Loveless Story
January 30, 2021...
so may threat na ng retirement..
mukhang hindi na kakayanin pa ng ate niya..
kagaya nung kakilala nila na sumubok din..
wasak na wasak ang ekonomiya.. 🙁
at sunud-sunod din ang pagsablay ng mga diskarte nila...
kasi naman..
hindi rin talaga akma yung lifestyle nila sa kasalukuyang sitwasyon...
na-disappoint siguro siya na wala na sa plano si ate..
pero hindi ko rin talaga kakayanin kung tagaan eh..
tsaka madaming nagbago sa plano...
ang worry ko eh baka madamay siya sa desisyon ng ate niya..
parati pa namang magkasama yung 2 'yon...
is ⚠ feeling , kung tutulungan tayo ng Lottery, baka pa magawa kong ituloy yung chaperon plan...
>
hindi 'to maganda..
nagkusa siyang kausapin ako kanina..
at technically, inappropriate 'yon...
ewan ko..
ginawa ba niya 'yon para sa ate niya..?
o para na rin sa kanyang sarili..?
ipinapakita lang nito kung gaano talaga kalala ang sitwasyon... 🙁
gusto ko pa sanang magpahaba ulit ng buhok eh..
pero mukhang kailangan kong ituloy yung plano sa March..
sana naman hindi na malamig sa buwan na iyon..
at sana hindi rin bagyuhin...
takot ako..
takot ako na baka pumalya yung swab test, dahil sa pinapasok na UK variant..
takot ako na baka hindi maging sobrang accurate nung test result kung maghihintay pa kami ng ilang araw bago mag-date..
takot ako na baka may mga sumablay na items sa panahon kung kailan marami ang additional na gastos para sa maraming mga bagay...
pero takot din ako na baka bumalik ang lahat sa mga lockdown dahil sa sobrang kabobohan ng mga pahamak na decision-makers, na willing magpapasok ng mas contagious na mga variant basta't ma-enjoy lang ng ibang mamamayan ang international travel... 🙁
kailangan ko nang magdesisyon by February 4...
is 💘 feeling , iba-iba pa sana kung bioweapon lang ang kalaban eh.. pero sobrang hirap na may mga tanga na handang ibugaw ang bayan sa bioweapon at sa Imperyo...
---o0o---
January 31, 2021...
gusto ko siyang makita..
gusto niya akong makita..
parehas naming gustong makita ang isa't isa..
pero dahil sa magkaibang dahilan...
habol na niya talaga yung March...
is 💘 feeling , wala na akong pakialam sa dahilan niya.. tutuparin ko yung Dream Date kapag nakalusot ako sa swab test...
---o0o---
February 1, 2021...
ganun-ganun na lang..
ang bilis lang na natapos ng January...
natapos na yung buwan..
pero wasak-wasak pa rin ang mga bagay-bagay...
kinamumuhian ko na nag-exist ako sa panahon ng Imperyalismo...
is 💔 feeling , bakit sa ganitong panahon pa kita nakilala...??
>
[Strange Dream]
napanaginipan ko ang isang babae na naging malapit sa akin noon...
sa campus ko noong high school ang setting..
hindi ko na maalala kung paano kami napunta sa ganung sitwasyon..
mag-uusap daw kami..
so nagtagpo kami sa likod, sa area nung comfort rooms..
nandun daw kami sa bandang dulo, doon sa area nung hinawan na open space...
hindi ko naintindihan yung mga words..
pero nandun yung pakiramdam na mahal pa daw niya ako, kaso wala na akong magagawa para ibalik pa sa dati ang lahat..
may upuan daw doon sa mismong area dapat nung gripo..
at naupo siya doon..
hanggang sa nagsimula na siyang maiyak..
wala daw akong magawa..
lumapit lang ako sa kanya para yakapin siya nang mahigpit..
yung magkaharap na yakap..
habang sinasabi ko sa kanya na sorry... 🙁
is feeling , hindi na ako babalik pa...
>
gusto kong umasa na kung matutuloy man nga ang date na 'to..
na sana totoong mababa ang bioweapon cases doon sa bukid na pupuntahan namin...
is feeling , katawan ko.. gumaling ka naman para sa kanya...
>
ang bulok naman nung mga downloader..
hindi kayang manguha nang hindi nakapasok yung account... 🙁
sayang..
ang ganda pa naman nung sample..
ayaw pa kasing gawing public...
is feeling , paano ko kaya makukuha 'yon...??
