Friday, February 26, 2021

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of February 2021 (Time with Him)

Loveless Story


February 21, 2021...

kailangan ko ng matinong panahon..
yung hindi ganitong pang-Winter..
at hindi din naman maulan..
magma-March na..
kaya kailangan na ang Summer-mode...

hindi din pwedeng maulit yung nangyari noong November..
na may katapat na delubyo yung mismong itinakdang araw ng aming pagkikita...

is feeling , kung sino man ang may puso na nakikinig dyan sa universe.. sana hayaan ninyo akong mairaos nang matiwasay ang araw na iyon...


>
[Medical Condition]

1 month na akong gumagamit ng virgin..
ng virgin coconut oil.. XD
este, hindi na pala virgin..
extra virgin na lang...

sa Goblin Slayer, merong holy-type na healing ritual na mas nagiging mabisa kung may katabing virgin na babae ang isang napinsalang mandirigmang lalaki sa kanyang pagtulog o pagpapagaling...

is feeling , gumana ka na, please.. pahupain mo muna yung isinumpang pagkabulok ng katawan ko...


>
at totoong naubusan na ako ng mga pwede kong i-render this time..
nasaid ko na kahit yung mga extra...

pero madami pa ring kulang para sa plano...

is feeling , kailangan na munang makabalik nang konti sa trabaho...


>
unang mistake na nagawa ko..
ipinag-download ko ang biological mother ko ng isang gaming app na pang-exercise sana ng utak..
nainggit yung asawa niya..
nakikigamit tuloy nung phone..
eh baka kako may virus yung kamay dahil parating umuubo at dumadahak..
kaya ayun, ipinag-download ko sa sariling phone niya...

ang problema..?
dahil nalaman niya na madami akong nasasagutan doon sa mga puzzle.. 
sa akin tuloy siya lapit nang lapit..
madalas na sumisilip sa bintana ko..
humihinga doon..
at nagtatanong kung anong sagot sa mga puzzle...

so para akong naglason sa sarili ko.. 🙁
binigyan ko ang isang sobrang outgoing na tao ng dahilan para maglalapit sa akin, sa panahon ng bioweapon..
tapos kapag sinita mo siya..?
ayun at magagalit na kesyo sobrang selan naman daw...

is feeling , huwag lang talagang makakapitan ng bioweapon ang pabayang 'yon.. kundi, maniningil talaga ako ng malaki...


>
mga bagong threat para sa plano... 🙁

dahil kami yung mahirap sa angkan..
dahil kami yung madalas na walang ambag at maraming mga utang noon..
plano nila na dito na paalagaan sa bahay yung pasyente nila na nailigtas ng pera mula sa kamatayan..
isang pasyente na may learning disability, at may background na rin pala ng Tuberculosis...

pero walang magagawa..
kami ang basura sa angkan..
kaya sa amin rin ang tapon ng ibang mga basura... 🙁

pero bago yung pasyente..
una muna naming haharapin yung mga ipapadala nilang construction workers..
walang swab test, swab test..
basta bahala na kayo sa mga buhay ninyo sa panahon ng mas malalang mga variant...

is feeling , FATE, anong plano mo..? bakit mo 'to idinidikit sa quarantine period ko..? universe, huwag na huwag mo akong padadalhan ng put*ng inang carrier dito sa bahay...

---o0o---


February 22, 2021...

simula na ng laban..
paano umiwas sa bioweapon challenge..
at may kasabay pa siyang ulan..
meaning, pang-delay sa kung ano man yung ginagawa nila sa lote namin...

is feeling , stay negative...


>
kasalanan ko ba..?
dahil binigyan ko siya ng parang guarantee...??

nasa probinsya pa rin siya..
kasama ng angkan ni Arjo kamakailan..
pinainom pa yata ng alak, na naman..
tapos niyayaya pa ng kanyang mga kakilala na gumala... 🙁

mga hinayupak naman kayo o'..
kailangan ko siyang maging ligtas mula sa bioweapon..
hindi siya pwedeng mapeste..
subukan nyo lang talaga siyang dalhan ng bioweapon..
t*ng ina..
wawasakin ko talaga kayong lahat sa isinumpang lugar na 'yan...

is 💔 feeling , bumalik ka na.. lumayo ka na mula sa kanila.. at mag-quarantine din, please...

---o0o---


February 23, 2021...

[Medical Condition]

15th try..
meron pa ring foreign mass..
pero mukhang mas clear naman kumpara dun sa 14th...

nasa day 79 na ako..
at 1 try na lang ang natitira para sa akin...

is feeling , kailangan ko ng matinding himala sa buhay...


>
kung next week pa siya babalik..
hindi na siya magkakaroon ng sapat na panahon para mag-quarantine...

is feeling , ano bang inaasikaso mo..?? at saan...?

---o0o---


February 24, 2021...

may laman na...

pero hindi pwedeng ma-excite..
bawal kang ma-excite..
kailangang baliktarin ang mga dati ng kakayahan..
wasak na ang dati mong maskara..
kaya naman hinding-hindi mo na iyon pwedeng gamitin pang muli..
ibang tao ka na ngayon...

is ⚠ feeling , matutong maghintay ng paanyaya...


