Saturday, May 21, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of May 2022 (My Cursed Assets)

Loveless Story


May 15, 2022...

wala pang tulog... 🙁

2022..
halos panay 2..
at 2 na rin nga ang nasaksihan kong kamatayan ngayong taon..
yung pasyente namin na blood uncle ko...

nauubos na ang mga tao dito sa bahay..
siguro pumapatay na yung entity na na-detect nila dati sa loob ng bakuran namin..??
yung pumatay ng isang puno matapos lang na magpausok sa tabi nito...

palapit nang palapit sa akin ang kamatayan..
samantalang palayo naman nang palayo yung Dream Date ko... 🙁

may pag-asa pa ba ako na tapusin iyon..?
wala pang dumadating na rasyon ng gold bar dito sa bahay..
plano ko sanang i-convert sa cash, ipuhunan sa pagbili ng tig-bebente na bigas, tapos eh ibebenta ko naman ng Php 40.00 para sa 100% na patubo..
para madoble ko yung value nung gold bar...

is feeling , pero seriously.. kaya ko pa ba 'tong tapusin...??


>
bumawi ang katawan ko ng tulog kanina..
lumabis ako ng 1 and 1/2 hour..
mababaw lang ang tulog ko..
pero hindi ko napansin yung alarm ko...

wala din tuloy akong nagawang trabaho ngayong araw...

is feeling , ubos na ang kalahati ng buwan ko...

---o0o---


May 16, 2022...

[Online Marketing]

May na..
dapat nakapag-release na ako ng 2 projects for the year 2022..
pero naka-stuck pa rin ako doon sa December 2021...

project #16..
nasa 85% pa lang ng target..
kundangang nawala yung source ng 50% ng sales ko..
hay naku..
gipit na gipit na... 🙁

pero sugal na..
ini-release ko na yung project sa 3rd store..
mamatay na ang gagamit ng refund para sa read only na digital product..
next month release na ng project #17 doon sa platform..
then official release na sa July sa mga online store...

is feeling , pinili mo 'yan.. mamatay kang pinaninindigan 'yan...


>
grabe naman..
so na-disregard yung review na ginawa ko sa last month ng April.. 🙁
2 weeks yung dumaan na wala silang announcement ng winners..
tapos noong finally ay naglabas na sila sa simula ng week na ito..
eh hindi na kasali yung entry ko...

i mean..
hindi naman ako naghahabol sa award..
o di kaya eh sa discount..
pero i was hoping na mase-share yung review para mas maging accessible at mabasa nung iba..
bale tulong ko na rin sa kanila, since madalas naman na nasa malayo ako..
obvious din naman kasi na hindi maganda ang sitwasyon nila lately...

is 💔 feeling , nakakatampo...

---o0o---


May 18, 2022...

day off muna ngayong araw..
nakipaglibing sa housemate ko...

kasya naman pala sa maghapon lahat ng gawain ko sa buong araw..
maliban sa mismong trabaho ko...

is feeling , house blessing..? maaayos nga kaya nun ang lahat...??

---o0o---


May 20, 2022...

[Strange Dream]

so nagawa na ni Attendant Ry na makapasok sa panaginip ko...

nagising daw ako sa isang up and down na bahay na maraming pasikot-sikot..
aware daw ako na nasa bahay ako nina Attendant Ry..
parang gusto ko lang daw magbanyo noon..
kaya sa simula ay sinisikap ko daw makahanap ng CR sa pamamagitan lang ng paglilibot doon sa loob ng bahay, habang umiiwas sa mga tao doon...

isang beses ay si Attendant Ry mismo ang nakita ko..
parang nasa itaas na palapag yata ako noon..
pero hindi naman talaga kataasan..
hindi naman daw ako napansin ni Attendant Ry..
na iniiwasan ko ngang mangyari dahil siguradong makikilala niya ako...

sa patuloy kong paglilibot ay tuluyan na nga akong may nakasalubong na tao doon sa loob ng bahay..
parang sa bandang kusina..
isang babae, pero hindi ko kakilala..
considering na doon naman ako nagising sa bahay na iyon, eh casual ko na lang daw tinanong yung babae kung saan ba may CR..?
at sumagot naman siya at itinuro ako sa kung saang direksyon...

