NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 219 na)..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
daily black prayer...
sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...
sana magtagumpay na sa paggawa ng vaccine ang AstraZeneca..
at sana maging maayos na ulit ang mundo...
is 💀 feeling , day 210...
-----o0o-----
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 219 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
January 30, 2021...
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung madali lang para sa kanya na isapubliko ang pangalan ng ibang mga tao, pero hindi yung sa iba pa
- yung may mga Representative na kayang pangalanan kaagad at meron ding mga pinipiling hindi pangalanan
- yung dating opisyales na idinadawit sa anomalya, pero muling bibigyan ng katungkulan ngayon
- yung pangmamaliit sa mga kababaihan regarding sa pamumuno
- yung pagbabaling ng sisi sa mga Internet Service Provider dahil sa paglaganap ng child pornography
- yung palusot na kesyo may sakit daw sa utak yung pulis na innocent-killer sa Tarlac
- yung kailangan DAW ng modernization para sa mga armadong empleyado dahil sa pandemic at natural calamities, pero sino bang nagpapatulog nung pera sa PITC
- yung gustong gawin nang libre ang swab test, pero ni hindi nga mabayaran ang lahat ng utang sa Philippine Red Cross
- yung ayaw na ng kapayapaan kasama ng mga rebelde, pero willing na magbigay ng COVID-19 vaccine para sa mga rebelde
- yung kagustuhan na i-exempt ang mga lokal na mamamayan na nasa UK mula sa travel ban na laban sana sa pagkalat ng UK COVID-19 variant
- yung ilang araw ng topic yung tungkol sa bagong COVID-19 virus strain mula sa UK, pero late nang kikilos
- yung ginagawang hostage ang Visiting Forces Agreement (VFA) kapalit ng pagkakaroon ng vaccine mula sa USA
- yung pambibintang sa mga taga-Europe na kesyo iniipit daw yung mga vaccine
- yung pagbibigay papuri sa paggamit ng smuggled na vaccines
- yung pagpoprotekta sa mga gumagamit ng smuggled, at maging sa mismong smuggler na rin
- yung pinapalabas na masama ang pagbusisi sa pamimili ng mga vaccine, kahit na may mga kuwestiyonable naman talagang impormasyon na lumalabas
- yung ayaw maging ehemplo sa pagpapabakuna
- yung kagustuhan na madaliin ang approval ng Imperial vaccine, sa kabila ng mababang efficacy rate nito at ng pagiging mas mahal kumpara sa iba pang vaccines
- yung ayaw pahusgahan ang Imperial vaccine, pero hinuhusgahan na kaagad ang Pfizer vaccine
- yung pagtatanggol na may sapat daw na kaalaman ang mga Imperyalista tungkol sa mga vaccine
- sa Angeles City, yung pulis na nahuli sa buy-bust operation
- sa Daet, Camarines Norte, yung pulis na miyembro ng Police Mobile Force Battalion na hinuli dahil sa pagbebenta raw ng ilegal na droga
- sa Pampanga, yung Konsehal na nahuli sa buy-bust operation
- sa CALABARZON, yung 2 pulis na pinasisibak sa katungkulan matapos na mahuling nagpositibo sa illegal drugs
- sa Davao City, yung empleyado ng Davao City Treasurer's Office na nahuli sa buy-bust operation sa loob mismo ng gusali ng Sangguniang Panlungsod
- sa Zambales, yung 4 na pulis na bahagi ng drug enforcement unit at 1 sibilyan na nahuli sa buy-bust operation sa isang shabu laboratory
- sa Arayat, Pampanga, yung Barangay Chairman na nahuli dahil sa pagkakaroon ng hindi lisensyadong mga baril
- sa Calbayog City, sa Samar, yung Barangay Chairman na nahuli dahil sa pagkakaroon niya ng mga hindi lisensyadong baril
- sa Isabela, yung pulis na nahuli dahil sa robbery extortion laban sa isang babae na may kinakaharap na maraming kaso
- sa Navotas City, yung naka-AWOL na pulis na naaresto dahil sa pangongotong
- sa Ermita sa Manila, yung 2 tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau na hinuli dahil sa pangingikil
- yung empleyado ng DOJ, na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil ng tinatawag daw na pasalubong mula sa isang customs broker
- sa Pasay, yung Deputy Warden ng Taguig City Jail, na inaresto dahil sa kasong panggagahasa raw sa 1 sa kanyang mga boarders
- sa Zamboanga del Norte, yung dating miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) na inaresto dahil sa patong-patong na kaso ng rape laban sa sarili niyang menor de edad na anak na babae
