Loveless Story
January 28, 2023
[Gadget-Related]
palpak yung plano..
walang naisalba yung natitirang standard SIM compatible na phone dito sa bahay..
hindi niya mabasa yung lagpas 12 years kong SIM...
dahil sa kamalasan na 'to, delikadong ma-lock ang 2 online account ko na mahilig magpadala ng mga access code sa mobile number... 🙁
is feeling , walang lunas sa malas na buhay...
---o0o---
January 29, 2023...
[Gadget-Related]
gumana na yung PayPal..
kinailangan lang na burahin yung inactive mobile number, para kilalanin ng system yung dati nang verified na primary number...
kaso may iba pang natitira na challenging na account..
Google..
PSBank..
SSS..
pwede ko na rin sigurong gamitin yung private number ko para sa bangko ko..
pero kailangan ko ng bagong SIM para doon sa iba pa, lalo na't lumalabas in public yung mga details sa gobyerno..
kailangan munang mag-register ng SIM, bago makapag-update ng contact number para sa mga account...
is feeling , ang daming abala...
---o0o---
January 30, 2023...
[Gadget-Related]
maganda sana at mas matipid yung GoMo..
dahil nga no expiration yung feature niya..
hindi na rin kailangan na dumaan sa SIM registration, dahil parang registration na rin yung pag-order nung SIM..
bagay na hindi maisip ng Globe para sa mga GCash user nila...
kaso..
hindi taga-dito yung kompanya ng GoMo..
bale parang may deal lang sila sa Globe, dahil yung network ang ginagamit nila dito sa loob ng bayan..
kaya ang tanong ay paano kung biglang umayaw na yung service provider dahil sobrang financially practical yung service nila..?
sinong magtutuloy ng service nila kung ganun ang mangyayari...??
is feeling , akala ko Globe, hindi pala...
---o0o---
February 1, 2023...
nakadaan na sa SIM registration ng Globe..
mabilis naman..
kaso hindi pa akin yung SIM...
sana huwag malasin kapag panahon ko na ng registration...
is feeling , nakabawas na ng 1...
>
put*ng ina ang SSS..
hindi lang pala sila nagtaas ng rate of contribution sa 14% ng kita..
tinaasan din nila ang minimum bracket para sa mga self-employed para lang malaki ang kanilang makuha mula sa mga members...
put*ng inang buhay 'to..
pagod na pagod na ako..
t*ng ina, may mga buwan na zero ang pasok sa akin ng pera..
tapos Php 510 kaagad ang dagdag sa kinukubra nila...?
hindi talaga ako nakadisenyo para mabuhay.. 🙁
lahat na lang nakadisenyo para lalong paliitin ang chances of survival ko..
more than 2 years na lang ng mga pagtitiis...
is 💀 feeling , kaliwa't kanan ang mga demonyo sa buhay ko.. lubos na kamalasan...
>
t*ng ina..
tinapos talaga nung p*ta ang January nang hindi siya naghuhulog para sa utang niya...
bakit ko kailangang pagdaanan ang mga kademonyohan na 'to...??
is feeling , mga hayop kayo...
---o0o---
February 2, 2023...
[Gadget-Related]
nakabili na ng mga bagong SIM..
hindi ko pa nate-test kung nagana nga ba..
pero tri-cut naman..
2024 ang expiration...
bukas maglalaan ng oras para sa registration..
sa free time ko..
wala na lang muna ulit siesta...
akala ko kung ano yung eSIM..
baka kako aksidente akong makabili..
embedded SIM pala 'yon...
is feeling , puwera kamalasan sa oras ng registration ko...
---o0o---
February 3, 2023...
[Movie]
nanood muna ng movie..
para makabawas naman kahit papaano sa 10 nasa listahan ko...
Justice League Dark: Apokolips War
dark DC..
first time kong makapanood ng brutal na DC, pero mas makatotohanan ang mga laban dahil dun..
dahil lang sa mga Paradooms, nabago nang husto ang takbo ng digmaan..
naging basura si Superman, kaya ano nga naman ang magagawa ng iba pang mga heroes..
si Constantine ang pinaka-bida..
nagsanib din ang mga heroes at villains para subukang iligtas ang Earth..
pati si Trigon kinailangan nilang pakawalan para makatulong sa kanila, god versus new god...
sa bandang huli, wala ring naging pag-asa ang Earth..
dahil sa papawasak na rin siya..
kaya napilitan din silang pakialaman ang takbo ng panahon...
is feeling , nakakalungkot yung mga ganitong superhero film...
>
nakatapos na sa SIM registration..
lahat ng 4 na mobile number ko..
naging mabilis naman lahat ng proseso para Globe at Smart..
kahit pa phone lang ang gamit...
nakakaasar lang isipin na kailangan kong magpa-register ng dating number para lang sa patuloy kong paniningil ng utang..
demonyong babae na 'yon..
ini-extend ang mga paghihirap ko nang dahil sa kanya..
hinihintay akong mawalan ng buhay para lang maging sa kanya na yung pera ko... 🙁
tapos..
nakakapanghinayang din yung mga mae-expire kong load..
nasa lagpas Php 100 din yun para doon sa 3 SIM na hindi ko na gagamitin..
tinanggal pa naman ng Globe ang service nila para sa pagse-share ng load..
sistemang pang-gahaman..
saktong-sakto para sa patakaran ng SIM regisration...
is feeling , updating naman ng lahat ng accounts ang kasunod...
