NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
kumusta na mga KaSabwat..?
handa na ba kayong ibaon ang bayan sa mga katiwalian..?
[Area]IsCorrupt...
lahat na lang kaya nilang nakawin at i-edit..
yaman..
utang na pondo..
pondo para sa ibang purpose..
pag-aari ng iba..
buwis..
penalty..
buhay ng tao..
patas na parusa ng hustisya..
credit sa pagkapanalo sa digmaan..
credit para sa mga projects..
academic achievements..
world record..
batas..
mga lumang content online..
mga content ng hindi nila kaalyado..
resources ng gobyerno..
pangalan ng mga katunggali..
pangalan ng mga artists..
pangalan ng mga bayani..
history..
basically, kaya nilang nakawin ang katotohanan... :(
is feeling , wasak na talaga ang mundo na ito...
---o0o---
noon, naniwala ako na sapat na ang mga history subjects sa school para wala ng mga mamamayan ang maloko..
naniwala ako na basta dumaan sa pag-aaral ang mga bata, at mabasa ang mga aklat ng kasaysayan ay makukuha na nila ang leksyon ng nakaraan..
in fact, naniwala pa nga ako na kahit na kulang na kulang pa ang mga detalye na nakalimbag, na sapat pa rin iyon para imulat ang kaalaman ng lahat...
pero nagkamali ako... 🙁
bago pa ang 2016..
hindi pa uso noon ang mga vlog, at mas kilala pa ang mga blog..
noon ko napansin yung mga kumakalat na FAKE history tungkol sa Dictator Clan, sa kayamanan nila, at sa angkan na bumili daw noon sa bayan..
pero hindi ko kailanman in-expect na magiging history nga iyon para sa maraming Panatikong Zombies..
hanggang sa lumala na nga nang lumala ang pagkalat ng FAKE content sa internet..
nagamit nila ang freedom of speech sa YouTube..
ang freedom of speech sa Facebook..
hanggang freedom of speech sa Twitter at sa iba pang mga social media platforms na walang control sa paglaganap ng FAKE content...
hindi ko kailanman naisip na muling babangon ang mga sindikato ng kasamaan..
na magiging isa sila..
para tuluyang palitan ang kasaysayan..
linisin ang kanilang mga record..
sa pamamagitan ng paghahabol sa kapangyarihan...
is ⚠ feeling , wala ng pag-asa ang bayan na ito.. masyadong malambot ang kabutihan.. kung nanaisin ng mga tao ng ganap na pagbabago..? kakailanganin na mamatay lahat ng mga kriminal at lahat ng kanilang mga supporters.. 'yon lang ang natatanging paraan...
---o0o---
natalo tayo sa War Against Misinformation... 🙁
hindi lang talaga ako makapaniwala na kaya ng social media na pagtakpan lahat ng mga nabistong kapalpakan at kasamaan ng sindikato.. 🙁
balewala ang mainstream news..
balewala ang kasaysayan..
balewala ang Commission on Audit..
balewala ang mga probe...
napatunayan ng social media na mas madami ang naniniwala sa kanila..
at na madami din ang umaasa lang sa mga sample ballots..
at magpapatuloy lang ang ganitong trend..
itutuloy lang ng mga social media farm employees ang trabaho nila, na gawing santo ang kanilang mga diyos-diyosan..
at gawing demonyo ang mga tutol sa katiwalian... 🙁
is feeling , katapusan na.. walang darating na archangel.. natural calamities na lang ang maghuhusga sa lahat...
---o0o---
daily prayer...
sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...
at sana maging maayos na ulit ang mundo...
is 💀 feeling , day 672...
-----o0o-----
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2021/06/gauging.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2022/01/defenders-of-tax-evasion.html
update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 502 + 500 + 215 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung dinoble nila ang naabutan nilang mga utang ng bayan
- yung pag-amin na nagkamali daw siya sa 6 months na promise niya tungkol sa ilegal na droga, may 6 daw kasi noon na PNP generals ang may kaugnayan doon sa trade
- yung pag-veto sa SIM card registration na patakaran dahil sa concern nila para sa registration ng social media accounts
- wala daw kasalanan yung mga management nung mga sabungan kung saan galing ang mga nawawalang sabungero, samantalang January pa may mga nagrereklamo pero hindi naman nakikipagtulungan ang mga sabungan
- yung pagbatikos na naman laban sa Senado dahil sa pagsita sa naging bentahan sa Malampaya
- yung lantarang red-tagging na mula mismo sa tuktok
- yung suggestion para sa mga Vice Mayor na ipa-ambush na lang ang mga Mayor
- yung requirement daw para maging Mayor na matuto munang pumatay
- yung pagtatanggol ngayon na kesyo wala daw nakaw na yaman ang Dictator Clan, pinapalabas din niya na bata pa noon yung tax evader para mapag-iwanan ng nakaw na yaman
- yung binigyan ng posisyon sa COMELEC yung abogado nung tax evader
- yung kaya pala hindi magawang mapanigan ang Ukraine laban sa Northern Empire, eh dahil pinagbabantaan ng Eastern Empire
- yung isang empleyado ng LGU sa Daet, Camarines Norte na arestado matapos na mahulihan ng hinihinalang shabu
- sa Masbate, yung SK Chairman na nahuli matapos na magbenta ng ilegal na droga para sa pulis na nagpanggap na buyer
- sa La Loma, Quezon City, yung nasa P800,000 na halaga ng hinihinalang ilegal na droga na nasabat sa buy-bust operation, 1 nasibak na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 4 na iba pa ang nahuli
- sa Manila, yung pulis na mula sa CALABARZON na nahuling tumataya sa online sabong, na kinasuhan ng illegal gambling at estafa
- sa Davao City, yung isang dating pulis na naaresto dahil sa kasong pangingikil, tumatanggap daw kasi siya ng recruitment fee mula sa mga aplikante ng PNP sa Davao region
- sa Palo, Leyte, yung 3 pulis na naaresto dahil sa kasong extortion, kung saan hinihingan daw nila ng pera yung babaeng dating nabilanggo bilang kapalit ng pagre-release ng motorsiklo na napunta sa kustodiya ng PNP
- sa Pampanga, yung nasa 10 pulis na inaresto dahil daw sa pagkakasangkot sa hulidap modus laban sa ilang mga sabungero
- sa Calamba, Laguna, yung pulis na miyembro ng Police Security and Protection Group na nahuling gumagamit ng nakaw na sasakyan