- sa Camp Castañeda sa Silang, Cavite, yung kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na binugbog ng mga kapwa niya kadete nitong bagong taon, na nag-ugat daw sa pagsita ng biktima sa 3 suspek dahil sa pag-iinuman sa school premises
- sa Parañaque City, yung clearing operations kung saan sinipa sa mukha ang isang lalaki na nasukol na nang husto ng Parañaque Task Force, nag-ugat yung gulo sa agawan sa kariton
- sa Pampanga, yung construction worker na napatay ng pulis matapos na mapagkamalang holdaper
- sa Mabalacat, Pampanga, yung dating pulis, na nag-AWOL, na hinuli dahil sa kasong murder
- sa San Rafael, Bulacan, yung dating pulis na wanted dahil sa kasong murder na napatay sa shootout
- sa Paniqui, Tarlac, yung pulis na innocent-killer na pumatay ng walang kalaban-laban na mag-ina nang dahil lang sa away sa boga at righ of way
- sa Zamboanga City, yung sundalo na nakapatay ng kapwa niya sundalo, kasi nagkaroon daw ng pagtatalo dahil lasing yung isa
- sa Basilan, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa kasong murder, na from 2005 pa, may nakuha rin daw na baril at mga bala sa barangay hall kung saan nadakip yung suspek
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
- sa Davao City Jail, yung nasa Php 2 Million daw na halaga ng shabu na nadiskubre sa mga walis na donasyon daw ng kung anong religious group
- yung pulis na isa sa mga suspek sa nangyaring pananambang at pagtumba sa isang lawyer sa Palawan
- sa Baguio City, yung lalaking dinukot at pinatay, pinugutan pa yata ng ulo, kung saan 2 pulis ang mga suspek na miyembro raw ng drug enforcement unit ng Police Regional Office - Cordillera
- sa Tarlac, yung natagpuang bangkay ng isang dating Court of Appeals justice, na pinutulan daw ng kamay at ng mga daliri
- yung Mayor ng Los Baños, sa Laguna, na itinumba sa loob mismo ng municipal hall
- yung pagkamatay ng Counter Terrorism Division Chief ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob mismo ng kanyang opisina
- yung 2 Aeta na no read, no write daw, na dinakip dahil daw sa pagtatago ng mga armas at subersibong mga dokumento
- yung mag-asawang former peace consultants na napatay daw sa police operation na isinagawa nang madaling araw
- sa Iloilo City, yung sinasabing Tumandok Massacre raw na laban na naman sa mga indigenous people
- sa Negros Oriental, yung nire-red tag na babaeng doktor at ang kanyang asawa na biktima ng tumbahan
- yung maraming mga hinuhuli sa panahon ngayon dahil kesyo sa pagtatago ng mga armas
- yung sinasabing Search Warrant Queen
- yung opisyales na sakitin na noong may mga kaso siya, pero ngayon ay may panibago na namang hawak na katungkulan
- yung pagbibigay ng executive branch ng mga kondisyon para ma-certify na urget yung anti-money laundering law amendments bill
- sa Cebu, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang opisyales, na dinumog ng mga tao
- sa Batangas, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang Senator, na dinumog ng mga tao
- yung bad example na senador na nagsasabi na magmalasakit daw at mahalin ang mga pulis, kahit na may mga kriminal sa hanay ng mga ito
- yung update ng DOH tungkol sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Tarlac na hindi tumugma sa record ng Tarlac government, 211 kumpara sa 19 lang
- yung naguguluhan na ang mga expert kung kailan nga ba ang tamang panahon sa pagdadaan sa mga international travelers sa swab test
- yung mabilis at nasa Php 1,900 lang pala yung swab test sa UP-PGH pero hindi naman kayang ipatupad sa buong bansa
- yung plano nang payagan na makasama ang mga bata sa mga mall sa GCQ areas, basta't kasama ang kanilang mga magulang
- yung kagustuhan na hayaan na ang mga bata na maglalabas din ng bahay, para daw sa ekonomiya
- yung lokal na mamamayan na naka-travel palabas ng bayan, tapos saka napag-alaman sa Hong Kong na carrier na pala siya ng UK variant ng COVID-19
- yung problema sa usapin sa face shield, dahil biglaan na naman ang pagpapatupad nang hindi naman pinag-aaralan lahat ng klase ng sitwasyon
- yung masyadong paghihigpit sa mga local government unit at private companies sa pag-aangkat ng mga ito ng COVID-19 vaccines, at mas willing pa nga na mangutang na lang ng limpak-limpak na halaga na ikababaon ng bayan
- yung pagpabor sa Imperial vaccine kahit na mahal pala iyon at wala pang Phase III trial