-----o0o-----
January 28, 2023...
[Trade]
lost opportunity na naman..
USD 10 sa DREP..
USD 22 sa AGIX..
bukod pa sa nalugi pa nga ulit ako... 🙁
no choice..
nag-exit nang lugi by USD 30..
nasayang lahat ng mga nabawi kong halaga noong mga nagdaang araw..
aasa na lang ngayon sa 100% plus na recovery...
wala nang makakapagligtas sa akin..
kundi LUNC pump..
o ang manalo sa Lottery..
pero lahat ng baraha ay nasa panig ng kamalasan... 🙁
is feeling , tapos heto.. hinahatak na din sa impiyerno yung bago kong pusta...
---o0o---
January 29, 2023...
[Trade]
kung hindi sana ako yung minamalas, tatawanan ko 'tong nasasaksihan ko eh...
mali na naman ang entry point ko..
USD 2 na recovery kahapon..
pero biglang nag-dip..
mula naman doon sa dip, USD 6 sana na recovery ngayong araw, bago bumalik ulit sa dating entry point..
pero huli na noong naabutan ko yung mini pump at bumalik din ulit ako sa pagkalugi...
ang sarap kong basura, di ba...??
is feeling , FATE at its finest...
---o0o---
January 30, 2023...
[Trade]
USD 9 yung nasayang sa akin na pagkakataon sa FIDA kaninang madaling araw..
mataas pa ang Bitcoin kaninang umaga, pero yung FIDA eh paulit-ulit na bumabagsak kahit na tumaas naman ang kanyang trading volume..
then USD 7 yung nawalang pagkakataon nitong hapon..
nasa USD 8 yung kahapon, so dapat nasa USD 24 na yung nababawi ko sana ngayon para sa nalagas kong USD 30...
yung RON naman eh nasa 400% na ng dati niyang value..
ibig sabihin na yung USD 30 na huli kong inilabas mula doon sa laro..
eh nasa USD 120 na sana ngayon kung ginawa ko lang silang RON...
napansin ko din ngayong araw ang malaking hindi pagkakatugma ng values na nalabas sa website ng Binance kumpara sa app during spot trading..
kaya hindi 100% na reliable ang data na ipinapakita nila sa anumang platform...
tapos heto..
mali na naman ang re-entry ko..
napamahal na naman ako... 🙁
is feeling , laging malas...
>
[Trade]
gusto ko lang na lalo pang saktan ang sarili ko... 🙁
condsidering yung USD 860 na nakokolekta ko mula doon sa isinumpang laro..
base sa mga reliable assets na sinasakyan ko..
1000% pump para sa GMT..
300% pump para sa RSR..
700% pump para sa FIDA..
300% pump para sa GMT...
kung nagamit ko lang sana nang tama lahat ng pagkakataon na iyon na dumaan..
na dumaan nang harap-harapan sa akin..
lalo na yung unang pump ng GMT, at yung sa FIDA..
edi sana kumita na ako ng nasa USD 541,800..
o Php 27,090,000 kahit sa Php 50 na palitan lang...
pero hindi eh..
gumagawa ang FATE ng scenario para palabasin ako sa trade bago maganap ang mga pump..
as in konting panahon lang talaga bago maganap ang mga pump..
at ako pa nga yung nalulugi sa tuwing ginagawa nilang mali lahat ng desisyon ko...
is feeling , ganun na sana yung kinita ko mula sa gaming assets ko.. kung hindi lang sana talaga ako pinapaliguan ng mga kamalasan sa buhay...
---o0o---
January 31, 2023...
[Trade]
sablay na naman..
nag-attempt ng pump ang FIDA mula sa dip..
USD 12 naman yung napakawalan ko doon..
so dapat eh nasa USD 36 na yung nare-recover kong halaga..
nabawi ko na sana lahat ng nalugi sa akin recently..
makakabalik na sana ako sa short term trading..
kaso malagim lagi ang kapalaran sa tuwing nasa investment na ako..
nagloko ang Bitcoin at nanghila pababa noong ikalawang dip niya..
nakontra tuloy ang pagtaas ng trading volume at decoupling ng FIDA..
at mas malala na nga ang sitwasyon ngayon..
dahil bukod sa hindi na ako kumita, eh mas mababa pa ngayon ang palitan nang 2 level kumpara sa entry point ko...
is 💀 feeling , kontrolado ko ang mga bagay-bagay.. kaso sa masamang paraan...
---o0o---
February 2, 2023...
[Trade]
kahapon, nasa USD 7 yung napakawalan ko..
nasa USD 14 kaninang umaga..
tapos USD 4 naman yung kinapos sa akin sa bentahan kanina..
bale nasa USD 61 na 'yon ng wasted opportunities...
bukod pa 'to sa magandang performance ng DREP na sobra-sobra ko nang napapalagpas... 🙁
same old problem..
mas malakas ang hila ng Bitcoin pababa, kumpara kapag pataas, para sa kahit na anong asset kung nasaan man ako..
samantalang puros pataas lang ang galaw ng iba pang mga asset...
nag-exit ako kanina..
nag-pump kasi ang FIDA, kaso hindi sobrang lakas ng volume..
pababa na rin siya noong nagbenta ako..
kaso umakyat na ulit siya noong naka-exit na ako..
at ayaw na niyang bumaba, na naman, sa entry point ko...
is feeling , kailan ba tayo magpapanagpo..? iwas kayo nang iwas sa malas kong investment...
No comments:
Post a Comment