- sa Sto. Tomas, Batangas, yung Pulis-Laguna daw na nagnakaw sa isang gasolinahan na sangkot din daw sa ilang nakawan sa Laguna
- sa Oriental Mindoro, yung pulis na nalulong sa online sabong na nagtangkang magnakaw sa isang hardware store
- sa Angeles City, Pampanga, yung 8 pulis na nagpakilala bilang mga miyembro ng CIDG, at 3 iba pa, kabilang ang 2 Imperial citizen, na hinuli dahil sa kasong attempted robbery
- sa Caloocan City, yung 6 na pulis na inireklamo dahil sa pagnanakaw daw laban sa isang vendor
- sa Quezon City, yung 2 pulis at 9 na iba pa na inaresto dahil daw sa pagnanakaw sa warehouse ng isang negosyante na Imperial citizen yata iyon
- sa Laguna, yung mga pulis na itinuturo bilang dumukot sa ibang mga nawawalang sabungero
- sa Quezon City, yung pulis na nanutok ng baril laban sa isang lalaki, na may mga dati ng kaso at madalas daw manggulo kapag under the influence of alcohol
- sa General Emilio Aguinaldo, Cavite, yung mag-live-in partner na napatay sa pamamaril ng kanilang manugang na isang Kagawad
- sa Quezon City, yung pulis na nakainom daw ng alak, na namaril ng estudyante dahil lang sa problema sa kalsada
- sa San Fernando, Cebu, yung 3 na aktibong pulis at isang dating pulis na sumuko dahil sa pagpatay sa mag-asawa sa isang robbery-slay case
- sa Surigao del Norte noong year 2020, yung kaso nung napatay na Spanish national na suspected bilang drug-related, kung saan 3 pulis yung suspect sa kaso, at lumalabas na hindi naman nanlaban yung Spanish at tinaniman din daw ng mga ebidensya
- yung kaso ng nawawalang negosyante at pinatay na ahente niya, kung saan suspek ang 5 kabilang sa PNP-HPG ng Calamba
- sa Lanao del Sur, yung Barangay Chairman na dating Mayor na napatay matapos daw na manlaban sa mga awtoridad, hahainan lang daw sana siya ng kaso kaugnay sa paglabag umano niya sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act
- sa Romblon, yung Mayor, kasama ang nasa 200 pang katao, na naaresto dahil sa ipinagbabawal na sabungan
- sa Surigao del Sur, yung Vice Governor at ang kanyang maybahay na inaresto dahil sa kasong Estafa
- yung kandidato daw bilang Representative sa Palawan na nahuli dahil sa pag-i-issue ng talbog na tseke
- sa Quezon City yata iyon, yung inireklamo ng vote-buying yung babaeng related daw sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, na tumatakbo bilang Representative
- sa Ilocos Sur, yung komprontasyon sa pagitan ng kandidato sa pagka-Mayor at Barangay Captain na supporter ng ibang kandidato tungkol daw sa vote-buying, na nauwi naman sa pagkamatay ng 4 na tauhan nung kandidato sa pagka-Mayor
- yung breach daw sa partner ng COMELEC na Smartmatic
- yung video ng mga awtoridad na nagpupunit ng mga balota
- yung video kung saan mga awtoridad na ang nagsilbi daw na mga election officer sa presinto at may mass shading pa ng mga balota
- sa Quezon Province, yung chief volunteer ng isang kandidato na nawawala daw
- yung pamamaril laban sa Mayor ng Infanta, Quezon, na kilalang tutol sa pagpapatayo ng Imperial dam
- yung adviser na nagsusulong naman ngayon ng booster cards, samantalang may posibilidad daw na maging regular tulad ng flu vaccine ang mga COVID-19 vaccine
- yung planong gamitan na ng expiration ang mga vaccination cards
- yung 2nd COVID-19 booster shot na ang pinag-uusapan ngayong April pa lang, kasabay ng plano ng expiration para sa mga vaccination cards
- yung pagmamadali sa pagbaba sa Alert Level 2 sa panahon ng Omicron variant kahit na nasa 5 digits pa rin naman ang nade-detect na mga kaso araw-araw
- yung aalisin na rin yung No Vaccination, No Ride policy under Alert Level 2, na para bang magkaiba ang epekto ng virus sa tao sa iba't ibang Alert Level
- sa NCR, yung pwede na ulit isama sa public places ang mga bata, under Alert Level 2, samantalang sinasabi nila dati na delikado ang mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19
- yung planong gawin na lang once a week ang paglalabas ng report tungkol sa COVID-19 cases
- yung ang higpit-higpit nila dati tungkol sa mga health protocol, regarding testing, isolation ng mga may symptoms, vaccination, at ang pagre-require ng mga vaccination documents, pero walang halaga ang lahat ng iyon sa panahon ng Eleksyon 2022
- yung planong mag-donate ng mga malapit nang ma-expire na COVID-19 vaccines para sa ibang mga bansa
- yung nasa 3.6 Million daw na COVID-19 vaccines ang na-expire na
- yung sinasabi ng Bureau of Quarantine (BOQ) na nasa 300 na international travelers araw-araw ang nade-detect bilang mga COVID-19 carriers, pero meron pa ring mga may gusto na luwagan ang quarantine protocol para sa kanila
- yung aalisin na ang quarantine protocol para sa mga fully vaccinated na international traveler, na para bang 100% na gumagana ang mga vaccine upang hindi na maging carrier ang isang vaccinated na tao, at na para bang imposible na sa mismong biyahe sila makasagap ng virus
- yung muling pagsuway ng Cebu sa health protocol ng bayan, handa silang tumanggap ng mga unvaccinated na foreign tourist sa ngalan ng turismo
- sa airport, yung mga umuuwi na international travelers at ang mga sumusundo sa kanila na nilalabag na nang husto ang mga basic na safety protocol, wala ng physical distancing at yung iba eh nagbababa na rin ng face mask
- yung may na-detect ng kaso ng Omicron subvariant na nakapasok sa bayan, foreigner na nagpunta daw sa Baguio ang carrier
- sa Puerto Princesa, Palawan, yung nasa 15 dayuhang turista na na-detect bilang mga COVID-19 carriers
- yung mga hotel na naniningil ng nasa Php 1.5 Billion daw na utang ng OWWA kapalit ng pagsisilbi ng mga establishment nila bilang quarantine facility
- yung sinabi ng DBM na meron daw nasa Php 100 Billion na pandemic response fund for 2021 ang hindi pa naman nagagamit
- sa Quezon Medical Center sa Lucena City, Quezon, yung tambak ng hazardous waste sa sarili nilang compound kabilang ang mga ginamit para sa COVID-19 cases
- sa Virac, Catanduanes, yung laboratory na nasita ng DENR dahil sa pagtatapon ng mga medical waste nila sa dagat
