3 ready-made pages..
plus 3 bonus materials din...

LiveKernelEvent 117 lang noong mga unang beses..
pero kanina ay LiveKernelEvent 141 na..
hindi maganda ang sitwasyon..
problema na ng computer ko yung namamatay na graphics card noong luma pa ang driver niya..
pero pagkapalit ko naman ng graphics card at latest driver, eh lumalabas naman na madami ding issue yung bagong driver..
ang hirap na tuloy matukoy kung ano ba talaga ang problema ni Unit 02... 🙁

sa ngayon motherboard muna ang gamit ko para sa graphics..
kusa siyang nag-update para ma-enhance ang dimension ng display...

sayang lang kasi mabilis pa naman ang computer ko..
halos wala ngang pinagbago pa sa performance niya..
okay pa din ang power supply..
kaso hindi na lang talaga pwede para sa klase ng trabaho ko... 🙁

is 💔 feeling , paalam.. wala na akong patutunguhan pa...


>
let's see...

Php 60,000 yung original na budget para sa Dream Date..
pero kailangan ko sigurong iakyat sa Php 80,000 dahil sa chaperone...

Php 56,700 sa bangko..
Php 3,500 sa dollar account..
Php 3,000 sa electronic wallet..
Php 8,000 on hand..
Php 71,200 total...

kaso lumobo pa nga ang mga bayarin ko sa SSS at PhilHealth... 🙁

kung hindi ko pala ginastos yung Php 11,000, eh nasa Php 82,200 na dapat ako..
sayang..
sayang kasi lumalabas na wala naman palang silbi yung binili kong component... 🙁

pagod na akong lumaban.. 🙁
plano kong umasa na lang sa mga natitira kong tapos na project para mabawi lahat ng mga mawawalang pondo..
habang tumataya nang tumataya sa Lottery..
abot hanggang December 2023 yung project #23 ko para doon sa platform..
tapos 5 naman ang unreleased projects ko..
hindi ko alam kung hanggang saan ako madadala ng mga natitira kong projects...

is 💔 feeling , hanggang dito na lang ako...

-----o0o-----


February 20, 2023...

[V-League]

PVL All-Filipino Conference 2023

nakakalungkot lang yung nangyari sa huling laban ng Creamline..
kung saan natalo sila..
tapos pagdating sa mga balita eh akala mo eh malinis yung naging pagkapanalo laban sa kanila... 🙁

panalo na pala dapat sila sa match dahil sa net touch violation ng kalaban..
pero ang nakakapagtaka..?
wala man lamang sa mga referee ang pumuna doon sa violation..
remember na 2 ang referee sa tapat ng net..
kita pa sa video na nakatingin ang first referee sa nangyayari malapit sa net, sa may gitna..
ang isa pang kuwestiyonable..?
may mga nakakalusot nga na net touch violation kapag pataas lang ang mga braso ng blocker..
pero sa kaso ng block laban kay Domingo ay tumawid ang kamay ng blocker sa kabila ng net, kaya imposible na hindi iyon napansin ng maalin sa mga referee, na gumalaw din yung net matapos yung block, dahil trabaho nila iyon eh...

to make things worse..?
wala din sa panig ng Creamline players at coaching staff ang nakapansin nung violation...

but then again, trabaho iyon ng mga referee..
at sila ang nasa tapat mismo ng net...

is feeling , nakakarumi lang yung mga supporters na nagsasabi na okay lang na may mali sa sistema, para lang masabi nila na nananalo ang team nila...

-----o0o-----


February 18, 2023...

[Gadget-Related]

2nd revival..
gumana na ulit yung GTX 1650 after ng sfc/scannow at BIOS update...

pero under observation pa ang lahat..
kapag bumigay ulit ito pagbalik ko sa trabaho, then wala na talaga akong pag-asa...

is feeling , pakiusap.. kailangan ko lang makapagpatuloy sa trabaho para sa Dream Date...

---o0o---


February 20, 2023...

