Saturday, May 14, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of May 2022 (Split Decision)

Loveless Story


May 8, 2022...

yung nagsabi yung p*ta na maghuhulog daw siya sa first week ng May..
pero heto at tapos na ang first week, at wala pa rin naman siyang naita-transfer na bayad... 🙁

ano nga bang maaasahan sa salita ng isang hayop na paulit-ulit lang akong niloko at pinaikot...?? 🙁

is 💀 feeling , kamatayan para sa lahat ng taong nanloko at nanggamit lang sa akin...


>
tapos na sa pagsusulat nung 2 adventure..
review na lang nung venue..
tapos proofreading na...

is feeling , konti na lang, makakabalik din ako sa trabaho...

---o0o---


May 13, 2022...

[Music]

MC Einstein featuring Flow G, Yuri Dope, and Jekkpot - Titig (Wish Version)



Ewan ko kung pano ko bibitbitin
Yung pagtingin ko kasi kung hanggang tingin lang ay bitin
Ayoko rin naman tong kimkimin kaso mukhang
Hindi ko pa rin to sayo kayang banggitin
At baka isnabin mo lang at di mo pansinin
Bitin kahit na empi beer at gin ang inumin
Yung tapang ay wala pa rin san ko hihiramin
Kahit maglasing wala rin kung paggising ko duwag pa rin
Pano sasama kung hindi ako nag-aaya
Pano tatama kung hindi ako tumataya
Minsan iniisip ko na wag na lang kaya
Kaso yung isip ko ay nagbabago din maya maya
At sobra sa pag-asa kulang sa kumpyansa
Kaya mukhang malabong magka tyansa
Gusto ko lang naman ay maging Popoy mo Basha
Yan ang matagal ko na pantasya

Matagal na kitang sinusundan, tinititigan at hindi maiwasan
Na ikaw ay di tingnan sa malayuan at pinag-iisipan ko kung ano ang paraan
Para ikaw ay malapitan, kaso malayo ang pagitan
Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala
Saking ginagawa na pag kung tumaya ay wag mapahiya

Di lang ako kumikibo, matagal ng tumitibok
Ang puso ko para sayo kaso minsan kumikirot
Di ko kasi masabi, di ako umaarte lang
Di ko lang alam kung papaano aatake
Kasi baka naman ako ay tablahin
Kaya tinatak sa isip ko na wag nang tangkain
Panaginip lang lahat ng yon ako ay tampalin
Para gising na ako tamang panahon aantayin
Ko na lamang woh, kasi wala naman masama sa magtyaga
Kung para sa akin ka eh di mag aabang ako hanggang sa merong mapala
Kaso wala naman magaganap lalo't na pag wala ako ginawa
Tsaka baka mamuti lang ang mata pag nag antay ng himala
Di naman malabo na mapansin mo ko kapag di ako nagtatago
Kailangan ko lamang na maging matapang kung gusto ko na magka tayo
Wala naman kasing ibang paraan kung san takot ay magpapatalo
Kawawa na ko puro na lang tingin sa malayo kailangan ko yatang magbago kasi...

Matagal na kitang sinusundan, tinititigan at hindi maiwasan
Na ikaw ay di tingnan sa malayuan at pinag iisipan ko kung ano ang paraan
Para ikaw ay malapitan, kaso malayo ang pagitan
Hanggang kailan kaya mag aabang kung may mapapala
Saking ginagawa na pag kung tumaya ay wag mapahiya

Kay tagal na din pala kung iisipin mo
Kaso hindi mo pala to alam sinong sisisihin ko
Kundi sarili ko na labis ang takot na baka mapahiya lang
Torpe man akong ituring ay wala akong pakielam
Sa sasabihin ng mga hibang na walang pake sa nararamdaman
Sana hindi nyo ito maramdaman na mahal kita ng hindi mo alam
Nabihag mo kasi ganda mo pang fantasy
Yan ang pinoproblema ko ako ay simple lang kasi
Pano ba kita mapapaibig
Sa mga mata'y di makatitig
Baka diskarte ko magkaloko-loko
Kaso hindi ko na mapigilan na ika'y masolo ko
Sa panong atake kita makakausap
Hindi ko mawari baka ika'y magulat
Pag ako lumapit na kaba sa dibdib ko ay matic na
Nais ko lang ay malaman mo na noon pa man ay matagal kitang

Matagal na kitang sinusundan, tinititigan at hindi maiwasan
Na ikaw ay di tingnan sa malayuan at pinag iisipan ko kung ano ang paraan
Para ikaw ay malapitan, kaso malayo ang pagitan
Hanggang kailan kaya mag aabang kung may mapapala
Saking ginagawa na pag kung tumaya ay wag mapahiya