- sa Virac, Catanduanes, yung nasa 7 daw na bata na naging carrier ng COVID-19, nangyari daw iyon matapos nilang mapaglaruan ang mga medical waste gaya ng syringes sa kanilang lugar
- yung pagpapatigil ng Commission on Higher Education (CHED) sa application for scholarship ng mga incoming freshmen dahil kulang daw sa budget, sa kabila ng mga nasita ng COA na mga pondo na hindi naman nagagamit nang maayos
- sa DepEd, yung nakalusot na module para sa demolisyon, yung laban sa isang pinuno at laban din sa isang pinabagsak na TV network
- yung paglilipat ng regulation ng vape sa Department of Trade and Industry (DTI) sa halip na sa Food and Drug Administration of the Philippines (FDA)
- yung nasa Php 300 Billion na daw na halaga ng smuggled na mantika ang nakapasok sa bayan mula sa Malaysia mula 2016 to 2021
- yung asukal naman ngayon ang gustong idaan sa maramihang importation
- yung nabisto sa Senado, yung ginagawang manipulasyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa merkado ng asukal
- yung hindi natatapos ang problema sa mga smuggled na gulay dahil may koneksyon daw ang mga sangkot dito
- sa Divisoria, yung nasabat na nasa 100 kilograms daw ng smuggled na carrots
- sa Occidental, Mindoro, yung bagsak presyo at may nabubulok na sa tone-tonelada ng mga sibuyas
- sa Nueva Ecija, yung nadamay na rin sa pagkalugi ang mga magsasaka ng sibuyas doon dahil nga sa pagbagsak ng presyuhan
- yung Department of Agriculture ng MIMAROPA na nagsabi na mababa ang kalidad ng mga sibuyas doon kaya bumagsak ang presyo
- yung dati nang nagawa na pansamantalang Php 10 ang minimum na pamasahe sa mga jeep, pero hindi mapagbigyan ngayon kung kailan sobrang taas na ng presyuhan ng petrolyo
- yung kalokohan ng patakaran ng Window Hour para sa mga provincial bus sa EDSA na parang nawawalan ng saysay yung franchise ng mga bus operators at pagme-maintain ng mga terminal sa loob ng NCR, bukod pa sa pagiging pabigat sa mga ordinaryong mananakay
- sa Cagayan, yung 9 na katao na namatay, bukod pa sa mga sasakyan, bahay, at iba pang nasalpok ng isang van na dala-dala daw ng mga Army Reservist
- sa EDSA, sa Quezon City, yung 3 namatay na miyembro ng Philippine Air Force sa nasunog na sasakyan, nabangga daw sila sa mga concrete barrier dahil nagmaneho daw under the influence of alcohol yung survivor
- yung latest na chopper crash para sa PNP, nagpasundo daw pala noon yung PNP Chief mula sa personal na lakad niya sa Balesin Island
- sa Quezon City, kaugnay nung kaso nung estudyante na binaril ng nakainom daw na pulis, yung mga pulis ng QCPD na kinasuhan ng neglect of duty at administrative cases dahil hindi daw rumesponde doon sa insidente dahil nag-iinuman sila noong mga panahon na iyon
- sa Quezon City, kaugnay nung kaso nung estudyante na binaril ng nakainom daw na pulis, yung natuklasan na may cover-up na ginawa yung 2 pulis na nag-imbestiga doon sa kaso
- sa Pilar, Abra, yung nangyaring barilan noon laban sa grupo ng Vice Mayor, lumalabas kasi sa imbestigasyon ngayon ng NBI na madaming kasinungalingan ang sinabi ng mga pulis sa kanilang mga statement
- yung Prosecutor General na nagsabi na wala daw kinalaman sa kaso ng isang Senador ang ginawang pag-amin ng isang pinuwersa na maging testigo noon, samantalang patunay ang ginawang pagtumba sa ama nung taong iyon na posibleng madami pa ang mga ginipit na tao para lang makagawa ng kaso
- yung dating OIC ng Bureau of Corrections na binawi na rin ang kanyang testimonya laban sa isang Senador, na nagsasabi na nadiktahan lang daw siya noon
- yung sinabi kaagad ng DOJ na wala ring magiging epekto sa kaso ng isang Senador yung pagbawi sa mga dating testimonya ng dating OIC ng Bureau of Corrections
- yung nasilip na tax deficiency doon sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH na para sa bilyones na purchases
- yung isang recommendation tungkol sa kaso nung kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, yung panay yung kompanya lang ang sinisisi pero walang kasalanan yung mga nag-approve na maka-deal yung kompanya, kahit na nga madami ang kaduda-duda tungkol sa kanila
- yung mga Senador na ayaw pumirma sa report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng kaso ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
- yung nakahanda na rin ang Anti-Terror Law kahit na sobrang daming kakulangan sa accuracy nung patakaran
- yung pagpanig ng COMELEC sa faction na nang-hijack lang daw
- yung masyado nga namang nagtatagal ang desisyon nung na-assign na division ng COMELEC tungkol sa kaso ng public servant na ilang taon na hindi nag-file ng income tax
- ang pagpanig ng COMELEC sa naging public servant na tax evader
- ang pagbabasura ng COMELEC sa maraming motion for reconsideration laban sa isang tax evader
- yung perpetual disqualification pala ang parusa nila para sa kabiguan na magsumite ng tamang statement of contributions and expenditures (SOCE), samantalang katanggap-tanggap para sa kanila ang tax evasion na violation ng isa mismong naging public servant
- ang pag-atake ng COMELEC laban sa mga campaign materials na nasa private properties naman
- yung babala ng COMELEC na kasuhan laban sa mga volunteer na gagamit ng campaign materials sa loob ng kanilang property, samantalang wala naman silang ginagawa laban sa mga nagpapakalat ng FAKE content sa internet
- yung commissioner ng COMELEC na nagbanta na ipapaaresto ang mga pupuna sa kanila
- yung hindi pagpa-file ng income tax ng isang basurang public servant eh tama para sa kanila, pero ang pagbibigay ng suporta ng mga volunteer eh labag daw sa batas nila
- yung patas na pagbibigay ng suporta ng mga volunteers eh sobrang sinisita nila, samantalang ang pagkalat ng mga FAKE at edited content para lokohin ang mga mamamayan eh ni hindi nila magawang sitahin
- yung mga sumbong tungkol sa kapalpakan ng online voter verifier o precinct finder ng COMELEC
- yung mga nahuling hackers daw ng Smartmatic, nasa 3 yung latest