- yung namimili sila ng mas mahal pero less effective na COVID-19 vaccine, tapos sasabihan ang mga mamamayan na huwag daw maselan pagdating sa pagpapabakuna
- yung nasa 50% pa lang daw ang efficacy nung Imperial vaccine kahit na mas mahal iyon
- yung paiba-ibang presyuhan ng confidential na Imperial vaccine, na mahal pa rin para sa bayan kumpara sa presyo nila para sa ibang mga bansa
- yung mga lihiman tungkol sa presyuhan ng mga bakuna
- yung may paparating na raw na supply ng Imperial vaccine sa bayan, samantalang ni wala pa nga silang nakukuhang permiso
- yung pagpapakawala RAW sa Pfizer vaccine deal
- yung opisyales na nagsasabi na kesyo kailangan daw muna na magkaroon ng community transmission ng UK COVID-19 variant mula sa kung saang bansa bago mag-issue ng travel ban para sa bansang iyon
- yung hindi convincing na mataas na rating sa DOH para sa pagtugon laban sa COVID-19
- yung maganda na raw ang response ng pamunuan laban sa COVID-19, samantalang nakapasok na rin nga sa bayan yung UK variant dahil sa kawalan ng total international travel ban gaya pa rin noong 2020
- yung okay lang daw na may mga vaccine na masira
- yung mga health workers na nasaktan ang damdamin dahil hindi sila ang totoong priority para sa COVID-19 vaccination
- yung mga PSG na nabakunahan na RAW ng Imperial vaccine
- yung umamin na smuggled pala yung mga Imperial vaccines na ginamit para sa Presidential Security Group (PSG)
- yung ayaw sabihin kung sino yung nag-donate at nag-smuggle nung mga Imperial vaccine papasok sa bayan
- yung may nauna na rin DAW sa cabinet sa COVID-19 vaccination
- yung mga surgical mask na medyo matagal nang nasa merkado, na ngangayon lang sinisita dahil hindi pa pala regulated
- sa Iloilo, yung pagsabog ng COVID-19 sa isang public market dahil sa isang carrier na government employee na may pag-aari na stall doon sa lugar, kung saan nasa 220 daw yung napeste
- sa Olongapo City, yung pulis na nag-organize raw ng pagtitipon kung saan nalabag ang mga health protocols
- yung mga pabayang barangay kung saan pinapabayaan lang ang mga nagpa-party at videoke sa panahon ng COVID-19
- sa Davao City Hall, yung 14 daw na empleyado na nahuling nagpa-party, nag-iinuman pa raw habang naka-duty
- sa Davao City ulit, yung 4 na kawani ng LGU na kabilang daw sa Rapid Action Team laban sa COVID-19 na nahuling nag-iinuman sa loob ng isang paaralan, sa kabila ng ipinatutupad na liquor ban doon
- sa Laoag, Ilocos Norte, yung holiday party ng local government unit na lumabag daw sa mga health protocols
- yung napasok na rin ng COVID-19 ang Philippine Military Academy (PMA)
- yung pagsabog ng COVID-19 sa iba't ibang mga kulungan
- yung muling napeste ng COVID-19 ang MRT system ngayong early 2021, sa depot daw
- yung napeste ng COVID-19 ang Kalibo International Airport
- yung Shangri-La sa Boracay, kung saan napeste ng COVID-19 yung mga staff
- yung may nakapasok sa bayan na COVID-19 carrier na mula sa UK sa panahon ng UK variant
- yung napasok na ng COVID-19 UK variant ang bayan dahil sa kawalan ng total international travel ban
- yung positive na rin ngayon yung ina at nobya nung original local COVID-19 UK variant carrier, samantalang dati eh negative pa RAW yung nobya
- yung hinahanap pa ulit yung mga possible contact nung kauna-unahan daw na COVID-19 UK variant carrier
- yung close contact ng COVID-19 UK variant local carrier na hindi pa rin mahagilap hanggang sa ngayon
- yung 7 pasahero na nakasabay daw nung unang COVID-19 UK variant carrier, na positive na ngayon sa COVID-19
- sa Bontoc, Mountain Province, yung ilang barangay na napeste na ng COVID-19 UK variant
- sa Bontoc, yung umaabot na sa 80 plus ang mga close contact na mga COVID-19 virus carriers na rin
- sa Calamba, Laguna, yung tinamaan ng COVID-19 UK variant, kaso ay wala namang known na possible close contact at wala ring travel history sa ibang bansa
- yung paghahabol sa voters' registration eh alam namang may delubyo pa sa paligid, sa bayan, at sa buong mundo
- yung gusto rin ng sobrang tinong PhilHealth na ituloy yung pagtataas sa rate of contribution for 2021, sa kabila ng problema sa COVID-19
- yung wala palang silbi yung salita lamang upang mapahinto kaagad ang pagtataas ng kontribusyon sa PhilHealth, dahilan kung bakit patuloy ang paniningil nila ng mas mataas na kontribusyon