---o0o---
February 2, 2021...
ang sakit sa ulo..
hati-hati na yung isipan ko...
- yung isang part, gusto sanang mag-focus lang sa trabaho dahil kailangan niya ng pera, pera, pera
- yung isa, hindi mapakali sa kaiisip sa medical condition dahil sa nag-recur na defect
- yung isa, busy sa pag-iisip kung anu-ano ang mga gagawin sa date
- yung isa, abala sa pag-aaral kung paanong ise-set up yung mga kakailanganin para dun sa date
- yung isa, naka-focus naman sa pag-aaral kung paanong mapatataas yung safety sa pagsasagawa nung swab test
- habang yung isa pa, eh busy sa pagdiskarte kung paano poprotektahan ang sarili sa loob ng mismong pamamahay laban sa mga outgoing na mga pasaway na hindi sumusunod sa mga health protocol
is feeling , hindi ako magmamadali nang ganito kung hindi ko nakita yung mga dugo na iyon...
---o0o---
February 3, 2021...
sobrang paranoid sa pag-iwas sa bioweapon..
nagsimula lang naman 'to noong time na malapit ko na siyang ma-meet..
dahil sa kagustuhan ko na mapangalagaan siya...
at gusto ko na nga ulit siyang makita...
lahat tuloy ng mga hinahawakan..
inuubuhan..
nahihingahan nung kasama kong outgoing na matandang lalaki dito sa bahay eh tingin ko ay marumi...
is ⚠ feeling , ang gastos ko sa alcohol...
>
bukas na ang nakatakdang araw..
pwede na akong mag-decide..
kung kaya ko bang ituloy yung Dream Date sa March..
o hindi ba kakayanin ng katawan ko...
is feeling , wasak na ekonomiya.. wasak na bayan.. wasak na mundo.. ayoko nang sumugal pa sa ibang pagkakataon...
---o0o---
February 4, 2021...
[Medical Condition]
12th try..
at may foreign mass pa rin... 🙁
day 60 na..
almost 2 months..
pero hindi ko pa rin nga nararamdaman yung pain symptom na naramdaman ko noong 2014...
pero ano ba..?
nagki-clear na ba siya..?
o nananatili lang...??
meron ba talagang divine entity na nakakarinig pa sa akin..?
kailangan kong maging normal na mortal..
kahit na konting panahon pa..
2025..
wala bang pipigil sa maya't mayang pagpapaalala sa akin ng FATE na kailangan kong patayin ang sarili ko..?
hindi naman sa kailangan kong maging normal sa mga natitira kong panahon sa mundo..
pero hindi ko pwedeng madisgrasya yung babaeng mahalaga para sa akin... 🙁
is 💘 feeling , ano ng magiging desisyon ko ngayon...??
>
gusto ko sanang ituloy yung plano..
ayoko nang sumugal sa mundo na 'to..
dahil mukha namang sa papasira na lang talaga ang lahat...
ayoko ring isugal siya kay Arjo..
isang maling bakasyon lang at baka masira pa lahat ng pangarap kong mangyari...
is feeling , may more than 1 month pa ako para maka-recover.. sana...
>
general cleaning ako sa 7..
so meron lang akong 11 days para maglalabas ng bahay..
start ng 14-day quarantine by 19..
tapos after that yung swab test...
hindi ko pa nakakausap yung flower shop..
hindi ko pa rin nakakausap yung testing center...
pero bago yun..
kailangan ko munang makumpleto at mai-present sa kanya yung buong proposal...
is feeling , Lottery, may palugit ka pa rin para tulungan akong mas mapadali 'to...
---o0o---
February 5, 2021...
[Strange Dream 18+]
short dream..
may mga bagong release daw na photos..
and i was suprised to see na meron din siya..
nagpaka-sobrang daring na naman...
parang naka-black and white lang yung photo..
naka-light-colored robe daw siya..
tapos ayun, nakabukas din naman...
is feeling , sana nga.. meron sa totoong buhay...
-----o0o-----
February 3, 2021...
[Gadget-Related]
ngayon ko na lang naalala..
ngayong gabi na lang ulit kasi nabanatan ng power interruption yung UPS ko...
nasa 26 power interruptions yung sinalo niya last year..
as compared sa nasa 21 na sinalo nung nauna kong UPS for the entire year of 2019...
is feeling , tapos nasa 83 lang ang kaya...??
No comments:
Post a Comment