- yung pagkaantala ng pagbibigay ng fuel subsidy sa ibang PUV drivers dahil sa ban ng COMELEC sa mga paggastos ng pamahalaan
- yung may mga mahihirapan na sa pagpunta sa padebate ng COMELEC dahil kailangan nilang mag-reschedule dahil sa naging isyu nila sa pagbabayad
- yung ang mahal pala ng padebate ng COMELEC
- yung hindi daw 100% na nalilinis ng COMELEC ang listahan ng mga botante, regarding doon sa mga namatay na
- yung mga aberya sa testing ng mga Vote-Counting Machine o VCM
- yung madami pa ring mga machine ang pumalya noong araw ng halalan samantalang naidaan na ang mga iyon sa testing
- nakakapagtaka lang na kahit na madami ang mga bumigay na Vote-Counting Machines ay naging sobrang bilis pa rin nung transmission ng mga bilang
- yung tao ng COMELEC na nagsasabi na hindi daw dapat isisi sa pagpalpak ng mga Vote-Counting Machine ang pagkaantala ng eleksyon
- yung declaration ng failure of election sa maraming lugar sa Lanao del Sur
- yung pwede ang paggamit ng mga mascot sa pangangampanya habang nasa serbisyo ng pagtuturok ng COVID-19 vaccine para sa mga bata
- sa Bataan, yung sasakyan ng gobyerno na ginamit sa pangangampanya ng grupo ng tax evader
- yung ayon sa governor ay gobyerno daw ng Nueva Ecija ang namimigay ng ayuda noong panahon ng kampanya ng kampo ng tax evader
- yung mabilis na pagkilos ng mga biglang naalarma sa deal ng COMELEC sa Rappler
- yung gustong maging elected official pero tutol naman sa pagsasapubliko ng SALN
- yung hindi nagbabayad ng estate tax ang angkan ng mga tiwali dahil sa mismong mga kaso ng bawian, bilyones na ang estimate na halaga ng mga nawawala sa bayan
- yung 1999 pa pala may kasulatan ang Supreme Court tungkol sa estate tax ng mga tiwali, at 1997 pa daw yung desisyon kung tutuusin
- yung Senator na nagtataka tungkol sa timing ng paniningil laban sa kanilang angkan, na para bang kasalanan pa ng bayan na mga tax evader sila for more than 2 decades na
- yung hindi na daw mawawala sa mga tao ang corruption
- yung tax evader na naniniwala na hindi mare-regulate ang mga information online kasama na ang mga FAKE content dahil nakikinabang sila mula doon
- yung pati claim na pagiging biktima ng FAKE news eh ninanakaw na rin niya
- ang pagyurak ng mga magnanakaw laban sa uring manggagawa
- yung pagsisinungaling nung katambal na kesyo hindi daw magnanakaw at kurakot yung isa, sa kabila ng lahat ng existing na ebidensya laban sa kanila
- yung claim na hindi daw papanig ang tax evader sa mga kalaban ng bayan, samantalang marami sa hanay nila ay kalaban ng bayan pagdating sa katiwalian
- yung paulit-ulit na paggamit sa mga komunista para sa kanilang mga kampanya at mga ini-endorse, dati ay magkakaibigan ang palabas nila at ngayon naman ay magkaaway na ulit
- yung huling-huli na pangangako ng isang kandidato tungkol sa franchise sa isang celebrity na supporter ng alyansa nila
- yung Representative na nagre-request ng pa-security ng sistema para sa tax evader
- yung mga kandidato na adhikain daw ang paglaban sa katiwalian, pero kumakampi naman sila sa mga proven na na mga tiwali
- yung mga kandidato na hindi na rin magandang ehemplo ngayon pagdating sa pagsusuot ng face mask in public at pati pagdating sa physical distancing
- yung red-tagging laban sa mga supporters na dumadalo nang maramihan
- yung alegasyon na may bayaran DAW na nangyayari kapalit ng pag-attend nang maramihan, pero wala namang ipinapakita na ebidensya
- yung demolisyon tungkol sa pagpapaatras daw sa kandidatura, kung saan iba naman daw ang nagsasabi sa kanila kumpara sa kanilang idinidiin
- yung mas maghihigpit pa ang Mayor ng Maynila sa No Permit, No Rally policy dahil batid nila na may mga nagrereklamo dahil sa mga nabistong anomalya sa halalan
- yung mga kaduda-dudang Party-list na mukhang gagamitin lang para makapagpalawak ng kapangyarihan
- sa Bukidnon, yung grupo ng mga kandidato at mga katutubo na pinaputukan ng baril dahil daw sa kagustuhan nila na mabawi ng mga katutubo ang ancestral land ng mga ito
- sa Pasig City, yung campaign materials na nasa loob mismo ng city hall, sa portion daw kung saan nag-aalok ng libreng insurance
- sa Baler, Aurora, yung nabisto na pag-iimprenta ng campaign materials sa loob ng gusali ng gobyerno
- yung mga sample ballots ng alyansa ng mga masasama na ipinamimigay sa kung saan-saang area sa mismong araw ng eleksyon
- yung lantarang red-tagging laban sa ibang grupo sa mga lugar na malapit sa mismong mga presinto, yung ibang lugar ay meron pa talagang awtoridad na nagbabantay
- sa Lanao del Sur, yung insidente ng gulo kung saan may sinira pang Vote-Counting Machine
- sa Legazpi, Albay, yung kandidato sa pagka-Councilor na inireklamo ang Mayor dahil daw sa vote-buying sa pamamagitan ng pamimigay ng ayuda
- sa Pilar, Abra, yung Vice Mayor na may aktibong mga armadong tauhan sa panahon ng election gun ban, nagawa pa daw nung mga bodyguards na makipagbarilan sa mga pulis
- sa Biñan City, Laguna, yung higit sa 30 daw na tauhan ng magkapatid na tumatakbo bilang Congressman at Mayor, nagawa daw nung ibang bahagi nung grupo na mangkuyog ng isang pulis
- sa Negros Occidental, yung teacher na magsisilbi sana bilang poll worker na pinatay sa pamamaril bago pa ang araw ng eleksyon
- sa Nueva Ecija, yung 5 sugatan at nasa 19 na iba pa na arestado matapos na magbarilan ang mga tauhan ng 2 Mayoral candidate
- sa Buluan municipality, sa Mindanao, yung 3 security guards na napatay, at 1 pa na sugatan matapos na pagbabarilin ang isang polling station
- yung mga iba't ibang insidente ng pagpapasabog at pamamaril sa area ng Mindanao
- yung gustong palitan ang Constitution, pero wala naman palang nakahandang konkretong plano para sana ipapasa na lang kaagad lahat ng mga panukala
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- sa Davao City, yung restobar na nag-operate nang wala daw business permit, bukod doon ay pinabayaan din nila ang kanilang mga customer na labagin ang mga health protocol