then parang nagmamadali na daw ako..
tila na-conscious na ako since may nakakita na nga sa akin..
at siyempre ay estranghero pa rin ang tingin ko sa sarili ko para sa paningin nila..
sa pagmamadali ko daw ay bigla na lang akong parang nahulog, palabas sa isang madilim na dulo ng isang eskinita..
nang bigla na lang may papalapit na isa na namang babae..
hindi ko din siya kakilala..
parang pumunta daw siya doon para i-check kung anong nangyayari doon sa sulok na iyon..
i guess naramdaman niya ang presence ko..
nagtago daw ako sa tabi, kung saan may konting nakaharang, malapit lang kung saan ako nahulog..
lumagpas naman sa paglalakad yung babae at hindi pa ako napansin..
pero sa tantsa ko ay makikita na niya ako sa oras na umikot na siya pabalik..
at for some reason daw ay naisip ko na kunwaring abutin siya gamit ang mga kamay ko, na para bang tinatakot ko siya na gaya ng isang zombie..
at ganun nga mismo yung nangyari, natakot at tumakbo yung babae noong nakita na niya ako...

is feeling , anong ibig sabihin nun..? na sobrang undesirable ko talaga...??

---o0o---


May 21, 2022...

[Lottery]

kahit isang beses lang talaga..
9 digits..
o kahit 8 lang, pwede na 'yon..
kailangan ko lang talagang matakasan ang mga kamalasan ko sa buhay...

after ng One Piece..
pwede nyo na talaga akong kunin..
pero peacefully lang..
walang torture..
tapos kahit burahin nyo na for eternity ang essence ng basurang existence ko...

is feeling , paano ba nire-reverse ang Reverse Midas...??

-----o0o-----


[V-League]


2021 Southeast Asian Games - Women's Volleyball


May 14, 2022...

1-1 na..
mahirap din talaga 'yon..
powerhouse na Thailand kaagad ang nakalaban nila..
3-0 sets...

is feeling , basta makapanalo lang sila laban sa Vietnam eh may pag-asa sila para sa Silver...

---o0o---


May 17, 2022...

bad news..
kinapos na naman ang national team laban sa Indonesia..
hindi pa rin sapat laban sa kanila ang Japanese training ni Jaja...

ibig sabihin na mas mahihirapan na sila ngayon na makakuha ng medalya..
kailangan nilang lagpasan ang kakayahan ng Vietnam, na usually eh 2nd kumpara sa Thailand, para muling magkaroon ng tsansa sa digmaan na ito...

is ⚠ feeling , ang masama nito..? sa bawat taon na lumilipas ay tumatanda sina Baldo at Jaja...

---o0o---


May 19, 2022...

wala na..
katapusan na ulit ng national team..
inapi ng Vietnam sa 3-0 sets...

is feeling , kulang pa talaga...

-----o0o-----


May 15, 2022...

[Trade]

pursebroken na naman... 🙁

missed opportunity..
na naman..
sa LUNA ng Terra this time..
from USD 0.00001 to USD 0.00055..
naisalba ko na sana yung nalagas kong USD 420, na USD 140 na lang sa ngayon...

may USD 7,700 na sana ako kahapon..
matutupad ko na sana yung pangarap ko na magkaroon ng 2 stablecoin savings na worth USD 1,000 each..
at nakumpleto ko na sana yung budget ko para sa Dream Date, may malaking sukli pa...

is feeling , pero buong akala ko talaga na magiging zero na yung asset na 'yon...


>
[Trade]

t*ng ina..
nakagawa na naman ako ng point of resistance..
hayop..
ako na naman..
dahil sa pagbuntot sa akin ng kamalasan ng FATE... 🙁

so sumugal nga ako sa LUNA..
umaasa na lalapit sa stablecoin value yung asset..
pero sa halip na umangat pagkapasok ko..
eh pababa na nga ulit siya... 🙁

USD 0.05..
kahit iyon lang..
kailangan ko lang talaga ng USD 2,000..
pakiusap..
defy FATE...

is feeling , kung para sa akin ka eh di mag-aabang ako hanggang sa merong mapala...


>
[TV Series]

nakakatuwa kung paanong hinahayaan ng GMA sina John Lloyd na tulungan yung mga dating talent ng Goin' Bulilit na makaraket pa rin...

hindi na maibabalik pa ang mga bagay na winasak na ng katiwalian..
dahil ang kasamaan ay diyos ng marami..
pero ganun talaga, kailangan ng pera sa mga production...

is  feeling , hindi na masama...

---o0o---


May 16, 2022...

[Trade]

sa halos araw-araw na nakakakita ako ng asset na umaangat..
mas nare-realize ko kung gaano kalakas yung kamalasan na dala-dala ko..
May na ngayon..
pero lagi lang bagsak yung mga asset na pinupustahan ko...

is feeling , kaya kong wasakin ang lahat.. maliban sa mga kalaban...