- yung mabagal na aksyon laban sa pagpapataas ng kontribusyon sa SSS at PhilHealth, kaya tuloy natuloy yung pagkaltas ng increased rate sa ibang mga members
- yung kagustuhan ng SSS na ituloy pa rin yung pagtataas ng kontribusyon ng mga members sa 2021, sa kabila ng problema sa COVID-19
- yung Workers' Investment and Savings Program (WISP) ng SSS, kung saan obligado raw na maghulog ang mga members na may higit sa Php 20,000 na monthly income, bukod pa sa tuloy nga yung increase sa basic na contribution sa 2021
- sa website ng SSS, yung mali ang lumalabas na final total para sa babayarang contribution kahit na tama naman yung initial na computation
- yung plano ng Bangko Sentral na gumamit ng bago at pangit na logo na malamang magdulot na naman ng pagpapalit ng disenyo ng mga kasalukuyang pera
- yung bilyon-bilyung nakatengga na pondo sa Philippine International Trading Corporation (PITC)
- yung may 1% pala na komisyon ang PITC para sa mga pamimili na idinadaan sa kanila
- yung pati construction ng mga fire station ng Bureau of Fire Protection (BFP) eh idinaan din sa PITC
- sa SLEX, yung kalituhan na idinulot tungkol sa kung may limit nga ba o wala ang sistema ngayon sa pagpapakabit ng RFID
- sa NLEX, yung cashless na dapat ang sistema ayon sa kanila pero napilitang tumanggap pa rin ng cash
- yung hindi raw pulido na RFID sensors sa NLEX
- yung mga kuwestiyonableng kaltasan sa RFID load, para sa NLEX lang yata 'to
- yung hindi raw tamang pagganap ng Toll Regulatory Board (TRB) sa kanilang tungkulin, dahilan kung bakit may mga palpak na sistema hanggang sa ngayon
- sa Muntinlupa City, yung bumagsak na steel girder mula sa ginagawang Skyway Project, kung saan 1 ang namatay at 4 naman ang sugatan
- yung bumibigat din pala ang traffic sa EDSA Busway, dahil sa mga pasaway at sa kawalan ng mga nagre-regulate
- yung pag-iinitan na naman ang mga truck dahil sa problema sa traffic, samantalang sila nga ang nagde-deliver ng mga goods
- sa Quezon Avenue, sa Quezon City, yung maling signboard sa EDSA Busway Station na nagdulot ng kalituhan sa mga tao
- yung privatization daw ng mga motor vehicle inspection centers, pero ang problema ay hindi raw naman reliable yung mga machine
- yung FAKE news tungkol sa isang soft drink company, tungkol sa tanggalan ng mga empleyado
- yung logging at quarrying ang itinuturong dahilan sa naging matinding pagbaha sa Cagayan
- yung may reclamation pala na ginagawa sa isang bahagi ng Marikina River
- yung suliranin sa supply ng karne ng baboy, dahil yung ASF (African Swine Fever) eh nakapasok na rin nang husto sa loob ng bayan dahil sa palpak na pagbabantay laban dun
- yung problema sa supply ng manok sa panahon ng COVID-19, for 2021
- yung nagsasabi na nakamit na raw yung hustisya sa nangyaring massacre samantalang imposible naman na iilang tao lang ang may kagagawan sa ganung kalaking krimen
- yung pagtatanggol ng mga opisyal sa mga investor ng tollway sa kabila ng mga obvious na pagkukulang
- yung kapag nasisita eh hindi member, pero kapag tungkol sa utang o limos ang usapan eh automatic na member
- yung mga opisyales na kinunsinti muna yung bagong Imperial law, tapos saka kinontra
- yung opisyales na hindi pa man tapos yung project pero nauuna na kaagad yung pagyayabang at panunumbat
- yung opisyales na kumanta sa isang restaurant sa panahon ng COVID-19, pero palalagpasin na lang siya ng DILG
- yung hindi patas na pagpapatupad ng DILG ng mga patakaran laban sa mga lumalabag sa mga health protocol
- yung pagpapalagpas ng DOJ sa kaso nung isang Senador na handang ipahamak noon ang isang ospital dahil sa kanyang pagiging COVID-19 carrier
- yung pagbasura sa petisyon na ipawalang bisa ang pagpasok ng isang Party-list na nawalan noon ng qualified na kinatawan
- yung opisyales na iba ang trabaho, pero nakikialam sa protesta ng ibang tao
- yung panibagong impeachment complaint, laban pa rin sa tao na hindi ang hanay nila ang nag-assign sa katungkulan
- yung overgeneralization na automatic DAW na supporters ng mga rebelde ang mga kamag-anak nila
- yung planong patalsikin sa katungkulan ang mga kritiko na Representative na automatic na pinagbibintangang supporters ng mga rebelde
- yung FAKE list ng mga alumni na kesyo nadakip o napatay daw bilang bahagi ng rebelyon
- yung pagba-brand sa iba't ibang universities, hindi na lang basta mga pampubliko, bilang source ng mga rebelde