- ang mas seryoso ng banta ng COVID-19 dahil sa mga magaganap na kampanyahan
- yung tiwaling survey na nagsasabi na pinakamataas pa rin DAW ang tiwala ng mga tao sa mga tiwali, na patunay na hindi nga reliable yung survey
- yung pinapalabas na ang paparating na pilian ang dahilan kung bakit kinakasuhan ngayon ng ibang bansa ang isang kulto
- yung voice talent na pinagbabantaan ngayon ng mga supporters ng isang kulto, gayong nag-share lang naman siya ng totoong balita
- yung mga kulto na endorser ng mga kriminal
- yung panibagong kulto na nag-endorse ng mga kriminal at protektor ng mga kriminal
- yung madaming babae na involved o dating involved sa sex trade ay mga pro- sa katiwalian
- yung mga mamamayan na supporter ng Representative na protektor ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
- yung mga mamamayan na sinasabi na paninira ang pagbatikos sa pagiging magnanakaw at tax evader, na para bang hindi kasalanan ang mga iyon
- yung mga kaso ng vote-buying na kapag nahuhuli ay pinapalabas na kesyo paninira lang laban sa kanila
- yung paggamit sa isyu ng pagpapabagsak laban sa isang makabuluhang TV network para i-demolish ang suporta ng maraming mga celebrity
- yung pagnanakaw ng mga content ng mga supporters ng kasamaan, mga image at video file na ini-edit nila para sa kanilang demolisyon
- yung pagnanakaw ng pangalan ng isang kandidato para sa isang FAKE website na nagre-redirect naman sa website ng tax evader
- yung pagnanakaw maging sa pangalan ng mga singer at banda, para lang maka-engganyo ng a-attend sana sa kanilang campaign rally
- yung 2016 interview video naman ngayon ng isang madre ang ninakaw para palabasin sa Imperial platform na pabor sa kanila
- yung pati Guinness record eh ninanakaw na nila
- yung FAKE claim sa probinsya na kaya daw ibalik ang presyuhan ng mga bilihin sa panahon bago pa man napatalsik ang kasamaan
- yung sex scandal attack ng mga social media farm employees
- yung broadcaster na yung mga babae pa ang sinisisi sa pagkalat ng FAKE news tungkol sa kanilang video scandal, na para bang walang posibilidad na ginawa nga iyon ng social media farm ng mga tiwali
- yung pagnanakaw ng 2016 social media post ng biktima ng link scandal para palabasin na umamin na yung babae na may existing scandal nga siya
- yung in public ay huminahon ang mensahe niya para sa kanyang mga tagasunod, pero behind the scenes, eh patuloy naman ang kanilang social media farm employees sa demolisyon at pagpo-provoke ng mga pagtatalo dahil sa mga FAKE content
- yung paalala na huwag daw hayaan ulit na manakaw ang mga suporta, samantalang siya itong natalo sa kanyang reklamo
- yung pag-uugnay ng isang kandidato sa pinuno ng mga komunista
- yung mind-conditioning na kesyo may mananabotahe daw sa selection process bilang paghahanda kapag natalo na naman sila
- sa Ilocos Sur, yung maagang pagrereklamo na kesyo may suporta daw para sa tax evader na nalilipat sa mabuting tao pero wala naman daw maipakita na ebidensya
- yung paninisi ng mga social media farm employees sa isang piling kandidato dahil sa protesta na nangyayari ngayon laban sa COMELEC
- kumikilos na rin ang mga social media farm employees para ipakulong ang isang kandidato dahil isinisisi nila lahat ng mga nangyayaring protesta doon sa tao
- kumikilos na naman ang mga social media farm employees laban sa mga scholar ng bayan, gusto nilang mawala ang demokrasya ng pagpoprotesta
- noong sila ang nagrereklamo noon eh dahil 'yon sa karapatan nila, pero ngayong hindi nila kasama sa hanay ang mga nagrereklamo, eh pinapalabas nila na mali na humiling ng mga paglilinaw tungkol sa mga bagay na kuwestiyonable
- yung celebrity na nagsabi na bahay ng mga diktador na magnanakaw at tax evader ang official residence ng pinuno ng bayan
- yung personalidad na protektor ng mga celebrity na drug users, na binabatikos ang isang direktor na lumalaban naman sa katiwalian
- yung mga kandidato na pinapalabas na pakikipag-away ang paglaban sa katiwalian
- yung mga kandidato na laging sinasabi na paghihiganti ang paglaban sa katiwalian
- yung mga kandidato na nagsasabi na tutuldukan daw nila ang paglaban sa kasamaan, samantalang wala namang nagbibigay ng hustisya para sa lahat ng mga naging biktima
- yung kakampi ng mga tiwali na nakikiusap sa ibang mga kandidato na huwag daw balaan ang mga mamamayan tungkol sa pagsuporta sa mga magnanakaw
- yung character assassination daw ang pagsasabi ng totoo laban sa mga kriminal na naghahangad ng kapangyarihan
- yung kampo na bumabatikos sa simbahan dahil sa paglaban ng mga ito sa katiwalian at kasamaan
- yung bawal daw makialam ang mga relihiyon, pero nagpapaendorso naman sila sa kung anu-anong kulto
- yung paratang na bias daw laban sa kanila ang isang kilalang broadcast journalist para lang makaiwas sa isang mahalagang interview
- yung ginawang hacking laban sa isang official social media account ng University of the Philippines
- yung walang pakialam yung iba na napayagan nang ituloy ang pagtataas ng singil sa PhilHealth dahil libre ang mga insurance nila at sinasalo lang ng mga nagbabayad
- sa Davao Oriental, yung na-stranded na rare na Hotaula Beaked Whale, na namatay matapos na abusuhin ng mga lokal na mamamayan doon
- yung nasa 921 na daw ang lumalabag sa gun ban simula noong January 9, 2022
- yung mga pasaway na na-disqualify sa pag-take ng digital Bar Exam
- sa Rizal yata iyon, yung 7 y/o daw na batang lalaki na napatay ng sarili niyang ama matapos na ihambalos sa kalsada ang katawan ng bata, nasa impluwensiya daw ng ilegal na droga yung killer
- sa Quezon City, yung Imperial citizen na nangbangga ng mga concrete barriers, lasing daw na nagmaneho at wala pang lisensya
- sa NAIA, yung Imperial citizen na paalis na sana sa bansa na nabistong gumagamit ng pekeng Philippine passport
- yung mga nasamsam ng NBI na counterfeit na Imperial insecticides sa iba't ibang lokasyon sa bayan