Matagal na kitang sinusundan, tinititigan at hindi maiwasan
Na ikaw ay di tingnan sa malayuan at pinag iisipan ko kung ano ang paraan
Para ikaw ay malapitan, kaso malayo ang pagitan
Hanggang kailan kaya mag aabang kung may mapapala
Saking ginagawa na pag kung tumaya ay wag mapahiya


naka-relate lang ako..
madalas ganito na ako eh...

credit for the video goes to original creator(s) and uploader...

is 💘 feeling , kailangan ko lamang na maging matapang kung gusto ko na magka-tayo.. nabihag mo kasi ganda mo pang fantasy, 'yan ang pinoproblema ko, ako ay simple lang kasi...


>
so tapos na nga ako sa pagsusulat..
kaya next week eh makakabalik na ako sa trabaho...

naging okay nga yung mga huli kong adventure..
hindi perpekto..
pero satisfying pa rin..
karapat-dapat lang talaga na i-evaluate yung 2...

satisfying, pero naging sobrang gastos..
nagulat ako doon sa Php 700 na expenses ko sa transportation..
dati, sa sobrang tipid ko, hindi ko nga hinahayaan na lumagpas sa Php 300 ang gastos ko sa pamasahe eh..
pero lately, panay taxi ako dahil sa jeep-less na ruta..
bukod doon, eh masyado nang nawasak ng ekonomiya ng bayan ang pamasahe sa bus..
from Php 120 plus noon, naging Php 140 plus na noong 2020 hanggang early 2022..
pero last April ay nasa Php 170 plus na kaagad... 🙁

to think na mas pinahirap nila ang buhay ng mga tao..
tapos pinangakuan nila ng kung anu-anong kasaganaan kapalit ng support-buying... 🙁

anyway, balik sa istorya..
napagastos din ako nang husto doon sa venue..
lagpas Php 3,000..
hybrid; may mura, may mahal..
pero ang ending pala ay mas mapapamahal lang ako...

and so, nahanap ko naman nga yung bagay na hinahanap ko..
ang problema..?
magkahiwalay yung mga katangian doon sa 2 babae..
na kay Attendant Ry yung bikini body na pangarap kong makita para sa Dream Date..
tested na 'yon, dahil madaming beses ko na siyang nakita in swimsuit..
kaso mostly ay hanggang physical aspects nga lang siya..
samantalang na kay Attendant M naman yung sobrang taas na level ng lambing at kunwa-kunwariang pagmamahal na matagal ko nang hinahanap..
maganda din naman siya at sexy, hindi pa nga lang tested sa bikini..
pero talagang mas sakto lang yung features ni Attendant Ry pagdating sa physical preference ko..
kaya naman hati ang isipan ko sa ngayon...

Php 60,000 goal..
Php 45,000 pa ulit ang kailangan ko...

is 💘 feeling , kailangan ko lamang na maging matapang kung gusto ko na magka-tayo...

-----o0o-----


May 13, 2022...

[V-League]

2021 Southeast Asian Games - Women's Volleyball

may panalo na laban sa Malaysia..
good start...

pang-year 2021 pala yung ginagawa nila..
wala pala si Morado sa national team ngayon... 🙁

is feeling , bayan lang ang wasak.. ang Volleyball hindi...

---o0o---


[Sports]

yung nag-Champion ang UP sa men's basketball..
pero baka wala ng susunod..
kasi mas malakas na ang mga panawagan ngayon na ipasara na lahat ng mga state universities..
para lang mabusalan na ulit ang kalayaan sa pagpoprotesta laban sa kasamaan...

ipapalimos na lang ang mga gatas sa mga manlilimos...

is ⚠ feeling , auto-red-tag...

-----o0o-----


May 8, 2022...

[Trade]

noong akala ko na bumagsak na ang Bitcoin..
eh nag-stake na ulit ako ng USD 7 sa BNB..
for 120 days..
pero after that ay muli ding bumagsak ang Bitcoin...

basta nasa USD 12 na dapat ang pera ko sa BNB...

is feeling , sa tuwing gumagawa ako ng desisyon, bumabagsak ang market.. wala na yata talagang magbabago sa madilim na kapalaran na 'to...


>
[Vocabulary]

Negative Campaigning

sa Age of Misinformation..
ang ibig sabihin nung term ay ang pagsasabi o pag-uulit ng totoong kasaysayan..
ang paglalahad ng mga totoong pagkakasala, kaso, at verdict..
ang paghahangad ng katarungan at patas na hustisya..
basically, lahat ng tungkol sa katotohanan...

is feeling , pero maging yung definition nung term ay binago na rin ng mga social media farm employees...