>
[Manga]

One Punch Man

yung sobrang seryoso ni Garou sa paglaban gamit ang kanyang bagong god skills..
pero nasa joke level pa rin ang lahat para kay Saitama... XD

patuloy lang sa evolution si Garou..
may flight ability na rin siya ngayon..
2 beses na siyang aksidenteng nakakapagligtas ng mga sibilyan..
sinuntok siya ng isang beses ni Saitama, pero hindi naman siya napinsala...

is feeling , wala eh.. nasa request na huwag siyang papatayin eh...

---o0o---


May 18, 2022...

[Trade]

so nagkuwento sa akin ang blood cousin ko na kumita daw ng lagpas Php 100,000 yung blood niece ko sa trading..
overnight lang...

ang sakit lang marinig..
yung mayaman na, may swerte pa rin pagdating sa mga ganung bagay..
samantalang ako..
lahat na lang ng pustahan ko, bumubulusok lang pababa..
kaya paano naman mawawala sa utak ko na may dala-dala akong sobrang taas na antas ng kamalasan...??

is feeling , kahit isang beses lang talaga...

---o0o---


May 19, 2022...

t*ng ina kayong kulto kayo..
patay na yung tao..
nagpakita na sa inyo ng death certificate..
pero naghahabol pa kayo ng malinaw na kopya..
nananakot kayo na ia-AWOL yung tao..
nananakot pa kayo na hindi makakarating sa langit yung tao kapag na-AWOL ninyo...

ang tao kapag patay na, eh patay na..
hindi kapwa tao ang huhusga sa kung ano man ang entity na matitira para sa isang taong namatay..
mga diyos-diyosan kayo...

is feeling , palibhasa pera lang ang habol ninyo at tax exemption...

---o0o---


May 20, 2022...

[Game]

after 300 days..
784 SLP, so parang nasa 52 SLP per day..
so far, ito na ang highest earning ko simula nang tanggalin na ang reward mula sa Adventure at Daily Quest..
pero nangyari na naman..
kung kailan mas madami ang aking na-harvest, ay saka naman bagsak na bagsak na ang palitan ng SLP.. 🙁
nasa Php 0.28 lang ngayong araw...

sobrang nakakalungkot.. 🙁
pawala nang pawala lahat ng mga pinaghihirapan ko..
2 sahod ng scholar ang na-stuck sa trade..
at nasa 12 na yung para sa main account ko...

sa ngayon nasa USD 786 na dapat yung total ng lahat ng assets ko..
at nasa USD 1,298 naman yung adjusted value ng kailangan kong habulin para sa Php 3.00 per SLP na palitan...

is 💀 feeling , sorry sa lahat ng mga players na nadamay sa kamalasan ko...


>
[Trade]

so dahil hindi sapat ang latest kong na-farm para makabili ng kahit na anong asset, para patubuan sana.. 🙁
eh ipinasok ko na muna siya sa RON farming...

heto ang ilang example ng fees para sa Ronin network (values are in RON):
- 0.0001249 - for claiming in-game SLP
- 0.0001563 - SLP to WETH conversion
- 0.0002316 - submit RON/WETH for luquidity to get LP
- 0.0000531 - approval of RON/WETH LP for staking
- 0.0002370 - staking of RON/WETH LP for RON farming
total = 0.0008029 (USD 0.00041 only)

okay naman siya..
bawi na lahat ng mga nagastos para sa fees in less than 24 hours...

is 💀 feeling , sorry sa lahat ng mga nadamay sa kamalasan ko sa trade.. ang pag-angat ng iba pang mga cryptocurrency ang patunay na may dala-dala nga akong matinding level ng kamalasan...

---o0o---


May 21, 2022...

[Trade]

gaano ako kamalas sa mundo ng cryptocurrency...??

- yung huli kong Axie na nasa Php 8,250 ang bili ko, ngayon eh nasa Php 350 na lang ang minimum na presyuhan
- yung original na pondo ko sa RON farming na nasa USD 40 plus ang value, ngayon eh nasa USD 8 plus na lang
- yung ipinasok ko kahapon na USD 4 plus para sa RON farming din, ngayon eh nasa USD 3 plus na lang ang value
- yung nasa USD 786 na original value ng pondo ko sa Binance, ngayon eh nasa USD 170 plus na lang
- yung isa kong savings na nasa USD 20 na pinambili ko ng asset, ngayon eh nasa USD 4 na lang 

is 💀 feeling , lahat ng nagkakaroon ng kaugnayan sa akin ay bumabagsak lang dahil sa Reverse Midas ko...


No comments:

Post a Comment