- sa Maynila, yung negosyanteng Imperial citizen na hinuli dahil sa pagbebenta ng mga smuggled na COVID-19 antigen test kits
- sa Valenzuela City, yung nasa Php 1.1 Billion daw na halaga ng ilegal na droga na nakalagay sa mga pakete ng Imperial tea, 1 Imperial citizen at 1 babaeng lokal na mamamayan ang naaresto kaugnay nung kaso
- sa Quezon City, yung nasa higit Php 20 Million na halaga ng ilegal na droga na nakasilid na naman sa mga pakete ng Imperial tea, 2 namang Imperial citizen ang nahuli kaugnay nun
- sa Makati City, yung Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng shabu pills daw
- sa Bacoor City, Cavite, yung Imperial citizen na nahulihan ng baril sa panahon na may umiiral na gun ban
- sa Parañaque City, yung 4 na Imperial citizen na biktima daw ng forced labor sa pinapasukan nilang offshore company, nahuli naman ang mga operator nung kompanya na isang Indonesian at 2 Imperial citizen din
- sa Parañaque City, yung 3 Imperial citizen na nahuli matapos na dukutin ang isang kapwa nila Imperial citizen na inalok daw para magtrabaho sa Makati City
- sa Parañaque City, yung 3 Imperial citizen na napatay sa engkuwentro dahil sa kasong kidnapping laban sa kapwa nila mga Imperial citizen
- sa Pasay, yung 4 na nahuli na sangkot daw sa kidnapping ng mga Imperial citizen, kung saan ang 2 unang nahuli ay mga Imperial citizen na nagbebenta ng mga hindi lisensyadong baril
- sa isang condominium complex sa Taguig City, yung 1 napatay na security guard at 2 pa na sugatan dahil sa pamamaril ng isang Imperial citizen
- sa karagatan sa may Palawan, yung 2 barko na inarkila upang magsagawa ng seismic survey, na sinundan ng mga basurang Imperial coast guard
- yung panibagong COVID-19 surge sa loob ng Imperyo
- yung banta ng recombinant bioweapon, may record na ng DeltaCron
- yung mga basurang mamamayan ng bayan na 'to na anti-Ukraine, para lang palabasin na ang mga tiwali na hindi kaalyado ng USA ang dapat na maging pinuno
- yung sinasaltik na rin yung isang kakampi ng Imperyo ngayong panahon ng Imperial virus, sabik na rin na manakop
- yung pagwawasak ng Northern Empire sa isang nuclear power plant
- yung pag-atake ng Northern Empire maging sa mga ospital
- sa karagatan sa may Japan, yung pagpapasabog ng mga submarine ng Northern Empire ng mga missiles
-----o0o-----
May 7, 2022...
sa Ilocos Sur..
yung komprontasyon sa pagitan ng kandidato sa pagka-Mayor at Barangay Captain na supporter ng ibang kandidato tungkol daw sa vote-buying..
na nauwi naman sa pagkamatay ng 4 na tauhan nung kandidato sa pagka-Mayor...
is feeling , hindi yata uso sa kanila ang gun ban...??
>
yung paulit-ulit na paggamit sa mga komunista para sa kanilang mga kampanya at mga ini-endorse...
dati magkakaibigan ang palabas nila para makakuha ng suporta..
ngayon naman eh kaaway daw habang inire-red tag doon sa grupo ang kanilang mga target...
is feeling , kaduda-duda talaga ang mga pinaggagagawa nilang estilo...
---o0o---
May 8, 2022...
hindi na kailangang tawagin ang pansin ng mga personalities na nananahimik..
kung iniiwasan nilang ma-link sa binahiran na kulay, then sapat nang dahilan 'yon..
kailangang tandaan ng mga tao na hindi na lang dinungisan ng sindikato ang kulay ng kanilang target, bagkus ay ni-red tag na rin sa kanilang mga kaibigan noon na Akatsuki..
handang-handa ang sindikato para sa digmaan na ito..
masyadong madumi ang Age of Misinformation, kaya totoong nakakatakot na maatake ng mga social media farm employees...
besides..
kahit pa nagsalita sila at kumuha ng panig ay wala namang mababago sa masasamang tao..
nakakahiya mang aminin, pero isa talaga ang bayan na ito sa may pinakamabababang uri ng mamamayan..
dahil ultimo mga edukado naman ay pumapanig sa mga tiwali para lang sa ngalan ng panatisismo..
kumbaga ang sindikato ang katumbas ng mga K-Pop icons para sa kanila..
pasensya na, pero wala akong ibang mapagkumparahan sa level ng kanilang pag-idolize...
sa bandang huli..
gusto kong maniwala na hindi susuportahan ng mga taong iyon ang panig ng katiwalian..
dahil lahat sila ay dati nang lumaban sa sindikato...
is feeling , nakakalungkot man isipin.. pero hindi natin magagawang patas ang laban sa mga social media farm employees hangga't walang batas para i-track sila at parusahan ng bitay...
>
sa Nueva Ecija..
yung 5 sugatan at nasa 19 na iba pa na arestado matapos na magbarilan ang mga tauhan ng 2 Mayoral candidate...
is feeling , walang ban-ban...
---o0o---
May 9, 2022...
yung umaasa daw ng landslide yung kriminal...
ito yung palatandaan na may inaasahan sila noon... 🙁
ayun ho..
nag-request na..
bigyan ng Magnitude 7..
o di kaya ay tuluy-tuloy na pag-ulan o pagbagyo..
ibigay na ho sa kanila ang landslide na inaasam nila...
is feeling , hindi pwedeng pagharian ng demonyo ang bayan...
>
kanina sa presinto, habang nagse-shade ako..
may imik nang imik ng initials nung tax evader..
hindi ko masabi kung yun bang mga election officers, o kung nasa hanay ng mga watchers..
bukod kasi sa naka-face mask ang lahat, eh hindi ko rin talaga sinubukang tingnan kung sino yung put*ng inang demonyo na iyon..
basta parang binabanggit niya yung initials ng demonyo sa tuwing may nagpapa-scan na ng form sa machine...
anyway..
2 ang klase ng sistema ngayon..
yung malinis at sobrang organized na pila sa loob ng school, na sumusunod sa bioweapon protocol..
at yung dikit-dikit nang pila sa labas ng gate ng school na ibinilad na nang husto sa arawan...
but again..
ang selection process na ito ay hindi lang simpleng pagpili ng mga bagong susundin..
ito ay isang napakahalagang yugto sa paglaban sa katiwalian ng pinakamalaking sindikato sa kasaysayan..
after this, kung may mga manaig man sa panig ng mga hindi tiwali..
dapat talagang isali nila sa aasikasuhin sa susunod na 6 na taon ang perpetual disqualification laban sa lahat ng mga kriminal at public servant na tax evaders...
is feeling , wala tayo dapat sa punto na ito kung may mga utak lang sana ang mga demonyong iyon na nasa pamunuan...