---o0o---


May 9, 2022...

[Trade]

bumagsak na sa USD 34,000 kaninang umaga ang Bitcoin..
and then USD 33,000 naman ngayong bandang tanghali...

pero kahit papaano ay pilit na lumalaban yung asset na kinuha ko..
nabalewala niya yung impact nung pagbagsak sa USD 34,000..
at nasa 60 levels lang naman ang naging damage niya noong bumagsak na papuntang USD 33,000 ang Bitcoin...

is feeling , kailangan ko pa daw maghintay hanggang Q4...

---o0o---


May 10, 2022...

Ukraine nga ay pinabayaan eh..
Pilipinas pa kaya...??

humans are nothing but fertilizers..
parating may lugar para sa kasamaan...

kaya huwag na kayong magtaka sa mga delubyo..
hayaan nyo na lang..
mamatay na kung sino ang mga mamamatay...

is feeling , t*ng inang Reverse Midas 'to.. talagang gumana sa pinaka-kritikal na sandali...


>
[Trade]

isa pa ulit..
2,000 levels na pagbagsak para sa Bitcoin..
katumbas ng 200 levels na pagbagsak para sa napili kong asset...

unfortunately, hindi pa nakakabawi yung asset sa pagkalugi ng market kahapon..
naglalaro lang siya doon sa safe na level..
kaya naman nahila siya noong muling bumagsak ang Bitcoin...

sayang..
maganda sanang entry point ang USD 0.006..
madali lang kasing maabot ang USD 0.012 na target kumpara sa USD 0.027..
mas strategic sana iyon para mas mabilis kong mabawi ang aking USD 800 kung saka-sakali..
pero wala na..
matagal nang nawala yung pagkakataon ko... 🙁

is feeling , kung saan-saan ang tinatamaan ng Reverse Midas ko.. kailangan ko munang mamatay bago maging maayos ulit ang lahat.. pero hindi pa pwede sa ngayon...

---o0o---


May 11, 2022...

[Climate Change]

bukod sa pendulum concept at magnets..
isa pang magandang alternative source ng energy ay ang mismong human energy...

may ilan ng ginagamit na concept..
tulad ng pag-convert ng energy na ginagamit ng tao sa paglalakad bilang energy na pang-charge ng smartphone...

kaya paano kung pakinabangan naman ang mga bilanggo o di kaya ay mag-hire ng mga tao na magpa-farm ng energy..
halimbawa ay through doing exercises..?
ang alam ko nag-e-exercise naman talaga sila, at yung iba eh nagsasayaw pa nga..
so kalabisan ba kung i-convert at pakinabangan naman ang energy na inilalabas nila...??

tapos magtatanim na lang ng maraming mga puno bilang taga-absorb ng carbon dioxide emission nila...

is feeling , bilang kapalit ng libreng masisilungan at pagkain nila...??

---o0o---


May 12, 2022...

naiintindihan na ba ngayon ng mga tao kung bakit hindi mahalaga ang pagsuporta sa mga umaasa lang talaga sa mga limos...??

walang halaga sa kanila ang kasaysayan..
walang halaga sa kanila ang katarungan..
walang halaga sa kanila kung ano ang tama o mali..
survival lang ng kanilang mga sarili ang mahalaga para sa kanila..
yung magkaroon ng libreng pera na pangkain..
yung magkaroon ng libreng pera na pangsugal..
yung magkaroon ng libreng pera na pangtustos sa bisyo..
pera lang ang pinaniniwalaan nila..
ultimo Php 50 eh sasambahin nila...

kaya naman sa susunod na magbibigay kayo ng tulong..
isipin nyo muna kung may paninindigan man lamang ba ang taong tutulungan ninyo o wala..
tulungan ang mga nagsisikap na makabangon sa buhay..
pero pabayaan na lang ang mga absolute na manlilimos..
may mga tao na dapat hayaan na lang na mamatay...

bukod doon..
2 kasi ang atake ng misinformation..
ang una ay through social media..
pinapakalat ng mga social media employees para mabasa ng mga walang utak na naniniwala sa kanila..
at mula sa mga walang utak na may access sa mga FAKE social media content..
eh saka naman nila naipapasa sa street level sa pamamagitan ng tinatawag na Marites culture...

is feeling , mas magiging mahirap pa ang War Against Misinformation simula ngayon.. baka nga wala na tayong maging laban sa kanila dahil nasa panig na nila ang mga armadong empleyado...