>
balik-trabaho na simula noong Monday..
kahit papaano, mas maayos ngang magtrabaho kapag bawas na yung mga iniisip..
ratsada naman..
nagbabawi ng mga nasayang kong araw...

so far, okay pa naman ang lahat..
kaso mahaba-haba pa ang dadaan na panahon..
sana lang eh walang malubhang kabobohan na gawin ulit ang pamunuan..
para iwas sa mga bagong mahihigpit na patakaran...

is feeling , hindi ko pwedeng pabayaan yung buhay na babalikan ko pagkatapos ng lahat...

---o0o---


February 25, 2021...

nasasaktan na ako..
mukhang live-in na talaga yung setup nila ni Arjo... 🙁

ginamitan ko siya ng god's Eye, kasi siya lang yung gusto kong makita..
at ganun naman nga yung sitwasyon noong simula..
siya lang, at walang pesteng lalaki sa buhay niya..
kaso pumasok nga sa eksena si Arjo... 🙁

ewan..
mas gusto ko pa tuloy yung mga panahon na parang mga palaboy pa sila..
oo, mahirap ang buhay..
bagsak ang ekonomiya..
pero at least hindi niya kailangang tumira na kaagad sa bahay ng isang lalaki...

kung naging maayos lang sana yung family nila..
kung hindi lang sana siya naging extended member lang..
kung hindi sana naghangad ng iba pang pamilya yung mga naging magulang niya noong panahon na nagkakawatak-watak na sila..
kung nagkaroon lang sana ng pagmamahal at atensyon na masasabi niya na para lang sa kanya..
kung nagkaroon lang sana siya ng lugar na matatawag niyang tahanan..
kung saan siya nabibilang, at hindi isang bisita lamang...

is 💔 feeling , bumalik ka na, please.. ayoko nang makita pa si Arjo sa mga alaala mo...


>
kahit masakit..
kailangan kong tiisin...

currently, siya ang pinakamalapit sa tipo ng babae na hinahanap ko..
hindi ako kailanman nagkaroon ng pagkakataon na gawin yung ganung klase ng experiences at memories..
eh kasi naman napaka-babastedin ko talagang klase ng lalaki...

kaya naman..
pipilitin ko na 'yong makuha..
this time..
kahit sa panahon pa ng bioweapon...

is 💔 feeling , kailangan ko lang talaga ng opportunity para matuloy iyon...

-----o0o-----


February 23, 2021...

okay lang sa akin yung 5 Mbps..
hindi ko kailangan ng sobra-sobrang bilis na internet..
sayang lang ang pera kung pinagbabayad ka ng bandwidth na hindi mo naman nagagamit nang husto...

stable na connection..
mabilis na repair..
pagdating sa mobile data, yung hindi nagnanakaw ng load kahit na naka-off naman..
tsaka yung tapat sa singilan..
ayos na ako sa ganun...

hindi ko kailangan ng mala-Imperyong bilis ng internet..
hindi ako mag-aambag sa panggawa nila ng mga aircraft carrier at mga base militar..
hindi ako mag-aambag sa pag-iimbento nila ng mga bago pang bioweapon...

is feeling , doon.. doon na lang kayo sa isinumpa ninyong Imperyo...

---o0o---


February 24, 2021...

[Lottery]

mukhang may nangyayari na namang kakaiba sa lottery..?
katulad din noong mga panahon bago ang selection process for 2019...

sunud-sunod na nakukuha ang mga pangunahing papremyo nang maiksian lang ang interval...

is feeling , reds...

---o0o---


February 25, 2021...

Bio-Hybrid..
ang galing nito, may pang-cargo din..
tamang-tamang ka-partner ng renewable energy sources...

may matatalino naman talagang mga tao eh..
marami lang talaga yung parati na lang nagmamadali..
ang gusto eh mabilis at komportable..
pero mas magiging maganda ang mundo kung makaka-imbento sila ng mga sasakyan na may power multiplier na dependent lang sa sariling energy ng mga tao o di kaya eh sa renewable energy source nga...

is feeling , para sa Earth...

---o0o---


February 26, 2021...

kalahating nilalang pa lang ako..
as in sperm pa lang, at wala pang ka-union na egg..
eh naninigarilyo na ako...

hanggang ngayon, naninigarilyo pa rin ako..
kasi naman hindi ako makaalis-alis sa paligid ng biological father ko...

pero pati ba naman karpintero eh dumadagdag pa sa load ko ng usok..
mga put*ng ina..
jalousie lang ang bintana ko, hindi salamin ng mall..
sinong mga put*ng ina ang nagturo sa inyo na hindi kayang makapasok ng usok ng sigarilyo sa saradong jalousie..?
bakit kailangan nyo parating tumabi sa put*ng inang bintana ko kapag naninigarilyo kayo...??

is 💀 feeling , mga sugo kayo ng demonyong si FATE...


No comments:

Post a Comment