>
yung madami pa ring mga machine ang pumapalya..
samantalang naidaan na ang mga iyon sa testing... 🙁
baka naman Non-Smartmatic ang pangalan nung kompanya...??
is feeling , anong pinaplano nila..? extension para sa santo nila kung sakaling makita nga nila na hindi mananalo ang kasamaan...??
>
yung mga iba't ibang insidente ng pagpapasabog at pamamaril sa area ng Mindanao...
is feeling , hostile process...
>
sa Negros Occidental..
yung teacher na magsisilbi sana bilang poll worker..
na pinatay sa pamamaril bago pa ang araw ng eleksyon...
is feeling , kumikilos pa lalo ang kasamaan...
>
sa Buluan municipality, sa Mindanao..
yung 3 security guards na napatay, at 1 pa na sugatan..
matapos na pagbabarilin ang isang polling station...
is feeling , walang laban ang gun ban kontra sa kasamaan...
>
sa Lanao del Sur..
yung insidente ng gulo kung saan may sinira pang Vote-Counting Machine...
is feeling , winawasak nila ang pag-asa...
>
yung mga sample ballots ng alyansa ng mga kriminal na ipinamimigay sa kung saan-saang area sa mismong araw ng eleksyon... 🙁
yung ibang areas ay may kasama pang awtoridad sa mismong lugar kung saan pwedeng mag-check ng presinto..
at may sample ballots din ngang nakahanda sa mesa nila...
is feeling , put*ng ina.. ganyan ba ang kampante sa nakukuha daw nilang suporta..? bakit sila magre-resort sa ganyan kung totoong may tiwala sila sa mga tao nila...??
>
yung lantarang red-tagging laban sa ibang grupo sa mga lugar na malapit sa mismong mga presinto..
yung ibang lugar ay meron pa talagang awtoridad na nagbabantay... 🙁
t*ng ina..
nakapili na sila ng mga diyos nila...
is feeling , put*ng ina.. huwag ganito.. sobra-sobra na ang kadiliman...
>
yung maagang pagrereklamo na kesyo may suporta daw para sa tax evader na nalilipat sa mabuting tao, base iyon sa resibo..
sa Ilocos Sur galing yung nagreklamo..
pero wala naman daw maipakita na ebidensya...
maaga nilang sinimulan ang sunod na step, pagkatapos ng mga mind conditioning gamit ang mga survey..
pinapalabas na nila kaagad na dinadaya sila..
at talagang sa teritoryo pa nila nanggaling ang reklamo..
na highly impossible, since ang alyansa nila ang mas may control sa lahat ng makinarya, maging sa mga pambilang ng suporta...
is feeling , hindi para gumastos ang mga volunteers sa paraan ng pandaraya, lalo't malawak ang scope ng alyansa ng mga kriminal sa mga functions ng pamunuan...
---o0o---
May 10, 2022...
nakakapagtaka lang na kahit na madami ang mga bumigay na Vote-Counting Machines..
ay naging sobrang bilis pa rin nung transmission ng mga bilang...
is feeling , pero paano...??
>
ang pagbabasura ng COMELEC sa maraming motion for reconsideration laban sa isang tax evader... 🙁
again, perpetual disqualification ang parusa nila para sa hindi pagpapasa ng SOCE ng isang kandidato..
kaya paanong katanggap-tanggap sa kanila ang ilang taong tax evation ng isang public servant...??
is feeling , ang diyos nila...
>
yung paninisi ng mga social media farm employees sa isang piling kandidato..
dahil sa protesta na nangyayari ngayon laban sa COMELEC...
is feeling , delikado ang ginagawa ng mga protesters.. red-tag lang ang katapat nila at katapusan na ng lahat...
>
ang unang kaduda-duda..
bakit madami silang reklamo laban sa isang partikular na katunggali kahit na nasa kanila ang bilang simula pa lamang...?
bakit may paratang din sila na may mga form kung saan pinagpalit ang mga numero nung 2..?
bakit specific ang tinutukoy nilang pangalan...??
is feeling , bakit naging patuloy yung mind-conditioning na dinadaya sila kahit na mas madami ang nabisto na pandaraya ng hanay nila...??
>
tama din nga yung napansin nung ibang tao..
at kaduda-duda iyon...
mula sa maliit na percentage ay bakit naging malakihan na lang yung dumagdag na mga volume..?
considering na iba't iba ang transmission time at may mga issue din yung ibang mga machines, eh paanong naging ganung kaswabe ang transmission ng marami daw resulta..?
at paanong naging consistent na more than 100% parati ang lamang ng mga tiwali sa kasunod nila..?
nakabase sa survey ang mga ipinakita nilang numero mula umpisa, sa 2 Jonin lang nagkaroon ng discrepancy kung tutuusin..
dahil kung totoo ang mga ipinapakita nilang numero, dapat ay nagpabagu-bago ang difference base sa kung kanino ang baluarte na binibilang..
pero malakihang volume nga ang naging update, at naging consistent lang ang 100% na kalamangan...
is feeling , manipulado ba sa computation level...??
>
teka..
buong akala ko na resibo ang manually binibilang ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV)..
pero mukhang summarized lang na mga numero yung kinukuwenta nila...
may sinasabi ang PPCRV na 4th copy na nakalaan para sa kanila..
pero saan ba nanggagaling ang 4th copy na iyon ng ano..?
samantalang iisang resibo lang naman ang inilalabas ng machine para ma-check ng nagpasa nung form...
is feeling , t*ng ina.. kailangang gawin ang bilangan gamit yung mga resibo na totoong na-check ng mga tao...
---o0o---
May 11, 2022...
yung tao ng COMELEC na nagsasabi na hindi daw dapat isisi sa pagpalpak ng mga Vote-Counting Machine ang pagkaantala ng eleksyon...
is feeling , kanino isisisi..? kina ano na naman..? sa nire-red-tag na hanay...??