>
[Trade]

mas naging seryoso pa ang sitwasyon..
hindi na lang hanggang USD 20,000 ang pinag-uusapan nila na pagbagsak ng cryptocurrency market..
crash to zero na ang latest na usapan...

naging example na ang Terra Luna at ang kanilang stablecoin na UST..
bumagsak ang UST..
samantalang ang dating pumapalo sa USD 100 plus na Terra Luna ay pinasadsad na nila around USD 1.00...

kaninang umaga..
nasa 940 levels na ang layo ko sa aking entry point..
at nananakot na rin sila na madudurog na rin ang iba pang mga stablecoin... 🙁

is feeling , lahat ng kamalasan na nangyayari sa mundo ngayon ay dahil sa akin.. nakibahagi ako sa actual trading market, kaya naman winasak ng FATE ang lahat...


>
so meron akong in-law na may double standard pagdating sa katiwalian...

sa isa naming probinsiya..
lumalaban siya sa liderato ng katiwalian..
kasi father-in-law niya yung mabuting tao na inaatake nung mga tiwali..
pero lagi nga silang talo sa panahon ng pilian, kasi hindi naman sila directly bumibili ng mga boto..
i say na hindi directly, kasi there were times before na sinasagot nila ang pamasahe sa pag-uwi ng mga nagsasabi na susuporta sa kanila...

galit siya kuno sa katiwalian, pero hindi sa lahat ng mga tiwali..
halimbawa, protektado niya lahat ng kagagawan ng Hokage na Mahilig..
pero anong dahilan..?
dahil nakikinabang ang kompanya niya sa mga projects..
wala siyang pakialam kung Imperial money ang involved o kung mababaon sa utang ang bayan..
basta ang mahalaga sa kanya eh kumikita sila ng milyon na pwede niyang ipagyabang sa ibang tao..
at iyon din ang naging dahilan kung bakit sinuportahan niya ang isang tax evader..
dahil sa pangako nung demonyo na itutuloy lang nila ang paghahanap ng mga pwedeng gawing projects..
wala siyang pakialam sa kasaysayan o sa mga krimen nung angkan..
kasi ang mahalaga lang para sa kanya ay yung pera na papasok sa kanyang bulsa...

isa 'tong halimbawa ng kawalan ng paninindigan ng isang tao..
tutol ka lang laban doon sa isang tiwali, kasi wala kang napapakinabangan mula sa kanila..
pero kaya mong yakapin ang isang malaking sindikato, kasi milyunan ang nakukuha mong benefits sa mga projects nila..
and to think na kini-claim pa ng taong ito na malapit sila sa diyos...

is feeling , nakakarumi...


>
[Climate Change]

ang galing nga nung concept na gamit sa mga Hybrid Electric Vehicle..
yung ipang-cha-charge mo ng baterya yung mismong energy na nagagawa ng sasakayan habang umaandar ito..
sa dami naman kasi ng moving parts ng mga sasakyan eh pwedeng-pwede talaga na gawin 'yon...

yun nga lang..
asa pa rin sa gasolina...

is  feeling , konti pa...


>
[Lottery]

yung Php 40,000 ko sa Binance..
nasa Php 8,000 na lang kanina... 🙁

tapos sinusubukan pa ng mga analyst na maging optimistic..
kinukumpara ang performance ng Bitcoin noong 2014..
kaso sobrang laki ng pagkakaiba ng 2022..
may bioweapon sa paligid..
may problema sa petrolyo dahil sa Northern Empire..
may problema sa ekonomiya dahil sa Northern Empire..
meaning, kailangang pumatay ng isang buong imperyo para lang matapos ang ibang mga problema...

kaya naman Lottery na lang talaga ang pag-asa ko..
para magawa ko pang matapos lahat ng mga plano ko..
t*ng ina, pahirap nang pahirap ang lahat..
2020 pa, panay overspending na ako dahil sa bagsak na ekonomiya..
sobrang nakabigat pa yung mga scam na nadaanan ko...

ang lapit-lapit ko na sa bagay na kailangan ko..
pero pabulusok na sa zero ang pera ko... 🙁

is feeling , well-played, FATE...

---o0o---


May 13, 2022...

[Lottery]

tumama pala yung main combination ko para sa aking primary game noong isang araw..
hindi lang basta yung pool ko ang nanalo..
4 na numbers..
Php 3,000 dati yung prize para doon..
pero nagtaka ako kanina, pag-check ko sa website nasa Php 1,500 na lang...

anyway..
yun sana ang highest winning ko so far..
kaso wala akong taya...

is feeling , grabe naman yung 50% corruption pagdating sa prize...


No comments:

Post a Comment