[Gadget-Related]

after a few months, nangyari na naman...

so nag-send sa akin ng code para sa Two-Factor Authentication (2FA) ang Facebook..
nag-double send pa nga eh..
tapos sa financial mobile number ko pa... 🙁

pero hindi nga kasi ako nag-a-activate ng 2FA sa account ko..
ni hindi nga naka-link ang financial mobile number ko sa kahit na anong social media account lang..
kaya ang tanong ay sino o saan ba nagkakamali..?
ang Facebook ba..?
o Globe ba..?
o may clone nga ba ang number na gamit-gamit ko..??
kasi imposible na nagkamali lang ng input ng mobile number yung Facebook user, dahil SMS verification kaagad ang kasunod nun...

is ⚠ feeling , parte ba ng mga kamalasan ko ang clone ng mobile number ko...??

---o0o---


February 21, 2023...

[Trade]

noong isang araw, nabawi ko na lahat ng nawala sa aking pondo since January..
nasa USD 28 iyon..
hindi ko lang maiwasan na maisip na kung hindi sana ako nalugi noon, edi sana nasa USD 212 na ako sa ginagawa kong recovery ngayon...

kaso naiwanan na ako ng FIDA at DREP..
mas mataas na sila kumpara sa safe zone nila, kasabay ng pagtaas ng Bitcoin..
kaya naman wala na akong matayaan ngayon...

is feeling , ang lesson..? basta nasa USD 0.2 to 0.3 ang FIDA at nasa USD 0.3 ang DREP, ay huwag matakot na mag-trade...


>
[Gadget-Related]

studying compatibility..
ang matagal ko ng problema..
sa pagtakbo ng panahon, laging nagbabago ang mga software..
laging nagbabago ang mga hardware..
at laging maiiwanan ang mga hindi kayang sumabay sa gastusin... 🙁

basically, tumakaw ang system pagdating sa memory sa bawat update ng Daz Studio at sa bawat imbento ng mga panibagong graphics card..
yung mga bagay na gumagana naman nang maayos dati, hindi na pwede o hindi na pulidong gumagana para sa mga bagong version...

BIOS..
operating system..
other computer components..
graphics card..
Nvidia Studio driver..
Daz Studio version..
lahat sila kailangang balansehin para makabuo ng sistema na gumagana...

is feeling , ang daming oras na ng nagagamit ko...

---o0o---


February 23, 2023...

[Trade]

gumawa ng pump ang FIDA kaya naka-exit na ako ngayong araw..
ang nakakalungkot..?
mataas sana yung naabot niya, at kumita sana ako..
kung hindi lang sana pa-crash ang direksyon ng Bitcoin... 🙁

napakawalan ko pa yung unang pagkakataon para kumita ng konti sa exit, kasi na-late ako dahil sa dinner...

pero ayun nga..
kinuha ko na rin yung tsansa na maka-exit sa ikalawang pagkakataon..
kahit na USD 1 lang yung kinita ko...

USD 20 yung naging recovery ng FIDA mula sa previous crash dahil sa Bitcoin..
pero dahil nga may nagpa-pump sa kanya kanina, eh nakagawa din siya ng quick recovery na nasa USD 11..
USD 31 na sana..
pero wala talaga akong mapakinabangan... 🙁

is feeling , wala akong makuhang magandang kapalaran dahil sa taglay kong malagim na kamalasan...


>
[Gadget-Related]

gaano ako kamalas...?? 🙁

naloko ako ng FATE para bumili ng bagong graphics card, kasi gumagana pa naman noon yung PCIe slot..
kanina sinubukan ko ulit siyang buhayin..
pero kanina ko lang napansin na may kakaiba sa traces ng PCIe slot ko..
at talagang yung mga nasa Key part pa, o yung supplier ng power ang wala sa posisyon..
mga 4 yata iyon na wala sa tamang lugar ang conductor... 🙁

ang problema..?
hindi ko alam kung anong nangyari dun..
maingat naman ako sa pag-aalis at paglalagay ng mga graphics card ko..
kaya hindi ko maipaliwanag kung bakit ganun na yung posisyon ng mga trace na yun ngayon..
dati na ba siyang nagkaganun, kaya nagmukhang nasira yung GT 730 ko..?
o ganun lang ba sila kadaling nasira dahil lang sa pag-aalis at paglalagay ko ng mga graphics card..?
kasi base sa napapanood ko sa mga tutorial, eh di hamak na mas hindi maingat yung mga paggalaw nila...