- sa AFP, yung sinibak na Deputy Chief-of-Staff for Intelligence dahil sa paglalabas ng maling listahan
- yung bintang ng isang opisyales na kesyo FAKE news daw yung balita tungkol sa ilang Aeta na naka-base naman sa isang totoong petisyon
- yung Representative na umayaw na dati, pero muling kinuha yung katungkulan, na nakikialam na ngayon sa usapin tungkol sa mga grant
- yung supply ng shabu na nakumpiska sa loob mismo ng headquarters ng Philippine Army
- yung opisyales na nag-uutos na bawal daw ang mga party, pero sila mismo eh masamang ehemplo
- yung opisyales na binabalewala yung mga pagdinig
- yung nasira kaagad yung bangkay nung namatay na babaeng flight attendant bago pa man na-autopsy, kasi inembalsamo kaagad kesyo protocol daw dahil sa COVID-19
- yung tanong sa NBI, na paano daw sila nakakuha ng urine sample mula sa naembalsamo nang bangkay nung babaeng flight attendant na namatay noong New Year
- sa Davao City, yung pulis na nahuling gumamit ng peke na swab test result
- yung kailangan pa RAW ng anger management ng mga pulis
- yung surprise inspection para sa Malate Police, na naging dahilan kung bakit sila inalisan ng Christmas at New Year break, at sinibak din ang kanilang hepe, kasi sobrang kulang yung bilang ng mga dinatnan na naka-duty kumpara sa dapat na bilang
- yung babaeng pulis na nagpaputok ng baril nito raw bagong taon, na nag-ugat daw sa selos
- yung sinibak na hepe ng mga pulis sa Bato, Catanduanes, na pabor sa pagpatay sa mga inosenteng tao kapag naubusan na ng pasensya ang mga pulis
- yung may dati na palang mga kaso yung pulis na innocent-killer sa Tarlac, 6 na nasa record na may kasamang Homicide
- yung biglang isiningit na panukala, yung planong payagan ang COMELEC na i-waive ang testing ng automated poll equipment
- yung may mga Imperial employees ng mga offshore companies ang naturukan na RAW ng COVID-19 vaccine
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung wala na ring UAAP Season 83 dahil sa hinayupak na pa-COVID-19 na yan ng mga Imperyalista
- yung mga mamamayan na masyadong pinahahalagahan ang mga handa at materyal na bagay para sa holiday season
- yung mga pabayang magulang na nagpakalat ng mga anak nila sa araw ng pamamalimos, na mga hindi naman nagsusuot ng face mask at face shield
- yung mga mamamayan na naniniwala na ligtas na hindi sila mag-mask sa loob ng mga sarili nilang sasakyan, samantalang hindi naman sila nakasisigurado na ligtas ang mga pinupuntahan nilang lugar
- yung hotel kung saan may namatay o napatay na flight attendant matapos na mag-party doon noong New Year, na napag-alamang lumabag pala sa COVID-19 protocol para sa mga hotel na nagsisilbing quarantine facility
- yung pagsabog daw ng COVID-19 sa mga lock-in movie shoots
- yung mga celebrities na binabalewala na ang mga health protocol basta't nakadaan sila sa RT-PCR test
- yung binalewala na ng mga tao ang safety protocols sa isang murang pamilihan dahil lang sa pamimili nila para sa nalalapit na holiday season
- yung mga deboto ng isang religious na rebulto, na hindi nagpaawat dahil sa okasyon kahit na may banta pa ng COVID-19, kaya naman nalabag na ang mga health protocol
- sa Parañaque City, yung religious group na nagdaos ng event sa panahon ng COVID-19 kung saan marami ang dumalo at nalabag na raw ang mga health protocols
- sa Zamboanga City, yung nagbukas na mall sa panahon ng COVID-19 na dinagsa ng sangkatutak na mga pasaway na tao
- sa Zambales, yung mga BPO workers na nag-positive sa COVID-19 matapos na mag-party sa 2 super-spreader na event
- sa Bacolod City, yung isang BPO company na nasabugan ng COVID-19, nasa 40 plus ang mga na-infect
- yung Halloween party sa Boracay sa panahon ng COVID-19, kung saan nilabag nang husto ang mga health protocol
- sa San Juan, Batangas, yung nakunan ng video na medyo malaking beach party sa panahon ng COVID-19, kung saan binalewala na ang mga health protocol
- sa Manila North Cemetery, yung pasaway na party kung saan may inuman at videoke, at balewala na ang health protocol
- sa Quezon City, yung pagsabog ng COVID-19 sa isang compound dahil sa pagdadaos ng birthday party, kung saan isang government employee daw na may symptoms ng COVID-19 yung dumalo doon sa party
- sa Negros Occidental, yung 5 taga-Negros na hindi ipinaalam na nanggaling sila sa United Kingdom nang umuwi sila sa kanilang bayan