>
patuloy ang pagtatrabaho ng mga social media farm employees...
noong sila ang nagrereklamo noon, eh dahil 'yon sa karapatan nila..
at iginiit nila 'yon kahit pa napahiya sila sa bandang huli...
pero ngayong hindi nila kasama sa hanay ang mga nagrereklamo, eh pinapalabas nila na mali na humiling ng mga paglilinaw tungkol sa mga bagay na kuwestiyonable...
sa sample ballots pa lang ng katiwalian sa araw ng pilian eh kuwestiyonable na ang pamamahala nila... 🙁
so para lang sa hanay ng katiwalian ang demokrasya...??
is feeling , may kaduda-duda sa ginagawa nila.. patuloy ang demolisyon kahit na lamang na lamang na sila...
>
wala pa pala 'to sa record ko...
yung dinoble nila ang naabutan nilang mga utang ng bayan... 🙁
is feeling , salamat po, idol.. we are forever indebted.. literally...
>
target nila ang education..
ibig sabihin..
babaguhin na talaga nila ang kasaysayan sa paningin ng mga estudyante...
walang dapat makaalam sa totoong kasaysayan... 🙁
is ⚠ feeling , gagapang na sila...
>
yung mas maghihigpit pa ang Mayor ng Maynila sa No Permit, No Rally policy dahil batid nila na may mga nagrereklamo dahil sa mga nabistong anomalya sa halalan... 🙁
sinu-sino nga ulit ang nagpakalat ng mga sample ballots sa mismong araw na iyon...??
is feeling , busal...
>
kung gusto talaga ng mga tao na malaman ang katotohanan..
hindi pwedeng sa election return lang magbase..
hindi nakita ng lahat ng mga botante ang source code ng mga machine..
hindi nakita ng lahat ng mga botante kung paanong nagagawa ang mga copies ng election return...
voting receipt lang ang na-verify ng karamihan sa mga botante kung tama ba o ano..
kaya naman kung may dapat na i-manual audit..?
eh yun ay ang mga legitimate na voting receipts...
is feeling , sorry, pero may mga kaduda-duda kasi sa mga ginagawa nila...
---o0o---
May 12, 2022...
yung declaration ng failure of election sa maraming lugar sa Lanao del Sur...
is feeling , successful...
>
yung video ng mga awtoridad na nagpupunit ng mga balota...
is feeling , proseso...??
>
yung video kung saan mga awtoridad na ang nagsilbi daw na mga election officer sa presinto..
at may mass shading pa ng mga balota...
is feeling , proseso...??
>
kumikilos na naman ang mga social media farm employees laban sa mga scholar ng bayan..
gusto nilang mawala ang demokrasya ng pagpoprotesta...
is feeling , busal...
>
kumikilos na rin ang mga social media farm employees para ipakulong ang isang kandidato..
isinisisi nila lahat ng mga nangyayaring protesta doon sa tao..
at kakambal nga ito ng matagal na nilang script ng red-tagging... 🙁
is feeling , demolisyon...
>
partida na hindi pa sila gumagamit ng mga scripted Deepfake videos..
kapag nakabisado na nila yung technology, kahit na sino ay pwede na nilang i-red-tag... 🙁
is feeling , we're doomed...
>
expect a hybrid form of democracy..
kung saan huhulihin lahat ng mga babatikos sa kanila..
pero hinding-hindi tutugisin ang mga social media farm employees... 🙁
is ⚠ feeling , freedom of misinformation...
>
may rason kung bakit nila ginamit na pang-kondisyon yung higit sa 50% na numero simula pa lang..
dahil gusto nilang palabasin na lahat ng mga gagawin nila ay may basbas ng majority ng mga may karapatan na sumuporta..
hindi mahalaga kung totoo yung numero o ano..
basta ang mahalaga ay may maipapamukha sila na basbas ng kanilang majority...
is ⚠ feeling , magsisimula na ang mas madilim na yugto ng revision...
>
in the end..
if ever man na lumabas na totoo yung constant na gap ng mga numero, para sa lahat ng nangyaring update..
then ang masasabi ko lang ay ito na talaga ang pinaka-nakakaruming bayan sa buong mundo..
nilamon na ng sindikato... 🙁
is feeling , most corrupt...
---o0o---
May 13, 2022...
so ilang araw ko nang sinusubukan na magtanong sa mga volunteers kung paano ba talaga ang proseso na ginagawa nila...?
unfortunately, lumalabas na hindi accurate na double-check ang hinahayaan na magawa nila..
resibo ang patunay ng bawat user na na-check nila ang system..
pero walang alam ang mga user kung paano mismo nagko-compute ang mga machine para makabuo ng total receipt..
kaya hindi pwedeng ibase lang ang pagdo-double-check sa total receipt...
ang problema kasi dito..?
baka ilusyon lang yung individual receipts para masabi na ayos ang machine..
at baka ilusyon lang din na hinahayaan nilang magbilang ang mga volunteers para lumabas na may double-check na nangyayari..
pero lahat sila sa totoo lang ay machine-generated numbers na lang ang nasusuri... 🙁
is feeling , nandun sa computation stage ang misteryo...
---o0o---
May 14, 2022...
yung gustong palitan ang Constitution..
pero wala naman palang nakahandang konkretong plano para sana ipapasa na lang kaagad lahat ng mga panukala... 🙁
is ⚠ feeling , lagot na, pahahabain nga nila ang kanilang mga termino gamit yung palusot na kesyo magre-revise pa ng mga patakaran...
>
yung walang pakialam yung iba na napayagan nang ituloy ang pagtataas ng singil sa PhilHealth..
bakit..?
dahil limos lang naman ang mga insurance nila..
libre, at sinasalo lang ng iba... 🙁
mga pasarap buhay na mga pahamak...
is feeling , can't believe na mas napupunta ang contributions ng mga nag-aambag sa mga ganitong klase ng tao...
>
hindi ko maiwasang matawa na lang tungkol sa pahayag ng marami na kesyo magbabantay na lang sila ng mga aksyon...
hindi pa man ako ipinapanganak eh ginagawa na iyon ng maraming tao..
pero after more than 30 years ay marami pa rin ang buhay na mga kriminal..
at nadagdagan pa nga ng iba't ibang sindikato along the way..
bakit...??
dahil walang kuwenta ang pagiging mabait lang..
kapag tinarantado ka, dapat matuto kayong magparusa ng bitay...
walang kuwenta ang paninita lang sa napakaraming pagkakataon..
sa sobrang dami ng mga nabuking at nasita for the past 6 years, eh nanatili pa ring santo ang mga santo..
dahil ang batas at hustisya ay para lang sa mga mayayaman at makapangyarihan..
minsan para din sa mga piling drug-related..
ang batas at hustisya ay para na lang sa mga kriminal...
dahil diyos para sa kanila ang kasamaan.. 🙁
diyos para sa kanila ang social media...
is feeling , nasaan na ang archangel ng mga natural calamities...??
No comments:
Post a Comment