t*ng ina..
Php 11,000 na pagtatapon ng pera..
ito ba ang plano ninyo, FATE..??
sana tumuloy na lang ako sa Dream Date at kinalimutan na ang lahat... 🙁

is 💔 feeling , put*ng ina.. rare case..? pero nangyari sa motherboard ko...??

---o0o---


February 24, 2023...

[Trade]

nangyari na naman..
kahapon nga, pump nang pump ang FIDA..
kaso paulit-ulit naman ang crash ng Bitcoin..
kaya sa padalawang pagkakataon na pwede na akong mag-exit, eh ginawa ko na nga...

pero nag-decoupling na naman ang FIDA pagsapit ng madaling araw..
ang laki ng nadagdag sa trading volume niya..
hindi man maximum, pero nagising sana ako kanina sa isang magandang umaga..
USD 44 din yung nakawala sa akin mula doon sa mataas na entry point ko..
na umulit pa by USD 22 ngayon lang umaga... 🙁

ang tanong..?
bakit hindi nangyayari yung ganun kung kailan nandun pa ako sa asset..?
napaka-lubha ng Reverse Midas ko..
pinabagsak niya ang buong market noong pumasok ako..
h-in-old ang palitan habang nandun pa ako, kaya nandun yung impression na mahihila lang ulit siya kapag bumagsak na naman ang Bitcoin..
pero biglang nag-Curse Release nang maibenta ko na yung assets ko... 🙁

at ang worse news..?
gaya ng DREP, pinataas nila ang FIDA sa unsafe zone..
dahilan para hindi ko na din siya magamit sa recovery attempt ko... 🙁

mag-Reverse Copy Trader Broker kaya ako..?
sasabihin ko kung anong cryptocurrency ang aangat, pero hindi ako doon mag-i-invest para hindi gumana ang Reverse Midas ko..
hahayaan ko lang ang mga copy trader na masulit ang magandang kapalaran na hindi ko pwedeng matamasa, kapalit ng porsyento...

is feeling , bulok ang FATE ko...

---o0o---


February 25, 2023...

[Gadget-Related]

gaano ako kamalas...??

ultimo yung technician sa computer store eh hindi pamilyar sa kaso ng computer ko..
sinabi ko na ngang nawala na sa tamang alignment yung ilang traces sa PCIe slot ko..
pero iginigiit niya talaga na baka power supply ang may problema... 🙁

heto nga o'..
araw-araw kong gamit ang power supply ko..
kasi gumagana naman lahat ng iba pang parts ng motherboard ko...

ayun nga..
galing ako kanina doon sa store para ipa-test yung graphics card ko na nabili sa kanila..
at nakapasa naman siya sa stress test..
kaya kailangan ko lang ngayon ng buyer para sa kanya...

pagkauwi..
sinubukan kong i-realign yung traces ng PCIe slot ko..
nagawa ko namang igalaw lahat..
kaso hindi na sila maibalik sa tama nilang mga porma..
isa din dun sa 5 traces ang hindi na rin talaga mailabas sa bandang gitna yung conducting part niya..
so i think delikado nang ipilit pa yung graphics card, dahil sa power source pa talaga sumablay yung mga conductor... 🙁

Unit 02, bakit naman ganito..?
bakit sa lahat ng pwedeng maging problema, talagang yung rare case pa ang tumama sa akin..?
pwede namang graphics na lang ang nasira muna..
pero bakit yung mismong PCIe slot pa..??
nag-iisa pa naman 'yon para sa klase ng motherboard na meron ako...

is 💀 feeling , para lang mawasak lahat sa buhay ko..? talagang rare case ang ipinarusa ninyo sa akin...


No comments:

Post a Comment