- yung mga OFW na nagrereklamo dahil sa panibagong paghihigpit sa pagta-travel dulot ng UK COVID-19 variant, kahit na wala pa naman talagang nagagawang totoong lunas simula pa noong December 2019
- sa Davao City, yung mga nahuling online sabongero na naisipan pa rin talagang magkumpulan sa panonood, sa panahon ng COVID-19
- sa Manila, yung rambulan ng nasa 100 daw na kabataan na nakunan ng CCTV camera
- sa Davao City, yung pasahero na nahuli dahil sa paggamit ng pekeng swab test result, tapos napag-alaman na positive pala siya sa COVID-19
- sa Ilocos Norte yata 'yon, yung mga nahuli na nameke ng antigen test result
- yung mga nahuli na turista na ginustong makapasok sa Boracay gamit ang mga pekeng COVID-19 test results
- yung mga turista na pilit pumapasok sa isla ng Boracay gamit ang mga pekeng COVID-19 test results
- sa Boracay, yung 3 turista na gumamit ng mga pekeng COVID-19 test result, na lumabas na positive na pala dun sa infection
- yung mga medical professionals at mga ospital na nakipagsabwatan sa kalokohan ng PhilHealth
- sa Cavite, yung mga gamit na face mask na ginawang palaman sa ibinibentang unan
- sa Sampaloc, Manila, yung mga kriminal na nambabangga ng biktima gamit ang tricycle bago ito pagnakawan
- yung pulis na innocent-killer sa Tarlac, na ang kapal ng mukha na maghain ng not guilty plea kahit na huling-huli sa video yung kasamaan niya
- yung mga online users na nagsasabi na tama lang yung ginawang pagpatay nung pulis na innocent-killer sa Tarlac kahit na wala namang armas yung mga naging biktima
- yung mga pasaway na nagbibisikleta sa EDSA na humahawi sa daan para makapag-shortcut, ganun din yung ang gamit ay iba pang klase ng mga sasakyan
- sa UST, yung bawal na sa kanila ang readmission ng mga estudyante na magiging bahagi ng mga aktibista
- yung mga pro- sa shutdown nung TV network na naglaro sa bahay ng mga celebrities
- yung latest na survey tungkol sa 2022, kung saan mataas ang popularity ng mga magnanakaw
- sa Pampanga, yung mga kaawa-awang migratory birds na pinagbabaril ng mga tao
- yung bagong pangmatagalan daw na variant ng ASF naman, na hindi lang pang-buhay na baboy, pero kaya rin daw tumagal sa frozen meat kahit hanggang 300 days
- sa Parañaque City, yung nasabat na misdeclared na frozen galunggong mula sa Imperyo
- sa Pasay, yung mga nasabat na smuggled Imperial medicines
- sa Bamban, Tarlac yata iyon, yung mahigit sa 300 foreigners na nahuli na ilegal na nagtatrabaho dito sa bayan, kung saan karamihan eh mga Imperial citizens
- sa Imus, Cavite, yung 2 Imperial citizen na nahuli dahil sa pag-kidnap at pagto-torture sa 1 Taiwanese kapalit ng ransom
- sa Parañaque City, yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pangho-holdap sa kapwa nila Imperial citizen
- sa Laguna, yung 7 Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan na hinuli dahil sa pagdukot at pagpatay sa ilang POGO workers
- yung kagustuhan ng National Grid Corporation of the Philippines na ma-exempt ang mga ka-deal nila sa travel ban na dulot ng UK COVID-19 variant
- yung pagpapabaya ng WHO laban sa bagong strain ng COVID-19 virus na mula sa UK
- yung ang COVID-19 South African variant daw ang isa pang mas nakahahawa na klase
- yung posibilidad na ma-infect ng magkaibang variant ng bioweapon
- yung kaso ng Zombie Minks sa Denmark
- yung barko ng Imperyo, na ginamit sa dredging sa Zambales noong 2019 pa raw pero ilegal na pumasok sa Manila Bay
- sa Indonesia, yung mga underwater drones na nakuha, na posible daw na mga drone ng Imperyo
- yung batas ng Imperyo, na kesyo pwede na silang manira ng sasakyan o structures ng ibang mga nasyon sa dagat
- sa Ilocos Norte, yung Imperial citizen at ang driver niya na nag-present ng pekeng antigen test result
- yung may ilegal na RAW na pagbabakuna sa loob ng bayan gamit ang Imperial vaccine
- yung may nag-positive RAW sa COVID-19 sa hanay ng mga Imperial citizens sa bayan na naturukan na ng kung anong vaccine
- sa Brazil, yung Imperial vaccine na nasa 50% plus lang ang efficacy rate
- yung banta ng mga FAKE COVID-19 vaccines na galing sa ibang bansa
- yung sinusubukan na ng Imperyo na baguhin ang history ng Imperial virus, inililipat na nila ang origin sa ibang bansa
- yung imbestigasyon sa place of origin ng bioweapon na mahigit 1 taon nang huli
-----o0o-----
sa Iloilo..
yung pagsabog ng COVID-19 sa isang public market dahil sa isang carrier na government employee na may pag-aari na stall doon sa lugar..
nasa 220 daw yung napeste...
is feeling , ito yung mga bagay na ayoko nang hintayin na mangyari pa dahil sa mga bagong variant...
---o0o---
January 31, 2021...
yung ginagamit yung isang expressway ngayon bilang pampasaya sa mga biyahero...
is feeling , nagkalimutan na yata...
>
yung paghahabol sa voters' registration eh alam namang may delubyo pa sa paligid, sa bayan, at sa buong mundo...
is ⚠ feeling , pwede namang yung mga dati na lang ulit.. tapos yung mga responsable na lang yung magparehistro sa ngayon...
>
yung barko ng Imperyo..
na ginamit sa dredging sa Zambales noong 2019 pa raw..
pero ilegal na pumasok sa Manila Bay...
is ⚠ feeling , mga likas na bastos...
---o0o---
February 2, 2021...
wala akong masyadong pakialam sa usapin sa child car seat..
kung madi-discourage nun ang mga tao sa paggamit ng mas maraming mga fossil fuel-based na mga sasakyan, edi mas mainam para sa kalikasan...
nakakatawa lang yung patakaran..
sa halip kasi na mga baby at ibang maliliit pa na mga bata ang saklaw, eh abot hanggang 12 years old..
sa ganung edad noon eh nagbabiyahe na ako nang mag-isa sa jeep eh..
hindi ba pwedeng yung mga magulang na lang ang pakiusapan na i-handle nang husto ang mga anak nila..?
kasi wala namang safety gear na uubra kung talagang mga pasaway na tagapagdala ng delubyo yung mga makakasabay ninyo sa kalye eh...
is feeling , disiplina ang mas kailangan.. hindi mga karerista, lasinggero, at durogista...
>
yung privatization daw ng mga motor vehicle inspection centers..
mahal daw yung franchise eh..
pero ang problema ay hindi raw naman reliable yung mga machine...
is feeling , bakit nga kaya...??
>
yung pagbibintang laban sa isang kalipunan sa West..
na kesyo iniipit daw yung mga vaccine...
anak ng manlilimos talaga..
demanding..?
kung naisin man nila na mauna silang makaligtas laban sa bioweapon, wala nang pakialam dapat dun yung mga bansa na walang kakayahan na gumawa ng vaccine..
eh sa walang kakayahan ang mga mamamayan eh... 🙁
kundangang mga tanga kayong mga put*ng ina kayo..
pag-iingat na nga lang yung kayang gawin para sa bayan, pero binabalewala pa hanggang sa ngayon..
isa-sacrifice lang yung ekonomiya ng international travel..
hindi naman papatayin ang pagpasok ng mga cargo lang..
pero VIP ang trato sa mga international travelers...
is feeling , nagtuturo ang mga pahamak...
>
sa Bacolod City..
yung isang BPO company na nasabugan ng COVID-19..
nasa 40 plus ang mga na-infect...
kesyo may naghihintay pa raw ng kanyang test result pero pumasok na kaagad doon sa trabaho...
is ⚠ feeling , mga mamamayan talaga.. marami ang mga likas na pahamak...
>
sa Bontoc..
yung umaabot na sa 80 plus ang mga close contact na mga COVID-19 virus carriers na rin...
mukhang kumalat talaga 'yon noong December pa lang..
noong napabayaan yung mga unang kaso...
sa simula pa lang eh mali na yung sistema sa COVID-19 screening... 🙁
is ⚠ feeling , pahamak + palpak = wasak na ekonomiya...
---o0o---
February 3, 2021...
[Natural Calamities]
sa ibaba pa rin..
nasa Magnitude 5.2 na lindol..
sa may area ng Davao Occidental...
is feeling , pang-February na...
>
yung FAKE news tungkol sa isang soft drink company..
tungkol sa tanggalan ng mga empleyado...
is feeling , bakit nga ba mali-mali madalas yung mga inilalabas nilang mga impormasyon..? eh millions hanggang billions yung ginagamit nilang pondo sa pagtatrabaho...
>
yung tungkol sa pagma-mask ng mga magkakasama sa bahay sa loob ng iisang sasakyan..
actually, may punto naman yung patakaran eh, para sa safety ng mga tao...
i mean, gaano ba kadaming tao ang sumasakay sa mga sarili nilang sasakyan para lang mag-drive at manatili sa loob nung sasakyan..?
hindi ba't ang usual na purpose naman ay dahil may pupuntahan sila...??
so gaano ba kasigurado ang mga tao na wala silang nakukuhang bioweapon sa mga lugar na pinupuntahan nila..?
100% sure ba sila na wala silang nahihinga na hangin na galing sa mga carrier..?
again, paulit-ulit ang pagkakamali ng mga tao sa automatic na pagturing na negative sa kanilang mga kakilala... 🙁
dapat may patakaran na kapag nagpabaya nang husto ang isang tao kung kaya siya napeste ng COVID-19, eh wala na dapat siyang asahan na limos galing sa pamunuan...
is 💀 feeling , sa bagay.. lahat naman ng kamatayan ng mga tao ay tulong na rin nga sa kalikasan.. mundo muna, bago ang sangkatauhan...
>
sa Davao City..
yung mga nahuling online sabongero..
na naisipan pa rin talagang magkumpulan sa panonood, sa panahon ng COVID-19...
is feeling , naalala ko na naman tuloy yung pagpapakalat nila ng mga CSR accounts...
>
sa Calbayog City, sa Samar..
yung Barangay Chairman na nahuli dahil sa pagkakaroon niya ng mga hindi lisensyadong baril...
is feeling , among them...
>
yung posibilidad na ma-infect ng magkaibang variant ng bioweapon... 🙁
is ⚠ feeling , mas pinapasaya pa lalo ng mga Imperyalista ang laro na 'to...
>
yung okay lang daw na may mga vaccine na masira... 🙁
ayos..
eh yun nga namang ibang klase ng mga gamot eh hinahayaan lang nilang ma-expire sa storage sa halip na ipagamit eh..
ano nga ba naman yung magsayang din ng mga vaccine...??
is feeling , alam na.. galawang pampadagdag sa kita at pampabaon din sa utang...
>
sa Davao City Jail..
yung nasa Php 2 Million daw na halaga ng shabu na nadiskubre sa mga walis na donasyon daw ng kung anong religious group...
may ganung modus na rin daw late last year..
kung saan sa mga pakete ng noodles itinago yung ilegal na droga..
at religious group din daw ang nag-donate...
is feeling , grabeng religious group yun.. suportado pati mga ilegal na gawain...
>
sa Boracay..
yung 3 turista (na parang mga terorista na rin) na gumamit ng mga pekeng COVID-19 test result..
na lumabas na positive na pala dun sa infection...
is ⚠ feeling , mga mandaraya na.. mga pahamak pa...
---o0o---
February 4, 2021...
yung banta ng mga FAKE COVID-19 vaccines na galing sa ibang bansa...
is ⚠ feeling , made in...
>
yung 2 Aeta na no read, no write daw..
na dinakip dahil daw sa pagtatago ng mga armas at subersibong mga dokumento...
is feeling , ano na naman kaya ang katotohanan...??
---o0o---
February 5, 2021...
[Natural Calamities]
sa may itaas..
nasa Magnitude 5.1 na lindol..
sa may area ng Zambales...
is feeling , may pwedeng target dun...
>
[Natural Calamities]
sa may tuktok..
nasa Magnitude 5.6 na lindol..
sa may area ng Batanes...
is feeling , huwag naman sa lugar nila, please...
>
[Natural Calamities]
sa bandang gitna..
nasa Magnitude 5.1 na lindol..
sa area ng Camarines Norte...
at bukod pa dito yung ilang nasa Magnitude 4 plus... 🙁
is feeling , triple kill...
>
yung bintang ng isang armadong empleyado..
na kesyo FAKE news daw yung balita tungkol sa ilang Aeta na naka-base naman sa isang totoong petisyon...
is feeling , kailan siya sisibakin...??
>
sa lugar namin...
t*ng ina..
sunud-sunod yung mga inuman-videoke party since last December..
eh parang ultimo yung mga bisita lang eh doon na sa paupahang bahay na 'yon nagse-celebrate eh... 🙁
mga pasaway na dahil sa COVID-19..
mga pasaway pa, dahil lagpas 10:00 PM kung mag-videoke..
mga basura ng lipunan...
kaso yung mga taga-Barangay Hall eh wala namang aksyon... 🙁
is feeling , huwag lang silang magkakalat ng bioweapon sa lugar na 'to...
>
yung wala pa namang subway..
pero nauuna na kaagad yung pagyayabang...
kung pera niya yung gagastusin, baka pa humanga ako...
is feeling , the Dictator's way...
No comments:
Post a Comment